Rescuer News Publishing

Rescuer News Publishing Newspaper

21/10/2022
FLASH NEWS: Dating Manager ng Landbank nadisgrasya ngayon lang sa bahagi ng Barangay Magon, Tantangan, South Cotabato.St...
21/10/2022

FLASH NEWS: Dating Manager ng Landbank nadisgrasya ngayon lang sa bahagi ng Barangay Magon, Tantangan, South Cotabato.

Standby for more details!

October 18-20,2022 -Vice Mayor’s League of the Philippines Regional Assembly and Elections at Sheraton Hotel, Pasay City...
20/10/2022

October 18-20,2022 -Vice Mayor’s League of the Philippines Regional Assembly and Elections at Sheraton Hotel, Pasay City, Manila

Regional Chairman: Hon. Francis Eric Recinto
Regional Vice Chairman: Hon. Rosalita Nunes
Regional Sec. General: Hon. Gemma Lloren
Regional Treasurer: Hon. Arnold Armada
Regional: Hon. Mariano Escalada
Regional P.R.O : Hon. Tabanay
Regional Board of Directors:
Hon. Tito T. Balazon
Hon. Antonio Bendita
Hon. Ralph Ryan Rafael
Hon. Lalaine Suhanda

Muling nagsagawa ng paglilikop ngayong araw ang City Veterinary Services Offices (City Vet)  ng mga a*ong gala bilang pa...
20/10/2022

Muling nagsagawa ng paglilikop ngayong araw ang City Veterinary Services Offices (City Vet) ng mga a*ong gala bilang pagpapatupad sa City Ordinance No. 076-2021.

Sa pangunguna ni Dr. Allan Alimajen, City Veterinarian, binisita ng City Vet ang mga barangay ng Upper Katungal, Rajah Muda, at New Passi.

Mayroong 32 a*o ang nahuli sa operasyon at dinala ang mga ito sa City Dog Pound sa Brgy. Kalandagan.

Tatlong araw ang palugit ng mga may-ari ng a*o na bawiin ang kanilang alaga matapos makapagbayad ng multa alinsunod sa ordinansa. Sa loob ng walong araw, ang mga a*ong hindi na babalikan ng mga may-ari ay bubuksan para sa adoption.

Look..ASEANA GENERAL MERCHANDISE with their Sales clerk. Along National highway infront of Quijano Hospital.Come and vis...
19/10/2022

Look..ASEANA GENERAL MERCHANDISE with their Sales clerk. Along National highway infront of Quijano Hospital.Come and visit sa pwesto nila lahat ng hinahanap nyo nandito na. Very accommodating ang kanilang mga sales clerk hindi kagaya ng ibang store dyan pag tinatanong mo talikuran ka, cguro ito sila well oriented ng kanilang Boss dahil very humble ang nag mamay ari ng ASEANA MERCHANDISE . Kgwd Tom Subando and Family Godbless you always!

MAESTRA,EMPLEYADO SA GOBYERNO, NADAKPAN SA DRUG BUST OPERATION MALITA,Davao Occidental - Gidakop sa pwersa sa PDEA-XI,Da...
18/10/2022

MAESTRA,EMPLEYADO SA GOBYERNO, NADAKPAN SA DRUG BUST OPERATION

MALITA,Davao Occidental - Gidakop sa pwersa sa PDEA-XI,Davao Occidental Police Provincial Office ug Malita Municipal Police Station ang usa ka Rodrigo Rodriguez human mapaliti og balor 15,000 pesos sa gituohang shabu sa gilusad nga drug buy bust operation kaganihang pasado alas 2:00 sa kaadlawon sa Barangay Poblacion,Malita, Davao Occidental.

Nadiskubrehan atul sa operasyon nga si Rodriguez usa ka job order employee sa LGU Davao Occidental ug maoy tag-iya sa giingong drug den nga nasudlan sa mga otoridad.

Subay sa report sa PDEA-XI, naabtan sab nila sa lugar nga aktong nag shabu session ang usa ka Public School Teacher nga giila sa PDEA nga si Isabel Tanggo ug usa ka Haren Fel Tagose nga naa mismo sa giingong drug den ang gidakop usab sa mga operatiba.

2 pa ka sachets nga naay sulod sa gituohang shabu ang narekober sa mga otoridad nga 11 gramos ang timbang nga adunay street value nga 165,000 pesos ug 3 ka sachets sa gituohang marijuana,drug paraphernalia ug marked money.

Kung mapamatud-ang sad-an sila Rodriguez ug Tanggo posibleng maximum penalty ang ipahamtang kanila ug dili na sab kini makabalik og trabaho sa gobyerno.


Photos: PDEA-XI

2 LALAKI TIMBOG SA PAGBEBENTA NG NAKAW NA MGA HAYOP Lebak Municipal Police Station – kalabuso ang dalawang lalaki matapo...
18/10/2022

2 LALAKI TIMBOG SA PAGBEBENTA NG NAKAW NA MGA HAYOP

Lebak Municipal Police Station – kalabuso ang dalawang lalaki matapos itong magbenta ng kabayo at baka sa Sitio Pigil, Brgy Bolebak, Lebak, Sultan Kudarat kahapon ngunit ng hinanapan ito ng mga dokumento ay wala itong maipakita sa kanilang pinagbentahan.

Agad namang nakipag-coordinate ang Lebak Municipal Police Station sa katabing munisipyo nito tulad ng South at North Upi sa probinsya ng Maguindanao sa posibleng reklamo ng mga nawawalang hayop.

Bilang tugon, dumating sa Lebak MPS ang mga tauhan ng South Upi MPS at North Upi MPS kasama ang mga nagreklamong residente nito. Tumugma naman sa kanilang deskripsyon ang nawawalang kabayo na mula sa North Upi, Maguindanao del Norte at isang baka mula naman sa South Upi, Maguindanao del Sur.

Agad-agad naman inaresto ang dalawang lalaki matapos mapatunayan na nakaw ang mga ibinebentang hayop ng mga ito.

Kinilala naman ang dalawang suspek na sina alyas Jun-jun, 18 anyos, single, walang trabaho at alyas Jeric, 22 anyos, may-asawa, at parehong residente ng Brgy Renti, Nuro Upi, Maguindanao del Norte.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng North Upi MPS ang dalawang suspek upang ihain ang ka*ong paglabag sa PD 533 o Anti- Cattle Rustling Law of 1974.

15/10/2022

UPDATE REPORT| PANOORIN ANG LIVE REPORT NI KARESCUER LARRY GERONIO SA NANGYARING SHOOTING INCIDENT SA BAYAN NG ISULAN, SULTAN KUDARAT

Flash NEWS| Nakasakay sa mini van binaril sa harap ng king David school Isulan Sultan Kudarat ..standby follow up detail...
15/10/2022

Flash NEWS| Nakasakay sa mini van binaril sa harap ng king David school Isulan Sultan Kudarat ..standby follow up details to follow...

15/10/2022

Flash report...

Nakasakay sa mini van binaril sa harap ng king David school Isulan Sultan Kudarat ..standby follow up details to follow...

PATAY ANG isang army corporal habang isang sundalo rin ang sugatan sa pag atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o...
14/10/2022

PATAY ANG isang army corporal habang isang sundalo rin ang sugatan sa pag atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at Daulah Islamiya Group sa Sitio Butalo, Barangay Sambulawan, Datu Salibo Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Corporal Allan Balena na taga North Cotabato.

Sinabi ni Army's 601st Infantry Brigade Commander Colonel Oriel Pangcog na hinarass ng grupo ni commander Jacket ng BIFF-Daulah Islamiya ang army at CAFGU detachment sa naturang lugar.

Aniya, hindi naman tumagal ng sampong minuto ang palitan ng putok kung saan nakapwesto ang grupo ni commander Jacket sa ilog at kalsada.

May paalala naman si Colonel Pangcog sa mga responsable sa pag atake at tiniyak ang kaligtasan ng mga residente.

"Sa area diyan sa Datu Salibo,ang inyong Philippine Army ay patuloy kayong po-protektahan. Sa mga kapatid nating nawalan ng landas ay ito ang tamang oras para kayo ay sumuko, I encourage them na sumuko dahil maganda ang programa ng gobyerno at sana sumuko kayo dahil para makamit na ang kapayapaan."

SAMANTALA, kinumpirma ni Colonel Pangcog na ang grupo ni Commander Jacket ang nasa likod ng pamamaril at pagpatay sa hepe ng Ampatuan PNP na si Lt. Reynaldo Samson at driver nitong pulis din.

Bago kasi ang pag atake sa army detachment sa Datu Salibo ay nagkaroon ng operasyon ang army upang tugisin ang mga responsable sa pagpatay sa hepe.

Matatandaang magsisilbi sana ng warrant of arrest noong August 30 ang Ampatuan PNP nang pagbabarilin sila ng mga armadong grupo.

Opisyal ng inilunsad ang mas pinasiglang PNP KASIMBAYANAN ngayong araw na idinaos sa Provincial Sports Complex, Isulan S...
14/10/2022

Opisyal ng inilunsad ang mas pinasiglang PNP KASIMBAYANAN ngayong araw na idinaos sa Provincial Sports Complex, Isulan Sultan Kudarat, Oktobre 14, 2022.

Dinaluhan naman ito ng panauhing pandangal na si Gobernador Datu Pax Ali S. Mangudadatu, ng Sultan Kudarat, mga lider ng simbahan at iba pang mga opisyal ng probinsya.

Ang programang KASIMBAYANAN na ang ibig sabihin ay Kapulisan, Simbahan at Pamayanan ay naglalayong mapagpapatibay pa ang pagtutulongan at samahan ng mga Kapulisan at nang buong pamayanan.

Ito rin ang magpapamulat sa bawat isang mamamayan na meron itong mahalagang papel na gagampanan sa komunidad upang lubosang makamit ang kapayapaan, kaayusan at kaunlaran lalo na sa buong Rehiyon XII.

Isinabit din ang KASIMBAYANAN button pin sa mga SKPPO personnels at partners kasunod ang signing of the pledge of commitment nagpapatunay ng bulontarismong pananampalataya sa magagawa ng programa.

Tumatak din ang pambungad na pagbati na iginawad ng Provincial Director na si Police Col. Christopher M. Bermudez, ang " Life is Beautiful" na animoy naging theme song dahil hindi lamang ito kinanta ngunit sinabayan pa ng masiglang pagsayaw ng bawat isa na dumalo sa programa!

"Ang pangarap Nyo, ay pangarap ko din!"
"Service with a Heart"

14/10/2022
Drug den nabuwag, 5 drug suspect naaresto pero target nakatakas; higit 100K na halaga ng droga nakumpiska sa Kabacan, No...
14/10/2022

Drug den nabuwag, 5 drug suspect naaresto pero target nakatakas; higit 100K na halaga ng droga nakumpiska sa Kabacan, North Cotabato

KABACAN, NORTH COTABATO - Hindi lang iligal na drogra, nakumpiska rin sa limang mga suspect sa search warrant operation sa Barangay Katidtuan, Kabacan North Cotabato ang ibat-ibang armas.

Ang may ari ng drug den na target sana ng operasyon ay nakatakas ayon sa PNP ay nakilalang si Bumol Sumilao habang arestado naman ang iba pang drug personalities na kanyang kasamahan na sina Amir Sumilalao, Tonican Sumilalao, Mohammad Orakim, Ervin Villagonzalo, and To Dimaudtang.

Nakuha sa kanila ang dalawang medium at seven small sachets ng suspected sachets na nagkakahalaga ng 102,000.00 at assorted drug paraphernalia.

Maliban din na nakuha rin mga armas na kinabibilangan ng improvised 12 gauge shot gun, a caliber .45 pistol with magazine and live ammo with defaced serial number, a revolver pistol with defaced serial number and two (2) hand grenades.

Nabatid na sangkot sa proliferation of illegal drugs ang grupo ni Sumilao sa ilang lugar ng probinsya.

Kakaharapin ng mga suspect ang ka*ong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Photo courtesy: PDEA 12

TINGNAN: MOTORNAPPER ,PATAY SA OPERASYON NG PULIS SA ESPERANZA,SULTAN KUDARATPatay matapos  manlaban sa awtoridad ang is...
13/10/2022

TINGNAN: MOTORNAPPER ,PATAY SA OPERASYON NG PULIS SA ESPERANZA,SULTAN KUDARAT

Patay matapos manlaban sa awtoridad ang isang lalaking suspek sa pagtangay ng isang motorsiklo sa Purok Liwayway,Barangay Saliao, Esperanza ,Sultan Kudarat,alas 4:20 ng hapon ,Oktobre 13,2022.

Kinilala ang namatay na suspek na si Kol Masdal, legal ang edad,residente ng Sitio Kamanga,Barangay Laguilayan,Isulan ,Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng Esperanza MPS,agad na nagsumbong sa mga pulis ang biktima na si Bader Kasim Nilong, dahilan para magsagawa ang mga ito ng hot pursuit operation.

Ayon pa sa salaysay ni Nilong,tinutukan siya ng baril ng suspek at tinagay ang kanyang motor na Kawasaki Bajah CT 125.

Nakorner naman ang suspek sa Purok Banawag ,Barangay Villamor ng nabanggit na bayan.

Nauwi sa barilan ang operasyon nang paputukan ng suspek ang mga pulis.

Isinugod pa sa ospital ang suspek pero ideneklarang dead on arrival ng attending physician.

Na-recover naman sa crime scene ang motor ng biktima,isang caliber 45 pistol, mga bala at 3 small sachet ng hinihinalang shabu.

PAGBEBENTA NG KABUTE, NAGING PANGKABUHAYAN NG ISANG GINANG SA BAYAN NG ISULAN, SULTAN KUDARAT.Hindi nagpatinag si aling ...
13/10/2022

PAGBEBENTA NG KABUTE, NAGING PANGKABUHAYAN NG ISANG GINANG SA BAYAN NG ISULAN, SULTAN KUDARAT.

Hindi nagpatinag si aling Lucy sa kabila ng malakas na buhos ng ulan along national highway Barangay Kenram, Isulan, Sultan Kudarat.

Ika 12 ng oktubre 2022 nang madaanan ng aming team si aling Lucy na nagbebenta ng mushroom Kasama ang may lagnat na anak nito.

Napatigil kasi si aling Lucy sa kanyang pag - aaral dahil sa labis na kahirapan, kung kaya't mula pagkabata ay pagbebenta na ng kabute ang naging pangkabuhayan nito.

Mahigit labing pitong taon nang nakagawian ni aling Lucy ang ganitong negosyo, kaya todo kayud ito at nagsusumikap na kumita araw araw upang mabuhay.

Kita sa larawan ang may lagnat na anak nito na pansamantalang pinahiga sa isang gilid upang makapagpahinga habang nagbebeta ito ng kabute sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Higit isang daang mga motorsiklo at higit 50 mga tricycle, na-impound ng Pikit PNP matapos makitaan ng ibat-ibang paglab...
13/10/2022

Higit isang daang mga motorsiklo at higit 50 mga tricycle, na-impound ng Pikit PNP matapos makitaan ng ibat-ibang
paglabag

ANG ISINAGAWANG INTENSIFIED POLICE operation ay pinangunahan ng Cotabato Police Provincial Office, Pikit PNP at iba pang augmented police units laban sa mga motorsiklo at tricycle na kulang ang mga dokumento.

Sinabi ni Pikit town police chief Lt.Col. John Miridel Calinga na karamihan sa mga nahuli ay walang mga plaka, walang OR/CR at iba pa.

Isinagawa ang operasyon sa national highway ng Pikit at iba pang mga strategic areas ng bayan.

Sa kabuuan, 130 na mga motorsiklo at 52 mga tricycle ang nahuli.

Layunin nito na paigtingin pa ang local ordinance ng bayan na nagbabawal sa mga sasakyan na bumyahe na walang sapat na dokumento at upang masugpo na rin ang iba’t-ibang krimen na madalas kinasasangkutan ng mga riding in tandem suspects.

Samantala, ang mga na-impound na mga motorsiklo at tricycle ay maaaring kunin ng mga may-ari sakaling ma-proseso na ito ng maayos o kaya’y makompleto na ang mga dokumento.

PHOTOS: PRO12 North Cotabato PNP

DETACHMENT NG SUNDALO, HINARAS KAGABI SA BAYAN NG SALIBO, MAGUINDANAO
13/10/2022

DETACHMENT NG SUNDALO, HINARAS KAGABI SA BAYAN NG SALIBO, MAGUINDANAO

Palpak na rollout ng National ID System, pinaiimbestigahan sa KamaraPinaiimbestigahan sa Kamara ang palpak na rollout ng...
13/10/2022

Palpak na rollout ng National ID System, pinaiimbestigahan sa Kamara

Pinaiimbestigahan sa Kamara ang palpak na rollout ng National ID system.

Batay sa House Resolution 471, na inihain ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera, kaniyang iginiit na dapat magpaliwanag ang Bangko Sentral ng Pilipinas, NEDA at Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga ahensiya na nangangasiwa sa nasabing proyekto.

Panawagan ni Rep. Herrera na dapat na rin palitan ang namumuno sa PSA dahil sa bigo nitong ipinatupad ang maayos na pamamahagi ng Philippine Identification System (PhilSys) na inaasahang makatutulong sana para mabago ang delivery ng public services.

Ayon sa mambabatas, taong 2018 pa nang maisabatas ang National ID.
Magugunita na nuong 2020, ipinag-utos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng PhilSys para sa pag-identify ng pinakamahihirap na pamilya na mabibigyan ng ayuda.
Inatasan ang BSP na i-produce at i-deliver ang 116-million pre personalized ID’s mula 2021 hanggang 2023.

Batay sa report ng Commission on Audit nasa mahigit 27 million pre personalized cards o 76-percent ng 36-million na kinakailangang bilang ng ID’s ang nai-deliver lamang ng BSP.
Giit ni Herrera, kung fully implemented sana ang National ID, malaking tulong ito sa pag-counter check ng pagkakakilanlan ng mga magpaparehistro sa ilalim ng SIM Card Registration Law.

NOW| MARAMING mga motorista ang na stranded ngayong umaga dahil sa patuloy na tensyon sa Barangay Butalo Datu Salibo Mag...
13/10/2022

NOW| MARAMING mga motorista ang na stranded ngayong umaga dahil sa patuloy na tensyon sa Barangay Butalo Datu Salibo Maguindanao del sur.

Ayon sa post ng mga netizen, hindi muna pinapayagang dumaan ang mga byahero upang masigurado ang kaligtasan ng mga ito.

Kindly standby for update

📸Capt. Tho Kunakon

LOOK: Hindi lang sa tao kundi sa mga baboy rin.Kuha ang larawan ng magsasakang si Irish Bernardo na inalayan pa ng bulak...
12/10/2022

LOOK: Hindi lang sa tao kundi sa mga baboy rin.

Kuha ang larawan ng magsasakang si Irish Bernardo na inalayan pa ng bulaklak at tarpaulin ang kanilang mga baboy na kinatay matapos maapektuhan ng African Swine Fever o ASF sa Tacurong City.

Ito ay bilang pasasalamat na rin anya ng pamilya sa kanilang mga hayop sa mga naibigay na tulong sa kanila noong hindi pa naapektuhan ng African Swine Fever.

Photo courtesy: Irish Bernardo

BREAKING NEWS| PERMADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 11935 na nagpapaliban sa December 2022 ...
12/10/2022

BREAKING NEWS| PERMADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 11935 na nagpapaliban sa December 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

MATATAAS NA KALIBRE NG BARIL AT MGA PAMPASABOG NG MGA MIYEMBRO NG BANGSAMORO FREEDOM FIGHTER (BIFF) AT TERORISTANG ISIS ...
12/10/2022

MATATAAS NA KALIBRE NG BARIL AT MGA PAMPASABOG NG MGA MIYEMBRO NG BANGSAMORO FREEDOM FIGHTER (BIFF) AT TERORISTANG ISIS NAREKOBER NG MGA TROPA NG 6IB

NAREKOBER ng mga militar ang taguan ng mga armas at Improvised Explosive Device (IED) ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Pandi at Barangay Pindeten Datu Salibo Maguindanao Del Sur.

Agad nagsagawa ng operasyon ang tropa ng 6th IB sa itinurong kuta ng BIFF na agad tumakas papa*ok ng Liguasan Delta.
Narekober ng Joint Task Force Central ang mga bomba at mga armas sa kuta ng mga terorista.

Pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Roy Galido ang mga sibilyan na nagbigay ng tip sa militar sa kuta ng mga rebelde.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagtugis ng JTFC laban sa BIFF sa Maguindanao.

11/10/2022

HAPPY BIRTHDAY GOV. DATU PAX ALI SANGKI MANGUDADATU ❤️🎂🎉

Greetings from RESCUER NEWS FAMILY

MGA TARGET NG SEARCH WARRANT OPERATION SA LAMBAYONG SULTAN KUDARAT, PATAY SHABU AT MGA BARIL NAREKOBER NG MGA OPERATIBAL...
11/10/2022

MGA TARGET NG SEARCH WARRANT OPERATION SA LAMBAYONG SULTAN KUDARAT, PATAY SHABU AT MGA BARIL NAREKOBER NG MGA OPERATIBA

LIMA ang patay matapos na makipagbarilan sa raiding team ang mga target ng search warrant kaninang alas 5:04 ng hapon sa Sitio Mapayag, Pimbalayan, Lambayong, Sultan Kudarat.

Ayon sa esklusibonh ulat, target ng nasabing operation ng Lambayong MPS, PDEA12, SKPDEU, 1ST SKPMFC, RSOG, RID, 1202nd RMFB12, SK HPT, 43RD SAC PNP SAF at 14MICO sina Adhen Salbo , Loy Salbo pawang nga High Value Target at apat na iba pa.

Ngunit ng dumating sa location ng mga target ang operatiba ay pinagbabaril na ang mga ito kayat agad na gumanti ang mga raiding team na nagresulta sa pagkapatay ng target at apat na mga kasamahan nito.

Narekober ng mga imbestigador sa bahay ng target ang tinatayang nasa higit kumulang 50 grams na shabu na may estimated street value na Php 325,000.00 .

Naka rekober din ang mga otoridad ng isang (1) unit ng C**t M16 A1rifle, deface serial, isang (1) unit 12 gauge shotgun, isang (1) unit C**t caliber 45 pistol with serial number 842081, isang (1) unit 1911 A1 cal 45 pistol with serial number 593357, isang (1) unit HM Ingram without serial number., mga bala at empty shell.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Sultan Kudarat Drug Enforcement Unit ang mga drogang nakumpiska at sa SKPFU crimlab ang mga baril at bala.

Habang dinala naman sa Sultan Kudarat Provincial Hospital ng bangkay ng mga napatay habang hinihintay ang pamilya na magclaim sa bangkay.

THE CONTINUOUS LAW ENFORCEMENT ON ANTI-CRIMINALITY CAMPAIGN GETS HIGH APPROVAL RATING UNDER PBBM ADMINISTRATION
11/10/2022

THE CONTINUOUS LAW ENFORCEMENT ON ANTI-CRIMINALITY CAMPAIGN GETS HIGH APPROVAL RATING UNDER PBBM ADMINISTRATION

JUST IN: AKSIDENTE NGAYONG GABI  SA BARANGAY GRIÑO,TACURONG CITY
11/10/2022

JUST IN: AKSIDENTE NGAYONG GABI SA BARANGAY GRIÑO,TACURONG CITY

𝐒𝐂𝐀𝐌 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓‼️Mahigpit na pinaalalahanan ang publiko lalo na ang mga negosyante  sa lungsod na huwag magpaloko sa mga scam...
11/10/2022

𝐒𝐂𝐀𝐌 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓‼️

Mahigpit na pinaalalahanan ang publiko lalo na ang mga negosyante sa lungsod na huwag magpaloko sa mga scammers na tumatawag gamit ang cellphone at sasabihing inutusan sila ng elected officials para umorder ng pagkain, inumin at kasama na ang paghingi ng libu-libong halaga ng pera na cellphone load.

Nitong araw lang ng Martes ay ilang beses na ginamit ang pangalan ng local officials ng Tacurong sa modus na ito. Mismong pangalan ni Mayor Joseph George Lechonsito ang ginamit na umano’y nagpaorder ng pagkain at nagpa-load sa cellphone.

Dalawang okasyon ding nagamit ang pangalan ni Konsehal Carlos Borromeo Segura kaninang hapon. Una ay may dumating na babaeng negosyante sa city hall para mag-deliver ng grilled hito na nagkakahalaga ng P3 thousand pesos na umano’y inorder ng konsehal. May kasama pang isang bote ng mamahaling imported liquor ang delivery. Sinabi pa ng negosyanteng babae na pinag-load pa siya ng P3 thousand sa cellphone number umano ng naturang konsehal.

Samantala, ilang minuto lang ay dumating din sa city hall ang isa pang negosyanteng lalaki na umano’y tinawagan din ni Konsehal Segura para mag-order ng mahigit P2 libong tuna kasama ng isang mamahaling imported wine. Sinabi pa ng negosyante na maliban sa inorder sa kanya, pinagsabihan siya ng kausap niya na magpapa-load ng P1 thousand sa cellphone number ni Mayor Lechonsito at P1 thousand din sa cellphone number ni Vice Mayor Montilla. Ginamit pa ng caller ang pangalan ni Governor Mangudadatu na umano’y kasama nina mayor sa city hall nang mga oras na iyon. Pinilit pa umano ng scammer/caller ang negosyante na mag-load ng dagdag na P5 thousand para sa kay Konsehal Segura. Halos umabot sa P10 thousand ang na-scam sa negosyante.

Laking gulat naman ni Konsehal Segura sa kanyang narinig at sinabi sa mga negosyante na wala siyang inutusan at wala siyang tinawagan para mag-order at para magpa-load.

Address

San Pablo
Tacurong
9800

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rescuer News Publishing posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Rescuer News Publishing:

Videos

Share

Category


Other Publishers in Tacurong

Show All