Nanay Ayn

Nanay Ayn Gives parenting tips and inspiration

29/09/2024

Thank you Lord sa boung araw na pag - iingat N'yo po sa amin. Bantayan mo po kami sa aming pagtulog ngayong gabi. Amen.

Celebrating my 13th year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉
29/09/2024

Celebrating my 13th year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉

31/08/2024
20/06/2024

MGA LINYAHAN NG MGA MISTER:

Ano na naman ginawa ko?"
Bakit ba lagi ka nalang galit?"
Ikaw may sabi nyan, hindi ako"
Minsan lang naman ako uminom e"
Wala akong babae, ano ka ba?"
Lagi mo nalang akong pinagdududahan"
Promise, ikaw lang talaga"
Saan mo na naman narinig yan?"
Ang dami mong alam"
Sige, ikaw mag-trabaho. Palit tayo"
Wala na kong ginawang tama"

Alin dito ang linyahan ng mga partner niyo?,

Mga Ma! Gusto n'yo bang makakuha ng mga bonggang papremyo ni tang, like toy story backpack, Gcash credit up to ₱20,000, ...
14/06/2024

Mga Ma! Gusto n'yo bang makakuha ng mga bonggang papremyo ni tang, like toy story backpack, Gcash credit up to ₱20,000, toy story tumbler at samsung galaxy tab A9 ? Yes, mga ma,, yan ang pwde mo makukuha pag sumali kayo sa SCAN TO WIN PROMO ni tang ngayon.

SUPER DALI LANG SUMALI:

Step 1 - Scan mo yong QR code na makikita sa loob ng Tang sachet, tapos pupunta lang sa fb page ni tang at sa messenger magchachat kayo duon, sagutin lang lahat ng tanong nya, walang math promise! 😁

Step 2 - Pag hiningi na yong promo code, hanapin mo ito sa loob ng Tang pack. Wait ka lang for a few seconds to check if isa ka sa makakatanggap ng instant prizes ni Tang.

Step 3 - After that, yung nakuha mo na promo code, e fill up mo naman dito sa gform link for extra premyo!
📌 Gform link : https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScSp6-1QXpCJN4QveZzWsjzVIDDIyTEb3wFHYPqhmFTwAp2kA/viewform

Ang saya din nun mga ma! More entries mo chances of winning kaya yayaan na si hubby, sissy, ate, kuya, mama, papa , kapitbahay at iba pa na sumali. Tag also 3 mommies para mag join sa scan to win promo ni tang.

So if hindi ka nanalo ng instant prizes, may chance ka pa din manalo ng prizes from me! Dahil kung ang group natin ang may pinakamaraming entries, may mga premyo akong ibibigay!

GOOD LUCK!!!!

08/06/2024

If they are okey with losing you, stop fighting!

08/06/2024

Kung ayaw mong mawala sa'yo ang asawa mo . Matuto kang pahalagahan sya.

Wag mo syang tratuhin na parang hangin. Kapag may sinasabi sya , makinig ka. Kapag may iniinda sya, alagaan mo sya. Kapag malungkot sya, e cheer-up mo sya. Kapag pagod sya, pagaanin mo ang loob nya. Kapag galit sya, wag ka munang sumabay. Kapag may tinatanong sya, sugutin mo sya ng maayos.

Most of the time, hindi marangyang buhay, magandang bahay, magarang sasakyan o pera kaya nagstay ang isang tao. It is all about treatment o kung paano siya i-trato. Tratuhin mo sya ng tama at siguradong hindi sya sayo mawawala.

🖊️BuhayMayAsawa

31/05/2024

MGA MISTER,

Kung meron kayong unang sinusuportahan, asawa nyo yun.

Kung meron kayong iaangkas, susunduin o ihahatid, asawa nyo yun.

Kung meron kayong binibigyan ng pang-shopping, asawa nyo yun.

Kung meron kayong unang tinutupad ang pangarap, asawa nyo yun.

Kung meron kayong unang kino-consider sa mga decisions nyo, asawa nyo yun.

Kung meron kayong sinasabihan ng mga secrets nyo, asawa nyo yun.

Kung meron kayong unang bini-build up, asawa nyo yun.

Kung meron kayong tinitignan nang may pagnanasa, asawa nyo lang yun wala ng iba!

Kung meron kayong pinapanigan at kinakampihan, asawa nyo yun.

Kung meron kayong unang tinatanggap na impluwensya, asawa nyo yun.

Kung meron kayong beshy, asawa nyo DAPAT yun.

Kung meron kayong unang pinaniniwalaan at pinagkakatiwalaan, asawa nyo yun.

Kung meron kayong pinag-uubusan ng buong buhay nyo, asawa nyo yun.

Yes.

Una si Misis sa lahat.

Hindi magulang nyo, hindi barkada nyo, hindi kasamahan sa trabaho, hindi kamag-anak nyo, hindi career or gadgets nyo.

SI MISIS MUNA.

Subukan mong iparamdam at ipakita sa kanya na mahalaga siya, priority mo sya at unconditional ang love mo sa kanya, makikita mararamdaman mo din ang respect, loyalty at overflowing love nya sayo.

Makikita mong masarap naman pala at hindi kalbaryo ang buhay may-asawa.

31/05/2024

Wag mong ikatwiran na tao ka lang, natutukso at nagkakamali dahil bago mo pa gawin yan ay alam mo na ang TAMA at MALI.

11/05/2024

HAPPY MOTHER'S DAY PO SA LAHAT NG MGA INA, NANAY, MOMMY, INANG, LOLA, MAMA, MOMSH, WOWA, MAME, MAMiii, SUPERMOMS! 👩‍👧🤰
Maraming salamat po sa lahat-lahat. ♥️

Sa lahat ng sakripisyo…
Sa lahat ng pag-aaruga…
Sa lahat ng pagmahal…
Tunay na walang makapapantay sa'yo.
Maligayang araw ng mga Inay! 🥰

TOTOONG IKAW AY DAKILANG INA! 🙌🏻🤍

Mahal na mahal ka po namin, Nanay. 🤗

GOD BLESS EVERYONE! 🙏🏻 EVERYDAY IS MOTHER'S DAY ♥️

07/05/2024

Oh , ayan may ideya na kayo kung ano ang ibigay sa mga misis nyo 😅

07/05/2024

Kapag NILÅLÅNDI kana, ipaalam mo namn na may Asawa ka at iwasan mo na, hindi yung kinikilig kapa.

29/04/2024

"BUTI IKAW NASA BAHAY KA LANG"

Yan ang madalas isumbat ng mga lalaki sa asawa nila dahil sila kumikita at ang asawa nila nasa bahay lang..

USAPANG ASAWA:
1. Pag gising mo may kape kana, may pagkain at nakagayak na ang baon mo pagpasok sa trabaho.
2. Pag uwi mo malinis na ang bahay at pagsisilbihan ka uli para makakain ka.
3. Kapag sinabi mong masakit ang katawan mo, automatic alam na magpapamasahe ka. Kahit pagod din sa maghapon ang asawa mo.
4. Naibibigay niya pa rin ang kailangan mo kahit halos maubos na din ang lakas niya sa pag-aalaga ng anak niyo.
5. Kahit hindi mo maibigay ang lahat ng kailangan niya, (pangpaganda, luho para sa sarili niya) MASAYA YAN ang importante may pangangailangan kayo sa loob ng bahay.

USAPANG INA:
1. Sa 9 na buwan nyang dinala ang anak ninyo sa sinapupunan niya tiniis niya ang mga pagbabago sa nararamdaman nya, HILO, PAGSUSUKA,PAGLILIHI AT PANANAKIT NG KATAWAN masigurado lang na maayos ang anak ninyo.
2. Tiniis niya ang sakit ng pagli labor at pagpapalabas ng anak ninyo dahil alam nyang ang kasiyahan niya ay magiging kasiyahan mo.
3. Tiniis niya yung puyat, pagod at sakit dahil ikaw kailangan mong magtrabaho at siya lang ang maiiwan sa anak niyo kahit kapapanganak niya pa lang.
4. Lumalaki na si baby, MAS NAGING MAKULIT AT MALIKOT kaya may mga time na kahit NAGLULUTO KA, NAGHUHUGAS KA, NAGLILINIS NG BAHAY, AT ULTIMO PAG BANYO NIYA KAILANGAN KARGA NIYA ANAK NIYO.. kasi siya lang mag isa ang nag aalaga buti sana kung lagi TATLONG KILO LANG ANG ANAK NIYO, eh kaso habang lumalaki eh tumataas din ang timbang.
5. Yung akala niyo madali lang ang Breastfeeding mom nagkakamali po kayo. Kapag nagpapadede ang isang ina halos kalahati ng lakas niya ang nawawala.. imagine yung halos buong maghapon dumedede ang anak niyo kahit kumakain ang misis niyo nakasabit si baby ay HINDI PO GANUN KADALI. Lalo na yung gusto niya sanang matulog ng mahimbing sa pagod buong araw pero HINDI PA RIN PWEDE dahil my baby kayong kailangan niya pa ring padedehin kahit dis oras ng gabi. 🥺
6. Kapag nagpopo si baby hindi niyo na nga kayang amoyin HUGASAN PA KAYA SILA.. from birth to 5 years old ang bata kami ang maghuhugas ng mga pwet nila kapag nagpopo.

TAPOS MAGKAMALI LANG KAMI NG KONTE KATAKOT TAKOT NA SUMBAT AT MURA ANG MATATANGGAP NAMIN AT KUNG PAGSALITAAN KAMI PARA BANG WALA KAMING NAGAWA PARA SA INYO.

TAMA, NASA BAHAY LANG KAMI.

Pero kaming mga nanay ang responsable sa lahat ng kailangan ninyo. Mula sa pagkain, isusuot at lalo na kapag may mga sakit kayo.. KAMI KAHIT MAY SAKIT HINDI PWEDENG MAG DAY OFF. 🥺 TULOY ANG TRABAHO KAHIT WALANG SAHOD..

HINDI NAMIN HINAHANGAD NA MABIGYAN NIYO KAMI NG MGA MATERIAL NA BAGAY.. YUNG MA APPRECIATE NIYO LANG DIN SANA KAMI, SAPAT NA SAMIN.

29/04/2024

"ANG ASAWANG WALANG TRABAHO."

Ang Pag-uusap ng Asawang Lalaki, at ang Psychologist:

Psy: Anong ginagawa mo sa buhay Mr?
Mr: Nag tatarabaho ako bilang Accountant ng bangko.
Psy: E ang asawa mo ?
Mr: Ala siyang trabaho. Nasa bahay lang Housewife.
Psy : Sino nag luluto ng pagkain ninyong pamilya?
Mr: Ang asawa ko, kasi wala siyang trabaho.
Psy: At anong oras na gigising ang asawa mo para magluto ng almusal ninyo?
Mr: Nagigising siya bandang alas 5 ng umaga kasi mag lilinis muna siya ng bahay bago mag luto ng umagahan.
Psy : E paano naman pumapasok sa eskuwelahan mga anak ninyo?
Mr: Di yung asawa ko hinahatid sila, kasi ala naman siyang trabaho.
Psy : Pagkahatid ng asawa mo sa mga anak mo sa eskuwelahan ano naman ginagawa niya?
Mr: Nagpupunta siya sa palengke para mamili, tapos uuwi na sa bahay para maglaba tapos magluluto, alam mo na kasi ala siyang trabaho.
Psy : E sa gabi, pag pauwi kana galing ng trabaho, ano ang ginagawa mo?
Mr: Nagpapahinga, kasi pagod ako sa maghapong trabaho.
Psy : Ano naman ang ginagawa ng asawa mo?
Mr: Naghahanda siya ng pagkain, para sa akin at sa mga bata, pagkatapos maghuhugas siya ng pinag kainan, maglilinis ng konti, gagawa ng assignment ng mga bata, tapos papatulugin na rin niya mga bata. kasi ala siyang trabaho.

Sa tingin po ninyo sino ang mas maraming trabaho???

Sa araw-araw po ganyan na lang po lagi ginagawa ng mga ina gigising ng maaga sila pa rin yung huling matutulog tapos ang sasabihin pa eh "Walang Trabaho"??!!

Oo, Bilang isang INA di mo kailangan ng Certificate, kahit naka pagtapos o hindi ka ng pag-aaral but their ROLE/PART is very important!

Isa alang-alang natin yung ginagawa ng INA o ASAWA. Because their sacrifices are uncountable. This should be a reminder and reflection for all of us to understand and appreciate each other’s roles.

All about a WOMAN ....

* When she is quiet, millions of things are running in her mind.
* When she stares at you, she is wondering why she loves you so much in spite of being taken for granted.
* When she says I will stand by you, she will stand by you like a rock.
Never hurt her or take her wrong or for granted...

Please kindly forward to every woman to make her smile and to every man to make him realize a woman's worth.

Worth to share.❤️❤️❤️

28/04/2024

“Wag kayong matutulog ng hindi kayo nagkakaayos”

Bakit ko pipiliting makipag ayos kung hindi pa ako ready?

Sa amin kasi,
HINDI KAMI NAG-UUSAP HANGGAT DI PA HUMUPA ANG INIT NG ULO NAMIN.

Hindi kami basta magkakaayos ng ganun nalang..
‘okay na yun,kalimutan mo na, bati na tayo’
dahil mas mainam na bigyan muna namin ng space ang isa’t-isa para kumalma at saka namin aayusin ang hindi pagkakaunawaan.

Ang tendency kasi niyan, kung hindi niyo pag uusapan, hindi niyo alam kung paano niyo babaguhin ang mechanics ng pagsasama niyo, kaya mauulit ng mauulit.

Hindi rin namin pipilitin mag-usap ng may tensyon pa.. ng hindi pa kalmado…dahil mauuwi lang sa sigawan, batuhan ng masasakit na salita at walang patutunguhang diskusyon.

Naniniwala akong hindi minamadali ang mga bagay-bagay..

Communication at perfect timing.
Ramdam naman natin ang partner natin kung kalmado na siya 🤍

✍️

Address

Tagbilaran City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nanay Ayn posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Nanay Ayn:

Videos

Share