Tagkawayan Teleradyo

Tagkawayan Teleradyo Online Platform of Agri Tagkawayan Teleradyo Channel 9 The Official page of Radyo Tagkawayan 101.7 FM and Tagkawayan Teleradyo

Tingnan: Sitwasyon ng ilang pangunahing kalsada at pamilihan sa Tagkawayan ngayong umaga.
02/09/2024

Tingnan: Sitwasyon ng ilang pangunahing kalsada at pamilihan sa Tagkawayan ngayong umaga.

Heavy Rainfall Warning No. 5  Weather System: Tropical Storm ENTENG / Southwest Monsoon (Habagat)Issued at: 8:00 AM, 02 ...
02/09/2024

Heavy Rainfall Warning No. 5
Weather System: Tropical Storm ENTENG / Southwest Monsoon (Habagat)
Issued at: 8:00 AM, 02 September 2024(Monday)

RED WARNING LEVEL: Quezon.
ASSOCIATED HAZARD: Serious FLOODING is expected in flood-prone areas.

ORANGE WARNING LEVEL: Laguna, Batangas, Cavite, Rizal and Metro Manila.
ASSOCIATED HAZARD: FLOODING is still THREATENING.

YELLOW WARNING LEVEL: Bulacan and Bataan.
ASSOCIATED HAZARD: FLOODING in flood-prone areas.

Meanwhile, light to moderate with occasional heavy rains affecting Zambales, Pampanga, Nueva Ecija and Tarlac which may persist within 3 hours.

The public and the Disaster Risk Reduction and Management Offices concerned are advised to MONITOR the weather condition and watch for the next warning to be issued at 11:00 AM today.

For more information and queries, please call telephone numbers 8927-1335 and 8927-2877 or log on to www.pagasa.dost.gov.ph.

02/09/2024
02/09/2024

sa mga tanggapan ng gobyerno at pampublikong sektor sa buong lalawigan ng Quezon kabilang ang Lungsod ng Lucena at Tayabas City ngayong araw, September 2 bilang paghahanda sa pinsalang maaaring idulot ng Bagyong .

Batay ito sa PDRRMC MC No. DHT-07 na ipinalabas ni Gov. Doktora Helen Tan.

01/09/2024

ORANGE WARNING LEVEL: Quezon.
ASSOCIATED HAZARD: FLOODING is THREATENING.

“Nagbabanta ang matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa”.
---------------------------
Heavy Rainfall Warning No. 2
Weather System: Tropical Depression ENTENG
Issued at: 11:00 PM, 01 September 2024(Sunday)

SOURCE: DOST-PAGASA

01/09/2024
WALANG PASOK sa lahat ng antas ng (pampubliko at pribadong paaralan) sa buong Lalawigan ng Quezon ito ay batay sa PDRRMC...
01/09/2024

WALANG PASOK sa lahat ng antas ng (pampubliko at pribadong paaralan) sa buong Lalawigan ng Quezon ito ay batay sa PDRRMC Memorandum Circular No. DHT-06

01/09/2024

TROPICAL CYCLONE BULLETIN NR. 3
Tropical Depression
Issued at 5:00 PM, 01 September 2024
Valid for broadcast until the next bulletin at 8:00 PM today.

“ENTENG” SLIGHTLY INTENSIFIES OVER THE WATERS NORTHEAST OF NORTHERN SAMAR.

Location of Center (4:00 PM): The center of Tropical Depression ENTENG was estimated based on all available data at 100 km Northeast of Catarman, Northern Samar or 115 km East Southeast of Virac, Catanduanes (13.2°N, 125.2°E)
Intensity: Maximum sustained winds of 55 km/h near the center, gustiness of up to 70 km/h, and central pressure of 1000 hPa
Present Movement: Northwestward at 15 km/h
Extent of Tropical Cyclone Winds: Strong winds extend outwards up to 200 km from the center

TROPICAL CYCLONE WIND SIGNALS (TCWS) IN EFFECT
TCWS No. 1 Wind threat: Strong winds
𝐏𝐨𝐥𝐢𝐥𝐥𝐨 𝐈𝐬𝐥𝐚𝐧𝐝𝐬, 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐨𝐮𝐭𝐡𝐞𝐫𝐧 𝐩𝐨𝐫𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐦𝐚𝐢𝐧𝐥𝐚𝐧𝐝 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 (𝐓𝐚𝐠𝐤𝐚𝐰𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐆𝐮𝐢𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧, 𝐁𝐮𝐞𝐧𝐚𝐯𝐢𝐬𝐭𝐚, 𝐒𝐚𝐧 𝐍𝐚𝐫𝐜𝐢𝐬𝐨, 𝐌𝐮𝐥𝐚𝐧𝐚𝐲, 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐬, 𝐒𝐚𝐧 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨, 𝐋𝐨𝐩𝐞𝐳, 𝐂𝐚𝐥𝐚𝐮𝐚𝐠, 𝐂𝐚𝐭𝐚𝐧𝐚𝐮𝐚𝐧, 𝐆𝐮𝐦𝐚𝐜𝐚, 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐥𝐞𝐥𝐨𝐧, 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐋𝐮𝐧𝐚, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧, 𝐀𝐥𝐚𝐛𝐚𝐭, 𝐏𝐞𝐫𝐞𝐳)

01/09/2024
31/08/2024

Grand Homecoming ng Don Guillermo Eleazar Elementary School, Pinangunahan ni Mayor Eleazar
https://www.facebook.com/share/p/WuGnqbRaFK7MziQT/

Programang ALAGA KA sa Tagkawayan: PhilHealth at Lokal na Pamahalaan, Nagkaisa para sa Kalusugan ng mga Tagkawayanin
https://www.facebook.com/share/p/sVsSE4jzLB5oQqV6/

Tagkawayan, Quezon, Pinarangalan ng DOH Bilang Breastfeeding Champion sa Mother-Baby Friendly Forum
https://www.facebook.com/share/p/S53SqM1qZdUhneAW/

Provincial Veterinarian, Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, at SLSU-JGE Nagsagawa ng Meat Processing Seminar sa Bayan ng Tagkawayan
https://www.facebook.com/share/p/LSVE1rB2hBJCxfS7/

Panukulang Budget para sa 2025, Binabalangkas na ng LGU Tagkawayan
https://www.facebook.com/share/p/Y8G2qKKLyPATqaKj/

Sanitary Landfill ng Tagkawayan, Quezon Tagumpay na Nakapasa sa Semi-Annual Monitoring ng DENR-CALABARZON
https://www.facebook.com/share/p/QtGFQrrgJMJJNQ93/

PTTC-GMEA Nagsagawa ng Obra Pursuit: Training Workshop sa Bayan ng Tagkawayan
https://www.facebook.com/share/p/yD6LATHuGcYJceJF/

TINGNAN| Noong ika-27 hanggang ika-30 ng Agosto 2024, nagsagawa ng Barangay Health Worker (BHW) Training on Updated BHW ...
31/08/2024

TINGNAN| Noong ika-27 hanggang ika-30 ng Agosto 2024, nagsagawa ng Barangay Health Worker (BHW) Training on Updated BHW Reference Manual ang Tagkawayan Rural Health Unit. Ang unang batch ng pagsasanay ay dinaluhan ng dalawang kinatawan mula sa bawat isa sa 23 barangay.

Pinangunahan ni Darene Jay M. Del Rosario, BHW Program Aide, ang pagsasanay, kabilang ang mga lecture, pre-test, at post-test exams. Binuksan ang programa ni BHW President Ma. Carmela F. Laurel. Dumalo rin sina Dr. Kevin Art Matundan, MD, at Dr. Renz Hernando para sa suporta sa mga kalahok. Tinalakay ng 17 nurses mula sa Nurse Deployment Project (NDP) ang mga pangunahing paksa, kasama sina Dra. Coraciel Lim-Gaitan, DMD, Phillip A. Cezar, RN, at Rodelo V. Teopy, RMT.

Sa huling araw, dumalo si Nurse Ivan Lorenz D. Go, Municipal BHW Coordinator, sa awarding at graduation ceremony. Kasama rin ang mga taga-Nutrition Team ng RHU, sina Ernesto R. Mendoza, Lester Ilapan, at Rence Bryan De Lara. Naging bisita rin sa pagsasanay sina Tracy Joyce T. Lindo, RND, Mercedes D. Cera, RM, Princes Mae R. Tria, at John Christopher P. Motus mula sa Provincial at Regional DOH Office - CALABARZON.

Ang Batch 2 ng BHW Training ay naka-schedule para sa Setyembre 10-13, 2024, na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga Barangay Health Workers sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa kanilang komunidad.

Tagkawayan, Quezon | Nagsagawa ng Training Workshop sa "Obra Pursuit: Product and Entrepreneurship Skills Development on...
31/08/2024

Tagkawayan, Quezon | Nagsagawa ng Training Workshop sa "Obra Pursuit: Product and Entrepreneurship Skills Development on Token Bag Weaving"

Dalawampu't dalawang (22) lokal na manghahabi mula sa Tagkawayan, Quezon, kabilang ang limang katutubo mula sa Lopez, Quezon, ang lumahok sa dalawang araw na training workshop nitong ika-28 hanggang 29 ng Agosto 2024.

Nanguna sa pagsasanay ang Philippine Trade Training Center - Global MSME Academy sa pangunguna ni G. Cev Cendaña at ng kanyang mga kasama. Saklaw ng pagsasanay ang ilang pangunahing paksa, kabilang ang Product Development, Basic Mobile Photography, Brand Management, at Business Pitching na pinangunahan nina G. Ivan Cedric Fabia, G. Cev Cendaña, Bb. Liezel Edang, at G. Bonn Jovi Estrella.

Layunin ng pagsasanay na ito na mapalawak ang kaalaman at makapaghabi ng Token Bags na opisyal na gagamitin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at ng Opisina ni Quezon 4th District Representative Cong. Atorni Mike Tan. at upang mas makilala ang mga produkto, at maturuan ang mga nakilahok kung paano kumuha ng larawan para ipalaganap ang kanilang produkto sa social media.

Ang pagsasanay ay dinaluhan ni Project Development Officer III ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, G. Lawrence Velasco. Ayon kay G. Velasco, napili ang mga manghahabi ng Tagkawayan sa paglikha ng opisyal na token basket ng Quezon Province.

Bilang kinatawan ni Mayor Carlo Eleazar, dumalo rin si Executive Assistant G. Glen Tolentino. Lubos ang pasasalamat ng Local Economic Development and Investments Promotion (LEDIP) at ng Tagkawayan Weavers sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gov. Doktora Helen Tan sa pagbibigay ng tiwala at kaalaman sa mga maghahabi sa bayan ng Tagkawayan.

30/08/2024

PROGRAM OF LOVE with Pastor Zaldy Layosa
[Disclaimer: PROGRAMA NG PAGMAMAHAL is a BLOCKTIME BROADCAST. Tagkawayan Teleradyo 101.7Fm shall have no liability for the accuracy of the information and/ or commentaries of the said broadcast and cannot be held liable for any third-party claims or damages.]

Agosto 29, 2024 - Bumisita ang Environmental Management Bureau (DENR-CALABARZON) sa sanitary landfill  sa bayan ng Tagka...
30/08/2024

Agosto 29, 2024 - Bumisita ang Environmental Management Bureau (DENR-CALABARZON) sa sanitary landfill sa bayan ng Tagkawayan, Quezon upang magsagawa ng semi-annual na monitoring ng solid waste management facilities. Pinangunahan ang inspeksyon nina Bb. Estrella L. Fiecas, Senior Environmental Management Specialist; Bb. Roane Jane R. Dublois, Environmental Monitoring Officer; at G. Alvin M. Magtaas, Environmental Monitoring Officer mula sa EMB CALABARZON.

Umagapay sa nasabing aktibidad ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Tagkawayan na kinatawan ni Bb. Maria Liezl Castro, Environmental Management Specialist 1 at Pollution Control Officer para sa Sanitary Landfill Category 1. Tagumpay na nakapasa ang bayan ng Tagkawayan sa monitoring na isinagawa ngayong araw.

Kamakailan lamang, kinilala ng DENR-CALABARZON Environmental Management Bureau ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Tagkawayan bilang Hall of Fame Awardee sa buong rehiyon dahil sa natatanging pagtupad sa pangangalaga ng kalikasan, partikular sa operasyon ng Materials Recovery Facility (MRF).

Nagpahayag din si Mayor Carlo Eleazar ng pasasalamat sa lahat ng katuwang sa proyektong ito, kabilang ang MENRO at ang mga aktibong barangay na sumuporta sa nasabing proyekto.

𝗣𝗔𝗡𝗨𝗞𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟱, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗧𝗔𝗚𝗞𝗔𝗪𝗔𝗬𝗔𝗡By Public Information OfficeCoron, Palawan—Pinangunaha...
29/08/2024

𝗣𝗔𝗡𝗨𝗞𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟱, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗧𝗔𝗚𝗞𝗔𝗪𝗔𝗬𝗔𝗡
By Public Information Office
Coron, Palawan—Pinangunahan ni Kgg. Mayor Carlo Eleazar kasama ang pang-ehekutibong sangay ng lokal na pamahalaan ng Tagkawayan, Quezon ang pagbalangkas ng pondo para sa taong 2025, Agosto 28-30.
May kabuoang higit 500 milyong piso ang kabuoang ‘proposals’ na mga tanggapan at seksyon para sa mga proyekto at programa sa susunod na taon.
Kabilang sa mga programang nakalatag ay ang sa sektor ng agrikultura, kalusugan, edukasyon, imprastraktura, turismo, peace and order, pangkabuhayan, at iba pa.
Binigyang diin naman ni Mayor Eleazar na kakailanganin pa rin na magsagawa ng prayoritisasyon sa mga ito upang umakma sa higit P380,000,000 na inaasahang pondo mula sa National Tax Allocation at lokal na kita para sa 2025.
Kasamang dumalo sa isinasagawang budget hearing ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan partikular sina Kgg. Roberto De Vero, Kgg. Josefina Guarin, at PLB President Kgg. Angelita Guban.
Samantala, ilang miyembro ng sangguniang bayan, kabilang si Vice Mayor Danny Liwanag at iba pang pinuno ng tanggapan ang hindi natuloy sa pagdalo sa budget hearing dahil sa masamang panahon na nagdulot ng aberya sa mga biyahe ng eroplano sa lugar.
Kapag naisapinal ng ehekutibong sangay sa susunod na mga linggo, ihahain naman ang panukalang badyet 2025 sa sangguniang bayan para sa kaukulang pag-aaral, pag-usisa, at pagpapatibay.

29/08/2024
Tagumpay na naisagawa ang dalawang araw na Training on Meat Processing and Hands-On Demonstration noong ika-27 hanggang ...
29/08/2024

Tagumpay na naisagawa ang dalawang araw na Training on Meat Processing and Hands-On Demonstration noong ika-27 hanggang ika-28 ng Agosto 2024 sa Southern Luzon State University-Judge Guillermo Eleazar (SLSU-JGE) Campus, Tagkawayan, Quezon. Pinangunahan ang naturang pagsasanay ng Office of the Provincial Veterinarian ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan nina Market Specialist Maria Cecilia M. Casiño at Agricultural Technician I Cheeyene D. San Agustin sa pakikipagtulungan sa Tanggapan Ng Pambayang Agrikultor ng Lokal na Pamahalaang bayan ng Tagkawayan sa pamumuno ni Mayor Carlo Eleazar.

Naging mga kalahok sa aktibidad na ito ang ilang miyembro ng Samahan ng Magbababoy ng Brgy. San Francisco/Federation of Tagkawayan Hog Raisers, SLSU-JGE REPS-Production Unit at ibat-ibang samahan ng kababihan sa ating bayan. Layunin ng pagsasanay na ito na palawakin ang kanilang kaalaman sa pagpoproseso ng karne, magkaroon ng mataas na kalidad na produkto at dagdag pangkabuhayan. Ang pagsasanay ay nakatutok sa paggawa ng iba't ibang produkto gamit ang karne tulad ng Que Kiam, Tocino, Skinless Longganisa, at Hamburger Patty.

Nagpasalamat naman ang mga nag-organisa ng aktibidad sa pagiging katuwang ng SlSU-JGE sa pamamahala ni Director/ Dr. Imelda A. Tangalin. Gayundin din sa Asst. Director ng Research, Extension and Production Services (REPS) Dr. Cherry C. Favor at SLSU-JGE Production Unit Head Prof. Veronica A. Rufo upang maisakatuparan ang pagsasanay sa kanilang Food Processing Laboratory.

Agosto 28, 2024 - Kinilala ng Department of Health ang bayan ng Tagkawayan , Quezon sa ginanap na Mother-Baby Friendly C...
29/08/2024

Agosto 28, 2024 - Kinilala ng Department of Health ang bayan ng Tagkawayan , Quezon sa ginanap na Mother-Baby Friendly Calabarzon Stakeholders Forum na ginanap sa Dusit Thani Manila, Makati City.

Bilang kinatawan ni Mayor Carlo Eleazar at Dr. Kevin Matundan, tinanggap ni Municipal Nutrition Action Officer Nurse Ivan Lorenz Go at Nutrition Program Coordinator Rence Bryan De Lara ang mga parangal, kabilang dito ang; Breastfeeding Champion Award, ito ay bilang pag suporta ng lokal na pamahalaan ng Tagkawayan sa RA 11148 na mas kilala bilang "The Kalusugan ng Mag-Nanay Act", RA 10028 Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009, at Executive Order number 51 na kung tawagin ay the Philippine Milk Code.

Tinanggap din ng bayan ng Tagkawayan ang pagkilala tungkol sa "Mother-Support Group Initiative Recognition" kung saan ito ay binibigay sa mga munisipalidad na sumusuporta sa pagkakatatag ng mother-support groups na may aktibong samahan na tumututok dito.

Samantala tumanggap din ng parangal ang Maria L. Eleazar General Hospital, sa pamumuno ni Dr. Malcolm Remo kasama ng kanilang Health Education & Promotion Officer (HEPO II) Nurse Angelica Marris Francia ang "Exemplary Award on Breastfeeding Program Implementation".

PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT: NAWAWALASUBJECT: WALLET ( BROWN) NAGLALAMAN NG DRIVERS LICENSE AT IBA PANG MAHAHALAGANG ID ...
28/08/2024

PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT: NAWAWALA
SUBJECT: WALLET ( BROWN) NAGLALAMAN NG DRIVERS LICENSE AT IBA PANG MAHAHALAGANG ID AT CASH
DATE/TIME POSTED: AUGUST 28, 2024 | 9:54 AM

Bilang pagsuporta sa programang pangkalusugan ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Carlo Eleazar, matagumpay na g...
28/08/2024

Bilang pagsuporta sa programang pangkalusugan ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Carlo Eleazar, matagumpay na ginanap ang Multi-Sectoral ALAGA KA Program noong Agosto 27, 2024, sa bayan ng Tagkawayan, Quezon, kasabay ng Konsulta Registration and First Patient Encounter ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ang programang ito ay alinsunod sa Universal Health Campaign na naglalayong maihatid ang serbisyo ng PhilHealth sa mga mamamayan sa tulong ng DOH at LGUs. Layunin nitong masiguro na natatamasa ng mga myembro ang benepisyo ng PhilHealth.

Pinangunahan ng mga kawani ng PhilHealth Gumaca ang nasabing aktibidad, sa pamumuno nina Gng. Marites E. Aguila, Social Insurance Officer II, G. Filipino B. Villapando Jr., Admin Aide VI/Clerk III, at Gng. Jhiden T. Licardo, PAIMS. Naging matagumpay ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng PhilHealth sa Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Health Office, sa pangunguna ni Dr. Kevin Art Matundan, MD (MHO), Dr. Rhenz Hernando, (DTTB), at mga kawani ng RHU.

27/08/2024

SALITA NG BUHAY Hosted by Life Coach Zaldy Layosa

Disclaimer: This is a block time program. The views and opinions expressed by the hosts and guests do not necessarily reflect those of the network and its management

Pabatid mula sa Tagkawayan Water District
27/08/2024

Pabatid mula sa Tagkawayan Water District

Address

2nd Flr. DA Research & Development Center, LGU Compound Brgy. Poblacion
Tagkawayan
4321

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tagkawayan Teleradyo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Tagkawayan Teleradyo:

Videos

Share

MISSION/VISION

Mission

We shall inform, inspire, and empower Tagkawayanin and neighboring communities through relevant, trustworthy, and state-of-the art quality radio,television and digital media programs

Vision

Tagkawayan Teleradyo shall be the leading community radio-tv channel in the municipality of Tagkawayan, that serves Southern Quezon and Bicol Region


Other Broadcasting & media production in Tagkawayan

Show All