29/12/2024
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐๐ง
๐ง๐ข ๐๐ก๐ฎ๐ซ๐ญ ๐๐๐ฌ๐ก ๐
๐๐ซ๐ซ๐๐ซ
Annyeong, Ni hao, Konnichiwa, Sawadee, Ola, Hi, kamusta at marami pang iba
Mga wika ng bawat bansa
May pagkakaiba ngunit maaring magkaisa.
Iba't ibang kultura at lahi ng bawat isa,
Hindi hadlang upang tayo ay maging isa.
Pero teka, teka, Kultura?
Asan na nga ba ang ating kultura?
Na unti-unti nang nababago at nabura.
Sa mundong patuloy na umiikot,
Hindi ba dapat natin itong ikatakot?
ano nga naman ang ating kakatakutan?
Kung ang pagbabago na ito ay may magandang dulot sa bayan.
Ngunit paano kung kasabay ng pagbabago
ay ang paglimot sa kulturang sinilangan mo?
Paano na ang kulturang pilipino?
Na tila ay nawawaglit na sa puso ng tao.
Lahi, ang pangkat na ating kinabibilangan
ngunit bakit biglang nagiging kahihiyan sa ilan? Bakit may nangyayaring mga korapsyon at krimen na hindi ma solusyun-an?
Bakit tayo mismo ang nag gugulangan?
Tayong mga pilipino ang dapat magmahalan at mag tulungan,
ngunit bakit nagkukutyaan sa mga lahing pinagmulan.
Mga diskrimasyon sa kulay ng bawat isa,
Na kapag ang kulay mo ay kakaiba,
iba ang tingin nila.
Mga tingin na kasing tulis ng patalim na alam mong may gustong sabihin.
Mga pananamit ng bawat isa na laging napapansin ng iba.
Paano na ang ating mga katutubo?
Na dahil sa panghuhusga ay nahihiya na at nagtatago
Lengguahe, ito ay importante sa bawat bansa ngunit tila nabago kasabay sa pag ikot ng mundo
Mga batang namulat sa ibang wika.
Mga magulang na piniling ituro ang
banyagang wika.
Na sa mga unang salita na mabibigkas,
ibang lengguahe ang lalabas.
Bakit nga ba? Dahil sa mundong ito, ang sukatan ng talino ay ang lengguaheng kinagisnan mo.
Na kapag ikaw ay hasa sa ibang lengguahe,
Ikaw ay may angking talino.
Paano na ang wikang Filipino, kung ang pangunahing wika na ng susunod na
henerasyon ay hindi ito.
Paano uunlad ang wikang Filipino kung mismong mga pilipino na ang hindi gumagamit nito.
Kaalinsabay ng pag-usbong ng wikang ingles ay ang pag mulat ng bawat batang pilipino na hindi gamit ang wika ng lahi na nananalaytay sa kanilang dugo
Hindi naman masamang matuto ang kabataan, ngunit hindi ba dapat unahin natin ang wika ng ating bayan?
Sabi nga ni Jose Rizal, "Kabataan ang pagasa ng bayan"
Kabataan na dapat ay mulat sa hinaharap
Kabataan na nais umahon sa pagiging mahirap
Kabataan na dapat ay nagsusumikap
Kabataan na may mga pangarap
Ngunit paano kung ang pagasa ng bayan ay nalilimot na ang wika ng bayan?
Ang wika at lahi na kanilang pinagmulan.
Na sa pagdating ng panahon na matagumpay na ang kabataan ay Ingles na ang wikang tinuturan.
Anuman ang iyong kulay at lahing pinagmulan,
ikaw ay pilipino, parte ka ng bayang ito.
Gising mga kabataan, Huwag nating talkuran ang dugong nananalaytay sa ating katawan,
tayo ang pag-asa ng bayan, tayo ang liwanag sa kadiliman ng nakaraan.
Ating nang kulayan ang kinabukasan ng bayan, imulat ang mga matang piniling ipikit para sa kapayapaan, ating pakinggan ang boses ng bawat mamamayan, ipalaganap ang wika ng bayan
Kung hindi ngayon, kailan pa?
Kung hindi tayo, sino nga ba?
Ang ating kultura at lengguahe ay kalingain at mahalin, para sa atin, para sa bayan, para sa kinabukasan ng bayan.