01/11/2025
๐๐๐๐๐๐ผ๐๐| ๐ฆ๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ถ๐บ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป
Sa isang paaralan, sa ikalawang palapag,
May silid-agham na payapa sa unang tingin.
Ngunit pagsapit ng gabi, sa gitna ng katahimikan,
May matang nagbabantayโdi mo alam kanino galing.
Sabi ng matatanda sa paaralan,
May batang minsang dito nag-aral.
Nahulog daw sa hagdan, gabing madilim,
At mula noon, di na siya muling nasilayan man din.
Isang gabi, may estudyanteng naiwan,
Upang tapusin ang pagsusulit na di nagawan.
Tahimik ang paligid, tila huminto ang oras,
Sa silid na malamig, animoโy walang wakas.
Habang siyaโy sumasagot nang taimtim,
May hanging dumampi sa kanyang batok na malamig.
Pag-angat ng ulo, siyaโy napatigil,
May batang nakatayo sa harapโ maputla, tahimik, tila estatwa sa dilim.
Mga matang walang kislap, walang sigla,
Nakatitig sa kanya, may lamig ng kaluluwang ligaw sa dilim.
Ang hangin ay tumigil, ang paligid ay natigilan,
At sa kanyang pandinig, may tinig na nagdaanโ
โHindi pa ako tapos sa pagsusulit ko...โ
Nahulog ang panulat, nabasag ang katahimikan,
Tumindig siyaโt tumakbo, puno ng takot at kabalisahan.
โMay batang nakatingin sa akin!โ sigaw niya sa g**o,
Ngunit ang silid ay tahimik, at malamig pa rin ang mundo.
Hanggang ngayon, tuwing gabi sa silid na iyon,
May mga ilaw na kusang bumubukas at nagsasara roon.
At sa bawat pagaspas ng hangin sa kisameโt dingding,
May batang nagbabantay, di pa rin makaalis sa dilim.
Kaya kung ikaโy mapadaan sa silid-agham ng paaralan,
At maramdaman mong biglang lumamig ang paligid ng walang dahilanโ
Huwag kang lilingon, huwag kang babaling,
Baka siya iyon, ang batang nananatili sa lilim ng kaalaman.
Layout by Winrey Uriarte