
12/02/2025
Single, Taken, o Taken for Granted? Your Feb-Ibig Horoscope Knows!
♈ Aries (Ram): March 21–April 19
- Ang araw na ito ay para sa’yo, sayo na sawi sa pag-ibig sa dami ba namang failed situationships. Don’t worry swerte ka rin naman kahit papaano dahil may panibago ka namang makakasalamuha, bagong ka-situationship. Ang tanong ng taong-bayan, magiging successful ba ito? It’s a prank! Dahil hanggang situationship ka pa rin. Kung may karelasyon ka man, iwasan mong maging nonchalant para ‘di nag-ooverthink jowa mong chalant. Lucky color ay green, para hindi lumutin ang iyong love life.
♉ Ta**us (Bull): April 20–May 20
- Sorry you don’t have enough load to make this call to tadhana. Hindi ka magiging masaya sa araw na ito, bukod sa single ka, di ka rin magkakajowa. Makakatanggap ka ng bulaklak, ‘di galing sa manliligaw kundi galing sa sarili mo. Self-love ang peg mo ngayong February 14 dahil kailangan mong pagpahingahin ang pusong sugatan at make sure mo rin na emotionally available ka na, hirap mo kasing intindihin. Mag-sana-all ka na lang muna sa mga kaibigan mong may lovelife. Ang lucky color mo sa valentine’s day ay white, advice sa’yo ni kapalaran mag-uniform ka na lang since may pasok ka pa at wala ka rin namang ka-date.
♊ Gemini (Twins): May 21–June 21
- Walang bulaklak na matatanggap, ngunit, subalit, datapwat, may matatanggap ka, walang iba kundi sama ng loob sa mga couples na makikita mo sa araw na ‘to. Kung may human version man ang bitterness ikaw ‘yon kahit di ka naman kumakain ng ampalaya. Masaya ka naman sa buhay single, sadyang bitter ka lang talaga sa araw na ito. Pero ang swerte mo’y ‘di mawawala, dahil makikilala mo na ang magbibigay sa’yo ng “trauma”. Mamahalin ka naman talaga, ngunit, subalit, datapwat, pang-character development ka nga lang. Hindi lucky color ang ibibigay sa’yo ng kapalaran, color na dapat iwasan; color red, iwasan ang red flag.
♋ Cancer (Crab): June 22–July 22
- Para sa inyo ang araw na ito, hindi katulad ng gemini, makikilala mo ang love of your life as long as you’re patient with every person you’ll meet. Masyado kasing konti ang pasensya mo, bili ka sa bakery two pesos lang. Wag masyadong mainggit sa mga may karelasyon, dahil dadating na ang para sa’yo. Lucky color mo sa araw ng mga puso ay pink, para naman magkakulay ang mundo mong sobrang gray. Payo ni kapalaran, umiwas sa mga taong may salamin, kasi blurry ka na nga sa kanila, blurry din sila magbigay ng signals.
♌ Leo (Lion): July 23–August 22
- ‘Wag ka nang mag-atubiling magiging free ka sa araw na ‘to, wag kang masyadong mag-expect, dahil wala kang matatanggap kahit sama ng loob, wala. Bida-bida ka naman kaya magfocus ka na lang sa pag-aaral at duties mo dahil mas kailangan mong mafulfill ang mga tasks mo hindi ang puso. Roster so hard and so clear ang peg mo ngayong valentines pero ang totoo single ka lang talaga at walang ine-entertain na tao sa buhay. Lucky color don’t matter kasi malas ka naman sa pag-ibig araw-araw this year, mapavalentines man o hindi. Try mo na lang next year, malay mo swerte ka na.
♍ Virgo (Virgin): August 23–September 22
- Life is lifing sa buhay mo, bukod sa swerte ka sa lovelife, swerte ka rin sa buhay mo sa eskwela. Masyado kang mabuti sa iba kaya mabuti rin ang kapalaran sa’yo. Payo ni kapalaran, ‘wag ka lang maging kampante sa mga tao sa paligid dahil baka ‘di mo aasahan na sila rin mismo maging dahilan kung bakit sasama ang loob mo. Kung bakit ganito ang payo ni kapalaran, masyado kasing malala attachment and trust issues mo kaya practice to not be attached too much, to not trust too much para di ka bokya. Lucky color mo sa araw ng pag-ibig ay red, bagay na bagay para sa’yo sa araw ng mga puso.
♎ Libra (Balance): September 23–October 23
- Ang sabi ni kapalaran, hindi man masaya lovelife mo, masaya naman ang puso mo. Masyado ka kasing nalasing sa self-love kaya ‘di kaya ng mga taong lumalapit sa’yo ang standards mo, mantra in life “ if they can’t do it for me, I’ll do it myself na lang” kaya you singled so hard sa buhay mo. Too good to be true man, pero that’s your reality, you’re too focused for self-growth and it doesn’t matter if you have a kabiyak or none, pagpatuloy mo lang yan dahil yan ang dadala sa’yo para sa tamang tao. Lucky color ay purple dahil self-love hanggang mag-violet(chos).
♏ Scorpio: October 24–November 21
- Life is unfair, totoo naman. Ang kapalaran mo ngayong araw ng mga puso ay wala. Masyadong bland ang buhay mo, hindi exciting kaya wala ring exciting news for you. Paano ba naman kasi madali kang maumay sa tao, madali ring maubos ang pasensya mo sa mga bagay-bagay. Payo ni kapalaran, explore rin pag may time, be adventurous sa love life man or sa life. Mahal ka naman ni tadhana, dadalhin ka sa taong magbibigay ng motibo, pero di ka naman papanagutan sa huli. Kasi nga unfair ang life, pero at least magkakabuhay na ang buhay mong too bland, parang luto mo rin yan eh. Lucky color mo ay yellow para tumingkad ang buhay mong color black.
♐ Sagittarius (Archer): November 22–December 21
- You tend to overthink things, even the smallest things kaya mabilis sumuko ang mga tao sa’yo. Tatanungin ka naman nila ng, “oh what’s wrong na naman with you?” but you’ll answer them nothing kahit meron naman talaga. You left them with unanswered questions kaya they tend to overthink na rin kahit ‘di naman sila overthinker. Payo ni Kapalaran, bawas-bawasan ang ganyang trait dahil kahit mahal ka ng tao, mapapagod na lang sila sa’yo. Kaya ngayong Valentine’s sulitin mo ang pagmamahal na meron ang tao sa’yo, ‘wag itong itake for granted, kasi mabilis bumalik si Karma kaya maging mabuting karelasyon. Lucky color mo ay brown kaya make sure to feel loved kapag nila-love ka, para di maging color brown ang lovelife, color ng lupa, pangit ‘yon.
♑ Capricorn (Goat): December 22–January 19
- ang lovelife mo ngayong valentine’s day ay sobrang Latina! Masaya talaga ang lovelife mo dahil mahal ka ng kapalaran ngayong taon. Marahil ay matagal mo rin naman na itong hiniling kaya ibibigay na ito sa’yo ng kapalaran, basta’t you’ll trust what destiny may offer sa’yo. Masyadong malas ka man last year, wag kang mag-alala dahil babawi siya. I-make sure mo lang na marami kang ginawang mabuti, dahil your luck is based on your goodness with may it be with yourself or with others, para di ka bokya sa taong ito. Lucky color mo ay blue, para mawala ang blues na nafefeel mo sa buhay mo.
♒ Aquarius (Water Bearer): January 20–February 18
- Ang sign mo ay water bearer, ngayong February 14 uminom ng maraming tubig dahil baka madehydrate ka sa sobrang inggit. Iwasan mo rin ang iba pang water signs kasi baka malunod ka sa mga mala-alon nilang push and pull method sa’yo. Papasayahin ka tapos biglang “I’m sorry, ‘di pa ako ready”, ending luhaan na naman si bading. ‘Wag masyadong ma-attract sa mga naka-blue sa araw ng mga puso dahil malas ito sa’yo. Hindi dahil water bearer ka magpapa-uto ka na sa mga water signs, ano magpapalunod ka sa mga matatamis na mga salita nila?
♓ Pisces (Fish): February 19–March 20
- You’ll be able to find love, but not on this year. Hindi swerte ang love life sa’yo kaya pumirmi ka. ‘Wag ka rin masyadong people pleaser na halos lahat ng tao bibigyan mo ng bulaklak, kahit sinasabi mo sa sarili mo na to spread love and totoo gusto mo lang rin mabigyan lalo na ng taong gusto mo pero stop mo yan dahil hindi ka mabibigyan ng taong gusto mo, di ka pa naman si Jollibee para maging bida. ‘Wag mo ring susubukang mag-dating app dahil mas malas ka roon. Ang gawin mo na lang sa araw na yan ay magpasalamat sa Diyos dahil hindi ka pa binibigyan ng magiging sakit sa ulp at sakit sa puso. Kaya ang payo ni kapalaran, wag kang magbibigay ng kahit ano sa kahit sino sa araw na ito dahil hindi magandang tingnan ang maging people pleaser. Ang lucky color mo ay orange, dahil titingkad ka man sa mata ng iba, pero di ang love life mo, gusto mo rin naman yan dahil bida-bida ka.