Garne Kami sa Ikatlong Distrito ng Batangas

Garne Kami sa Ikatlong Distrito ng Batangas Balitaan, Kwentuhan, Usapin, Hinaing, Reklamo atbp

Ito na yata ang isa sa pinakasagad na panahon ng kurapsyon sa ating lipunan. Bukod sa mga isyu ng Intel Funds at overpri...
06/12/2022

Ito na yata ang isa sa pinakasagad na panahon ng kurapsyon sa ating lipunan. Bukod sa mga isyu ng Intel Funds at overpriced na mga laptops sa national, ang kurapsyon sa pampublikong edukasyon ay gapang hanggang sa ibaba.

Sa ngalan ng Parents Teachers Association o PTA, kabi-kabila ang singilan sa mga paaralan. Ang pagpapagawa ng mga sirang parte ng paaralan, pabakod at tarangkahan ay sinisingil sa magulang gayong isa ang DepEd sa may pinakamalaking budget sa gobyerno.

Lahat ng maisipang singilin ng mga g**o ay ginagawa tulad ng palinis sa silid-aralan na buwanang butaw ng magulang, habang ang mga opisyal ng PTA ay himod sa pagsipsip at sila pa ang nagkukusang magbigay ng ideya kung paano pipigain ang mahihirap na magulang.

Ilalantad natin ang mga paaralan, punong g**o at mga kasabwat na walang kunsensyang mga PTA officials na ito. Kayo rin, kung may kilala kayong ganyan, malaya nyong ibahagi dine.

12/09/2022

Bakit naghihigpit ang mga public schools sa mga magulang? Kayong mga pasahurin naming mga mambubuwis ay tinatarato nyong mabababang uri. Paalala laang: hindi kayo pribado, kaya wag nyong gawing basura ang mga magulang. Yang paghihigpit nyo sa paghahatid ng magulang sa mga bata ay para sa kanilang kaligtasan. Akyat-manaog sa hagdan habang biyabit ng santambak na gamit, pag yaan ay nahulog o nasaktan, pananagutan ga ninyo?

Ang pinakadaleng mahigpit ay sa Sto. Tomas North Central School ng bagong principal na si Angelita Razon na ang gusto ay hanggang tarangkahan laang ang hatiran sa mga bata. Sang-ayon kami na bawal nga ang tumambay sa loob ng paaralan, pero ang maghatid ay para sa kaligtasan ng mga bata. Wag kayong makitid ang utak. Hindi nyo pag-aari ang eskwelahan, sa publiko yan! Ke-tatalino nyo hindi nyo kayang pagsabihan o kaya ay magpaskil ng gabay sa mga naghahatid? Wag tatamad-tamad, ke-lalake ng sweldo ih! Pangalawang magulang kayo ng mga mag-aaral, kaya dapat nagkakaisa tayo sa pangangalaga sa kanila. Hindi naman kaya ng isang adviser o g**o na lahat yan ay matingnan sa pagpasok at paglabas, kaya hayaan nyo ang magulang na syang umalalay! Puro kayo bawal wala naman sa hulog! Masaklap pa ay hindi manindigan sa panig ng magulang ang pangulo ng PTA na si Ronnie Arguelles.

22/08/2022

Totoo gang utos ni Meyor AJAM areng dagsa ng pila sa Central School kaninang sunduan ng mga bata dahil bawal daw papasukin sa loob ng compound? Di ga'y kaluwag naman sa compound na yaan?

Pinag-face-to-face ang mga bata, tapos isinara ang gate ng school, pinapila at pinagkumpol ang mga magulang. Inabot na ng ambon kaya di na napigilan ang pagsugod ng mga magulang maski pa may mga nakaharang pulis. Yung mga bata naman nandun sa harap ng mga gusaling paaralan, kumpulan din. Padale are ng principal dyaan na si Gng. Analiza Montero?

Ligtas pa kaya tayo sa covid sa padaleng are?

Yung trapiko mukhang walang alam ang meyor sa pagpapaayos. Nagpasukan laang nagkabuhol buhol na. Yung mga kanto na dapat ay hindi pinaparahan, doon mismo nagpapasakay ang mga pasaway na driver. Klaseng pamunuan are?

11/07/2022

4 na Komitiba ng Provincial Board, kinopo ni Leviste habang mga bokal, kuntento na sa 1, 2 o 3!

Hindi ga naman kaya are ay kasakrehan na ang Vice Governor ay Chairman ng 4 na Komitiba ng Sangguniang Panlalawigan na pinakamarami sa lahat kumpara sa mga Bokal? Sinasabi ng Local Government Code na ang Vice Governor ay "presiding officer" ng Sanggunian at maaari laang bomoto kung may "tie". Ibig sabihin, walang karapatang makisali sa deliberasyon ang Vice Governor at bomoto malibang may botong tabla. Para bagang sinasabi ng Code na dapat ay impartial sya o walang kinikilingan habang hindi nagtatabla ang botohan. Ay paano pa kung sya ay chairman ng komite magiging impartial kung sya mismo ang chairman ng komite na duminig sa isang panukalang ordinansa or resolusyon? Maaaring tahimik nga ang Code sa bagay na ito pero hindi naman dapat sinasamantala ay yung mga ke-babatang abogado sa Sanggunian ay hindi dapat nagpapabaya. Daming komite nya tapos kayo ay tig-3-2 o 1 laang? Bakin gay-on, lantaran na yaan ah!

09/05/2022

Maraming naglolokong voters counting machines, overcrowded sa mga voting precincts na pinagsama sama ang hanggang 5-7 presinto. Pinakabulok na Comelec sa kasaysayan. Ano kayang plano ng gobyerno? Failure of elections?

06/05/2022
Totoo ga areng kaya traffic sa may Tanauan Institute ay namimigay ng tig -3 libong piso ang mga Collantes (lumalabang Ma...
06/05/2022

Totoo ga areng kaya traffic sa may Tanauan Institute ay namimigay ng tig -3 libong piso ang mga Collantes (lumalabang Mayor ng Tanauan si Nelson at re-electionist naman sa kongreso si Maitet)? Matindi ito!

Yung panahong hirap na hirap ang mga apektado ng pagputok ng Bulkang Taal, nagawa pa tayong insultuhin ni Mandanas at ku...
04/05/2022

Yung panahong hirap na hirap ang mga apektado ng pagputok ng Bulkang Taal, nagawa pa tayong insultuhin ni Mandanas at kulang na laang sabihang malalakas lumamon. Isang daang milyon daw ang gastos sa ating pagkain na hindi naman lahat ay nabigyan at kung meron man ay sapat laang para mabuhay. Kung 100 milyon ang budget nya kada araw, saan napunta ang pera?

02/05/2022
Ay bakit hindi nainterbyu ang supladong heneral na iwas sa media? May itinatagong nakaaran sa martial law at EJKs?
28/04/2022

Ay bakit hindi nainterbyu ang supladong heneral na iwas sa media? May itinatagong nakaaran sa martial law at EJKs?

Kakahiya pala ang Gobernador na ito!
25/04/2022

Kakahiya pala ang Gobernador na ito!

Ang MAG-ASAWANG MANDANAS ay SINUNGALING!

G.R. No. 207264, June 25, 2013 - REGINA ONGSIAKO REYES, Petitioner, v. COMMISSION ON ELECTIONS AND JOSEPH SOCORRO B. TAN, Respondents

Basahin nyo kung gusto, yan ay desisyon ng Korte Suprema. Inamin ni Gina Ongsiako Reyes aka Mrs. Gina Mandanas na HINDI SILA TOTOONG MAG-ASAWA ni DODO MANDANAS. Bakit kailangang manloko ng sambayanang Batangueno? Sino ang may pinagtatakpan sa kanila? Pabuya ga kay Gina ang ipilit syang ipanalo sa partylist?
https://www.chanrobles.com/cralaw/2013junedecisions.php?id=498

22/04/2022

Serbisyo publiko. Hindi pagpapayaman, hindi pagnenegosyo. 💚

Kung ako man po ay inyong pagkalooban ng posisyon bilang Gobernador ng lalawigan ng Batangas, makaka-asa po kayo sa isang tapat, malinis, at serbisyo publikong ramdam ng lahat ng mamamayan. Parati at palagi po ninyong makikita ako na maglilingkod; mararamdamang ama ng lalawigan.💚

17 days na lamang po! Patuloy niyo po akong samahan sa ating laban para sa isang . 🙏🏻✨

G na ga po kayo?

!



19/04/2022

What can be worst than electing the wrong leaders? Let's change all of that and be bold to do what is right. Reject Marcos and Mandanas.

This elections, never forget those who voted against the renewal of ABS-CBN franchise. One of them, Maitet Collantes, is...
19/04/2022

This elections, never forget those who voted against the renewal of ABS-CBN franchise.

One of them, Maitet Collantes, is running for representative of the third district of Batangas. - National Union of Journalists of the Philippines

10/04/2022

limited pre-election survey April 11-20, 2022

Nasalanta na tayo dine eh parang nagamit pa
09/04/2022

Nasalanta na tayo dine eh parang nagamit pa

Di ga pwedeng ipatawag ng Comelec ang mga kandidatong ito at bigyan ng warning na BAWAL MAGPAKO SA PUNO ng mga tarpaulin...
06/04/2022

Di ga pwedeng ipatawag ng Comelec ang mga kandidatong ito at bigyan ng warning na BAWAL MAGPAKO SA PUNO ng mga tarpaulins? Turuan nila ang mga tao nila na gumalang sa batas.

31/03/2022
Ito ang Governor na bagay sa atin dine sa Batangas. Tama na, sobra na, palitan na!
31/03/2022

Ito ang Governor na bagay sa atin dine sa Batangas. Tama na, sobra na, palitan na!

Bakit tuong malakas ang kandidatura ni ex-Mayor Prudencio "Dacio" Gutierrez ng Padre Garcia? Dahil kung tutuusin, nasa likod nya ang suporta ng Lungsod ng Batangas. Isa syang tunay na anak ng Lungsod, dahil ang kanyang ina na si Gng. Melecia Magadia Aclan ay taga-Brgy. Tingga Labac. Yan ang papaunlad na barangay na dati ay kilala laang sa mga bahay aliwan na ngayon ay unti-unti nang naglalaho (naalala nyo pa ga ang Taverna Queen?) Ngunit ngayon ay progresibo na sa mga negosyo at subdivision projects bukod pa sa turismo.

Ang Padre Garcia ay nasa ika-4 na Distrito na 80-90% ay suportado rin sya, at mas malamang kasama ang Lungsod ng Lipa (dati ring ika-4, ngayon ay ika-6 na distrito na). Maraming mayors ang tahimik na dala at sumusuporta sa kanya.

Ayaw nyong maniwala? Sige tanungin nyo ang mayor nyo. O kaya itanong nyo kung may kahit isang mayor na suportado si Dodo Mandanas. Maski pa yung hinagilap laang nya at sorpresang itinaas ang kamay sa bayan nyang ang mga kapitan na kay Gutierrez rin nakasuporta ay malamang hindi rin kanya.

Sa Unang at Ikatlong Distrito, wala ka nang maririnig na opisyal ng bayan o barangay, maging BHWs at Tanod, na hindi galit kay Mandanas. Yung gang ikaw ay pabyahehin papuntang kapitolyo, tapos gugutumin at bibigyan laang ng P500 pampalubag-loob matapos gamiting maipagpasikat na maraming dumalo sa kanyang okasyon, ay sino gang hindi magpupuyos sa galit? Tratong alipin daw ang ginawa sa kanila.

Yun namang mga may nilalalakad ay tuong binobola pa, pipirma pa raw sa papel na hindi naman pala tunay (draft laang).

Kaya hindi nakapagtatakang ang mga Batangueno pa ang naghahanap at nagtatanong kung sino ga yang si Dacio? At pag naalamang magaling palang mayor ng 9 na taon sa kanila ay kaagad naiisip na ay hala ka Mandanas, sa eleksyong are iki'y todas!

Mukhang malakas ang salita ng balota ngayong Mayo 9 sa Batangas.

Kita ga ninyong kakisig, aba ay nakakabuhat pa yaan. Yung mamay kaya?

19/03/2022

MAY PAGPIPILIAN NAMAN AY BAKEN GA TAYO TYAGA DINE?

Yung mamay nyong 24 na taon na sa pwesto kapit tukong ayaw bumitaw. Umay na nga sa kanya, ipipilit pang ipasok sa Kongreso ang asawa.

Mas matagal pa sa pwesto keysa sa diktador kaya akala ng mga bata ay isang permanenteng muebles sa kapitolyo.

Subok na raw - subok na subok sa kapalpakan, pagka-makasarili at pagdidikta sa mga Batangueno na sundan ang kanyang hilig, ang sumuporta sa magnanakaw.

Umaandaar na ang pulitika ng panloloko at di kami paloloko
15/03/2022

Umaandaar na ang pulitika ng panloloko at di kami paloloko

Are we nuts in Batangas that we allow this travesty of political surveys? First, you cannot be anonymous or faceless to be credible. Just exactly who are you? Second, Ralph Recto financing you makes your survey a suspect, and finally, 1,200 respondents for the entire Province for each of the towns, cities, districts and province-wide major positions already expose your unreliable, unrealistic and manipulated survey.

Yun bagang ONWARDS nyo ay sa walang hanggan? Sa tagal na yan alas diez pa, punyeta kayo mga Villar at Edna Sanchez mga b...
02/03/2022

Yun bagang ONWARDS nyo ay sa walang hanggan? Sa tagal na yan alas diez pa, punyeta kayo mga Villar at Edna Sanchez mga bulok ang serbisyo!

Magandang tanong yan
02/03/2022

Magandang tanong yan

Kung suportado mo ay magnanakaw, ano ka?

Address

Santo Tomas
4234

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Garne Kami sa Ikatlong Distrito ng Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Garne Kami sa Ikatlong Distrito ng Batangas:

Videos

Share


Other Media/News Companies in Santo Tomas

Show All