02/12/2024
B**g Go, hindi pinainit ang ulo kundi PINANGITI naman ngayon ng PhilHealth
ilang buwan nang walang puknat ang pagsesermon at paniningil sa PhilHealth ni Senate Committee on Health Chairman Senator B**g Go…
…para tuparin ang mga pangako nitong mas magandang benefit packages para sa mga pasyenteng Pilipino.
Pero nitong nakaraang linggo, napangiti daw si Senator B**g Go dahil sa balitang tiyak na magpapa-ngiti rin sa marami sa atin:
inanunsyo kasi ng PhilHealth na iko-cover na nito ang hanggang 1000 PESOS na basic dental services ng mga Pilipino…
…kabiliang na ang konsultasyon, pagpapalinis, at maging pagbubunot ng ngipin.
Dati nang kinukulit ni Senator B**g Go ang PhilHealth na isama ang dental package sa mga benepisyong makukuha ng mga Pilipino.
Ayon kay Senator B**g Go, base sa ilang pag-aaral, ay nagiging sanhi ng mababang productivity at antas ng pamumuhay ang mga karamdaman sa bibig at ngipin.
Giit ni B**g Go, maraming Pilipino lalo na ang mga mahihirap ang nagtitiis na lamang sa sakit ng ngipin dahil walang panggastos sa dentista.
Dahil dito, maraming mahihirap ang lalong hindi makapaghanap buhay na nagiging dagdag pahirap sa kanilang mga pamilya.
Sa isa mga pagdinig ng Senate Health Committee ay nasungkit ni B**g Go ang commitment ng PhilHealth na bibigyang halaga na rin ang dental health ng publiko.
Pinasalamantan ni Senator B**g Go ang Philhealth sa anunsyong ito, pero tiniyak nya ang publiko na hindi niya papayagang mauwi lamang sa wala ang pangako ng Philhealth na mas magandang medical benefits.