22/07/2022
MGA SALITANG PAULIT-ULIT NA NARIRINIG NG MGA CS MOM.
"Sayang! Hindi mo manlang naranasan 'yong sakit ng Normal Delivery."
"Kaya mo naman 'yan i-normal bakit nagpa-CS ka pa?"
"Hindi ka naman ganap na nanay kasi hindi ka naman umire."
"Ah CS, Edi hindi ka nahirapan manganak kasi tulog ka lang."
"Pang mayaman lang ang CS"
"Hindi mo mapi-feel na nanay ka na talaga kasi hindi mo pinaghirapang ilabas anak mo."
-
'yan ang ilan sa mga madalas na sinasabi ng ibang tao tuwing nalalaman nilang CS MOM ka.
Kung alam lang nila, mas gugustuhin pa naming manganak na lang ng Normal kesa i-CS ka, alam niyo kung bakit?
Pag CS ka, Oo tulog ka habang hinihiwa ang balat at laman mo pero pagtapos ng Operasyon hindi mo alam kung magigising ka pa dahil sa malaking risk nito sa mga buhay namin. Pag nawala na ang epekto ng anesthesia, alam nyo ba yung sakit na kailangan naming tiisin para lang hindi mag stay ng matagal sa ospital at hindi tumaas pa ang mga bill namin?
Hindi ka pwedeng kumain agad, ni uminom ng tubig BAWAL din! Katakot-takot na sakit ng katawan ang tiniis namin mailabas lang ng maayos ang mga anak namin.
Hindi namin ginustong ma CS, pero kinailangan naming gawin para sa mga anak namin. Matagal ang pagpapagaling, mga dati mong ginagawa gaya ng pagbubuhat ng mabibigat ay hindi mo na dapat pang gawin.
Ang pag kirot ng mga tahi namin tuwing malamig ang panahon ay titiisin din, maski na ang pagiging makakalimutin at higit sa lahat ang peklat sa tiyan namin na habang buhay na naming dadalhin.
Ang pagiging ina ay hindi nasusukat kung paano mo nailabas ang sanggol sa tiyan mo.
Nasusukat ito sa kung ano ang kaya mong isakripisyo kahit buhay mo pa.
Kaya saludo ako sa mga nanay na handang gawin ang lahat maisilang lang nang maayos ang kanilang mga Anak. 💪♥️