05/03/2023
Nakikiisa ang Palitaw Pictures, kasama ang Block One, sa transport strike ng mga Jeepney Drivers simula ngayong Lunes.
Ang maikling pelikulang 'Para' ay nabuo noong taong 2020, kung saan matining ang issue ng phaseout na lubhang makakaapekto sa kabuhayan ng mga jeepney drivers at operators.
Magta-tatlong taon na ang lumipas, nananatiling mainit ang isyung ito lalo't minamanduhan ang mga operators na magkonsolida ng kanilang sariling prangkisa sa ilalim ng kooperatiba o korporasyon na magkakahalaga ng ilang milyon.
Hindi tayo tutol sa modernisasyon, ngunit kung ito ay nagtutulak sa kawalan ng kabuhayan ng mga masang anakpawis tulad ni Ruben, higit natin itong tinututulan. Dapat na ang kaunlaran ay para sa lahat.
Isang malaking sakripisyo para sa mga katulad ni Ruben ang mangyayaring strike dahil ito lamang ang kanilang pangkabuhayan ngunit kung ito ang paraan para marinig ang panawagan, sasama tayo at makikiisa para sa pagpapanatili ng hari ng kalsada.
JEEPNEY PHASEOUT, TUTULAN! LABANAN! WAG PAHINTULUTAN!