Ang Bantay

Ang Bantay Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ang Bantay, News & Media Website, Ligao-Tabaco Road, Tabaco.

HETO NA!Sa sandaling ito, kami ay lubos na nagagalak na ipahayag sa inyo na matagumpay nang nailimbag ang inyong pahayag...
29/05/2024

HETO NA!

Sa sandaling ito, kami ay lubos na nagagalak na ipahayag sa inyo na matagumpay nang nailimbag ang inyong pahayagan, Ang Bantay.

Ang "Ang Bantay" ay ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus at Pangkomunidad ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Bantayan sa Filipino.

Sa bawat pahina ng pahayagan, matutunghayan ang husay at talento ng mga manunulat na naglaan ng oras at pagsisikap upang mabigyan ng tamang impormasyon ang kanilang mga mambabasa. Ang kanilang dedikasyon sa larangan ng pagsusulat ay nagbubunga ng mga artikulo na puno ng kaalaman, kapani-paniwala, at may layuning magbigay-linaw sa iba't ibang isyu at usapin sa ating lipunan.

Huwag sayangin ang pagkakataong mabasa ang pahayagang nailimbag ng Ang Bantay. Sundan ang link sa ibaba at sasamahan namin kayo sa inyong paglalakbay sa mundo ng impormasyon at kaalaman!

Link:
https://drive.google.com/file/d/1IvLQvHI-G7wWv8uFT0-_vHvYjZyHXD5Y/view?usp=sharing

Sa muli, nandito na ang "Ang Bantay" para sa Patas na Pagmatyag sa Katotohanan.

BUNGA NG PAGPUPURSIGE. Hindi nasayang ang mga araw ng pagpupuyat at pagpapagod sa pagsulat ng mga mag-aaral mula sa Mata...
10/05/2024

BUNGA NG PAGPUPURSIGE. Hindi nasayang ang mga araw ng pagpupuyat at pagpapagod sa pagsulat ng mga mag-aaral mula sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Bantayan nang masungkit ng ANG BANTAY, opisyal na pahayagan sa Filipino, ang tatlong karangalan sa iba't ibang kategorya sa kompetisyon ng pahayagang pampaaralan sa Regionals Schools Press Conference na ginanap sa Lungsod ng Iriga, Camarines Sur.

Tinanggap ni Bb. Christine B. Nevarez ang sumusunod na mga parangal nitong Mayo 9, 2024:

Ikapitong Puwesto - Pahinang Lathalain
Ikasampung Puwesto - Pahinang Pampalakasan
Ikapitong Puwesto - Pag-aanyo at Disenyo ng Pahina

Mabuhay ang mga Pilipino!Bumoto ng tama at malaya para sa kinabukasan ng ating bansa!
09/05/2022

Mabuhay ang mga Pilipino!

Bumoto ng tama at malaya para sa kinabukasan ng ating bansa!



BAYANIHAN, BAKUNAHAN sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Bantayan.Nakapagpabakuna ka na ba? Kasalukuyang isinasagawa ang ...
30/11/2021

BAYANIHAN, BAKUNAHAN sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Bantayan.

Nakapagpabakuna ka na ba?

Kasalukuyang isinasagawa ang bakunahan sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Bantayan ngayong ika-30 ng Nobyembre, 2021. Ito ay bukas para sa lahat na may edad 12 pataas.

Tara na at magpabakuna!

Nobyembre 30, 2021ARAW ni ANDRES BONIFACIONgayon ay ating ginugunita ang araw ng nag-iisang Supremo at Ama ng Katipunan ...
30/11/2021

Nobyembre 30, 2021
ARAW ni ANDRES BONIFACIO

Ngayon ay ating ginugunita ang araw ng nag-iisang Supremo at Ama ng Katipunan ng ating bansa.

Nawa'y tularan natin siya bilang isa sa magigiting na bayaning Pilipino. Sa maliit man na paraan, ating ipakita ang pagmamahal sa Bayang Tinubuan.

Address

Ligao-Tabaco Road
Tabaco
4511

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Bantay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share


Other News & Media Websites in Tabaco

Show All