DZTC Radyo Pilipino Tarlac

DZTC Radyo Pilipino Tarlac This is the Official Page of DZTC Radyo Pilipino Tarlac. We believe that we are an inspiration of pos

TINGNAN: Binigyang diin sa AD HOC Committee hearing ng Sangguniang Bayan ng Paniqui, Tarlac ang mga samu’t-saring proble...
06/07/2024

TINGNAN: Binigyang diin sa AD HOC Committee hearing ng Sangguniang Bayan ng Paniqui, Tarlac ang mga samu’t-saring problema patungkol sa mga kuryente at wirings ng mga poste ng lugar.

Dagdag pa rito, inilapag din ang usaping ukol sa madalas na pagkawala ng kuryente sa munisipalidad.

Samantala, naimbitahan sa nasabing hearing ang Tarelco Uno, PLDT, at Converge upang marinig at mabigyan kasagutan ang mga hinanaing ng mga residence ng bayan. |✏Anna Tolentino - DZTC Intern.

📸VM Bien Roxas, Facebook

TINGNAN: Isang gutom na katutubo mula sa Capas ang hindi umano pinapasok ng isang security guard ng mall dahil umano’y h...
06/07/2024

TINGNAN: Isang gutom na katutubo mula sa Capas ang hindi umano pinapasok ng isang security guard ng mall dahil umano’y hubad ito.

Suot ni Tubag Jugatan ang kaniyang bahag noong nagtungo ito sa mall.

Sa mensaheng inilabas nito online, aniya sana ay ma-orient ang mga security guard ukol sa kasuotan ng mga katutubo sa Pinas. |✏Khristine Velasco - DZTC Intern.

📸Tubag Jugatan - DZTC Intern.

Mayor Aquino, may bagong batch ng iskolar sa UP Extension CampusTINGNAN: Nagpadala na ng bagong batch ng iskolar si Monc...
06/07/2024

Mayor Aquino, may bagong batch ng iskolar sa UP Extension Campus

TINGNAN: Nagpadala na ng bagong batch ng iskolar si Moncada, Tarlac Mayor Estelita Aquino sa UP Manila School of Health Sciences Tarlac Extension Campus.

Ang mga iskolar ay mag eenroll sa mga kursong may kinalaman sa healthcare.

Ayon kay Mayor Aquino, nais niyang matugunan ang kakulangan sa bilang ng mga health workers hindi lang sa bayan ng Tarlac kundi pati na rin sa buong Pilipinas. |✏Jessica Santos - DZTC Intern.

📸MIO, Facebook

LIBRENG BAKUNA para iwas RABIES!Ang Angel Care Animal Bite Treatment Center ay bahagi ng 22-in-1 Angel Care Program na i...
06/07/2024

LIBRENG BAKUNA para iwas RABIES!

Ang Angel Care Animal Bite Treatment Center ay bahagi ng 22-in-1 Angel Care Program na inilunsad ng City Government of Tarlac sa inisyatibo ni Mayor Cristy Angeles, ay nagbigay ng mga natatanging serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa Tarlac City.

Ang TARLAC CITY ANIMAL BITE TREATMENT CENTER ay matatagpuan sa Aquino Boulevard, malapit sa Common Terminal, sa SUPER HEALTH CENTER. |✏Judy Duran - DZTC Intern.

📸TCIO, Facebook

Local Special Recruitment Activity, isinagawa ng City Government of Tarlac TINGNAN: Nasagawa ng local special recruitmen...
06/07/2024

Local Special Recruitment Activity, isinagawa ng City Government of Tarlac

TINGNAN: Nasagawa ng local special recruitment activity kamakailan ang City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles na ginanap sa Public Employment Service Office ng Tarlac City.

Dumalo sa nasabing recruitment activity ang labing-tatlong rehistradong aplikante na kung saan ang mga walo dito ay itinuturing na kwalipikado, habang ang lima sakanila ay nakatakdang sumailalim sa susunod na sesyon ng interbyu. |✏Mj Sembrano - DZTC Intern.

📸TCIO, Facebook

LIBRENG BIGAS, IPINAMAHAGI SA MGA BARANGAY NUTRITIONIST SCHOLAR NG PANIQUI 🌾TINGNAN: Nagpamigay ng libreng limang kilo n...
06/07/2024

LIBRENG BIGAS, IPINAMAHAGI SA MGA BARANGAY NUTRITIONIST SCHOLAR NG PANIQUI 🌾

TINGNAN: Nagpamigay ng libreng limang kilo ng bigas si Mayor Max Roxas at Mayor Bien Roxas ng Paniqui Tarlac sa kanilang kababayan kamakailan.

Pangunahing nakatanggap ang mga Barangay Nutritionist Scholar ng bayan kasabay ng kanilang Financial Assistance.

Kasabay rin nito, ipinangako ng Alkade kasama ng vice mayor ang pagtaas ng allowance upang lalo pang matugunan ang kanilang pangangailangan. |✏ulat ni Aya Metiam - DZTC Intern.



📸VM Bien Roxas, Facebook

Tulong at malasakit para sa mga pamilyang I.PTINGNAN: Pinamunuan ni OIC Chief Rebecca B. Ballesteros mula sa Social Tech...
06/07/2024

Tulong at malasakit para sa mga pamilyang I.P

TINGNAN: Pinamunuan ni OIC Chief Rebecca B. Ballesteros mula sa Social Technology Bureau kasama ang ibang kawani ng DSWD Regional Office III ang profiling ng mga katutubo o I.P sa Sitio Manibukyot, Brgy. Bueno, Capas, Tarlac.

Layunin ng talakayan na palakasin ang pakikipagtulungan ng ahensya ng gobyerno para sa ating mga kababayang katutubo na nasa malalayong lugar ng Tarlac. |✏Kim Ayento - DZTC Intern.

📸Mayor Roseller Rodriguez, Facebook

LALAKING KABILANG SA TOP TEN MOST WANTED PERSON SA PROVINCIAL LEVEL, ARESTADO TINGNAN: Arestado ang lalaking suspek sa s...
06/07/2024

LALAKING KABILANG SA TOP TEN MOST WANTED PERSON SA PROVINCIAL LEVEL, ARESTADO

TINGNAN: Arestado ang lalaking suspek sa statutory r**e noong July 3, 2024 sa ginawang manhunt operation ng mga personnel ng Paniqui MPS, RIU 1,PNP IG, Batac CPS, Ilocos Norte at PHPT Ilocos Norte.

Pumapangatlo ito sa listahan ng top ten most wanted person sa ilalim ng provincial level.

Ang supek ay tubong Cabayaoasan, Paniqui,Tarlac at kalukuyang nakatira sa Brgy. Callaguip, Batac City, Ilocos Norte.

Dinala ang suspek sa Super Health Unit, Paniqui, Tarlac para sa ilang medical examination. |✏Jastine Pagatpatan - DZTC Intern.

📸Paniqui MPS

MALINIS AT MAAYOS NA TUBIG, SIGAW NG MGA HOME OWNERS!TINGNAN: Malinis at maayos na tubig ang sigaw at hiling ng mga home...
06/07/2024

MALINIS AT MAAYOS NA TUBIG, SIGAW NG MGA HOME OWNERS!

TINGNAN: Malinis at maayos na tubig ang sigaw at hiling ng mga home owners sa fiesta communities, San Rafael, Tarlac City.

Nagtipon-tipon kanina ang mga ito sa Bayanihan Hall bitbit ang kanilang mga placards.

Isa sa kanilang daing ay ang mataas na singil sa kabila ng umano'y kanilang hindi maayos na serbisyo.

Samantala, ayon sa mga home owners walong buwan umano ang hininging palugit ng nasabing water service provider para sa pagayos ng isyu, bagay na inalmahan ng mga home owners dahil sa hindi makatarungang tagal nito. | via Ricky Eslabra, Khristine Velasco, & AJ Aquino - DZTC Interns.

LOOK: The Department of Trade and Industry (DTI) Tarlac ProvincialOffice, through the Negosyo Center Mayantoc, conducted...
06/07/2024

LOOK: The Department of Trade and Industry (DTI) Tarlac Provincial
Office, through the Negosyo Center Mayantoc, conducted skills training on Nito Vine handicraft making for the members of the Abelling Tribe and residents of Barangay Labney.

Labney is known for its diverse terrain – rolling hills, plains, and forested areas where Nito Vines grow. These vines are known for their flexibility and durability, which are ideal for crafting. |DZTC Tarlac.

MAAYOS NA KALSADA PARA SA KALIGTASAN NG BAWAT ISA!TINGNAN: Nakiisa ang mga tauhan ng Mayantoc Fire Station sa pamumuno n...
06/07/2024

MAAYOS NA KALSADA PARA SA KALIGTASAN NG BAWAT ISA!

TINGNAN: Nakiisa ang mga tauhan ng Mayantoc Fire Station sa pamumuno ni SF04 Romeo E Ramiterre Jr., sa barangay road clearing operation na isinagawa ng opisina ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kasama rin ang Municipal PS, Office of the Municipal Engineering at ibang ahensya upang tumulong sa nasabing operasyon.

Layunin ng road clearing operation na maging maayos ang mga kalsada ng bawat daang pampubliko. |✏Anna Nathalia C. Tolentino - DZTC Intern.

📸BFP R3 Mayantoc Fire Station Tarlac II, Facebook

TINGNAN: Tulong tulong na isinusulong ng buong City Health Officers ng Tarlac City ang tamang nutrisyon para sa lahat ng...
06/07/2024

TINGNAN: Tulong tulong na isinusulong ng buong City Health Officers ng Tarlac City ang tamang nutrisyon para sa lahat ng mamamayan sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles katuwang ang Natrional Nutrition Council.

Naisagawa kamakailan ang pagsusuri ng mga programa sa nutrisyon na naipatupad na buong Tarlac City para sa taong 2023 ng Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol (MELLPI PRO).

Dagdag pa rito, tinaguriang Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo na may temang "Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat para sa lahat."
Layunin ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023-2028 ang pagwakas ng gutom at pag-alis ng lahat ng anyo ng malnutrisyon na target ang lahat ng yugto ng buhay.|✏Aya Metiam - DZTC Intern.



📸TCIO, Facebook

ANTI-CRIMINALITY OPERATION, ISINAGAWA SA MONCADA!TINGNAN: Nagsagawa ang kapulisan ng bayan ng Moncada Tarlac ng anti-cri...
06/07/2024

ANTI-CRIMINALITY OPERATION, ISINAGAWA SA MONCADA!

TINGNAN: Nagsagawa ang kapulisan ng bayan ng Moncada Tarlac ng anti-criminality/checkpoint operation sa pangunguna ni PEMS Arnold S. Daria, Team Leader.

Isinagawa ang operasyong ito sa harapan ng Moncada Municipal Hall kamakailan. |✏Khristine Velasco - DZTC Intern.



📸Moncada MPS Tarlac, Facebook

BAWAL ANG MANIGARILYO SA PAMPUBLIKONG LUGAR SA TARLAC!PAALALA: Ipinagbabawal ng pamahalaang lungsod ng Tarlac ang panini...
06/07/2024

BAWAL ANG MANIGARILYO SA PAMPUBLIKONG LUGAR SA TARLAC!

PAALALA: Ipinagbabawal ng pamahalaang lungsod ng Tarlac ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Ito'y upang makamit ang layuning maging isang "walang usok na lungsod ng Tarlac."

Ang paninigarilyo ay may potensyal na magdulot ng mataas na presyon ng dugo, kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris, at iba pang mga sakit.

Ang mahuhuling naninigarilyo sa mga pampublikong lugar ay magmumulta ng mula P500 hanggang P10,000, depende sa dami ng paglabag, ayon sa Executive Order 26, o ang Nationwide Smoking Ban Order. |✏Judy Duran - DZTC Intern.



📸TCIO, Facebook

PAGPAPANATILI NG PEACE & ORDER SA MGA BARANGAY SA TARLAC!TINGNAN: Taos puso ang pagpapasalamat ni Tarlac City Mayor Cris...
06/07/2024

PAGPAPANATILI NG PEACE & ORDER SA MGA BARANGAY SA TARLAC!

TINGNAN: Taos puso ang pagpapasalamat ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles sa bantay bayan na nagbabantay sa kani-kanilang barangay lalong lalo na sa mga barangay officials, mga tanod, mga BHWs, at mga naglilingkod sa gobyerno para sa peace & order road to development ng Tarlac City.

Pinangunahan ni Cristy Angeles ang naganap na Barangay Peace Keeping Action Teams Training & Distribution of Personal Protective Equipment sa Kaisa Hall kamakailan kung saan aniya, mahalaga ang tungkulin ng mga bantay bayan ay tagapagpanatili ng kaligtasan, katahimikan, kaayusan, at kapayapaan. |✏Kim Ayento - DZTC Intern.



📸TCIO, Facebook

06/07/2024

ILANG PAGKAMATAY NA SINASABING NAPAKASAKIT AT SOBRANG PAHIRAP SA TAO, INIHAYAG NG MGA SCIENTIST

AND TECHNOLOGY
ANONG HAYOP ANG KAYANG LUMANGOY NA WALANG PAHINGA SA LOOB NG ISANG LINGGO? GAANO KASUSTANSYA ANG TUBIG-ULAN?


SINO ANG SIKAT NA SCIENTIST NA IKINAKADENA ANG ILANG GAMIT DAHIL NAPAKASELAN? ANO ANG MGA NAKAKATAKOT AT KAKAIBANG ‘TROPHY’ NA GAMIT NG MGA SINAUNANG TAO NOON?

TO REMEMBER
PAANO MAS MAGIGING SULIT ANG PAGTUPAD NATIN SA SAGRADONG ‘CHURCH OBLIGATIONS?’


ANONG IMBENSYON ANG KAYA DAW NILIKHA AY UPANG IIWAS ANG MGA TAO SA SARI-SARING KASALANAN?

TITSER
GABAY SA ISANG ESTUDYANTE NA GALIT AT INIISNAB ANG KANYANG TEACHER DAHIL BINOKYA DAW NG G**O SA KANILANG TEST

For more lessons, quotes tips, and trivia tune in to Professor on Air every Saturday 10-11am at Radyo Pilipino! LIKE, FOLLOW, & SHARE

https://www.facebook.com/radyopilipino​​ and https://www.facebook.com/ProfessorOnAir1971

TINGNAN: Isinagawa kamakailan ang orientation at pagpirma ng kontrata ng Kabayan Partylist sa iba't-ibang LGU sa Tarlac ...
05/07/2024

TINGNAN: Isinagawa kamakailan ang orientation at pagpirma ng kontrata ng Kabayan Partylist sa iba't-ibang LGU sa Tarlac sa pangunguna ng DOLE Tarlac Field Office, PESO Managers, at Tarlac President Mayor Lita M. Aquino ng Moncada, Tarlac.

Sa nasabing orientation, pangunahing layunin ng Kabayan Partylist ang kalusugan, pabahay, kabuhayan, edukasyon, at mga OFW concerns.

Mayroon din silang programang Government Internship Program (GIP) na sentro para sa kabataan.

Layunin nito na magbigay ng internship opportunity sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan sa mga kabataang may edad na labing walo hanggang tatlumpo.

Ang nasabing GIP ay magsisilbing training ground para sa pagkakaroon ng competitive workforce pati na rin sa pagiging government employee. |✏Jessica Santos - DZTC Intern.



📸Kabayan Partylist, Facebook

COMMUNITY OUTREACH PROGRAM, MATAGUMPAY NA NAISAGAWATINGNAN: Bilang paggunita sa 29th PCR Month Celebration, nagsagawa ng...
05/07/2024

COMMUNITY OUTREACH PROGRAM, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA

TINGNAN: Bilang paggunita sa 29th PCR Month Celebration, nagsagawa ng outreach program ang San Clemente MPS personnel sa Sitio Poquiz, Brgy Maasin, San Clemente, Tarlac.

Nakatanggap ng food packs at mga laruan ang isang daang mga batang Aeta ng Abelling Tribe. |✏Jastine Pagatpatan - DZTC Intern



📸San Clemente MPS, Facebook

BASURA MO, AYOS MO!PAALALA: Hindi na hahakutin ng trak ng basura sa Tarlac City ang mga waste na hindi maayos ang pagkak...
05/07/2024

BASURA MO, AYOS MO!

PAALALA: Hindi na hahakutin ng trak ng basura sa Tarlac City ang mga waste na hindi maayos ang pagkakahiwalay.

Sa bisa ng RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ang mga residual waste o mga basurang hindi nabubulok at hindi kayang ma-recycle lang ang basurang kokolektahin ng trak. |✏Ricky Eslabra - DZTC Intern



📸TCIO, Facebook

05/07/2024

Sen. Sonny Angara as DepEd Chief, ano ang ekspektasyon at reaksyon ninyo kaugnay rito?

With Special Guest:
Cong. France Castro
House Deputy Minority Leader and Representative of ACT Teachers Party-list

Pulsong Pinoy Ben Paypon. Kabahagi ng bawat pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika, negosyo, at kalusugan. Pulsuhan natin yan! Pulsong pinoy. Kasama ang kabahagi mo, Ben Paypon.




2024 POPCEN-CBMS, sisimulan na sa Concepcion, TarlacInanunsyo ni Concepcion Mayor Noel Villanueva na simula July 15, 202...
05/07/2024

2024 POPCEN-CBMS, sisimulan na sa Concepcion, Tarlac

Inanunsyo ni Concepcion Mayor Noel Villanueva na simula July 15, 2024 ay sisimulan na ang 2024 Census of Population and Community-Based Monitoring System (POPCEN-CBMS) na kung saan ang mga Enumerator ay mag house-to-house sa bayan ng Concepcion.

Ang 2024 POPCEN-CBMS ay aktibidad ng Philippine Statistics Authority (PSA), at ang datos na makakalap dito ay gagamitin sa paggawa ng iba't-ibang programa para maibsan ang kahirapan at tiyakin ang inklusibong pag-unlad ng ekonomiya. |✏Bea Hanzel Arceo - DZTC Intern.

📸Mayor Noel Villanueva, page

Nutrisyon at lifestyle, binigyan-diin sa ‘Serbisyong MaYAP’TINGNAN: Bumisita si Dr. Ethel Vital-Cornes, Lifestyle Medici...
05/07/2024

Nutrisyon at lifestyle, binigyan-diin sa ‘Serbisyong MaYAP’

TINGNAN: Bumisita si Dr. Ethel Vital-Cornes, Lifestyle Medicine & Wellness Consultant ng Tarlac Provincial Hospital sa bahagi ng programang Serbisyong Pangkalusugan na Serbisyong MaYAP kung saan ibinahagi nito ang pagkakaiba at kahulugan ng pagkain at nutrisyon, maging ang kinakailangan gawing diet at exercise.

Payo niya na importante ang pagkain ng plant-based food at ang pagiging vegan.

“‘Eat [a] wide-range variety of foods,” dagdag niya.

Pinaalalahan din nito ang mga tao na bawasan ang pagkain sa mga buffet at unli restaurant kahit na ito ay abot kaya.

Ang buwan ng Hulyo ay ipinagdiriwang bilang buwan ng nutrisyon alinsunod sa Presidential Decree 491, 1974. |✏️Aya Metiam - DZTC Intern.

KABATAANG MAGSASAKA, BAGONG PAG-ASA SA AGRIKULTURA!Inilunsad kamakailan ang Binhi ng Pag-asa Program 2024 sa pamumuno ni...
05/07/2024

KABATAANG MAGSASAKA, BAGONG PAG-ASA SA AGRIKULTURA!

Inilunsad kamakailan ang Binhi ng Pag-asa Program 2024 sa pamumuno ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles upang palakasin ang sektor ng agrikultura at bigyan ng kakayahan ang mga kabataan maging agriprenuers.

Ang programa ay naglalayong magbigay ng pagsasanay at oportunidad para sa mga kabataan.

Ang pagsasanay para sa Binhi ng Pag-asa Program ay mangyayare sa Tarlac Agricultural University sa Camiling Tarlac, mula Hulyo 30 hanggang Agosto 1, 2024. |✏Mj Sembrano - DZTC Intern.



📸Tarlac City Information Office, Facebook

NO TO ANIMAL CRUELTY! TINGNAN: Inilapit noong Hulyo 5, 2024 sa opisina ng Tarlac City Veterinary Office ang isang pusa n...
05/07/2024

NO TO ANIMAL CRUELTY!
TINGNAN: Inilapit noong Hulyo 5, 2024 sa opisina ng Tarlac City Veterinary Office ang isang pusa na natuklasang may sugat ----- sanhi ng pagkakabaril ng isang air gun.

Matagumpay naman na natanggal ang nakuhang bala sa katawan ng pusa.

Paalala ng Tarlac City Veterinary Office na may karampatang parusa ang sinumang lalabag sa Animal Welfare Act of 1998 o ang RA 8485. |✏Bea Hanzel Arceo - DZTC Intern.



📸Tarlac City Veterinary Office, Facebook

TINGNAN: Magkakaroon ng libreng serbisyong medikal at iba pang social services ang “Ultimate B.O.O.T.S Services” sa bara...
05/07/2024

TINGNAN: Magkakaroon ng libreng serbisyong medikal at iba pang social services ang “Ultimate B.O.O.T.S Services” sa baranggay Sta. Lucia Capas ngayong Biyernes July 5, 2024.

Magsisimula ang libreng serbisyo ng 8:00 am – 12:00 nn sa Sta. Lucia Elementary School.

Maglalaman ng iba’t-ibang serbisyo ang B.O.O.T.S Services tulad ng Blood Letting, Optical Services, Tuli Services, Senior Citizen Checkup.

Maliban dito magkakaroon din ng karagdagang serbisyo tulad ng Surgical Services simpleng operasyon, Social Services, Mobile Clinic, Feeding Program at Libreng Gupit. |✏AJ Aquino - DZTC Intern.



📸page of Mayor Roseller "Boots" Rodriguez

TINGNAN: Agad niresulbahan ang problema tungkol sa dengue-causing lamok sa pamamagitan ng dengue misting sa pangunguna n...
05/07/2024

TINGNAN: Agad niresulbahan ang problema tungkol sa dengue-causing lamok sa pamamagitan ng dengue misting sa pangunguna ng City Environment and Natural Resouces Office (CENRO). |✏Khristine Velasco - DZTC Intern.



📸TCIO, Facebook

LIBRENG GAMIT PARA SA PASUKANTINGNAN: Nakatanggap ng libreng school bags na may lamang kumpletong school supplies ang mg...
05/07/2024

LIBRENG GAMIT PARA SA PASUKAN

TINGNAN: Nakatanggap ng libreng school bags na may lamang kumpletong school supplies ang mga estudyante ng Tarlac City.

88 public schools sa Tarlac City mula Grade 1 - 6 ang nabigyan ng libreng gamit.
Umabot naman ng 304,00 ang mga gamit na naipamahagi ng Angel Care Program sa mga mag-aaral. |✏AJ Aquino - DZTC Intern.



📸TCIO, Facebook

PANANDANG PANGKASAYSAYAN SA TARLAC!TINGNAN: Isinagawa ang “Paghawi ng Tabing sa Panandang Pangkasaysayan” ngayong araw, ...
05/07/2024

PANANDANG PANGKASAYSAYAN SA TARLAC!

TINGNAN: Isinagawa ang “Paghawi ng Tabing sa Panandang Pangkasaysayan” ngayong araw, Hulyo 4 na ginanap sa Kapitolyo ng Tarlac.

Ito ay pinangunahan ni Gobernador Susan A. Yap na dinaluhan ng patnugot tagapagpaganap ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas na si DIR. Carminda R. Arevalo upang lagdaan ang katibayan ng paglilipat ng panandang pangkasaysayan. | via Anna Nathalia Tolentino - DZTC Intern.

04/07/2024

Dapat na nga bang ilabas ang mga pangalan ng mga legitimate POGOs na binigyan ng lisensya at accreditation ng regulatory agency?

With Special Guest:
Cong. Ace Barbers
Ranking House Leader and Surigao del Norte Representative

Pulsong Pinoy Ben Paypon. Kabahagi ng bawat pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika, negosyo, at kalusugan. Pulsuhan natin yan! Pulsong pinoy. Kasama ang kabahagi mo, Ben Paypon.




04/07/2024

₱35 wage hike sa NCR, ano ang panayam mo rito?

with Special Guest:
Mr. Sonny Africa
Executive Director, IBON Foundation

Narito na ang programang mumulat sa sambayanan. Tayo na't Magkaisa sa "Isahan"! Nagsalita na ang sambayanan. Napili na ang mga mamumuno sa bayan. Sino-sino ang mga tutupad sa plataporma? Sino-sino ang humahangad ng pagkakaisa? Kilatisin ang bawat serbisyo para sa mamamayang pilipino.

29/06/2024

UGALI AT GAWAIN NG MGA TAO NA SINASABING MAY MATAAS NA IQ- INILABAS NG MGA EKSPERTO

AND TECHNOLOGY
GAANO KATAKAW ANG MGA BALYENA? ANONG “CLUES” ANG IBINIGAY NG MGA DALUBHASA KUNG PAANONG MALALAMAN NA MATAAS ANG ‘CHOLESTEROL LEVEL” NG ISANG TAO?


SAANG BANSA MARAMING NAG-EENROL SA PAARALAN NA TYPE MAGING MAHUSAY NA KOMEDYANTE? TUNAY BANG MATATABA LAHAT NG BUDDHA SA MUNDO?

TO REMEMBER
PAANO MAKIKILALA ANG “KLEPTOMANIAC’ AT ANONG MAGAGAMOT?


KANINO GALING ANG “HAPPY BIRTHDAY SONG?”

TITSER
GABAY SA ISANG ONLINE WORKER DAHIL PIKON SA KANYANG KUYA NA PALAGING NAIIWAN ANG SUSI NG KOTSE SA LOOB NG SASAKYAN.

For more lessons, quotes tips, and trivia tune in to Professor on Air every Saturday 10-11am at Radyo Pilipino! LIKE, FOLLOW, & SHARE

https://www.facebook.com/radyopilipino​​ and https://www.facebook.com/ProfessorOnAir1971

28/06/2024

FUR-MILY 🐾💕

PANUORN: Tila nakakatuwang tignan ang isang TikTok video na ito kung saan makikitang kasama ang fur baby sa graduation photo shoot ng kanyang amo at nag mistulang graduation din niya dahil pati siya ay naka suot ng toga.

"Nothing compares to the love I have for you my lifeline 🫶❤️" wika niya sa kanyang naturang post.

Video courtesy: (bestieeeeeeeeebee/Tiktok)

Mariing sinugod ng   ang isang komunidad sa   nitong Huwebes, June 27, at sapilitang pinalayas ang ilang  , damay pati a...
28/06/2024

Mariing sinugod ng ang isang komunidad sa nitong Huwebes, June 27, at sapilitang pinalayas ang ilang , damay pati ang ilang bata. Patuloy ding binobomba at inaatake ng mga tangke ng Israel ang bayan ng .

"We are being starved in Gaza City, and are being hunted by tanks and planes with no hope that this war is ever ending," saad ng isang residente, ayon sa ulat ng international news agency na .

Nasa 1.7 milyong Palestinians na ang sapilitang lumikas mula nang sumiklab ang gulo noong Oktubre, ayon sa . | via and photo courtesy: Reuters

BLOOMING BINIbinis 😍💗TINGNAN: Ilang mga larawang kuha mula sa soundcheck performance ng Nation’s Girl Group na   para sa...
28/06/2024

BLOOMING BINIbinis 😍💗

TINGNAN: Ilang mga larawang kuha mula sa soundcheck performance ng Nation’s Girl Group na para sa kanilang day 1 first solo concert sa New Frontier Theater, ngayong araw, June 2&.

Photo courtesy: Star Magic, Metrophoto Brands (Instagram)

BASAHIN: Batay sa   magkakaroon ng pagtaas ng volcanic sulfur dioxide gas emission mula sa Kanlaon Volcano ngayong Biyer...
28/06/2024

BASAHIN: Batay sa magkakaroon ng pagtaas ng volcanic sulfur dioxide gas emission mula sa Kanlaon Volcano ngayong Biyernes, June 28.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa bulkan.

📷: PHIVOLCS

28/06/2024

Pulsong Pinoy Ben Paypon. Kabahagi ng bawat pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika, negosyo, at kalusugan. Pulsuhan natin yan! Pulsong pinoy. Kasama ang kabahagi mo, Ben Paypon.




28/06/2024

Pagtaas kaso ng Dengue ngayong tag-ulan. Ano nga ba ang dapat gawin para ito ay maiwasan?

with Special Guest:
Dr. Reynaldo Salinel
Infectious Disease Specialist

Narito na ang programang mumulat sa sambayanan. Tayo na't Magkaisa sa "Isahan"! Nagsalita na ang sambayanan. Napili na ang mga mamumuno sa bayan. Sino-sino ang mga tutupad sa plataporma? Sino-sino ang humahangad ng pagkakaisa? Kilatisin ang bawat serbisyo para sa mamamayang pilipino.

Naglabas umano ng pahayag ang Armed Forces of the Philippines o   kaugnay sa nakaka-alarmang “disinformation campaign” n...
28/06/2024

Naglabas umano ng pahayag ang Armed Forces of the Philippines o kaugnay sa nakaka-alarmang “disinformation campaign” na layong sirain ang tiwala ng publiko sa institusyon at pamahalaan.

Hinikayat ng ang bawat indibidwal na i-verify ng mabuti ang pinanggalingan ng impormasyon at kumuha lamang sa mapagkakatiwalaan at official channels. | via Anne Go

Photo courtesy: (AFP/Facebook)

BRONNY JAMES FOR LAKERS 🏀⭐️BASAHIN: Inanunsyo ang bagong draft para sa   team na Los Angeles   ang anak ng american NBA ...
28/06/2024

BRONNY JAMES FOR LAKERS 🏀⭐️

BASAHIN: Inanunsyo ang bagong draft para sa team na Los Angeles ang anak ng american NBA superstar na si na si .

Si Bronny ay drafted para maging bahagi ng parehong team ng kaniyang ama bilang 55th overall pick sa the 2024 NBA Draft.

Photo courtesy: (Los Angeles Lakers/X)

27/06/2024

Address

Mc. Arthur Highway, Block 9 San Nicolas
Tarlac
2300

Opening Hours

Monday 4am - 10pm
Tuesday 4am - 10pm
Wednesday 4am - 10pm
Thursday 4am - 10pm
Friday 4am - 10pm
Saturday 4am - 10pm
Sunday 9am - 10pm

Telephone

+639989797162

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DZTC Radyo Pilipino Tarlac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DZTC Radyo Pilipino Tarlac:

Videos

Share

Category