11/04/2022
ISANG CARGO VESSEL ANG LUMUBOG SA KARAGATAN NG ORMOC CITY, SA LEYTE MAKARAANG HAMPASIN NG MALALAKAS NA HANGIN AT MALALAKING ALON DULOT NG BAGYONG AGATON.
SA INISYAL NA REPORT MULA SA PHILIPPINE COAST GUARD SA ORMOC CITY, PAALIS PA LAMANG ANG M/V CELSA 2 PATUNGONG CEBU CITY NANG LUMUBOG ANG 395.53 TONNAGE NA BARKO NA PAG-AARI NG NAVIGS SHIPPING CORP.
HINDI NAMAN NAKASAAD SA REPORT KUNG ILANG CREW MEMBERS ANG NAKASAKAY SA CARGO VESSEL.
SAMANTALA, ILANG PASAHERO ANG NA-STRANDED SA MGA PANTALAN SA EASTERN VISAYAS BUNSOD NG NA-DELAY NA BIYAHE DULOT NG BAGYONG AGATON.
AYON KAY ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR OFFICE OF CIVIL DEFENSE REGION 8 REY GOZON,
NASA 120 PASSENGERS AT 65 VEHICLES SA LILOAN PORT FERRY TERMINAL NA PATUNGONG MINDANAO ANG HINDI PINAYAGANG MAKAALIS KAHAPON.
ANIYA, 92 PASSENGERS AT 59 VEHICLES NAMAN ANG NA-STRANDED SA PORT OF SAN RICARDO.
SAMANTALA, KINANSELA RIN ANG KLASE SA ILANG LUGAR NGAYONG LUNES, APRIL 11, BUNSOD NG MASAMANG PANAHON.
April 11, 2022 | LSR