WOW SMILE MEDIA Services

WOW SMILE MEDIA Services WOW SMILE MEDIA Services is a Broadcast Radio Station operating legally under Philippine Laws
(2)

08/11/2024

Panibagong Low Pressure Area (LPA), mayroong katamtamang tiyansa na maging Tropical Depression ayon sa PAGASA

π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—¨π—£π——π—”π—§π—˜β€ΌοΈ(As of 10:00pm, November 8, 2024)Habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong...
08/11/2024

π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—¨π—£π——π—”π—§π—˜β€ΌοΈ
(As of 10:00pm, November 8, 2024)

Habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Marce, papalapit na rin ang panibagong Low Pressure Area (LPA), huling namataan ang LPA sa layong 1,330km silangang bahagi ng Southeastern Luzon (Labas ng PAR).

Ayon sa PAGASA, katamtaman ang tiyansya nitong maging isang tropical depression.

Samantala, bukod sa LPA na malapit sa PAR, namataan naman ang isa pang LPA sa layong 3,115km silangang bahagi ng Northeastern Mindanao (Labas ng PAR).

At ayon pa sa PAGASA maliit naman ang tiyansa ng LPA na ito upang maging isang ganap na tropical depression sa susunod na 24 oras.

πŸ“·: DOST-PAGASA



γ‚š

π—–π—’π— π—˜π—Ÿπ—˜π—– π—•π—œπ—–π—’π—Ÿ, π—₯𝗔𝗠𝗗𝗔𝗠 π—”π—‘π—š π— π—”π—œπ—‘π—œπ—§ 𝗑𝗔 π—¦π—œπ—§π—ͺ𝗔𝗦𝗬𝗒𝗑 π—‘π—š π—£π—’π—Ÿπ—œπ—§π—œπ—žπ—” 𝗦𝗔 𝗣π—₯π—’π—•π—œπ—‘π—¦π—¬π—” π—‘π—š π—”π—Ÿπ—•π—”π—¬Ayon kay Atty. Maria Juana Valeza, Region...
08/11/2024

π—–π—’π— π—˜π—Ÿπ—˜π—– π—•π—œπ—–π—’π—Ÿ, π—₯𝗔𝗠𝗗𝗔𝗠 π—”π—‘π—š π— π—”π—œπ—‘π—œπ—§ 𝗑𝗔 π—¦π—œπ—§π—ͺ𝗔𝗦𝗬𝗒𝗑 π—‘π—š π—£π—’π—Ÿπ—œπ—§π—œπ—žπ—” 𝗦𝗔 𝗣π—₯π—’π—•π—œπ—‘π—¦π—¬π—” π—‘π—š π—”π—Ÿπ—•π—”π—¬

Ayon kay Atty. Maria Juana Valeza, Regional Election Director ng COMELEC Bicol, ramdam anila ang sa ahensya na mainit ang sitwasyon ng politika sa probinsya ng Albay.

Kaugnay nito, isa sa mga pangunahing naging rason at batayan ng COMELEC ay ang kanilang pag monitor sa Social media kung saan, nakikita anila ang reaction ng mga tao, kung sino ang pro at cons.

Samantala, ibinunyag rin ni Atty. Valeza na kapansin-pansin ang mainit na girian sa politika dahil aniya, mayroon na ring naiulat na namatay sa probinsya dahil sa politika.



γ‚š

π— π—šπ—” π—₯π—˜π—›π—œπ—¦π—§π—₯π—”π——π—’π—‘π—š π—•π—’π—§π—”π—‘π—§π—˜ 𝗦𝗔 𝗣π—₯π—’π—•π—œπ—‘π—¦π—¬π—” π—‘π—š 𝗦𝗒π—₯π—¦π—’π—šπ—’π—‘, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗒𝗧 𝗦𝗔 555,000Umabot sa 555,000 ang kabuoang bilang ng mga rehistr...
08/11/2024

π— π—šπ—” π—₯π—˜π—›π—œπ—¦π—§π—₯π—”π——π—’π—‘π—š π—•π—’π—§π—”π—‘π—§π—˜ 𝗦𝗔 𝗣π—₯π—’π—•π—œπ—‘π—¦π—¬π—” π—‘π—š 𝗦𝗒π—₯π—¦π—’π—šπ—’π—‘, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗒𝗧 𝗦𝗔 555,000

Umabot sa 555,000 ang kabuoang bilang ng mga rehistradong botante sa probinsya ng Sorsogon ito'y batay sa inilabas na datos ng Commission on Election (COMELEC) Regional Office 5, kaning umaga, Nobyembre 8, 2024.

Kaugnay nito, ang bilang ng mga botante sa probinsya ng Sorsogon ay mula sa 15 na munisipalidad, na may 541 na mga barangay, at 3,252 bilang ng presinto.

Sa ginanap na ika-23 yugto nga Kapihan sa Bagong Pilipinas na pinangunahan ng Philippine Information Agency Bicol, inilatag ng Comelec ang mga datos patungkol sa nalalapit na National and Local Election 2025.

Samantala, pumalo sa 4,068,307 kabuoang bilang ng mga rehistradong botante sa buong rehiyon ng Bicol kung saan, pinakamarami sa probinsya ng Camarines Sur na may 1,348,768, na sinundan ng probinsya ng Albay na may 944,112, Masbate na may 622,043, Camarines Norte na may 397,514 at probinsya ng Catanduanes na may 200,829.

Source: COMELEC REGIONAL OFFICE 5



γ‚š

π—žπ—”π—¦π—’ π—‘π—š π——π—˜π—‘π—šπ—¨π—˜ 𝗦𝗔 𝗣π—₯π—’π—•π—œπ—‘π—¦π—¬π—” π—‘π—š 𝗦𝗒π—₯π—¦π—’π—šπ—’π—‘, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 π—‘π—š 42% 𝗔𝗬𝗒𝗑 𝗦𝗔 𝗗𝗒𝗛 π—•π—œπ—–π—’π—ŸTumaas ng 42% ang kaso ng dengue sa probinsya ng...
08/11/2024

π—žπ—”π—¦π—’ π—‘π—š π——π—˜π—‘π—šπ—¨π—˜ 𝗦𝗔 𝗣π—₯π—’π—•π—œπ—‘π—¦π—¬π—” π—‘π—š 𝗦𝗒π—₯π—¦π—’π—šπ—’π—‘, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 π—‘π—š 42% 𝗔𝗬𝗒𝗑 𝗦𝗔 𝗗𝗒𝗛 π—•π—œπ—–π—’π—Ÿ

Tumaas ng 42% ang kaso ng dengue sa probinsya ng Sorsogon ngayong taong 2024 kumpara nitong nakaraang taon ayon sa Department of Health Bicol sa ginanap na Press Conference ngayong Biyernes, Nobyembre 8, 2024.

Kaugnay nito, ngayon ay may kabuoang, 211 na kaso ng dengue ang naitala sa probinsya ng Sorsogon kumpara sa 149 na kaso nitong nakaraang taon (2023).

Samantala, ayon pa sa ulat ng ahensya, nakapagtala naman ng pinaka mataas na porsyento ng idinagdag na kaso ng dengue ang probinsya ng Camarines Sur, kung saan pumalo na sa, 1114 kabuoang kaso ng dengue ang naitala ng probinsya ngayong taon, at 299% naman ang itinaas nito kumpara sa 287 na kaso nitong nakaraang taon (2023).

Sunod sa may pinakamataas na kaso ay ang Camarines Norte na may 416 kabuoang kaso, kasunod ang Catanduanes na may 361, sinundan naman ng Albay na may 160, at ang Masbate na may naitalang 111 na kaso.





08/11/2024

DSWD BICOL, PATULOY SA PAGSASAGAWA NG MGA RELIEF OPS SA MGA LUGAR NA NASALANTA NG BAGYO

MWP #12 SM ESTELA DURAN

08/11/2024

KASO NG DENGUE SA PROBINSYA NG SORSOGON, TUMAAS NG 42% AYON SA DOH BICOL

MWP #16 JAMES OLIQUINO

08/11/2024

GOV. BOBOY HAMOR, INILUNSAD ANG "DOCTORS TO THE HOUSEHOLD" SA DONSOL; MGA RESIDENTE NABIGYAN NG MEDIKAL NA TULONG

MWP #24 SM ALVIN LOZANO

08/11/2024

COMELEC BICOL, INIHAYAG NA HINDI MAGPAPABAYA ANG KANILANG AHENSYA UPANG MASIGURO ANG KAPAYAPAAN SA DARATING NA ELEKSIYON

MWP #25 LEA LOLO

08/11/2024

AMNESTIYA SA AMILYAR NG REAL PROPERTY, INILUNSAD NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG SORSOGON

MWP #36 ARGIE DECHAVEZ

08/11/2024

INFLATION RATE SA SORSOGON, BAHAGYANG TUMAAS SA 3.0% NITONG OKTUBRE - PSA BICOL

MWP #28 ND JOMAR JESTRE

π—–π—’π— π—˜π—Ÿπ—˜π—– π—•π—œπ—–π—’π—Ÿ, π—¦π—œπ—‘π—œπ—šπ—¨π—₯𝗒 π—”π—‘π—š π—žπ—”π—£π—”π—¬π—”π—£π—”π—”π—‘ 𝗦𝗔 𝗗𝗔π—₯π—”π—§π—œπ—‘π—š 𝗑𝗔 π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ 𝗔𝗑𝗗 π—Ÿπ—’π—–π—”π—Ÿ π—˜π—Ÿπ—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘ 2025Inihayag ni Atty. Maria Juana S. V...
08/11/2024

π—–π—’π— π—˜π—Ÿπ—˜π—– π—•π—œπ—–π—’π—Ÿ, π—¦π—œπ—‘π—œπ—šπ—¨π—₯𝗒 π—”π—‘π—š π—žπ—”π—£π—”π—¬π—”π—£π—”π—”π—‘ 𝗦𝗔 𝗗𝗔π—₯π—”π—§π—œπ—‘π—š 𝗑𝗔 π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ 𝗔𝗑𝗗 π—Ÿπ—’π—–π—”π—Ÿ π—˜π—Ÿπ—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘ 2025

Inihayag ni Atty. Maria Juana S. Valeza, Regional Election Director ng Comelec Bicol, na hindi magpapabaya ang kanilang ahensya upang masiguro ang kapayaan at kaayusan sa darating na National and Local Election sa pamamagitan ng mas pinaigting na koordinasyon sa mga kapulisan at mga kasundaluhan.

Sa ika-23 yugto ng Kapihan sa Bagong Pilipinas na isinagawa ng Philippine Information Agency kaninang umaga, Nobyembre 8, 2024, inilahad ni Regional Election Director Atty. Valeza na patuloy ang paghahanda ng kanilang ahensya upang maging mapayapa ang magaganap na eleksyon dito sa Rehiyong Bicol. Hinihiling din nila sa mga pulitiko na tatakbo sa iba’t ibang posisyon na gawing maayos ang kaganapang ito.

Bukod dito, nagpaalala naman ang Commision on Election Bicol na ang pagbili ng boto ay mahigpit na ipinagbabawal at ang sinuman ang mahuhuling gumagawa nito ay maaaring patawan ng hindi bababa sa 1 taon at hindi hihigit sa 6 na taon na pagkakakulong, habang-buhay na pagbabawal na humawak ng pampublikong posisyon, at pagkawala ng karapatang bumoto.

Kaugnay nito, sa datos na ipinalabas ng Comelec Bicol, tinatayang nasa 80,000 ang mga botanteng tinanggal dahil sa hindi pag-boto sa dalawang magkasunod na halalan. Umabot naman sa 4,068,000 ang mga Bicolanos na boboto na sa 2025 National and Local Election.

Sa kabilang dako, nagbigay ng paalala si Regional Election Director Atty. Valeza na bumoto base sa plataporma ng mga kandidato at huwag magpapadala sa pera.





γ‚š

08/11/2024

BICOL NETWORK NEWS || NOVEMBER 08, 2024

HOSTED BY: PJ PASCUA

08/11/2024

Panibagaong Low Pressure Area, papalapit na sa Philippine Area of Responsibility, sa layong 1,705km timog-silangang bahagi ng Luzon -PAGASA

π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—¨π—£π——π—”π—§π—˜β€ΌοΈ(As of 4:00pm, November 8, 2024)Huling namataan ang Bagyong Marce sa layong 260km kanlurang bahagi ng La...
08/11/2024

π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—¨π—£π——π—”π—§π—˜β€ΌοΈ
(As of 4:00pm, November 8, 2024)

Huling namataan ang Bagyong Marce sa layong 260km kanlurang bahagi ng Laoag, Ilocos Norte dakong alas-2:00 ng hapon, Nobyembre 8.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabots sa 150km/h malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 185km/h, habang kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20km/h.

Samantala, papalapit naman sa Philippine Area of Responsibility ang isa nanamang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa layong 1,705km timog-silangang bahagi ng Luzon (OUTSIDE PAR).

πŸ“Έ: DOST PAGASA



γ‚š

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Kalagayan ng mga pangunahing kalsada sa bayan ng Gonzaga, Cagayan at ilang kabahayan at eskwelahan sa nasabing ...
08/11/2024

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Kalagayan ng mga pangunahing kalsada sa bayan ng Gonzaga, Cagayan at ilang kabahayan at eskwelahan sa nasabing lugar.

πŸ“Έ: Cagayan PIO



γ‚š

π—•π—”π—šπ—¬π—’π—‘π—š 𝗠𝗔π—₯π—–π—˜, π—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗑𝗔 π—žπ—¨π— π—œπ—žπ—œπ—Ÿπ—’π—¦ π—£π—”π—£π—”π—Ÿπ—”π—¬π—’ 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—’π—–π—’π—¦ π—₯π—˜π—šπ—œπ—’π—‘, 𝗧𝗖π—ͺ𝗦 𝗑𝗒. 3 π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—œπ—¦ 𝗑𝗔 π—‘π—š π—£π—”π—šπ—”π—¦π—”Patuloy pa rin ang pagkilos...
08/11/2024

π—•π—”π—šπ—¬π—’π—‘π—š 𝗠𝗔π—₯π—–π—˜, π—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗑𝗔 π—žπ—¨π— π—œπ—žπ—œπ—Ÿπ—’π—¦ π—£π—”π—£π—”π—Ÿπ—”π—¬π—’ 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—’π—–π—’π—¦ π—₯π—˜π—šπ—œπ—’π—‘, 𝗧𝗖π—ͺ𝗦 𝗑𝗒. 3 π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—œπ—¦ 𝗑𝗔 π—‘π—š π—£π—”π—šπ—”π—¦π—”

Patuloy pa rin ang pagkilos ng Bagyong Marce papalayo sa Ilocos region at inalis na rin ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 sa mga lugar sa Northern Luzon, ito'y batay sa bulletin no. 27 na ipinalabas ng ahensya dakong alas-11:00 ng umaga, Nobyembre 8, 2024.

Kaugnay nito, huling namataan ang bagyo sa layong 165km kanlurang bahagi ng Laoag City, Ilocos Morte o 165km kanlurang bahagi ng Batac, Ilocos Norte.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot naman sa 170km/h habang kumikilos pa-kanluran timog kanluran sa bilis na 20km/h.

Samantala, nakataas pa rin sa signal no. 2 ang mga lugar kabilang ang hilagang bahagi ng Mainland Cagayan, kanlurang bahagi ng Apayao, Abra, Ilocos Norte at hilagang bahagi ng Ilocos Sur, habang Signal no.1 naman sa ibang pang lugar sa Northern Luzon.

Sa ngayon, patuloy na kikilos ang bagyo sa parehong direksyon, at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong hapon o gabi.

πŸ“·: DOST PAGASA



γ‚š

08/11/2024

Address

Rosville Subdivision, Bibincahan, Sorsogon City
Sorsogon
4700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when WOW SMILE MEDIA Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to WOW SMILE MEDIA Services:

Videos

Share


Other Media/News Companies in Sorsogon

Show All