Pilipinas News Update

Pilipinas News Update Unofficial page

TAAL UPDATE: Ayon sa 3:00 am advisory ng Phivolcs ngayong madaling araw November 17, 2021, nagkaroon ng dalawang (2) mal...
16/11/2021

TAAL UPDATE: Ayon sa 3:00 am advisory ng Phivolcs ngayong madaling araw November 17, 2021, nagkaroon ng dalawang (2) maliit na pagputok ang bulkang Taal kaninang 1:46 am at 2:54 am.

Nananatili namang nakataas ang Alert Level 2 sa bulkan

Covid-19 Update | Patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sa lungsod ng Tagaytay, Ayon sa pinakahuling tala ng City Health...
04/09/2021

Covid-19 Update | Patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sa lungsod ng Tagaytay, Ayon sa pinakahuling tala ng City Health Office noonh September 1, 2021, umabot na sa 2,238 ang kumpirmadong kaso ng sakit, habang 498 sa mga ito ang active cases.

Nangunguna ang Barangay Maharlika east sa pinakamaraming active cases kung sa umabot ito sa 52.

29/07/2021

Isang 8.1 magnitude na lindol ang nangyari sa Bansang Alaska. Kung kayat nag palabas ng Ysunami Advisory ang Phivolcs sa mga sumusunod na lugar sa Pilipinas:

Batanes Group of Islands, Albay, Surigao del Sur Cagayan, Catanduanes, Davao Oriental, Ilocos Norte , Sorsogon, Davao De Oro, Isabela, Eastern Samar, Davao del Norte, Quezon, Northern Samar, Davao del Sur, Aurora, Leyte Davao Occidental, Camarines Norte, Southern Leyte, Camarines Sur, Surigao del Norte

UPDATE: BINAWI NA PO NG PHIVOLCS ANG TSUNAMI ADVISORY SA PILIPINAS

24/07/2021

Isang positibo sa Delta Variant ng Covid sa Bacoor City, umattend muna ng isang Kid party bago malamang positibo siya sa sakit.

Ayon sa panibagong advisory ng PHIVOLCS ngayong 7:30 ng gabi, July 23, 2021, Ibinaba na sa alert level 2 ang status ng B...
23/07/2021

Ayon sa panibagong advisory ng PHIVOLCS ngayong 7:30 ng gabi, July 23, 2021, Ibinaba na sa alert level 2 ang status ng Bulkang Taal

Ibinahagi ni Mark Alvin Manguinao sa isang Facebook group ang litratong ito kung saan makikita ang malaki at mataas na u...
06/07/2021

Ibinahagi ni Mark Alvin Manguinao sa isang Facebook group ang litratong ito kung saan makikita ang malaki at mataas na usok na nagmumula sa bulkang Taal ngayong 3:34 ng hapon July 6, 2021 kuha mula sa Sampaloc, Talisay, Batangas ⚠️

04/07/2021

May mga katanungan po ba kayo tungkol sa Bulkang Taal? Magcomment lang po kayo

04/07/2021

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ng ilang mangingisda ang pagburog o dagundong at paglindol sa paligid ng Bulkang Taal ngayong araw ⚠️

04/07/2021

Mag-ingat po ang malapit sa Bulkang Taal dahil napakadelikado na po ng Asupre na ibinubuga ng Taal na umabot ng 22,628 Tonelada

TAAL VOLCANO ADVISORY Nakapagtala na naman ng napakataas na Sulfur Dioxide ngayong araw July 4, 2021 sa Taal na umabot s...
04/07/2021

TAAL VOLCANO ADVISORY

Nakapagtala na naman ng napakataas na Sulfur Dioxide ngayong araw July 4, 2021 sa Taal na umabot sa 22, 628 tonelada na sinabayan pa ng mga 26 na malalakas at mabababaw na Low-Frequencies na lindol at mga pagburog, kaugnay nito, nagbabala ang PHIVOLCS na masundan ito ng paggsabog. Magingat at maging alerto.

TAAL ADVISORY ⚠️Kapapasok lang na balita, ayon sa PHIVOLCS, naitala ngayong araw ika-3 ng Hulyo 2021 ang pinakamataas na...
03/07/2021

TAAL ADVISORY ⚠️

Kapapasok lang na balita, ayon sa PHIVOLCS, naitala ngayong araw ika-3 ng Hulyo 2021 ang pinakamataas na Sulfur Dioxide sa Taal na umabot sa 14,699 tonelada, dahil dito, nagbabala ang ahensya ng posibilidad na masundan muli ito ng pagputok ng Bulkang Taal. Mag ingat at maging alerto.

Dahil sa banta ng Bulkang Taal, maraming negosyo sa Tagaytay City ang tumamlay dahil sa pagkaunti ng turista doon, nguni...
03/07/2021

Dahil sa banta ng Bulkang Taal, maraming negosyo sa Tagaytay City ang tumamlay dahil sa pagkaunti ng turista doon, ngunit giit ng PHIVOLCS, nananatiling ligtas ang nasabing lungsod sa banta ng bulkan Taal.

BREAKING | Mga nakatira sa loob ng 7km danger zone sa Agoncillo, Batangas sapilitan ng ililikas dahil sa banta ng pagsab...
03/07/2021

BREAKING | Mga nakatira sa loob ng 7km danger zone sa Agoncillo, Batangas sapilitan ng ililikas dahil sa banta ng pagsabog ng bulkang Taal

02/07/2021

NDRRMC Exec. Director. Ricardo Jalad confirms MAJOR ERUPTION of Taal volcano "is possible," citing data from PHIVOLCS.

02/07/2021

Ayon kay Director Solidum, kung magkakaroon ng panibagong supply ng magma sa Bulkang Taal, posible ang mas malakas na pagsabog

Ayon Kay Phivolcs Director Renato Solidum sa panayam ng CNN Philippines.1. Ang Pagkakaiba ng Pagputok ni Taal noong Jan ...
02/07/2021

Ayon Kay Phivolcs Director Renato Solidum sa panayam ng CNN Philippines.

1. Ang Pagkakaiba ng Pagputok ni Taal noong Jan 12, 2020 at sa nangyari kahapon ay nagsimula sa Phreatic Eruption noon at sinundan ng PhreatoMagmatic kinalaunan. At yung kahapon ay nagsimula naman sa PhreatoMagmatic Eruption.

2. Asahan natin na maaaring magkaroon ng mas malakas na Eruption kesa kahapon. Kelangang imonitor kung may pagtaas ng magma na nanggagaling sa ilalim na naglalaman ng mas maraming gases para magkaroon ng mas explosive na eruption.

3. Ayon sa kasaysayan ni Taal naobserbahan na kapag nagkaroon ng explosive eruption asahan na ang mga susunod na eruption ay hindi kasing lakas ng nauna.At minsan ang explosion ay may lava fountaining na hindi ganun kadelikado.

4. Dahil phreatomagmatic eruption ang nangyari kahapon, Napakalaki ng chance na magkaroon ng Base Surge na delikado sa buhay ng mga tao kaya nagkaroon ng rekomendasyon na ilikas ang mga brgy sa Laurel at Agoncillo.

5. Nakapagtala ng mga lindol after ng eruption na konektado sa Bulkang Taal. Dahil sa pagputok ni Taal last year, bukas na ang daanan ng magma sa ilalim ng bahagya kaya wala na masyadong lindol dahil wala ng babasaging bato sa daanan nito.

6. Ang worst case scenario ay magkaroon ng mga eruption sa hinaharap na magsasanhi ng pyroclastic density flow o BASE SURGE na binubuo ng mainit na abo, bato at gases na gagapang palabas sa main crater na delikado sa mga tao. At kapag pumasok ang mga pyroclastic material sa tubig ng lawa ay magkakaroon ito ng displacement na magiging sanhi naman ng Volcanic Tsunami na makakaapekto sa baybayin ng lawa at sa mga nakatira dito.

7. Ang mga brgy na inirekomenda sa evacuation ay Bilibinwang at Banyaga sa Agoncillo at sa Laurel naman ay Buso Buso, Gulod at parte ng Eastern Bugaan East.

8. Minomonitor namin ang parametro ng Bulkan na kapag nagkaroon ng downward trend na tuloy tuloy. Obserbahan ng dalawang linggo at ibaba namin ang Alert Level. Kelangang manatili na malayo sa peligro ang mga tao hanggat may nakikitang pagtaas ng activities ni Taal Sa loob ng 2 linggo.

9. Hindi makakaapekto ang activity ni Taal sa ibang bulkan sa Pilipinas dahil may kanya kanya silang magma chamber.

Via Ang Supremo page

LOOK: Makapal ng volcanic smog o VOG ang bumabalot sa kapaligiran ng Tagaytay City, base sa mga kuhang ito ng isang neti...
02/07/2021

LOOK: Makapal ng volcanic smog o VOG ang bumabalot sa kapaligiran ng Tagaytay City, base sa mga kuhang ito ng isang netizen ngayong Biyernes.

📸 Ronel Dimaranan via PWS/PSU FB Page

01/07/2021

"Kung magkakaroon ng tuloy tuloy o continuos Phreatomagmatic na pagputok sa Taal, maaaring itaas ang alert level 4" - Phivolcs

HANDA KA BA?Dahil sa kasalukuyang lagay ng bulkang Taal, handa ang may alam. Narito ang mga lugar sa Batangas at Cavite ...
01/07/2021

HANDA KA BA?

Dahil sa kasalukuyang lagay ng bulkang Taal, handa ang may alam. Narito ang mga lugar sa Batangas at Cavite na phrone o maaaring tamaan ng ' Base Surge ' sakaling pumutok ang bulkang Taal

Sakop ng volcanic Hazzard na ito ang ilang parte ng Tagaytay City, Tanauan City, Taal, Talisay, Santa Teresita, Mataas na kahoy Malvar, Lipa, Lemery, Laurel, Alitagtag, Cuenca, Balete, Alitagtag at Agoncillo

Source : https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php/news/9631-summary-of-barangays-susceptible-to-taal-volcano-base-surge-buffer

https://reliefweb.int/report/philippines/summary-barangays-susceptible-taal-volcano-base-surge

Kasalukuyang nagsasagawa ng mass evacuation sa mga munisipalidad ng Agoncillo at Laurel sa Batangas dahil sa banta ng Bu...
01/07/2021

Kasalukuyang nagsasagawa ng mass evacuation sa mga munisipalidad ng Agoncillo at Laurel sa Batangas dahil sa banta ng Bulkang Taal. Tinatayang 14,000 katao ang nasa high risk barangays ng nasabing mga lugar.

Via GMA NEWS

ICYMI | Itinaas ng PHIVOLCS ang alert level 3 sa bulkang Taal pasado alas-3 ng hapon ngayong araw July 01, 2021
01/07/2021

ICYMI | Itinaas ng PHIVOLCS ang alert level 3 sa bulkang Taal pasado alas-3 ng hapon ngayong araw July 01, 2021

01/07/2021

Just in | Alert level 3 na ang taal at kasalukuyang nasabog

LOOK | Balot pa rin ng makapal na Volcanic Smog ang lungsod ng Tagaytay dahil sa mataas na antas ng Sulfur dioxide na ib...
30/06/2021

LOOK | Balot pa rin ng makapal na Volcanic Smog ang lungsod ng Tagaytay dahil sa mataas na antas ng Sulfur dioxide na ibinubuga ng bulkang Taal

JUST IN | Sulfur Dioxide na ibinuga ng Bulkang taal kinumpirma ng PHIVOLCS na umabot sa NCR, CAVITE, LAGUNA, BATANGAS, R...
29/06/2021

JUST IN | Sulfur Dioxide na ibinuga ng Bulkang taal kinumpirma ng PHIVOLCS na umabot sa NCR, CAVITE, LAGUNA, BATANGAS, RIZAL, ZAMBALES, BULACAN, PAMPANGA at BATAAN at ito ang nagdulot ng haze o volcanic smog sa mga nasabing lugar.

Breaking News | Temporary evacuation sa mga severely exposed na mga residente na nasa paligid ng Bulkang Taal, inirekome...
29/06/2021

Breaking News | Temporary evacuation sa mga severely exposed na mga residente na nasa paligid ng Bulkang Taal, inirekomenda ng PHIVOLCS dahil sa mataas na asupreng ibinubuga ng bulkan at sa nararanasan volcanic smog

Taal Advisory | Naitala kahapon ang pinakamataas na asupre o sulfur dioxide na inilabas ng Bulkang Taal. Base sa 24 hour...
29/06/2021

Taal Advisory | Naitala kahapon ang pinakamataas na asupre o sulfur dioxide na inilabas ng Bulkang Taal. Base sa 24 hour monitoring ng PHIVOLCS ngayong umaga ng June 29, 2021, naitala ang 14, 326 tonela ng asupre na ibinuga ng bulkan. Ito ay hudyat na ang magma ay nasa mababaw nang bahagi ng bulkan.

Patuloy namang nababalot ng Volcanic Fog o Vog ang kalakhang Batangas maging ang ilang bahagi ng Luzon dahil sa inilalabas na asupre ng bulkan.

Mag ingat at maging alerto!

BAGSIK NG KIDLAT ⚡️TINGNAN: Malakas na kidlat ang aktuwal na nakuhanan ng isang netizen gamit ang kaniyang cellphone ban...
30/05/2021

BAGSIK NG KIDLAT ⚡️

TINGNAN: Malakas na kidlat ang aktuwal na nakuhanan ng isang netizen gamit ang kaniyang cellphone bandang alas siyete kagabi.

📸: Clark Angeles Photography

Via GMA NEWS

Ibinahagi ni Doc Welson Yap sa kanyang facebook account ang larawan ng mga pasyenteng nakahilera sa labas ng Metropolita...
28/03/2021

Ibinahagi ni Doc Welson Yap sa kanyang facebook account ang larawan ng mga pasyenteng nakahilera sa labas ng Metropolitan Medical Center at nahihintay na maipasok sa Emegency room ng nasabing Hospital na may Caption na" Panginoon, MAAWA KA🙏🏻🙏🏻🙏🏻"

Phivolcs, nagbabala sa posibilidad ng magmatic eruption sa Bulkang Taal dahil sa pagtaas ng naitatalang seismic activity...
24/03/2021

Phivolcs, nagbabala sa posibilidad ng magmatic eruption sa Bulkang Taal dahil sa pagtaas ng naitatalang seismic activity doon.

JUST IN | Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano Network ay nakapagtala ng dalawang daan at limampu’t siyam (259) na ...
24/03/2021

JUST IN | Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano Network ay nakapagtala ng dalawang daan at limampu’t siyam (259) na volcanic earthquakes, kabilang ang dalawang daan at tatlumpo’t anim (236) na volcanic tremors na tumagal ng isa (1) hanggang dalawampu’t dalawang (22) minuto at apat (4) na hybrid earthquakes. Samantala, mahinang pagsingaw, na may taas na sampung (10) metro, mula sa mga fumaroles o gas vents ang naganap sa Main Crater. Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 na humigit-kumulang sa 813 tonelada kada araw ang nasukat noong ika-23 ng Marso 2021. Huling nasukat sa lawa ng Main Crater ang mataas na temperatura na 71.8ºC noong ika-04 ng Marso 2021 at acidity na may pH 1.59 noong ika-12 ng Pebrero 2021. Ang sukat ng ground deformation ng bulkan batay sa electronic tilt, continuous GPS at InSAR data ay nagsasaad ng marahan at patuloy na pamamaga ang kalakhang Taal magmula pa nang pagsabog ng bulkan noong Enero 2020. Sa kabuuan, ang mga nabanggit na batayan ay maaaring nagsasaad ng patuloy na pagligalig ng magma sa di kalalimang bahagi ng bulkan.

Ang Alert Level 2 ay kasalukuyan pa ring nakataas sa Taal Volcano. Pinaaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang madla na sa Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI. Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS na maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure. Ang mga lokal na pamahalaan ay hinihikayat na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan. Ang mga may-katungkulan sa civil aviation ay nararapat na humikayat sa mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa bulkan dahil sa naglilipanang

21/03/2021

JUST IN | Niyanig ng Magnitude 2.9 na lindol ang bayan ng Calaca, Batangas kaninang 11:41 ng gabi March 21, 2021. Volcano-Tectonic ang pinagmulan ng lindol ibig sabihin konektado ang lindol sa aktibidad ng Bulkang Taal

Naitala naman ang Intesity 2 sa Bauan at Tingloy, Batangas

15/03/2021

Naramdaman mo ba? Nakakatanggap kami ng reports na may naramdamang lindol o pagyanig sa Central Luzon, NCR at Souther Luzon

JUST IN | Itinaas na ng PHIVOLCS ang alert level 2 sa Taal Volcano
09/03/2021

JUST IN | Itinaas na ng PHIVOLCS ang alert level 2 sa Taal Volcano

Ayon sa pinakahuling bulletin ng PHIVOLCS ngayong Ika - 6 ng Marso 2021 naitala ang Low Level Background volcanic tremor...
06/03/2021

Ayon sa pinakahuling bulletin ng PHIVOLCS ngayong Ika - 6 ng Marso 2021 naitala ang Low Level Background volcanic tremor sa Bulkang Taal na tumagal ng 20 oras

03/03/2021

JUST IN | Itinaas ng PHIVOLCS ang alert level 1 sa Bulkang Pinatubo

BREAKING NEWS | 113 tremor o lindol ang naitala sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras. Tumatagal ang mga pagyanig ng i...
26/02/2021

BREAKING NEWS | 113 tremor o lindol ang naitala sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras. Tumatagal ang mga pagyanig ng isa (1) hanggang 34 minuto

The photo says it all 👇
25/02/2021

The photo says it all 👇

WOW | Nakuhanan ng isang netizen ang nakabibighaning itsura ng Bulkang Taal mula sa kanyang sinasakyang eroplano na duma...
21/02/2021

WOW | Nakuhanan ng isang netizen ang nakabibighaning itsura ng Bulkang Taal mula sa kanyang sinasakyang eroplano na dumaan mismo sa ibabaw ng bulkan.


📷 Paulo Infante

Pinalubog ng Bagyong   ang syudad ng Tandag sa mindanao. Ayon sa ilang residente doon, ito na ang pinakamalalang pagbaha...
21/02/2021

Pinalubog ng Bagyong ang syudad ng Tandag sa mindanao. Ayon sa ilang residente doon, ito na ang pinakamalalang pagbahang naranasan nila.

Photo courtesy of Chloe Kifanes

Address

Mc Arthur Street
Tagaytay City
4120

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pilipinas News Update posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other Media/News Companies in Tagaytay City

Show All

You may also like