12/11/2021
Kasama ang publiko, muling bubuksan ni Mayor Mark Anthony Halili ang usapin patungkol sa posibleng pag-babalik ng sedera o ‘tiange’ na parte na ng turismo at tradisyon ng bawat pamilyang Tanaueño sa tuwing sasapit ang kapaskuhan.
Ito ay upang mabigyan din ng pagkakataong makabawi muli ang mga kababayan nating nalugi sa kani-kanilang mga negosyo dulot ng pandemya.