20/12/2025
Nananawagan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga motoristang dumaan sa Kennon Road, Tuba, Benguet noong Huwebes, Disyembre 18, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi, na magbahagi ng dashcam footage para sa imbestigasyon sa pagkamatay ni dating DPWH Usec. Catalina Cabral.
Partikular na hiniling ng NBI ang mga kuha mula sa bahagi ng Sitio Maramal, Camp 5, Barangay 4, Tuba.
Unang lumabas ang mga nakahakang posibleng may pinulong na indibidwal si Cabral sa Kennon Road bago ito natagpuang p@tay sa gilid ng Bued River.
Tiniyak din ng NBI na mahigpit na ipatutupad nito ang "strict confidentiality" sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa insidente sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone number 0908-9780135 o magpadala ng mensahe sa email address [email protected].
Photo Courtesy : Regional News Group