19/01/2024
TAMANG 10 UTOS
Exodus 20:1-17
Ang lahat ng ito'y sinabi ng Diyos: “Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na naglabas sa iyo sa Egipto at nagpalaya sa iyo mula sa pagkaalipin.
1 “Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.”
2 “Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin.”
3 “Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos.”
4 “Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga.”
5 “Igalang mo ang iyong ama at ina.”
6 “Huwag kang papatay.”
7 “Huwag kang mangangalunya.”
8 “Huwag kang magnanakaw.”
9 “Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa.”
10 “Huwag mong pagnanasaang maangkin ang sambahayan ng iyong kapwa: ang kanyang asawa, mga alilang lalaki o babae, mga baka, a**o o ang anumang pag-aari niya.”
MBB05