29/07/2024
Unang ratsada ng klase sa AES, naging matagumpay
Naging matagumpay ang unang ratsada ng klase na nilahukan ng 80 na mga mag-aaral ng AES sa opisyal na pagbubukas ng taong panuruan 2024-2025 sa A-et Elementary School, ngayong araw, ika-29 ng Hulyo, taong kasalukuyan.
Pinangunahan ni Teacher In-Charge, Mary Ann A. Jatulan ang seremonya ng pagtataas ng bandila at pag-awit ng Lupang Hinirang. Naroon din sa seremonya ang ibang mga g**o ng naturang paaralan.
"Kailangang magsigasig kayo na tapusin ang inyong pag-aaral sa AES", turan ni Jatulan sa mga mag-aaral. Dagdag pa niya, sinumang makakapagtapos ng ika-anim na baitang na nagsimula ng Kinder sa AES ay makatatanggap ng gantimpala mula sa paaralan.
Hinimok din niya ang mga g**o ng AES na magsipag sa pagtuturo. "Sipagan natin ang ating pagtuturo upang mapunan natin ang kinakaharap ng kakulangan sa edukasyon ng ating mga mag-aaral", aniya.
Sa pagsisimula ng MATATAG Curriculum para sa kinder, unang baitang, at ika-apat na baitang, kumpiyansa si Jatulan na malaki ang maitutulong nito upang tugunan ang akademikong pangangailangan ng mga AESians.