14/04/2024
Upang tayo'y magkaroon ng kayamanan sa langit , sumunod tayo kay kristo . hindi ung ipagbili ang kayamanan sa lupa at ipamahagi sa duka ,
hindi ito ang tinutukoy ni Cristo
kawawa po ung mga duka na walang kayamanan sa lupa ,wala silang ipagbili at ipamahagi sa mga duka , upang sana'y magkaroon sila ng kayamanan sa langit .
Kondi sumunod tayo kay Cristo upang tayoy magkaroon ng kayamanan sa langit .
MATEO 6:20-21 (ADB)
Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo’y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo’y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:
Sapagka’t kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.
Magkaroon lang tayo ng Cristo sa puso natin at sumunod na walang alinlangan , tayoy ay magkaroon ng kayamanan sa langit kay si Cristo ang kayamanan ng Dios .
COLOSAS 2:2-3 (ADB)
2. Upang mangaaliw ang kanilang mga puso, sa kanilang pagkakalakip sa pagibig, at sa lahat ng mga kayamanan ng lubos na katiwasayan ng pagkaunawa, upang makilala nila ang hiwaga ng Dios,
(samakatuwid baga'y si Cristo,
3. Na siyang kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman.)