Charm News Express

Charm News Express news, public service, significant information plus entertainment

Inaasahang papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility ngayong araw ang isang low pressure area. Namaataan ito ...
20/10/2024

Inaasahang papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility ngayong araw ang isang low pressure area.

Namaataan ito sa layong 1,460 km silangan ng Southeastern Luzon, ayon sa monitoring ng DOST-PAGASA, alas dyes ngayong umaga.

Dagdag pa ng ahensya, mataas ang tsansa nitong maging bagyo. Tatawagin itong Bagyong Kristine.



πŸ“Έ: Dost_pagasa

TATLONG ESTUDYANTE PATAY NANG TAMAAN NG KIDLAT SA ZAMBOANGA CITYPATAY ang tatlong menor-de-edad na mga  estudyante haban...
20/10/2024

TATLONG ESTUDYANTE PATAY NANG TAMAAN NG KIDLAT SA ZAMBOANGA CITY

PATAY ang tatlong menor-de-edad na mga estudyante habang malubha naman ang dalawang iba pa nang tamaan ng kidlat sa isang sakahan sa Purok 6, Barangay sa Bayog, Zamboanga del Sur habang nangunguha ng bunga ng saging para maibenta sana para sa kanilang pangangilangan sa paaralan at umaambon nitong hapon ng Huwebes.

Ito ang kinumpirma mismo ng mga opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP)-9 at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office. Umambon umano sa mga oras na yun nang biglang kumidlat ng malakas at nasapol ang limang biktima.

Tatlo sa mga biktima ay idineklarang dead-on arrival sa isang pagamutan kung saan sila dinala mga kasapi ng Bayog Fire Station habang ginagamot naman ang dalawang iba pa na nagtamo ng mga paso at sugat sa kanilang katawan.

Sa panayam sa mga magulang ng mga estudyante, ang mga biktima ay nagpumilit na manguha ng saging sa isang sakahan, na pinayagan naman umano ng may-ari. Ang perang kikitain umano ng mga ito ay para ipangtustos sa kanilang mga pangangailangan sa kanilang school intramurals sa susunod na linggo.//

ViaPSN
CTTO

Pito ang naitalang nasawi matapos ang nangyaring bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo ng Moro Islamic Liberation Front ...
19/10/2024

Pito ang naitalang nasawi matapos ang nangyaring bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (M**F) sa Brgy. Tuca Maror, Bongo Island, Parang, Maguindanao Del Norte kahapon.

Sa initial report na inilabas ng mga kapulisan, nagkasagupaan ang grupo nina Tamano Aragasi at mga M**F Commander na sina Macmod at Commander Paradise.

Tatlong mga bangkay na umano'y kasama sa bakbakan ang narekober ng mga otoridad at patuloy pang inaalam ang kanilang mga pagkakakilanlan, habang may apat na iba pa na patuloy na pinaghahanap dahil pinaniniwalaang nalunod sa dagat sa kasagsagan ng bakbakan. Batay din sa ulat, may mga armado din umanong kasama sa bakbakan ang nakatakas poatungo sa direksiyon ng Lanao del Sur.

Samantalang, nakarekober naman ang mga otoridad ang matataas na kalibre ng armas at mga bala sa lugar ng bakbakan. Tiniyak naman ni PRO BAR Intelligence Unit Head Colonel Christopher Panapan na nakaalerto pa rin ang PNP at Marines upang masiguro na wala ng sibilyang madadamay at nang hindi na lumalala pa ang kaguluhan sa naturang lugar. //

PHOTOCREDITSTOTHERIGHFULOWNER

Congratulations, City of Goodwill!!
17/10/2024

Congratulations, City of Goodwill!!

Congratulations, Tacurong City!

We are proud to share that Tacurong City has once again proven its dedication to excellence! We’ve successfully achieved 100% submission of both the Electronic Statement of Receipts and Expenditures (eSRE) and Quarterly Report on Real Property Assessments (QRRPA) for the 3rd Quarter of 2024. This achievement shows our dedication to excellent public service and transparency.

A big thank you to everyone who helped make this happen! Let’s keep working together to make Tacurong even better.

FYI.. πŸ‘‡
17/10/2024

FYI.. πŸ‘‡

𝐒𝐔𝐋𝐓𝐀𝐍 πŠπ”πƒπ€π‘π€π“ π“πŽπ πŸ—: π‘π€ππŠπˆππ†π’ πŽπ… πŸπ’π“-πŸππƒ 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 πŒπ”ππˆπ‚πˆππ€π‹πˆπ“πˆπ„π’

Ang ranggo sang mga syudad kag banwa base sa kabug-osan sang ila mga puntos sa lima ka aspeto: Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, kag Innovation. Ang mga probinsya ginaranggo base sa kombinado nga average nga puntos sang mga syudad kag banwa sa probinsya, nga ginapaminsar ang ila populasyon kag kita.

POLOMOLOK, SOUTH COTABATO - Patay ang isang pulis matapos na sumalpok ang minamaneho nitong Toyota Vios sa isang Dump Tr...
16/10/2024

POLOMOLOK, SOUTH COTABATO - Patay ang isang pulis matapos na sumalpok ang minamaneho nitong Toyota Vios sa isang Dump Truck, pasado alas dos ng hapon ngayong araw, Oktubre 16 sa kahabaan ng National Highway, Purok 2, Brgy. Glamang nitong bayan.
Ang biktimang pulis kay kinilala kay Fhad Asmi M. Masula, 27 taong gulang at residente ng Purok Proper, Brgy. Cacub, lungsod ng Koronadal.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Polomolok MPS, binabaybay ng pulis ng kahabaan ng National Highway patungong lungsod ng Heneral Santos nang masalpok ito sa kasalubong na dump truck na kulay berde.
Nagtamo ng maraming sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan si Masula at agad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan ngunit idineklarang patay ng kanyang attending physician.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan hinggil sa nangyaring aksidente.

-Photocreditstotherightfulowner-

ATM:Lakas na naman ng ulan. Ingat po tayo lagi, mga ka-Charm! πŸ™πŸ«Ά
15/10/2024

ATM:
Lakas na naman ng ulan. Ingat po tayo lagi, mga ka-Charm! πŸ™πŸ«Ά

JUST IN: Aabot sa tatlong libong contractual workers ng City Goverment ng Cotabato ang mawawalan ng trabaho simula bukas...
15/10/2024

JUST IN:

Aabot sa tatlong libong contractual workers ng City Goverment ng Cotabato ang mawawalan ng trabaho simula bukas.

Ayon kay City Mayor Bruce Matabalao, ito ay sa kadahilanang hindi inaprobahan ng City Council ang salary augmentation fund para sa mga Contract of Service Employees at salary increase para sa mga plantilla personnel ng lungsod.

-photocreditstotherightfulowner-

15/10/2024

Like her father, mother, and brother before her, Las PiΓ±as Rep. Camille Villar is entering the 2025 senatorial race with more resources than her rivals for her advertising campaign.

Read: https://pcij.org/2024/10/15/camille-villar-ramps-up-facebook-ad-spending-catches-up-wilbert-lee/

She has billboards and posters all over the country. She has ads on TV. She is also among the top ad spenders on Meta, formerly Facebook, the country’s most popular social media platform.

Meta’s Ad Library shows that she has spent P1.73 million to boost her ads on the social media platform from July to September 2024. The period covers 90 days before the start of filing of certificates of candidacies (COC) on October 1.

She almost matched the ad spending of Agri Party-list Rep. Wilbert Lee, a colleague in the House of Representatives who is also seeking a Senate seat. Lee spent about P1.75 million to boost ads, including some that ran without disclaimers.

Click to read the full report and Follow PCIJ for updates.

7 pulis-CIDG pinaaresto ng korte sa probinsiya ng Sultan KudaratInaresto nitong Linggo ng mga operatiba ng Sultan Kudara...
14/10/2024

7 pulis-CIDG pinaaresto ng korte sa probinsiya ng Sultan Kudarat

Inaresto nitong Linggo ng mga operatiba ng Sultan Kudarat Provincial Police Office ang pitong mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group na nakadestino sa probinsya na may kinakaharap na kasong illegal possession of fi****ms and explosives.

Sa panayam ng mga kasamahang media na nakabase sa Central Mindanao, mismong si Col. Bernardo Lao, Sultan Kudarat Police Provincial Director, ang nagkumpirma na nasa kustodiya na nila ang mga kasapi ng CIDG na sina Staff Sgt. Mark Lester Cabangan at ang mga Patrolman na sina Dagie Peligro, Rex Borlagdatan, Joevin Aven, Arjoe Gamino, Joven Pasaylo at Raymark Ortega.

May dalawa pang CIDG officials na isang captain at isang major, ang nakatakda ring arestuhin ng mga tauhan ni Lao kaugnay ng kanilang kasong kinakaharap sa Regional Trial Court Branch 19 sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ayon kay Lao, ang naturang kaso ay kaugnay ng isang CIDG operation sa Sultan Kudarat ilang buwan na ang nakakalipas. Tumanggi siyang magbigay pa ng karagdagang detalye tungkol sa naturang kaso.

Ayon kay Lao, ang isa sa mga CIDG officials na kabilang sa mga nakalista sa warrant of arrest mula sa RTC Branch 19 sa Tacurong City ay nagpaabot na sa kanya ng kahandaang sumuko nang boluntaryo upang harapin ang naturang kaso.

ViaPSN

14/10/2024

PANOORIN: πŸ‘‡

PAGPAPALIWANAG NI MUNICIPAL ADMINISTRATOR ANDREW WELL K. PALLASIGUE SA MGA ISYUNG KUMAKALAT HINGGIL SA MATAGALANG KONSTRUKSYON NG BAGONG MUNISIPYO NG BAYAN NG ISULAN



Ito po ay isa lamang sa pagpapatunay na walang permanenteng kaibigan o kalaban sa pulitika.Basta't magkakapareho at iisa...
12/10/2024

Ito po ay isa lamang sa pagpapatunay na walang permanenteng kaibigan o kalaban sa pulitika.
Basta't magkakapareho at iisa lamang ang layunin, kahit ang dating magkatunggali ay nagiging magkakampi.
Kudos po sa inyo. πŸ‘β€οΈ

12/10/2024

So eto yun... πŸ˜”

Notice: πŸ‘‡Extension of Deadline to File Nuisance PetitionsPlease take notice that the Commission (En Banc) approved the e...
12/10/2024

Notice: πŸ‘‡

Extension of Deadline to File Nuisance Petitions

Please take notice that the Commission (En Banc) approved the extension of the deadline for the filing of Petitions Against Nuisance Candidates from Monday, 14 October 2024 to Wednesday, 16 October 2024, from 8AM to 5PM, in view of COMELEC Memorandum dated 11 October 2024, in relation to Memorandum Circular No. 66 of the Office of the President on work suspension in the Cities of Manila and Pasay on 14 and 15 October 2024.

For the public’s information and guidance.

11 October 2024.
-FROM COMELEPage

TINGNAN:  Sa pagdinig muli ng Kamara sa  Extrajudicial Killings (EJKs) kaugnay ng war on drugs ni dating Pangulong Rodri...
11/10/2024

TINGNAN:

Sa pagdinig muli ng Kamara sa Extrajudicial Killings (EJKs) kaugnay ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, nagtipun-tipon sa harap ng Batasang Pambansa ang mga kaanak ng biktima ng EJKs pati progresibong grupo at nanawagan na ipakulong at papanagutin ang dating pangulo dahil siya umano ang mastermind ng libu-libong kaso ng pagpaslang sa sting bansa.

Ayon naman kay Karapatan Secretary General Cristina Palabay, dapat na mapanagot si Duterte para hindi na maulit pa ang mga krimen nito. "Nuknukan ng kapal ng mukha” din umano ang dating pangulo dahil sa kabila ng mga kasong kinakaharap nito ay tatakbo pang Mayor ng Davao City sa darating na halalan.

πŸ“ΈCtto



-Please like and follow our Page for more news updates. -

10/10/2024

ANG MATAPANG NA SAGOT AT REBELASYON NI VM LALAINE SUHANDA NG BAYAN NG ESPERANZA TUNGKOL SA KANYANG BUHAY AT KARANASAN SA PULITIKA

MEDIA INTERVIEW: Saan po kayo humuhugot ng lakas at tapang para harapin ang lahat ng mga batikos ng mga kontra(kalaban) ninyo sa pulitika?




===================================
❀️❀️❀️Please like and follow our page❀️❀️❀️

BALITANG NASYUNALP276 milyong ill-gotten wealth case ng mga Marcos ibinasura ng SandiganbayanMatapos ang 37 taon, dinism...
10/10/2024

BALITANG NASYUNAL

P276 milyong ill-gotten wealth case ng mga Marcos ibinasura ng Sandiganbayan

Matapos ang 37 taon, dinismis na ng Sandiganbayan ang P276 milyong wealth forfeiture case laban kina dating Unang Ginang Imelda Marcos at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr..

Ipinunto ng anti-graft court ang mahabang panahong pagkakaantala sa pagpupursige sa kaso sa panig ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) kung saan ang mga β€˜defendants’ ay hindi na aniya mabibigyan ng patas na paglilitis lalo na at ang mga potensyal na testigo ay namatay na.

Habang ang mga dokumento naman aniyang ebidensya ay hindi na matagpuan matapos na mabaΒ­lam ang kaso ng 37 taon simula ng ihain ito noong 1987.

Samantalang sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Sen. Imee Marcos at Irene Marcos-Araneta ay hindi naman makakatestigo sa kaso dahil mga bata pa ang mga ito ng diumano’y maganap ang illegal na transaksyon sa Pinugay Estate may 53 taon na ang nakalilipas.

Ang forfeiture case o pagsamsam sa kayamanan ng mga Marcos ay inihain ng PCGG noong Hulyo 21,1987 dahil illegal umano itong napasakamay ng mag-asawang Marcos sa panahon ng martial law.

Kabilang sa mga ari-arian ang lupa na kinatitirikan ng anim na condominium units sa California, dalawang lote at dalawang condo sa Baguio City, residential building sa Makati City at isang residential lot sa lungsod ng Maynila.

ViaPSN


Address

Tacurong
9800

Telephone

+639393496564

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Charm News Express posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Charm News Express:

Videos

Share

Category