26/03/2024
https://www.facebook.com/share/oL4w2ZqwwL8381an/?mibextid=xfxF2i
Dawlah Islamiya shabu dealer, timbog
Isa na namang shabu dealer na may koneksyon sa Dawlah Islamiya ang naaresto matapos magbenta ng P102,000 na halaga ng shabu sa mga hindi unipormadong mga pulis sa Barangay Cabasaran sa Marawi City nitong Huwebes, March 21, 2024.
Sa pahayag nitong Sabado ni Bangsamoro regional police director Brig. Allan Nobleza, nakakulong na ang suspect, pansamantalang kinilala lang sa kanyang alyas na Muktadeer habang inaalam pa kung sino-sino ang kanyang mga kasabwat sa Dawlah Islamiya batay sa ulat ng Muslim religious leaders sa Marawi City.
Hindi na pumalag ang suspect ng arestuhin ng mga pulis na kanyang nabentahan ng 15 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P102,000, sa naturang entrapment operation na sinuportahan ng mga Muslim religious leaders at mga local officials sa Marawi City at sa probinsya ng Lanao del Sur.
Mahigit 10 na na mga shabu dealers na konektado sa magkaalyadong Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nalambat sa Marawi City at ilang bayan sa Lanao del Sur ng mga operatiba ng ibat-ibang unit ng PRO-BAR nito lang nakalipas na anim na buwan.
Ayon kay Nobleza, malaki ang ambag ni Marawi City Mayor Majul Gandamra at Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr. sa mga entrapment operations na nagresulta sa pagkaaresto ng naturang mga drug dealers na mga kasapi ng Dawlah Islamiya, ngayon nililitis na sa ibat-ibang mga korte. (March 23, 2024, Contributed Report)