26/09/2024
. Labing apat na Taon,
Napakabilis ng Panahon
Napaka sariwa pa rin ang mga alaala,
Parang kaylan lang ikaw ay aming kasama,
Sa hirap at ginhawa andyan ka.
Minsan pilit kong iwinawaksi sa isipan,
Ang lahat ng iyong pinagdadaanan,
Pero, di ko talaga maiwasan,
Ang katotohanan na kami ay iyo ng iniwan.
Papa, nagpakatatag ako para sa Pamilya
Di ko nga maisip lahat yun ay kinaya
Hindi nman ako super hero,
Mga pagsunok... Paano nalampasan ito?
Naalala ko... Noong huling araw bago kayo Bumitaw,
Lahat gusto kong gawin para matulungan ka.
Pero, wala na. Hindi mo na talaga kinaya..
Sabi ko na lang. Papa, paanu na kami?
Papa, bakit ang aga?? Papa, Mahal kitaπ
Hindi madali, parang kailan lang na kasama kapa nmin
Pero ngaun, pilit ko mang isipin, di na talaga maibabalik ka sa amin..
Wala na.. wala na.. wala kana Papa
Pero, kahit kailan hindi ka nmin malilimutan
Ang iyong mga alaala sa puso't isipan hindi mawawala
Salamat sayo Papa, Alam kong naramdaman mong Mahal kita.β€οΈ
Sana lang talaga, ako ay may nagawa pa.
Pero yun lang talaga ang aking nakaya.
Maswerte pa rin ako at naalagaan kita
Mga paghihirap mo ay aking nakikita.
Siguro nga, di mo na talaga kaya
Kaya ikaw ay bumigay na.
Ang hirap pala talaga kapag ikaw ay mawalan ng Ama.
Lalong lalo na kung di mo na talaga makikita.
Kaya, Papa. Miss na miss na talaga kitaππ
Iloveyou Paβ€οΈπ