Tribuna

Tribuna Tribuna is a Sorsogon-based newspaper, focused on news and research.

BALITA: "Petisyon" para sa ChaCha, umabot na sa SorsogonDumating sa Brgy. Cota na Daco, Gubat, Sorsogon ang tatlong pers...
08/01/2024

BALITA: "Petisyon" para sa ChaCha, umabot na sa Sorsogon

Dumating sa Brgy. Cota na Daco, Gubat, Sorsogon ang tatlong personahe, kabilang dito ay si Atty. Armi Escandor Guansing at si Kagawad Glenda Brin, ng nasabing baranggay, para magpapirma ng petisyon para sa Charter Change (ChaCha), noong ika-7 ng Enero 2024, bansang alas-11 ng umaga, ayon sa isang residente na nakapanayam ng Tribuna.

Nagpakilalang kawani ng probinsyal na gobyerno si Atty. Guansing ngunit nalinaw na tauhan siya ni Congressman Wowo Fortes, batay sa aming source sa nasabing baranggay, nang tawagan mismo ni Cong. Fortes si Atty. Guansing para sabihing nasa parehong lugar na rin ito.

Laman ng dokumento ay ang amyendahan ang Sec. 1 (1), Art. XVII ng Konstitusyong 1987 mula sa orihinal na:

“The Congress, upon a vote of three-fourths of all its Members”

tungong:

“The Congress, upon a vote of three-fourths of all its Members, VOTING JOINTLY, AT THE CALL OF THE SENATE PRESIDENT OR THE SPEAKER OF THE HOUSE OF REPRESENTATIVES”

Laman rin ng dokumento na ipinaliwanag ang laman nito sa mga pumirma gamit ang kanilang diyalekto at/o anumang wika na kanilang ginagamit. Gayundin, ang grupo ng isang Atty. Anthony A. Abad ang magfa-file nito sa Commission on Elections (COMELEC).

Lambino v. COMELEC

Ayon sa Korte Supreme sa desisyon nito noong ika-25 ng Oktubre 2006 sa kasong Raul L. Lambino, et al. v. COMELEC, G.R. No. 174153 may tatlong paraan para baguhin ang Konstitusyong 1987:

1) Constitutional Assembly: Kongreso ang magbabago ng Konstitusyon sa pamamagitan ng botohan ng ¾ ng lahat ng miyembro ng Kongreso (Kamara at Senado);
2) Constitutional Convention; at
3) People’s Initiative.

Dagdag pa ng Korte Supreme, sa paraan ng People’s Initiative kailangang bukod sa dapat nasa pormang petisyon ang mga mungkahing amyenda at dapat personal na makita at mabasa ng taumbayan ang mungkahing amyenda, dapat rin na ang mga pumirma ay napaliwanagan ng katangian at epekto ng mungkahing amyenda. Kung hindi, maaaring masabi na ang pagpapapirma ay mapanlinlang.

Ayon sa Save Gubat Bay Movement (SGBM), kung saan taga-Cota na Daco ang karamihan ng myembro, walang malinaw na paliwanag na inihapag sina Atty. Guansing. Dagdag pa ng aming source, sa wikang Inggles ang paliwanag ni Atty. Guansing. Aniya, hindi makukulong ang mga pumirma, gayundin, itong pagbabago ay para sa konstitusyon. Dagdag pa umano ng abogado, kailangang taumbayan na ang magbago ng pundamental na batas.

------
Sundan ang Tribuna sa website nito: www.tribunaph.net

Address

Phase 2, Block 16, Lot 18, Seabreeze Homes
Sorsogon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tribuna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Tribuna:

Share