Pilipinas Today

Pilipinas Today Pilipinas Today is a digitally focused news media and marketing solutions company.

28/10/2024

Agenda: Motu proprio inquiry, in aid of legislation, on the Philippine War on Illegal Drugs

Ayon kay Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, mas masahol pa umano ang ginawang paggastos ni Vice President Sara Duterte ...
11/09/2024

Ayon kay Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, mas masahol pa umano ang ginawang paggastos ni Vice President Sara Duterte sa P125 milyong confidential fund nito sa loob ng 11 araw noong 2022 kung ikukumpara sa PDAF scam ng convicted na si Janet Napoles.

Ito ang sinabi ni House Appropriations Committee chairman Zaldy Co nitong Martes, Setyembre 10 kasabay ng pagsasabi na ang inilabas na video ni Duterte ay isa nanamang diversionary tactic.

“Obvious na diversionary tactic [ang sinabi ni Duterte]. Nililihis niya ang issue kasi ayaw niyang magpaliwanang,” sabi ni Rep. Co, ang kinatawan ng Ako Bicol party-list sa Kongreso.

Sa pagdinig nitong Martes sa hinihinging P2.037 bilyon budget ni Duterte para sa 2025, iginiit ni Rep. Co ang kahalagahan na malaman kung saan ginagastos ang pondo ng bayan.

Batay sa ulat, sinabi ni Rep. Co na naglabas ng notice of disallowance ang Commission on Audit laban sa P73 milyong confidential fund na ginastos ni Duterte noong 2022. Ang P73 milyon ay bahagi ng P125 milyong confidential fund na naubos ni Duterte sa loob lamang ng 11 araw.

“Tinalo pa ang Napoles fund na 60 days ginastos ang pera,” sabi ni Rep. Co.

Ang tinutukoy ni Rep. Co ay si Janet Napoles, ang negosyante na itinurong utak sa P10 bilyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) Scam. Si Napoles ay kasalukuyang nakakulong kaugnay ng naturang scam.

“Waldas at lakwatsa ang lumalabas… nangurakot. Diversionary tactic, nililihis kasi ayaw niyang magpaliwanag. Nagsabi ang COA na mali ang paggastos nito. Kulelat ang mga bata, sirang pagkain at nutribun para sa mag-aaral. Malala ang panunungkulan. Di pumapasok sa DepEd sa gitna ng kapalpakan,” sabi ni Co na ang pinatutungkulan ay si Duterte na dating kalihim ng Department of Education.




Sa isang pahayag noong Martes, Setyembre 10, tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi pagkakalo...
11/09/2024

Sa isang pahayag noong Martes, Setyembre 10, tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi pagkakalooban ng VIP treatment si Pastor Apollo Quiboloy at ang apat na kapwa akusado kung malilipat sa kanila ang kustodiya ng ahensiya.

Sinabi rin ni BJMP spokesperson Jayrex Joseph Bustinera na handa na umano sila sakaling malipat sa Payatas male dormitory at Camp Karingal female dormitory ang grupo ni Quiboloy, mula sa custodial center ng Camp Crame kung saan unang dinala ang mga ito.

Sa kaugnay nito, iniutos na ng Quezon City Court noong Martes na ilipat ang kustodiya ni Quiboloy sa New Quezon City Jail, habang sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, at Sylvia Cemanares ay sa female dorm ng Camp Karingal.



Nagbitiw na bilang chairman ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) chairman  si retired Army General Delfin Lo...
11/09/2024

Nagbitiw na bilang chairman ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) chairman si retired Army General Delfin Lorenza nitong Martes, Setyembre 10.

“As I step down as BCDA Chairman, I thank President Ferdinand R. Marcos, Jr. for the trust and confidence in me,” sabi ni Lorenza na sa isang formal statement.

Si Lorenza, miyembro ng Philippine Military Academy Class 1969, ay nagsilbing secretary ng Department of National Defense (DND) noong termino ni Pangulong Rodrigo Duterte at ito ay itinalaga sa BCDA isang linggo bago ang kanyang pagreretiro sa serbisyo military.

Itinatag noong panahon ni Pangulong Fidel V. Ramos, ang BCDA ang pinagkukunan ng pondo sa pagpapatupad ng multi-bilyong pisong modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng pagbebenta ng dating military camps sa Metro Manila sa mga pribadong kumpanya.


Pumalit bilang tagapangasiwa ng lahat ng ari-arian ni Apollo Quiboloy ang kanyang tagasuportang si dating Pangulong Rodr...
11/09/2024

Pumalit bilang tagapangasiwa ng lahat ng ari-arian ni Apollo Quiboloy ang kanyang tagasuportang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, habang ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ay kailangang maghigpit ng sinturon dahil pinalawig ng Court of Appeals ang freeze order sa mga bank account, real estate, at iba pang ari-ariang nakapangalan kay Quiboloy at sa KOJC.

Ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), pinalawig ang freeze order hanggang Pebrero 6, 2025 batay sa desisyon ng korte sa apela noong Agosto 20.

Noong Agosto 7, unang nagpataw ang Court of Appeals ng 20-araw na freeze order matapos makita ang merito sa mga kasong s*xual exploitation, human trafficking at financial smuggling na inihain laban kay Quiboloy at apat na iba pa.

Sakop ng freeze order ang 10 bank account ni Quiboloy sa Banco de Oro at Metropolitan Bank and Trust Co., gayundin ang pitong real estate property sa Davao del Norte, Davao City, Davao Oriental, Mati at Roxas City.



Layunin ng inisyatibong suportado ni Makati City Mayor Abby Binay na ilapit ang mga passport services sa mga   sa pamama...
11/09/2024

Layunin ng inisyatibong suportado ni Makati City Mayor Abby Binay na ilapit ang mga passport services sa mga sa pamamagitan ng pagpapadali ng pagpoproseso sa new passport applications at renewals ng mga pasaporte.

Sa pamamagitan ng mobile service, giginhawa na ang pagpoproseso ng mga residente sa kanilang mga passport applications dahil hindi na nila kinakailangan pang bumyahe sa tanggapan ng DFA, at ginagawang mas accessible at mahusay ang serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Makati para sa bawat komunidad nito.





Sa pagdinig sa panukalang 2025 budget ng Department og Education (DepEd) nitong Lunes, Setyembre 9, sinabi ni DepEd Secr...
11/09/2024

Sa pagdinig sa panukalang 2025 budget ng Department og Education (DepEd) nitong Lunes, Setyembre 9, sinabi ni DepEd Secretary Juan Edgardo "Sonny" Angara na napakalaki ng monetary equivalent ng naturang pagtaas ng sahod ng mga g**o.

“We’re definitely in favor of increasing teachers’ salaries. The financial requirements are gargantuan [and] it’s not an exaggeration to say that. I think we’ll need P400 [billion] or P500 billion to reach the salary grade desired — yung P15,000 across the board. Because we have over 800,000 teachers,” pahayag ni Angara.

“That’s why the government, with all its competing financing needs, is having difficulty really doing that. But nonetheless, we’re grateful. I think the teachers are grateful that we have the Salary Standardization Law 6 under EO 64 which the President announced and which you pointed out,” dagdag pa ng kalihim.

Bago manungkulan bilang bagong DepEd chief noong Hulyo, nagpahayag ng kumpiyansa si Angara na magkakaroon ng dagdag sahod ng mga g**o sa mga susunod na taon.

“I’m confident in the next few years, hindi ko lang alam kung this year or next year, pero magkakaroon ng pagtaas sa suweldo ng ating teachers,” mensahe ni Sec. Angara kamakailan.



Sa isang Instagram post ngayong Miyerkules, Setyembre 11, pormal na inendorso ng global pop icon na si Taylor Swift ang ...
11/09/2024

Sa isang Instagram post ngayong Miyerkules, Setyembre 11, pormal na inendorso ng global pop icon na si Taylor Swift ang pagtakbo sa pagkapangulo ni incumbent Vice President Kamala Harris at ang runningmate nito na si Minnesota Governor Tim Walz.

Ayon kay Swift, ang kaniyang pag-endorso sa Harris-Walz tandem ay base sa kaniyang masinsinang research sa mga isyu at pananaw ng mga kandidato sa November elections.

Sinabi rin ni Swift na aware umano siya sa deepfake AI na kumalat kamakailan sa social media kung saan makikitang ine-endorso nito si former President Donald Trump. Aniya, ito umano ang nag-udyok sa kanyang maging transparent kung sino ang kaniyang susuportahan sa darating na halalan.

"The simplest way to combat misinformation is with the truth," ani Swift.

Inihayag ni Swift ang kaniyang pagsuporta kay Harris matapos ang naganap na unang debate nito kay Trump, kung saan mainit na nagtunggali ang dalawa sa iba't-ibang issue, kabilang na ang foreign immigration policies at ang mga naging usapin sa administrasyon ni incumbent President Joe Biden.



Buong pagmamalaking ibinida ni Makati City Mayor Abby Binay ang kanyang '76215 Black Panther bust' bilang parte ng pagsu...
11/09/2024

Buong pagmamalaking ibinida ni Makati City Mayor Abby Binay ang kanyang '76215 Black Panther bust' bilang parte ng pagsuporta sa L_GO exhibit ng Pinoy L_GO User Group (PinoyLUG)—ang first-recognized L_GO fan group sa bansa—at naki-pose sa iba pang L_GO Marvel displays kasama si PinoyLUG co-founder Leslie Araujo, at iba pang organizers ng event.

Lubos namang nagpasalamat si Araujo sa patuloy na suporta ng alkalde, hindi lamang bilang fan, kundi maging sa pagsuporta sa mga komunidad at indibiduwal na nagsusulong ng mga kinagigiliwang libangan.

“Mayor Abby’s enthusiasm for L*GO is truly inspiring, and we are incredibly proud each time she participates. Thank you, Mayor Abby, for your unwavering support, and for always making time to visit our events. Your passion means the world to us,” mensahe ni Araujo para kay Mayor Abby na idinaan sa isang social media post.

Mayo ngayong taon nang ibinahagi rin ni Mayor Abby sa publiko ang kanyang L*GO collection sa Star Wars exhibit.





Tuluy-tuloy ang pangangalampag ni Senate Majority Leader Francis Tolentino, sa pamamagitan ng inihain niyang Senate Reso...
11/09/2024

Tuluy-tuloy ang pangangalampag ni Senate Majority Leader Francis Tolentino, sa pamamagitan ng inihain niyang Senate Resolution No. 565, na matugunan ng mga kinauukulan sa gobyerno ang African swine fever (ASF) outbreak sa Pilipinas, na naiulat na patuloy na kumakalat sa 472 lugar sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Layunin ng inihain na resolusyon na magdeklara ng state of calamity sa buong bansa upang mabigyang-pansin at masolusyonan ang ASF outbreak laban sa epekto nito sa P200-bilyon local swine sector.

“We are desperately racing against time to save the local swine industry. We need to effectively arrest the further spread of the virus, roll out a national vaccination program, and provide technical and financial assistance urgently needed by our hog raisers,” pahayag ni Senator Tol sa imbestigasyon ng Senado sa epekto ng ASF outbreak nitong Setyembre 9.

Binanggit din sa resolusyon na naiulat na nawalan ng aabot ng P100 bilyon ang mga local hog raisers sa bansa, ayon sa datos mula kay AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones.



SIGURADONG BABAHA NA NAMAN…NG TANONG! Matatandaang sinabon nang husto ni Senator Loren Legarda ang Department of Public ...
11/09/2024

SIGURADONG BABAHA NA NAMAN…NG TANONG! Matatandaang sinabon nang husto ni Senator Loren Legarda ang Department of Public Works and Highways (DPWH) tungkol sa ₱251.1 billion na inilaan para sa flood management program o ₱688.5 million pondo kada araw.

Ayon sa senadora, mas mataas ang budget na ito kumpara sa kabuuang budget ng ilang ahensiya gaya ng P226 bilyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), P217 bilyon ng Department of Health (DOH), P145 bilyon ng Department of Transportation (DOTr), at P111 bilyon ng Department of Agriculture (DA).

Idinagdag pa ni Legarda na patuloy pa ring humaharap sa mga suliranin ng baradong drainage systems at hindi nahuhukay na mga ilog ang publiko sa kabila ng malaking pondo para sa mga proyekto ng DPWH, kung kaya't isasantabi muna ng Senado ang panukala nitong 2025 badyet.




Kabilang sa mga halamang ipinamahagi ang Citronella, Oregano, Lantana, at Lemongrass na may natural properties na lubos ...
11/09/2024

Kabilang sa mga halamang ipinamahagi ang Citronella, Oregano, Lantana, at Lemongrass na may natural properties na lubos na kinaayawan ng mga lamok.

Nagsisilbing panawagan ni Makati City Mayor Abby Binay ang inisyatibong ito upang panatilihin ng mga komunidad sa lungsod na malinis ang kanilang kapaligiran at nang hindi pamahayan ng mga lamok na nagdadala ng iba't ibang sakit, kabilang ang dengue.





“Karapatan at tungkulin ng Kongreso ang magsuri at magbusisi ng budget ng bawat ahensya ng gobyerno,” pagbibigay-diin ni...
11/09/2024

“Karapatan at tungkulin ng Kongreso ang magsuri at magbusisi ng budget ng bawat ahensya ng gobyerno,” pagbibigay-diin ni House Appropriations Committee at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co kasunod ng hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte, at ng sinumang kinatawan ng Office of the Vice President (OVP) sa pagdinig ng Kamara para sa panukalang mahigit P2 bilyon budget ng tanggapan para sa 2025.

“This is not just a matter of accountability, but a duty to the Filipino people. Hindi namin ito ginagawa para sa amin, kundi para sa bawat Pilipinong umaasa na ang kaban ng bayan ay ginagamit nang tama,” paliwanag pa ni Cong Zaldy.

Ayon kay Cong Zaldy, ang pambabalewala sa budget hearing ng Kamara ay pagpapakita ng kawalang respeto sa mga kongresista at sa mga distrito at sektor na kanilang kinakatawan.

“Respect for the process means respect for the people we serve. We owe them transparency and commitment,” ani Cong Zaldy.


Ginanap ngayong Miyerkules, Setyembre 11, ang programang 'Panayam sa Mamamayan' sa Dantes 2 Subdivision sa Novaliches, Q...
11/09/2024

Ginanap ngayong Miyerkules, Setyembre 11, ang programang 'Panayam sa Mamamayan' sa Dantes 2 Subdivision sa Novaliches, Quezon City, upang dinggin ang mga hinaing, suhestiyon, o iba pang kahilingan ng mga residente at agarang matugunan ng tanggapan ni Quezon City 5th District Councilor Alfred Vargas.


Sa isang press briefing ngayong Miyerkules, Setyembre 11, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na dapat ila...
11/09/2024

Sa isang press briefing ngayong Miyerkules, Setyembre 11, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na dapat ilagay si Alice Guo sa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI), sa halip na sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa kalihim, ang pagiging illegal alien nito at pagkakaroon ng pekeng passport ay dahilan upang manatili ito sa poder ng BI. Idinagdag pa ni Remulla na posible rin umanong maharap sa deportation si Guo dahil sa pagpapanggap nitong isang Filipino citizen.

Iba naman ang opinyon ng Senado sa kung sino ang dapat mayroong kustodiya kay Guo. Giit ng ilang mga senador, mayroon silang standing arrest order laban kay Guo, kung kaya't sa Senado dapat ito manatili.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Philippine National Police Custodial Center sa Quezon City ang dating alkalde batay sa utos ng Tarlac Regional Trial Court Branch 109.


WANTED: ASF VACCINE BETTER THAN VIETNAM. Sa ginanap na briefing sa 2025 budget ng Department of Science of Technology (D...
11/09/2024

WANTED: ASF VACCINE BETTER THAN VIETNAM. Sa ginanap na briefing sa 2025 budget ng Department of Science of Technology (DOST) nitong Miyerkules, Setyembre 11, ipinaliwanag ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang kahalagahan ng ahensya sa paglikha at pagpapatupad ng isang komprehensibong programa upang sugpuin ang mga viral diseases na nakaaapekto sa buhay ng mga tao, halaman, at hayop.

“How can science assist our hog farmers as well as the agricultural sector? We challenge the DOST to come up with a vaccine better than Vietnam,” pahayag ni Sen. Tolentino.

Dagdag ng senador, maaaring tumulong ang DOST sa sektor ng agrikultura sa pagtugon sa African Swine Fever (ASF) outbreak sa mga lalawigan at barangay sa bansa sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga lokal.



Sa isang mensaheng ipinadala ni US Department of Justice (DOJ)  spokesperson Nicole Navas Oxman sa ABS-CBN News, sinabi ...
11/09/2024

Sa isang mensaheng ipinadala ni US Department of Justice (DOJ) spokesperson Nicole Navas Oxman sa ABS-CBN News, sinabi nito na hihintayin na lamang nila na makarating sa kanilang bansa si Pastor Apollo Quiboloy bago magbigay ng anumang komento ukol sa mga kaso nito.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Philippine Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin 'Boying' Remulla na inaasahan nilang magre-request na ang US DOJ para sa extradition ni Quiboloy sa lalong madaling panahon.

Bukod sa mga kinakaharap na kasong human trafficking at s*xual abuse sa Pilipinas, nakatakda ring harapin ni Quiboloy ang mga kasong conspiracy to engage in s*x trafficking by force, fraud and coercion and s*x trafficking of children; s*x trafficking by force, fraud and coercion; conspiracy; at bulk cash smuggling na inihain ng federal grand jury ng US noong Nobyembre 2021.

Naglabas na rin noon ng arrest warrant ang Federal Bureau of Investigation (FBI) laban sa pastor.


Personal na naglibot si House Speaker Martin Romualdez sa Guadalupe Market sa Makati City, gayundin sa Farmers’ Market a...
11/09/2024

Personal na naglibot si House Speaker Martin Romualdez sa Guadalupe Market sa Makati City, gayundin sa Farmers’ Market at Nepa Q-Mart sa Quezon City ngayong Miyerkules, Setyembre 11, at personal niyang nakita na bumaba na sa P45 hanggang P42 ang kada kilo ng bigas.

Kasama ni Speaker Romualdez si Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at mga opisyal ng Philippine Rice Industry Stakeholders' Movement (PRISM), grupo ng rice traders; ng Department of Trade and Industry (DTI), at ng Department of Agriculture (DA).

“’Yung nakita po namin dito na factor, ‘yung pagbaba po ng taripa from 35 percent to 15 percent. So, natutuwa po ‘yung mga retailers natin ‘tsaka ‘yung mga consumers natin,” sabi ni Orly Manuntag ng PRISM, tinukoy ang Executive Order No. 62 ni President Ferdinand Marcos Jr.

“Together with PRISM and other stakeholders, we have been actively working to stop rice hoarding and price manipulation. I would like to commend the rice traders who have responded to our call to make rice affordable and available for everyone,” sabi ni Speaker Romualdez.



Address

35th Avenue, Bonifacio Global City
Taguig
1642

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pilipinas Today posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Nearby media companies


Other Media/News Companies in Taguig

Show All