Pilipinas Today

Pilipinas Today Anong Ganap?

‘PROUD PO AKO NA NAGSIMULA AKO SA TAWAG NG TANGHALAN’Sa isang panayam sinabi ng Filipino singer at The Voice USA Season ...
12/12/2024

‘PROUD PO AKO NA NAGSIMULA AKO SA TAWAG NG TANGHALAN’

Sa isang panayam sinabi ng Filipino singer at The Voice USA Season 26 grand champion na si Sofronio Vasquez na proud siya nagsimula siya sa ‘Tawag ng Tanghalan’ segment ng noontime show na It’s Showtime.

“Sofronio, kamusta ang p**iramdam na ikaw ang champion, na kauna-unahang Asian champion sa The Voice? Anong feeling no’n, Sofronio?” tanong ng host na si Ogie Alcasid.

“Napaka-emosyonal po ng naging panalo ko kagabi. Actually ngayon po, nanginginig po ako habang shine-share sa inyo. Kasi parang pangarap ko lang po dati,” sagot ni Sofronio.

“Proud po ako na nagsimula ako sa Tawag ng Tanghalan, kasi Tawag ng Tanghalan at It’s Showtime yung unang naniwala sakin,” dagdag pa nito.

Matatandaaan na naging grand finalist ng Tawag ng Tanghalan si Sofronio noong taong 2019.

(YouTube/ABS-CBN It’s Showtime)

MAGPAPASKO SA EVACUATION CENTERAyon sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), walang nasawing tao sa sunog, su...
12/12/2024

MAGPAPASKO SA EVACUATION CENTER

Ayon sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), walang nasawing tao sa sunog, subalit nasugatan ang 76 na indibidwal mula sa 24 na pamilya. Isa sa mga apektado ay ang isang 87 taong gulang na si Aurora Andres na lubos na nangangailangan ng tulong dahil naabo ang lahat ng kanyang mga gamot at pang-maintenance.

"Sana mabigyan ako ng gamot, kailangan ko ng gamot talaga, yung sa asthma ko at saka marami akong gamot na nasunog hindi ko na nakuha. Pangatlong bahay lang kami," sabi ni Andres.

Labis naman ang pagkadismaya ni Maria Joso, 63 anyos at anak ni Andres, dahil sa kanilang sitwasyon. Aniya bukod sa pagkawala ng kanilang mga ari-arian, hindi na nila magagawa pang ipagdiwang ang Pasko sa kanilang tahanan at mapipilitang manatili sa isang evacuation center.

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP at mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng apoy at makuha ang kabuuang halaga ng pinsalang dulot nito habang ibinibigay ang lahat ng posibleng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.



Hindi pa pinipirmahan ng dalawang Senador na sina Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at Christopher B**g Go ang Bicameral Conferenc...
12/12/2024

Hindi pa pinipirmahan ng dalawang Senador na sina Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at Christopher B**g Go ang Bicameral Conference Committee report sa proposed 2025 national budget nitong Miyerkules, Disyembre 11, kung saan mananatiling nasa P733 milyon ang budget ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon kay Dela Rosa, late siyang dumating sa nasabing meeting at nauna ding umalis, kaya hindi pa ito pumipirma dahil hindi pa nito nakikita ang buong kopya ng nasabing budget.

Inihayag naman ni Go na absent sa nasabing meeting, na ni-re-review pa nito ang nasabing report.

Binigyang diin din nito, bilang Vice Chair of the Senate Committee on Finance and Chair of the Senate Committee on Health, ang importansya ng pagtitiyak na maayos na nagamit ang public funds upang suportahan ang critical healthcare programs.



**gGo

Embrace every moment, it will shape you to the person that you are becoming.
12/12/2024

Embrace every moment, it will shape you to the person that you are becoming.



Vice: “Suspect! Suspect! Ayaw pang ilabas yung jowa niya kasi ipapa-feng shui daw muna.” 😭Palaisipan sa netizens kung si...
12/12/2024

Vice: “Suspect! Suspect! Ayaw pang ilabas yung jowa niya kasi ipapa-feng shui daw muna.” 😭

Palaisipan sa netizens kung sino ang tinutukoy ng host na si Vice Ganda na boyfriend di umano ng co host nitong si Kim Chiu.

Si Paulo Avelino kaya ito?

(TikTok/It’s Showtime)

MAY KULONG AT MULTAInihain ni Senador Mark Villar sa Senado ang Senate Bill No. 2873 o ang proposed ‘Anti-Ticket Scalpin...
12/12/2024

MAY KULONG AT MULTA

Inihain ni Senador Mark Villar sa Senado ang Senate Bill No. 2873 o ang proposed ‘Anti-Ticket Scalping Act’ kung saan ang mahuhuling nagbebenta ng tickets sa mga event sa mas mataas na presyo ay hahatulan ng pagkakulong at multang na P500,000.

“We filed this bill to stop or suppress the worsening incidents of scalping, which take advantage of concertgoers or avid fans,” inihayag ni Villar.

“We aim to give fans and concertgoers fair access to events of their favorite artists or performers. Every fan and every Filipino deserves to enjoy concerts without being extorted by scammers,” idinagdag nito.

Layunin ng nasabing Senate bill na pagbawalan ang pag-aalok, pag-ho-hoard, pagbebenta, pag-di-distribute, pagbili, ‘dealing in’, ‘disposing of’, o ang pag-acquire ng admission tickets nang walang permiso mula sa authorized event producer, organizer at distributor.

Pagbabawalan din ng nasabing Senate bill ang reselling ng tickets na may presyong mas mataas nang mahigit 10 porsyento kaysa face value price ng nasabing ticket.

“As a preventive measure, we will require event ticketing, event production and event service entities to publish and post reminders against scalping in their premises or websites. They will also be ordered to adopt and implement internal policy guidelines and mechanisms to prevent scalping activities by employees, contractors and agents,” ani Villar.


Sa isang pahayag nitong Huwebes, Disyembre 12, sinabi ng Bureau of Customs (BOC) na natuklasan noong Disyembre 5 ang mga...
12/12/2024

Sa isang pahayag nitong Huwebes, Disyembre 12, sinabi ng Bureau of Customs (BOC) na natuklasan noong Disyembre 5 ang mga parcel na naglalaman ng kush, na high-grade ma*****na, at ecstasy tablets.

May kabuuang 7,791 gramo ng kush at 1,229 piraso ng ecstasy tablets ang nakumpiska ng mga awtoridad.

Ang mga parcel na naglalaman ng mga narcotics ay nagmula sa iba't ibang bansa at naka-address sa iba't ibang tao na tatanggap.

Sinabi ng BOC na nailipat na ang mga nakumpiskang droga sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Iimbestigahan ang mga ito para sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act.


Tinawag ni House Assistant Majority Leader at Tingog Rep. Jude Acidre ang privilege speech kamakailan ni Senator Bato De...
12/12/2024

Tinawag ni House Assistant Majority Leader at Tingog Rep. Jude Acidre ang privilege speech kamakailan ni Senator Bato Dela Rosa, na kumuwestiyon sa pagkakasangkot ng Tingog sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Development Bank of the Philippines (DBP), na "misinformed and troubling."

Pinuna ni Acidre ang pahayag ng senador, at sinabing ang papel ng Tingog sa kasunduan ay nakatuon sa pagpapabuti ng healthcare access para sa mga komunidad na hindi naaabot, at hindi sa pulitika.

Nilinaw ni Acidre na ang MOA, na nilagdaan kasama ang PhilHealth at DBP, ay layuning tugunan ang mga kakulangan sa healthcare infrastructure, partikular sa mga liblib na lugar.

“Instead of politicizing a well-intentioned initiative, Senator Dela Rosa should focus on addressing the lingering questions about his past and how it has affected the lives of countless Filipinos,” sabi ni Acidre.



SEN. TOLENTINO, NAGDAOS NG YEAR-END PARTYNagdaos si Senate Majority Leader Francis Tolentino ng isang maligayang year-en...
12/12/2024

SEN. TOLENTINO, NAGDAOS NG YEAR-END PARTY

Nagdaos si Senate Majority Leader Francis Tolentino ng isang maligayang year-end celebration sa Ermita, Manila, kung saan nakisaya ang iba’t ibang mga lingkod-bayan, at mga lider ng komunidad para sa isang gabing puno ng selebrasyon at pasasalamat ngayong taon.

Tampok sa year-end celebration ni Senator Tol ang Quezon City Gospel Choir (QCGC), kasama si Presbyter Levi Ferriol, upang magbahagi ng magagandang awiting Pamasko sa kaganapan.



Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang paglulunsad ng Christmas event sa Philippine Children’s Medical Cente...
12/12/2024

Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang paglulunsad ng Christmas event sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) grounds sa Quezon City ngayong Huwebes, Disyembre 12, kung saan pinagkalooban ng sari-saring regalo, tulong pinansiyal, at sinagot ang hospital bills ng 130 pasyente.

Para maisakatuparan ang ‘Paskong Tarabangan Event,’ kasama ni Speaker Romualdez sa event—na hosted ng Ako Bicol Party-list—ang asawa niyang si Tingog Party-list Rep. Yedda Romualdez at si Ako Bicol Rep. Zaldy Co.

“This is one of my favorite social events as a legislator where we spend time with children. Napakasarap isabuhay ng mga katagang ‘ang Pasko ay para sa mga bata’ dahil nakikita mo ang kanilang tunay na galak at tuwa sa mga pagtitipong katulad nito,” sabi ni Speaker Romualdez.



Base sa report ng pulisya, nasa 15 estudyante ang naatasang ilipat ang kanilang tent sa camp site mula sa dating kinatat...
12/12/2024

Base sa report ng pulisya, nasa 15 estudyante ang naatasang ilipat ang kanilang tent sa camp site mula sa dating kinatatayuan ng mga ito sa gilid ng kalsada sa Freedom Park sa Barangay Pasonanca, Zamboanga City.

Subalit nadikit diumano ang bakal na poste ng tent sa isang nakalaylay ng live wire, dahilan upang makuryente ang mga boy scouts. Tatlo sa mga estudyante ang patay sa insidente habang ang 10 iba pa ay kasalukuyang naka-confine sa iba’t ibang ospital sa siyuded upang malapatan ng medical treatment.

Nasa 2,800 boy scouts mula sa iba’t ibang paaralan sa siyudad ang nakibahagi sa jamborette na nagsimula ngayong Huwebes at nakatakdang magtapos sa Disyembre 15, ayon sa report.


IT'S ZEINAB DAY! ❤️🥀“I’m truly blessed and thankful for all the birthday wishes I received. Thank you everyone mahal ko ...
12/12/2024

IT'S ZEINAB DAY! ❤️🥀

“I’m truly blessed and thankful for all the birthday wishes I received. Thank you everyone mahal ko kayo 🥹❤️,” wika niya sa kanyang post.

“Rose petals as you walk, you know the floor don’t need to see you. You see, them other guys pay they mind to your physical features. And I can admire your body, but your mind is much deeper🥀🖤,” komento naman ng kanyang fiancé na si Ray Parks, Jr.

(Instagram/zeinab_harake)

HAPPY 18th BIRTHDAY, KAI! 🩷Ipinagdidiwang ng Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 4th Big Placer na si Kai Montinola ang kanya...
12/12/2024

HAPPY 18th BIRTHDAY, KAI! 🩷

Ipinagdidiwang ng Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 4th Big Placer na si Kai Montinola ang kanyang 18th birthday.

“Wake up, it’s Kai Day! 🌸🌟,” saad niya sa kanyang post.

(Instagram/kaisha.aaa)

Naglabas ng pahayag ang presidente ng ACT Teachers party-list na si Antonio Tinio kasunod ang pagsasalaysay ni ACT Teach...
12/12/2024

Naglabas ng pahayag ang presidente ng ACT Teachers party-list na si Antonio Tinio kasunod ang pagsasalaysay ni ACT Teachers Rep. France Castro ng karanasan nito sa ginanap na ika-13 public hearing ng House Quad Committee ngayong Huwebes, Disyembre 12.

Bandang alas-11 ng gabi nitong Miyerkules, Disyembre 11, may nagpaputok umano ng baril sa harap ng sasakyan ni Castro habang pauwi ito sa isang event sa BGC, Taguig City.

Mariin namang kinondena ni Tinio ang nasabing insidente at sinabing hindi nito babalewalain ang ganitong klase ng insidente lalo pa’t patuloy ang pagbabanta at paninira laban kay Castro.

"We demand answers from the Philippine National Police PNP leadership. Who were these officers? What protocols justify the discharging of a firearm in heavy traffic? Was this a legitimate police operation or a form of intimidation?" ani Tinio.

'"The safety of progressive leaders and lawmakers and the general public must be ensured,” dagdag nito.

Sa ngayon ay walang pang pahayag ang PNP tungkol dito.



BAKA IKAW NA ANG HINAHANAP NI LILY PHILLIPSKung ikaw ay 18 years old and above, may maayos na pangagatawan at walang ini...
12/12/2024

BAKA IKAW NA ANG HINAHANAP NI LILY PHILLIPS

Kung ikaw ay 18 years old and above, may maayos na pangagatawan at walang iniindang sakit, ikaw na ang hinahanap ng kompanya ni Lily.

Isang libong katao ang pipiliin sa pamamagitan ng recruitment process.

Target ng aktres na talunin ang may hawak ng record na si Lisa Sparks na sinasabing may nakatalik na 919 na lalaki sa loob lamang ng isang araw na ginanap noong 2004 sa bansang Poland.

“It is like a boxing match. I think I will be in pain till the end, but I have the right determination to be able to move forward," sabi ni Lily at idinagdag na mas mahirap umano ang kanyang gagawin kaysa 9am-5pm na trabaho.

Sa ngayon ay naghahanda na umano si Lily para maging physically fit sa record breaking event na ito.


ZERO BILLING, XMAS GIFT NI ROMUALDEZ SA 130 YOUNG PATIENTSNaghatid ng kasiyahan sina Speaker Martin Romualdez, Tingog Re...
12/12/2024

ZERO BILLING, XMAS GIFT NI ROMUALDEZ SA 130 YOUNG PATIENTS

Naghatid ng kasiyahan sina Speaker Martin Romualdez, Tingog Rep. Yedda Marie Romualdez, at Ako Bicol Rep. Elizaldy 'Zaldy' Co, katuwang ang mga doktor ng Philippine Children's Medical Center (PCMC) na pinangunahan ni Dr. Sonia Gonzalez, sa 130 batang pasyente sa isang Christmas gift-giving event noong Martes, Disyembre 10 ng hapon sa PCMC sa Quezon City.

Bilang bahagi ng 'Paskong Tarabangan' ng Ako Bicol, isinama rin sa event ang pamamahagi ng mga guarantee letters para sa medical assistance ng mga pasyente.

Inanunsyo rin ni Speaker Romualdez na lahat ng mga pasyente na lumahok sa event ay makikinabang sa zero billing, na ikinatuwa ng mga dumalo.




Sa natanggap na pagkilala ng PLDT at Smart para sa mga programa nito na ‘Building Filipino   at   Communities through Te...
12/12/2024

Sa natanggap na pagkilala ng PLDT at Smart para sa mga programa nito na ‘Building Filipino at Communities through Technology,’ pinagtitibay ng mga kumpanya ni Manny V. Pangilinan ang pagsusumikap na iwaksi ang digital divide at isulong ang pagkakapantay-pantay sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagkakaloob ng digital materials at pagsasanay para sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Sa ilalim ng program, nakapagbigay na ang PLDT at Smart ng digital training, materials, at workshops 30,000 MSMEs, at napalawak na ang kanilang kaalaman sa negosyo at saklaw ng merkado, na nakatutulong din sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Nakapagbigay naman ang initiative ng dagdag-kaalaman sa mahigit 16,000 magsasaka sa tulong ng access sa digital materials, training sa digital literacy, na nagdulot ng pagtaas ng kanilang productivity, mas maayos na proseso, at mataas na kita para sa kanilang kabuhayan.

Kinikilala ng World Communication Awards ang PLDT Group bilang isa sa may malaking epekto sa mga tagumpay ng global telco industries, na nagpapatibay sa kumpanya sa kanilang posisyon bilang lider ng pagsusulong ng pagbabago at digital inclusion sa Pilipinas.





Address

Taguig

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pilipinas Today posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Lahat ng storya na pwedeng pagusapan!

Storyang nakakatuwa, nakakaiyak at trending. Dito nyo unang malalaman. Salamat po

Nearby media companies


Other Media/News Companies in Taguig

Show All