20/06/2022
MGA KAALAMAN TUNGKOL SA LEUKEMIA
ANO ANG LEUKEMIA?
Ang leukemia ay isang uri ng kanser na nakakaapekto sa utak ng buto (bone marrow), kung saan ginagawa ang mga blood cells. Sa leukemia, nagkakaron at dumadami ang mga blood cells na abnormal at nakaka-apekto ito sa pagkakaron ng mga normal na blood cell. Dahil dito, ang mga sintomas ng leukemia ay konektado sa problema ng kakulangan ng iba’t ibang uri ng blood cell. Dahil kulang sa red blood cells, may mga sintomas ng leukemia na parang anemia. Dahil kulang sa platelet (ang cell na responsable sa pagpigil ng pagdurugo), may mga sintomas ng pagdudugo.
ANO ANG ALL, AML, AT IBA’T IBANG KLASE NG LEUKEMIA
Merong apat na karaniwang uri ng leukemia: acute lymphoblastic leukemia (ALL), acute myeloid leukemia (AML), chronic lymphocytic leukemia (CLL) at chronic myeloid leukemia (CML). Ang ALL ay karaniwang nakakaapekto sa mga bata (edad 2-5), habang ang AML naman ay nas nakakaapekto sa mga matatanda. Ang pagkakaibang-uri ng leukemia ay may epekto sa anumang gamutan ang maaaring isagawa sa isang pasyente.
GAANONG KALAGANAP ANG MAY LEUKEMIA?
Ang leukemia ang pinaka-karaniwang kanser sa mga bata, at pang-12 na pinaka-karaniwang kanser sa buong mundo. Sa Pilipinas, isa rin ito sa mga pinakamalaganap na kanser, at kabilang ito sa Top 10 na pinaka-karaniwang kanser sa bansa. Noong 2010, itinalang may higit na 3,000 na bagong kaso ng leukemia sa Pilipinas.
ANO ANG SANHI NG LEUKEMIA?
Hindi pa natutukoy ng mga mananaliksik kung ano ang sanhi ng leukemia, bagamat hinihinala na may kaugnayan dito ang genetics (namamana).
GAANONG KATAGAL MABUBUHAY ANG TAONG MAY LEUKEMIA?
Ayon sa Philippine Cancer Society, sa mga nagkaron ng leukemia mula 1993 hanggang 2003, 5.2% ang buhay pa pagkatapos ng limang taon. Ngunit nakadepende ito sa uri ng leukemia, depende kung maagapan ng gamutan, at depende din sa pasyente. Bawat tao ay iba’t iba ang reaksyon sa iba’t ibang sakit kaya mahirap itong masabi.
Halamang gamot sa LEUKEMIA:
1.) Fresh dahon ng malunggay katasin at least 2 kotsara ,uminom twice a day follow by half basong tubig,maintenance hanggat malaki ang improvement
2.) Dahon po ng Sambong dikdikin
at pigain at least 1tbsp na katas ng sambong 2hrs before meal sa umaga at sundan ng tubig or honey. Pwede din 1 kutsara bago
matulog,gawin ito daily hanggat malaki ang improvement.