Radyo Alternatibo

Radyo Alternatibo Prime Broadcasting Network (PBN) is a broadcast radio network in the Philippines. Extra income ba kamo? By simply listening to this radio, will earn money! What?
(34)

It operates a number of stations across the country, mostly under the Radyo Alternatibo brand, as well as the flagship syndicated health and wellness program Dok Alternatibo First, Free download DABIGC RADIO apps . Play 24/7 NON stop 6 CHOICES all 24/7

1.Dongkoy show

2. Dok Ed and Chief edel tandem Dok alternatibo newscast

3. Public affairs programs with public officials

4.Real life T

estimonies ng iba"t ibang nagkasakit them gumaling PLUS JOKES

5 Dok alternatibo Product info 24/7

6. No ads pure music 24/7 & entertainment. Click link to downnload FREE. https://www.amfmph.net/shareapp/?appname=net.amfmph.dabigcradios&name=DabigC Coop Online Information

Pls SHARE this DABIGC apps to your groups and facebook posts.

PAPEL NI PRRD SA DDS, IPINAKITA NI DE LIMA!Muling ipinakita ni dating Senator Leila de Lima ang umano’y papel ni dating ...
09/11/2024

PAPEL NI PRRD SA DDS, IPINAKITA NI DE LIMA!

Muling ipinakita ni dating Senator Leila de Lima ang umano’y papel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersyal na Davao Death Squad.
Sa pagharap ni De Lima sa Quad Committee ng Kamara de Representantes, sinabi ni De Lima na si Duterte mismo ang utak sa mga pagpatay na ginagawa ng mga miyembro ng DDS.
Sa ilang pagkakataon aniya ay mismong si Duterte pa umano ang pumapatay sa ilang indibidwal.
Kabilang sa mga tinukoy ni De Lima ay ang affidavit ng kontrobersyal na si Edgar Matobato, ang self-confessed hitman na umano’y isa sa mga orihinal na miyembro ng DDS.
Ayon pa kay De Lima na nagsilbi rin bilang Chairperson ng Commission on Human Rights at kalihim ng Department of Justice, matagal nang nangyayari ang mga pagpatay na kagagawan ng DDS, mula pa noong chief executive si Duterte sa Davao City.
Sinabi pa ni De Lima na nai-dokumento ng kaniyang kampo ang umano’y apat na dumping grounds kung saan itinatapon ang katawan o labi ng mga napapatay na biktima.
Kinabibilangan ito ng Laud Gold Cup Quarry, Gaisano, Mandug Mass Grave, at ang ika-apat ay ang katubigang sakop ng Samal Islands.
Ang mga ito aniya ay pawang may mga labing basta na lamang itinapon ng mga miyembro ng DDS.

BOGUS NA MGA RESIBO KAUGNAY SA PONDO NG OVP, SAPAT NG BATAYAN PARA IPA-IMPEACH ANG IKAWALANG PANGULO - REP. ARLENE BROSA...
09/11/2024

BOGUS NA MGA RESIBO KAUGNAY SA PONDO NG OVP, SAPAT NG BATAYAN PARA IPA-IMPEACH ANG IKAWALANG PANGULO - REP. ARLENE BROSAS

Nananawagan si House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas na simulan na ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Hirit ito ni Brosas, makaraang malantad sa pagdinig ng House Committee on Good Governance ang umano’y gawa-gawang mga resibo para sa paggastos ng confidential funds ng Office of the Vice President.
Ang tinutukoy ni Brosas ay ang nadiskubreng 158 kwestyunableng resibo na magkakapareho ang ink signatures, mali-mali ang mga petsa at tila imbento ang mga pangalan.
Para kay Brosas, indikasyon ito ng large-scale fraud at corruption at hindi lang simpleng kaso ng documentation errors kundi pagtatangka na pagtakpan ang maling paggamit sa pera ng taumbayan.
Giit ni Brosas, ang ganitong fabrication ng official documents para pangatwiranan ang paggastos sa pondo ay isang pagtataksil sa tiwala ng mamamayan at malinaw na korapsyon na parehong impeachable offenses sa ilalim ng ating Konstitusyon.

PILIPINAS MAGLALABAS NG BAGONG MAPA, TATAPATAN ANG 9-DASH LINE MAP NG CHINAMaglalabas ang Pilipinas ng bago at improve n...
09/11/2024

PILIPINAS MAGLALABAS NG BAGONG MAPA, TATAPATAN ANG 9-DASH LINE MAP NG CHINA

Maglalabas ang Pilipinas ng bago at improve na mapa ng bansa, kasunod ng pagsasabatas sa Maritime Zones act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act.
Inihayag ni Usec. Peter Tiangco, Administrator ng National Mapping and Resource Information Authority, na ang bagong mapa ay maglalaman ng lahat ng mga lugar na sakop ng soberanya at sovereign rights ng Pilipinas, kabilang ang West Philippine Sea.
Pantapat ito ng Pilipinas sa 9-dash line map ng China.
Ayon kay Tiangco, ang malaking kaibahan nga lang ng mapa ng Pilipinas ay mayroon itong legal na batayan at sinusuportahan ng mga umiiral na batas.
Sa ngayon, sinabi ni Tiangco na inaantay na lamang nila ang paglabas ng Implementing Rules and Regulations upang mapagtibay ito at tuluyang mailathala.
Nabatid na noong 2012 pa huling naglabas ng mapa ang Pilipinas.

09/11/2024

12 LGU SA WESTERN VISAYAS, NATIONAL AWARDEES BILANG BEST PERFORMING ANTI DRUG ABUSE COUNCILS

via | Jennifer Carikitan



09/11/2024

TNT NAKUHA ANG KAMPEONATO NG GOVERNOR’S CUP MATAPOS ILAMPASO ANG GINEBRA 95-85

via | Rey Tampos



08/11/2024

Usapang Masa, Para sa Masang Pilipino | November 9, 2024

Kasama si Jr Cañedo Loquias

GOODNEWS! Ang mga produkto ng Dok Alternatibo ay pwede nang ma-order ng door-to-door delivery (COD) kumonekta lang sa 0946-967-3211.

YOUTUBE: https://bit.ly/3khzu4K

08/11/2024

RADYO ALTERNATIBO BALITA | NOVEMBER 9, 2024

Kasama si Jr Cañedo Loquias & Daisy Arañez

40% discount door-to-door Delivery text 0946-967-3211.
YOUTUBE: https://bit.ly/3khzu4K

08/11/2024

PRIME SOLUTION PROGRAM | NOV 9, 2024

08/11/2024

VERITAS DOK ALTERNATIBO PROGRAM | NOV 9, 2024

08/11/2024
08/11/2024

DOK ALTERNATIBO PROGRAM | NOVEMBER 8, 2024

SOLONS SINABING EX-PRRD NADUWAG ‘DI DUMALO SA PAGDINIG NG QUAD COMM HEARINGHindi dumalo sa pagdinig ng House Quad Comm k...
08/11/2024

SOLONS SINABING EX-PRRD NADUWAG ‘DI DUMALO SA PAGDINIG NG QUAD COMM HEARING

Hindi dumalo sa pagdinig ng House Quad Comm kahapon si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil extensibo na nitong tinalakay ang kaniyang nalalaman sa isyu ng extra judicial killings ng dumalo ito sa pagdinig ng Senado.
Ayon kina House Majority Leader Manuel Dalipe, Houser Assistant Majority Leaders, Zambales Rep. Jay Khonghun at La Union Rep. Paolo Ortega na tila naduwag ang dating Pangulo harapin ang katanungan ng mga miyembro ng Kamara at pamilya ng mga biktima ng EJKs na humingi ng katarungan.
Inihayag naman ni Rep. Khonghun kung nais talaga ng dating Pangulo na bigyan ng karampatang impormasyon publiko kaugnay sa madugong war on drugs ng Duterte administration dapat humarap siya sa Quad Comm.
Dapat linawin ng dating Pangulo ang kaniyang sinabi na hinikayat nito ang mga pulis na “manlaban” para i-justify ang pagpatay sa mga suspeks.
Binigyang-diin ni Khonghun na dapat imbestigahan ng malaliman ang ginawang pag-amin ni dating Pangulong Duterte na responsable siya sa mga patayan at ang mga claim na may rewar system sa mga kapulisan.
Nagpadala kasi ng sulat ang kampo ni Duterte sa pamamagitan ng abogado nito na si Atty. Martin Delgra III na hindi makakadalo ang dating Pangulo.
Umalma naman si Rep. Ortega sa sulat ni Delgra at sinabing umiiwas lamang ang dating Pangulo sa mga tanong ng mambabatas.

DATING POLICE COLONEL EDUARDO ACIERTO INAKUSAHAN SI EX-PRRD BILANG PROTECTOR SA SUSPECTED DRUG LORDS SINA MICHAEL YANG A...
08/11/2024

DATING POLICE COLONEL EDUARDO ACIERTO INAKUSAHAN SI EX-PRRD BILANG PROTECTOR SA SUSPECTED DRUG LORDS SINA MICHAEL YANG AT ALLAN LIM

Inakusahan ni dating Police Colonel Eduardo Acierto si dating Pang. Rodrigo Duterte na “protector” ng suspected drug lords na sina Michael Yang na dating presidential adviser at ang negosyanteng si Allan Lim na kilala na si Lin Weixiong.
Sa pagharap ni Acierto sa pagdinig ng House Quad Committee kahapon kaniyang sinabi na malapit na kaibigan ni Duterte sina Yang at Lim.
Taong 2017 ng makalap ng team ni Acierto ang involvement nina Yang at Lim sa iligal na droga.
Ayon kay Acierto sigurado siya na dahil sa nangyari sa kaniyang mga tauhan prinotektahan ng dating Pangulo ang dalawa nitong kaibigan.
Kwento ng police colonel dinukot si Capt. Lito Perote at si MSgt Gerry Liwanag.
Si Perote hanggang sa ngayon ay missing habang si Liwanag ay binaril patay.
Ibinunyag ni Acierto na si Yang ay nag-ooperate ng clandestine shabu laboratory sa dumoy, Davao City na nagma-manufacture ng shabu.
Batay sa drug matrix na hinanda ng team ni Acierto si Yang ay miyembro ng Johnson Chua drug syndicate na pinamunuan ng isang Johnson Co na naka base sa mainland China.
Habang si Lim ang siyang nagpapatakbo ng clandestine laboratory sa Cavite na ni raid ng PDEA nuong July 2018.
Sinabi ni Acierto ang nasabing matrix ay kasama sa isinumite niya kay dating PNP chief Ronald Dela Rosa at dating PDEA Director General Aaron Aquino at dating PNP Chief Oscar Albayalde.
Samantala, mariin naming itinanggi ni dating PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva na hind lumalabas sa kanilang listahan ng pangalan ni Michael Yang na sangkot sa iligal na droga.

08/11/2024

WANTED PERSON NA MAY KASONG R**E ARESTADO SA SAN JOAQUIN, ILOILO

via | Jennifer Carikitan



08/11/2024

2-YEAR OLD NA BATANG BABAE SA TAGUM CITY, PATAY SA DENGUE

via | Jennifer Carikitan



08/11/2024

MGA RESIDENTENG NAKTIRA MALAPIT SA ILOG SA CAGAYAN, PINAG-IINGAT NG OCD

via | MJ Dela Cruz



08/11/2024

BASKETBALL JERSEY NI JORDAN NAIBENTA NG MAHIGIT P235-M

via | Rey Tampos



07/11/2024

Usapang Pangkalusugan | November 8, 2024

Kasama si Jr Loquias at Arlene Ocampo

GOODNEWS! Ang mga produkto ng Dok Alternatibo ay pwede nang ma-order ng door-to-door delivery (COD) kumonekta lang sa 0946-967-3211.

YOUTUBE: https://bit.ly/3khzu4K

Address

Dok Alternatibo Prime Complex, Sugar Road, Brgy. Tiguman
South Digos

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Alternatibo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyo Alternatibo:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Broadcasting & media production in South Digos

Show All