30/07/2024
JOSE RIZAL:
Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
(Manunulat, Pambasang Bayani ng Pilipinas, Dakilang Henyo ng Lahing Malayo)
ISINILANG SA: Calamba, Laguna (Hunyo 19, 1861)
BINARIL SA: Bagumbayan (ngayo’y Luneta; Disyembre 30, 1896)
Mga Magulang: Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos (“Z” sa ibang aklat)
Mga Ninuno: Domingo Lamco, sa panig ng ama (negosyanteng Instik); Lakandula, sa panig ng ina (pinuno ng Tondo na namuno sa isang bigong pag-aalsa sa mga Kastila, inapo ni Rajah Sulayman ng Maynila)
Nagbinyag: Padre Rufino Collantes
Ninong: Padre Pedro Casañas
Paboritong kura paroko/parish priest: Padre Leoncio Lopez (nagturo kay Rizal ng pagrespeto sa karapatan ng ibang tao)
Buong Pangalan: (Complete name) Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda
Jose Protacio - first name
Jose: sa karangalan ni San Jose, patron ng mga manggagawa, asawa ng Birheng Maria, tatay sa lupa ni Hesukristo
Protacio: sa karangalan ni San Protacio (isang martir; kapistahan/feast day niya tuwing Hunyo 19)
Mercado: tunay na apelyido ng kanyang ama; nangangahulugang “pamilihan/market” sa wikang Español
Rizal: apelyidong pansamantalang pinagamit kapalit ng Mercado upang makaiwas sa gulo (kabibitay pa lamang sa Gomburza; konektado kay Padre Burgos si Paciano kaya delikado ang apelyidong Mercado); mula sa salitang Español na “ricial” (luntiang lupang tinatamnan ng trigo/green fields of barley)
Alonso: tunay na apelyido ng ina noong dalaga pa/maiden name; middle name ni Jose Rizal
Realonda: middle name ng kanyang ina noong dalaga pa; galing sa lola ni Rizal
Mga kapatid:
1. Saturnina
2. Paciano – tanging lalaking kapatid ni Jose; tumustos/nagpondo sa pag-aaral ni Jose sa Europa; naging heneral ng Hukbo ng Rebolusyong Pilipino
3. Narcisa
4. Olympia – namatay sa 13 oras na panganganak
5. Lucia
6. Maria
7. Concepcion – kasunod ni Jose; namatay sa sakit sa edad na 3 taon
8. Josefa – naging pangulo ng pangkababaihang grupo ng Katipunan