Pilipinas Today Batangas

Pilipinas Today Batangas Anong Ganap?

Habang mainit ang usapin tungkol sa pagpapatigil ng budget subsidy para sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth...
16/12/2024

Habang mainit ang usapin tungkol sa pagpapatigil ng budget subsidy para sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) bunsod ng nadiskubreng P700 billion budget reserve na kinita diumano nito sa investment scheme, naniniwala ba kayong napapanahon na naipatigil kahit pansamantala ang mandatory contribution ng mga miyembro ng PhilHealth dahil sa sobra-sobrang pondo na nasa kaban ng ahensiya?



“Where is the P125 million in confidential funds allegedly spent in just 11 days? What happened to the more than P500 mi...
16/12/2024

“Where is the P125 million in confidential funds allegedly spent in just 11 days? What happened to the more than P500 million in total public funds entrusted to her office?” saad sa pahayag ng SOS Network conveners nitong Disyembre 15.

Anila, kaysa ipaliwanag nang maayos ni Vice President Sara Duterte kung paano nito ginastos ang P612.5-million confidential and intelligence funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) noong 2022 at 2023, naglunsad umano ito ng distraction at diversion sa pagsasampa ng ethics complaint laban kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro.

Disyembre 10 nang isang grupo ng mga indigenous people (IP) ang naghain ng reklamo laban kau Castro sa House committee on ethics sa pagpapahamak umano sa 14 na batang Lumad noong 2018, isang kasong nakaapela sa ngayon.

Katwiran ng SOS, paanong mapatutunayan ni VP Sara na totoong may malasakit ito sa mga bata kung aktibo nitong idinedepensa at kaalyado pa ang religious leader na si Apollo Quiboloy—na nahaharap sa patung-patong na kaso ng child trafficking, abuse, at r*pe sa mga korte sa Pilipinas at maging sa Amerika.

“Associating herself with such figures reflects a deep ethical void in her leadership and reinforces the Duterte legacy of impunity and moral decay,” anang grupo.

Ang SOS Network ay pinamumunuan ni Prof. Marion Tan, dating vice chancellor ng University of the Philippines (UP)-Diliman; kasama sina Mae Fe Ancheta-Templa, dating undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD); at Prof. Sofia G. Guillermo, faculty member sa UP Diliman.





PHILHEALTH, 'KAILANGANG MAGING RESPONSABLE'Ito ang inihayag ni La Union 1st District Rep. Francisco Paolo Ortega V sa pr...
16/12/2024

PHILHEALTH, 'KAILANGANG MAGING RESPONSABLE'

Ito ang inihayag ni La Union 1st District Rep. Francisco Paolo Ortega V sa press conference ng House of Representatives ngayong Lunes, Disyembre 16, tungkol sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) dahil sa diumano’y kapalpakan sa paggamit ng P700 bilyong halaga ng reserve funds.

Ayon pa kay Rep. Ortega, may problema sa physical management ng PhilHealth dahil sa anim na taon niyang pagiging board member ng local government, madalas silang nagsu-supplement ng bayad sa mga district hospital dahil ayon sa mga administrador ng mga ospital, nahihirapan silang maningil ng bayad sa PhilHealth.

“Anong rason para umabot ng taon na maningil? Eh andiyan naman po ang pera, so may problema po talaga sa physical management (ng PhilHealth),” sabi ni Rep. Ortega.

Idinagdag din nitong handang tumulong ang House of Representatives sa PhilHealth, ngunit kailangan din nitong maging responsable.





Sa Cavite, nadiskubre ng dalawang riders ang isang mabahong parcel na may lamang fetus sa tabi ng kalsada. Sa Batangas, ...
16/12/2024

Sa Cavite, nadiskubre ng dalawang riders ang isang mabahong parcel na may lamang fetus sa tabi ng kalsada. Sa Batangas, isang nagtitinda ng pagkain ang nakakita ng madugong fetus sa isang itim na backpack. Sa Rizal naman, isang residente ang nakakita ng patay na batang lalaki na itinapon sa isang tulay at nakabalot sa tuwalya.

Ayon sa mga awtoridad, dinala ang mga sanggol sa isang punerarya at inilibing sa lokal na sementeryo.

Kasalukuyang nire-review ng mga awtoridad ang mga kuha mula sa mga security camera upang matukoy ang mga responsable sa pagtatapon ng mga fetus at sanggol.

Samantala hindi tinukoy sa ulat ng pulisya ang kasarian ng mga fetus.






Tiwala si La Union 1st District Rep. Paulo Ortega V na magagampanan ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny A...
16/12/2024

Tiwala si La Union 1st District Rep. Paulo Ortega V na magagampanan ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang kanyang tungkulin para sa mga g**o at estudyante ng bansa sa kabila ng pagtapyas ng P700 bilyon mula sa pondo ng Kagawaran para sa 2025.

Sa ginanap na press conference ng mga tinaguriang “Young Guns” ng Kamara de Representantes ngayong Lunes, Disyembre 16, nagpahayag ng kumpiyansa si Ortega sa kakayahan ng DepEd na tustusan ang mga pangangailangan ng mga estudyante at g**o dahil epektibo ang mga naging tugon ni Angara sa budget deliberation ng DepEd sa Kongreso.

“He (Angara) was able to address most of our questions,” giit ni Ortega.

Ito ay bilang reaksiyon sa pag-alboroto ni Angara sa social media matapos tapyasan ang pondo ng DepEd ng P700 bilyon dahil sa diumano’y nangyaring katiwalian noong panunungkulan ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng ahensiya.

Giit ni Angara na naging kaugalian na itinataas ng Kongreso ang budget allocation sa DepEd kada taon kaya laking gulat niya nang bawasan nang malaking halaga ang dapat na ilalaan sa ahensiya sa 2025.

Bukod dito, nagkaroon din diumano ng budget under-utilization noong panahon ni VP Sara sa DepEd kaya walang nakikitang dahilan ang mga kongresista na dagdagan ang budget nito.





A NEW ERA FOR MOMMY ONI 🤍Sa isang Instagram post, ibinahagi ng content creator na si Toni Fowler ang ilang adorable pict...
16/12/2024

A NEW ERA FOR MOMMY ONI 🤍

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng content creator na si Toni Fowler ang ilang adorable pictures kasama ang kanyang anak na si Tyrone.

"Gigil na gigil ako sayo araw araw tabachoichoiiiii 🥹🐷" caption nito.

(Instagram/Toni Fowler)

Sa isang panayam, sinabi ni Maynilad CEO Randolph Estrellado na P10 bilyon ang ilalaan para sa pagtatayo ng water treatm...
16/12/2024

Sa isang panayam, sinabi ni Maynilad CEO Randolph Estrellado na P10 bilyon ang ilalaan para sa pagtatayo ng water treatment plant, habang P20 bilyon naman ang gagamitin para maglagay ng mga pipeline na magkokonekta sa Kaliwa Dam, sa planta, at mga customer.

“Right now, MWSS is saying the Kaliwa Dam will be finished by maybe 2028, or conservatively, 2029,” sinabi ni Estralldo.

Kasama sa mga plano sa imprastruktura ng Maynilad ang isang pipeline na magkokonekta sa Teresa, Morong, at Binangonan, kung saan may mga bahagi na dadaan sa Laguna Lake.

Nakuha na aniya ng Maynilad ang lupa para sa Teresa Water Treatment Plant at may kontrata na para sa paglalagay ng pipeline sa Teresa at Morong, habang ang mga kontrata para sa Binangonan at ng treatment plant ay ia-award sa susunod na taon.

Samantala ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang lead implementing agency ng The New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project (NCWS) project, kung saan 85 porsyento ng pondo ay galing sa China EXIM Bank.



MANDATORY PHILHEALTH CONTRIBUTION, ALISIN NA!Maraming netizens ang naglabas ng kanilang mga saloobin kaugnay sa isyung k...
16/12/2024

MANDATORY PHILHEALTH CONTRIBUTION, ALISIN NA!

Maraming netizens ang naglabas ng kanilang mga saloobin kaugnay sa isyung kinasasangkutan ng PhilHealth kung saan sigaw ng mga netizen na alisin na umano bilang mandatory contribution sa mga empleyado ang PhilHealth.

Ayon sa kanyang komento sa Facebook, kung hindi naman ginagamit ang PhilHealth, lalo na kung wala kang sakit, ano ang silbi ng kontribusyon? Sino ang nakikinabang sa pondo na iyon, kung hindi naman ito napapakinabangan ng mga miyembro?



Nakipagtulungan si Education Secretary Juan Edgardo Angara sa Department of Budget and Management (DBM) upang maibigay a...
16/12/2024

Nakipagtulungan si Education Secretary Juan Edgardo Angara sa Department of Budget and Management (DBM) upang maibigay ang buong halaga ng P20,000 na SRI para sa taong 2024, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kasunod ng paglabas ng Administrative Order No. 27 mula sa Tanggapan ng Pangulo, nagsimula nang iproseso ng DepEd ang mga kinakailangang dokumento para sa paglalabas ng SRI 2024, na maituturing na pinakamalaki sa kasaysayan ng DepEd.

“This is a historic moment for DepEd, as we are able to grant the highest SRI ever for our workforce,” sinabi ni Angara.

“We are deeply grateful to President Marcos Jr. for his steadfast support in prioritizing the welfare of teachers and staff who serve as the backbone of the education sector,” dagdag ng kalihim.

Kabilang sa mga tatanggap ng SRI ay mga civilian personnel sa mga national government agencies, katulad ng state universities and colleges (SUCs) at government-owned or -controlled corporations, na “occupying regular, contractual or casual positions” na di bababa sa apat na buwang paglilingkod.




WEATHER ADVISORY: Isang low pressure area (LPA) ang namuo sa silangang bahagi ng Mindanao ngayong Lunes, Disyembre 16, a...
16/12/2024

WEATHER ADVISORY: Isang low pressure area (LPA) ang namuo sa silangang bahagi ng Mindanao ngayong Lunes, Disyembre 16, ayon sa latest weather bulletin ng PAGASA.



Dismayado ang mga kongresista sa kabiguan diumano ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) dahil sa kapalpakan ...
16/12/2024

Dismayado ang mga kongresista sa kabiguan diumano ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) dahil sa kapalpakan nito sa maayos na paggamit ng bilyong halaga ng reserve funds sa pangangailangang medikal ng mga PhilHealth membersa.

Sa ginanap na press conference ng mga tinaguriang “Young Guns” ng Kamara ngayong Lunes, Disyembre 16, sinabi ni Tingog Rep. Jude Acidre na dapat ipaliwanang ng PhilHealth officials na pinamumunuan ni Emmanuel Ledesma Jr. kung bakit hindi ginamit ng ahensiya ang P700 bilyong halaga ng reserve funds na kinita nito sa iba’t ibang investment scheme.

“Malaki po talaga ang dapat ayusin sa PhilHealth. Kung naaalala natin, ang last time po na nagkaroon ng adjustment sa case rate was in 2014,” pahayag ni Acidre.

Ayon sa mambabatas, ang case rate ng ahensiya para gastusin sa bawat miyembro ay nasa 14 porsiyento ng total hospital expenses. Sinabi ni Acidre na dahil sa malaking kinikita ng PhilHealth sa investment schemes, ito ay case rate para sa bawat miyembro dapat nasa 30 hanggang 40 porsiyento na ngayon.

“We have to implement drastic measures,” giit ni Acidre.





MAGING LIWANAG SA MUNDOSinabi ni Juniz Tumlos sa Unang Hirit na gumising siya nang maaga kasama ang tatlong anak upang d...
16/12/2024

MAGING LIWANAG SA MUNDO

Sinabi ni Juniz Tumlos sa Unang Hirit na gumising siya nang maaga kasama ang tatlong anak upang dumalo sa unang misa ng Simbang Gabi. Layunin nilang makumpleto ang siyam na araw ng misa at manalangin para sa kalusugan ng kanilang pamilya.

“Gusto lang po talaga namin taon-taon na makompleto. Para sa pamilya ko po na lagi silang safe at saka malayo sa sakit,” sabi ni Tumlos

“May kahirapan sa mundo natin dahil marami ang madamot marami ang makasarili. Hayaan natin tanglawan tayo ng liwanag ni Hesus, maging liwanag tayo sa mundo nating puno ng kadiliman,” sabi naman ni Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula sa kanyang homilya.

Puno ang Quiapo Church ng mga debotong nagdarasal ng pasasalamat at kahilingan habang binubuhay tradisyon ng Simbang Gabi.

Samantala, bilang bahagi ng Ligtas Paskuhan Deployment Plan, nagpadala ang Philippine National Police (PNP) ng 41,000 pulis sa buong bansa para sa seguridad ng Simbang Gabi 2024.



NAG-RELAPSE SI FIRST LADY?Hindi napigilan ni First Lady Liza Araneta Marcos na maluha nang maging emosyonal habang pinap...
16/12/2024

NAG-RELAPSE SI FIRST LADY?

Hindi napigilan ni First Lady Liza Araneta Marcos na maluha nang maging emosyonal habang pinapanood ang ‘Hello, Love, Again’ noong Biyernes, Disyembre 13, sa special VIP screening na ginanap sa isang premium mall sa Bonifacio Global City, Taguig.


Pinagpapaliwanag ni House Committee on Appropriations Vice Chairman at Ako Bicol party-list Rep. Raul Angelo ‘Jil’ Bonga...
16/12/2024

Pinagpapaliwanag ni House Committee on Appropriations Vice Chairman at Ako Bicol party-list Rep. Raul Angelo ‘Jil’ Bongalon ang Philippine Health Insurance (PhilHealth) sa kabiguan diumano nito na palawakin ang insurance benefits o bawasan ang premium ng mga miyembro nito sa kabilang ng pagkakaroon ng mahigit P700 bilyong reserve at P500 bilyong investible funds.

Sa press conference ngayong Lunes, Disyembre 16, sinabi ni Bongalon na maghahain siya ng resolusyon na nananawagan ng imbestigasyon sa bilyung halaga ng reserve funds ng PhilHealth na hindi naman napakikinabangan ng mga miyembro nito.

Determinado si Bongalon na matukoy kung saan in-inivest ng PhilHealth ang malaking pondo nito at kung personal na nakinabang ang mga opisyal nito mula sa mga transaksiyon.

Ito ay matapos magdesisyon ng Kongreso na bawasan ang premium fund subsidy ng PhilHealth para sa 2025.

Sinisi ni Bongalon ang PhilHealth leadership sa kabiguan nitong gamitin ang malaking pondo para madagdagan ang mga benepisyo ng mga miyembro. At sa halip ang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program ng Department of Health ang sumasalo sa mga pangangailangang medikal ng mga PhilHealth members at iba pang mamamayan.

“MAIFIP is the real lifesaver. That should be government’s priority instead of PhilHealth premium subsidies that are only kept in banks,” ayon sa kongresista.

Una nang ipinag-utos ng Department of Finance sa PhilHealth na isauli ang P90 bilyon na “unused subsidies” nito na nakatengga sa mga bangko, subalit nag-isyu ng temporary restraining order ang Supreme Court laban sa naturang hakbang.





16/12/2024

LIBU-LIBONG DEPED AT OVP CONFI FUNDS RECIPIENTS, PEKE!—PSA

Mahigit 400 pangalan ng 677 benepisyaryo ng confidential funds ng Department of Education (DepEd), sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte, ang walang birth records, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA)—nangangahulugang hindi sila nag-e-exist, tulad nina Mary Grace Piattos at Kokoy Villamin.

Makalipas ang ilang araw, ibinunyag naman ng PSA na may kabuuang 1,322 sa 1,992 indibiduwal na pinangalanan bilang recipients ng P500-million confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) ang wala ring birth records, o peke rin.

“These findings raise a critical question: if the recipients don’t exist, where did the money go? This is not just a clerical error; this points to a deliberate effort to misuse public funds,” tanong ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, chairman ng House Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa paggastos ni VP Sara ng confidential funds ng OVP at DepEd noong 2022 at 2023.





‘MA, PA NASA MRT NA KO’ 🥹Content creator na si Mimiyuuuh proud na nag-upload sa Instagram ng isang photo kung saan makik...
16/12/2024

‘MA, PA NASA MRT NA KO’ 🥹

Content creator na si Mimiyuuuh proud na nag-upload sa Instagram ng isang photo kung saan makikita ang kanyang MRT ad.

“This year po, I claimed na sana meron akong billboard sa EDSA but I guess mas better pa pala yung ibibigay sa‘tin ng Universe! 🥺💫✨,” pahayag nito sa kanyang post.

“San ka banda pumasok? Dito sa may puson ni mimiyuh HAHAHAHA,” pabirong hirit naman ng isang netizen.

(Instagram/mimiyuuuh)

Nakipagpulong kamakailan si Metro Pacific Agro Ventures Inc. (MPAV) CEO Jovy Hernandez kay NDA Administrator Marcus Anto...
16/12/2024

Nakipagpulong kamakailan si Metro Pacific Agro Ventures Inc. (MPAV) CEO Jovy Hernandez kay NDA Administrator Marcus Antonius Andaya upang talakayin ang mga potential partnership na magpapalakas sa produksiyon ng gatas.

“We are serious about working with the NDA to improve the state of our local dairy industry,” pahayag ni Hernandez. “Our children and grandchildren deserve nutritious and fresh local milk and dairy products.”

Sinabi ni Hernandez na mahalagang ipaalam sa mga mamimili ang nutritional benefits ng gatas upang mapataas ang demand dito.

Bilang subsidiary ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC), naglagak ng malaking puhunan ang MPAV sa dairy industry sa pamamagitan ng majority stake nito sa The Laguna Creamery Inc., ang kompanyang nasa likod ng Carmen’s Best at Holly’s Milk.

“MPIC’s entry into the dairy industry signals a positive shift. If a conglomerate of this scale is investing in dairy, it shows there’s tremendous potential. With 99 percent of our milk still imported, there’s a massive market opportunity,” sabi ni Andaya.





Pinangunahan ni Kapitan Abet Manalo at mga barangay volunteers ang pamamahagi ng limang kilong bigas mula kay Congresswo...
16/12/2024

Pinangunahan ni Kapitan Abet Manalo at mga barangay volunteers ang pamamahagi ng limang kilong bigas mula kay Congresswoman Atty. Gerville Jinky Vitrics Luistro at Mayor Noel Bitrics Luistro sa Brgy. 15, Poblacion 3, Tingloy, Batangas, nitong Linggo, Disyembre 15.

Phot Courtesy: Brgy 15, Poblacion 3, Tingloy Batangas Public Information

Address

Santa Rosa
4025

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pilipinas Today Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other Media/News Companies in Santa Rosa

Show All