Buhay mag asawa, Usapang may asawa

Buhay mag asawa, Usapang may asawa relationship goals and advices
truth and facts

13/12/2024

From inbox

pls. hide my identity admin.Thank u.

Litong lito na po ako , naging mabuting asawa namn ako, hindi tamad,gumagawa ng gawaing bahay, nag aasikaso sa bata ..at may raket sa pag bebake.pero kulang parin para sa asawa ko...Gusto kasi nya any time gusto nya ng s*x ,gusto pabigyan palagi kahit wrong timing na...ex.nagmamadali ako , may ginagawa ,may hinahabol na oras .kung hind namn ako bz, hindi nag aaya, saka pa pag bz ako masyado or pagod...nagtampo xa...na parang naghahamon xa hahanap ng iba"...anong gagawin ko? anong maipapayo nyo po .may anak kami isa 6years old. at 9 years na kami kasal,..parang sasabog puso ko nawalan n daw xa ng gana at nagpaparinig mabuti pa daw maghiwalay nlng daw kami.Sex is more important ba talaga kesa sa pamilya.?napagbibigyan nmn xa minsan pag nakatiming xa...kailangan ba talaga na hindi nlng ako tatanggi any time gusto nia? kahit pagod ako? o nagmamadali sa gawain ko ?ano ba talga dapat..?

09/12/2024

Let's talk about sa mainit na issue ngayon ng lokohan na may "ss"... Jam.. Maris and Anthony..

To Jam...
Bilang isang babae na nasaktan hindi maiiwasan na hindi makaisip na gumanti sa mga taong nagdulot sa kanya ng sobrang sakit. Sino ba namang babae ang hindi makakaisip nyan lalo at kilala mo pa yung babae na dahilan bakit ka nasasaktan.. Daming tumatakbo sa isip nyan.. Paano ba sya maging okay.. At dahil marami na din ang apektado lalo ang family.. Mas lalo umiigting yung kagustuhan nya isalba yung sarili nya sa sobrang sakit at gusto nya mabigyan ng hustisya yung ginawang pangaagaw sa kanya.. This is when she decided to post the convo's.. To let her friends and others know sino ba ang naglandi at lumandi.. Kz feeling nya ubos na sya eh.. Ramdam nya wala na syang kakampi.. And it sucks! Unti-unti syang pinapatay na habang nakikita nya na masaya yung mga nanloloko sa kanya sya naman ay miserable.. Natural na reactions ng isang babae na nasaktan.. Galit na nakapagpursige sa kanya to do things na hindi nya na alam na may consequences ding dala..

Mahirap ang makalimot pero may lugar ang pagpapatawad.. This will give you peace. Masakit pero kailangan tanggapin na may mga tao sa buhay natin na aalis at darating.. We always learned our lessons the hard way.. Hindi natin pwede ipilit yung mga tao sa buhay natin na hindi pala totoo ang pagmamahal..

To Mariz...
Minsan talaga maiisip na lang natin yung mga consequences ng mga nagagawa natin eh huli na.. Ika nga wala naman sa una ang pagsisisi kungdi laging nasa huli..realtalk toh.. Pag alam nating mali.. We will always find ways to justify lahat ng nagawa.. Kasi ganito.. Kasi ganyan.. Ang totoo sa una palang attracted ka na.. Yung konting tuksuhan na nauwe sa totohanan.. Why not just accept na mali talaga and be sorry... Accept na nagkamali ka at naging bahagi ng buhay mo yung nagpaka naughty ka minsan.. Sa totoo lang lahat naman may naughty side sa pagkatao natin.. Di yan makakaila.. Siguro instead na hate ka ng mga tao baka minahal ka pa kz as good person na-admit mo yung pagkakamali.. And that's being strong!
Kumpara sa mga s*x videos na lumabas ng ilang sikat na artista but still they manage to shine.. Like Andrea. Hindi ka na lang sana nagpadala sa management mo to talk public.. Kasi walang naniwala na lahat ng sinabi mo eh galing sa puso mo... Pinagkakitaan ka na... Eh mas nasira yung image mo.. Anyways.. Yan yung dala ng mga nagawa eh so tanggapin..

If totoo na magkakaso ka... Huwag na lang... Why?.. Kasi lalo ka lang malulubog sa galit ng mga netizens.. Be brave to take all the consequences you've done.. Kung ano man ang totoo ikaw lang ang tunay na may alam.. . Let the issue die on its own.. Be brave. Maibabalik yang kinang mo when you are matured enough to face lahat ng nangyayari sa iyo ngayon.. Fighthing back is not always a good choice.. Tandaan mo sa socmed..ang mga tao mas mahal ang nagpapakumbaba..

Totoo maraming nabago maraming nawala.. Isipin mo na pagsubok ito sa iyo.. Bata ka pa at marami pang pwedeng magawa para mabawi ang lahat ng nawala. Wala namang nadapa na hindi na tumayo.. Pakatotoo ka lang and God will always there to guide you. There'a always a rainbow after the rain.

To Anthony...
Salute to this guy.. Naging lalaki sya to admit his faults... Inamin at nagsorry sa mga pagkakamali na nagawa.. Hindi nya na ginawang magtahi-tahi pa ng kwento para ijustify lahat ng panloloko na ginawa.. Walang hinatak pababa.. Kahit pa sya ang hinila pababa at binato sa kanya lahat ng sisi but still man enough para tanggapin lahat... Sana all ganyan.. Hindi sarili lang inisip para makalabas sa gulo na sila rin ang may gawa..

09/12/2024

Meron iba't ibang klase ng kabit..

1. Kabit na NAPANIWALA na single sya... Wala na eh nabuntis na paano pa ba kakawala. Pero kung may prinsipyo kahit pa mabuntis at magkaanak hindi nya gagawin na matuloy masira ang pamilya nito.
2. Kabit na ALAM na may karelasyon pero pumatol... Ito yung exciting.. Patago-tago may thrill ika nga.. Delete messages.. No calling or text pag nasa bahay.. Ako unang tatawag not you.. Yung binibigyan ng hustisya yung mali kasi nagmahal lang daw sa maling panahon..
3. Kabit na bayaran... Ito naman yung nagkikita lang para sa chukchakan tapos aabutan ng mowney.. Sustentado.. Bilmoko eh.. Gifts kapalit ng all the way..
Friends with benefits daw..

09/12/2024

Sino bang babae/lalaki ang hindi nagagalit sa kabit? Kesehodang kasal o hindi basta mahal mo kapag inagaw sa iyo sobrang sakit nun lalo kung may anak..

Pero kanino ka nga ba dapat magalit?
Ipaglalaban mo pa ba yung taong mahal mo pero sya mismo yung nanloloko sa iyo or yung kabit na ipinaglalaban din yung inagaw nya sa iyo?

Yung makagawa ka ng hindi dapat para makaganti tama ba yun? Natural na reactions ng isang nasaktan lalo na sa babae.. Yung sa sobrang sakit na dulot ng pagiwan sa kanya nakakaisip sya ng mga bagay na sa pagaakala nya makakatulong sa kanya para makapag-move forward.. Pero kadalasan mas nagbibigay ng sakit kasi nakaganti ka nga pero MAS marami ang nadamay at nasaktan.
Masaya sana dahil naipadama mo sa kanila yung sakit na naramdaman mo when they chose to hurt you at betray you..

Walang babae o lalaki na nasaktan at naiwan ng hindi makakaisip ng GANTI.. Pero may mga ilan na pinagisipan kung gaganti o hindi. Merong iba na mas pinili ang manahimik para tapos na... Dahil para sa kanila bakit mobpa pagaksayahan ng panahon yung mga taong nanakit sa iyo.. Hindi worth na ubusan ng panahon... Ika nga let karma do it for you.

Sa buhay relasyon sa panahon ngayon napakadali na lang ang manloko.. Mas iniisip ang sandaling ligaya kumpara sa habangbuhay na kasama ang pamilyang binuo..

Lantaran na ang lokohan.

Pero ang tanong.. Sino ba dapat nasisisi?
Yung asawa mong nanloloko o yung kabit na nagpapaloko? Kanino ba dapat binubuhos ang galit?

03/12/2024

From inbox

Mga mie na pakasakit paren hanggan ngaun... 2011 nakauwi ex NG aswa ko... Nag makita nya aswa ko niyaya mag kita at Sabi xanang bahala sa gastus na babae... Syempre mapera bagung dating galing abroad...

2019 naman ex Ren NG aswa ko my dalawang anak hiwalay sa aswa.. Niyaya Ren nya aswa ko makipag talik๐Ÿ’” masakit sakit mga mie.. Wala ako ka Alam Alam... Sa twing na alala ko kwento ng aswa ko sakin ang Kati daw NG babaeng Un xapa umalis sa mga damit NG aswa ko at ayun nangyari na ang nangyari... Pero mga mie matagal na Un ang sakit paren sakin. Sa twin nakikita ko Un babae bumabalik ang saki๐Ÿ˜ญ
At niyaya PA ang lip ko mag pakasal NG babae nayun๐Ÿ˜„

01/12/2024

From inbox

Tanong lang po sana aq ...once poba nag pa members ka sa catholic need ba lingoยฒ kailangan present ka? Minsan po kasi di aq nakakasimba sa 1month minsan 1 or 2 times lang aq nakakasimba ..kasi minsan di aq nakakahabol sa oras lalo pag dami q gagawin .

24/10/2024

From inbox

Hi po panu Kung aswa mo nag kita cla NG Ex nya tapus my nangyari sa kanila...

23/10/2024

From inbox

Tama lang ba ginawa ko?
Umalis kmi nang anak ko walang paalam dahil sa sobrang sama nang loob ko sa lip ko

To make a short story
The night before kmi umalis
Nag away kmi,nagmurahan mga masasakit na salita both side,umabot sa point na nasumbatan Ako
Sobrang sumama ang loob ko,halos dko makain ang nga nasabi nya,dinamay nya pa parents ko at anak ko sa una

Hanggang Ngayon ayoko sya Makita,tumatawag sya pero di humihingi nang sorry,
Tama lang po ba ginawa ko na lumayo Muna ?

21/10/2024

From inbox

I need your thoughts here...
Pls feel free to comment..

Bilang isang tao...meron tayong mga nakakasalamuhang iba.. Like yung nakilala.. Kakilala... at iba pa yung ibig sabihin ng kaibigan..

Pero gusto ko lang malaman what are your thoughts sa taong nakilala mo lang tapos they only greets you kapag may ibebenta.. And kapag wala namang itinda sa iyo parang you dont exists at walang nakikita..

What are your tgoughts for tgis kind of people?.. Baka kz nagiisip lang ako ng nega๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ

Big shout out to my newest top fans! ๐Ÿ’Ž Bing Masulog Lopondom, Sheena Nit
25/09/2024

Big shout out to my newest top fans! ๐Ÿ’Ž Bing Masulog Lopondom, Sheena Nit

25/09/2024

From inbox

Ang hirap maging Asawa Lalo na kapag ang Asawang lalaki ay mapaghanap๐Ÿ˜ฅ

Sumasahod sya 7k to 8k kinsena,sa mahal nang bilihin,at bills sa bahay,anu paba matitira?
May mga Plano daw sya sa Buhay nya like bibili nang motor pero di nya magawa dahil daw samen kase masyadong daw kmi magastos,eh halos lahat nang binibili ko para sa bahay lang ๐Ÿ˜ฅ
3 years palang kami nagsasama,nagrereklamo na sya agad
Minsan sinasabi ko sa knya,dapat nuon mo pa pinagplanuhang bumili nang motor Nung binata kapa,bakit ngayong may obligasyon kana at alam mong kulang na kulang,Ngayon kapa nagmamadaling makabili nang motor
Alam nya sa sarili nyang Wala pa kaming kakayahang bumili nang motor,pero Ako lagi sinisisi nya bakit di nya mabilis

Minsan napupuno na Ako,gusto ko na syang layasan habang nasa trabaho sya,Yung tipong Wala na syang madadatnan pag uwe nya.

24/09/2024

From inbox

Nakakaumay na

Hi.need ko po nang advice
Dapat paba Kai manatili nang anak ko dto sa lip ko
May Isa kaming anak at nakatira sa squatter area ,nangungupahan,kung di Ako nagkakamali 5 sqm lang ang laki,Yung higaan namin maliit lang
Ang problema andto palagi Yung pamangkin nyang lalaki,pag matutulog tabi tabi kami,nakakaumay na alam na ngang maliit dto pa sumisiksik,Yung Asawa ko naman kung anu lang sabihin sundin din nya,
Nagsasawa nako sa ganitong sitwasyon,gusto ko na syang layasan ,Wala akong privacy,,Ako lagi ang mag adjust kase lalaki Yung pamangkin nya,Buti sana kung babae,
Please advice,gusto ko na kase talaga syang layasan ,ayaw nya kase paalisin pamangkin nya kase parehas Silang adik sa alak,ginagawa nilang beer house itong loob nang bahay which is napaka sikip na nga

09/08/2024

Repost natin toh at ang daming tanong sa inbox...daming may hanash na nahuli si asawa na nanonood daw ng p**n o ng magagandang babae sa tiktok o reels..eto na nga para baka mabigyan ka ng kahit konte na kalinawan... Xempre ibahin mo yung pang unawa mo sa matino kesa sa manyak ano...di lahat ..okay.
โ˜บ๏ธ

Usapang mahalay tayo ulit ๐Ÿ˜‚

Madalas ba na nahuhuli mo si mister na nanonood ng p**n videos?

Hays..wag nyu gawing big issue ito sa inyong relasyon..at huwag ding abalahin ang isip na baka kasi,..baka ganun..

Eto kasi yun.. ๐Ÿ˜
parang s*x stimulant kasi (more on mental) ang panonood ng p**n para sa isang tao,..para sa mga lalaki...meron din mga babae... And most especially, depende sa experiences ng isang individual noong bata pa sya... Gaya ng first contact nila with s*x (mental, physical, emotional plus senses taste, smell, touch, baka nga lights on/off, trigger din or including the weather or room temperature, basically mood or environment, appearance).

Mayroon din couple who prefers watching p**n while making love.

Mas stimulated ang p**n watcher pleasuring him rather actually having physical contact with partner.

Kaya huwag mo masyado iisipin na baka hindi ka na mahal or ayaw ka lang ka-SEX ni mister..

1. Usap kayo tungkol jan..magkaroon kayo ng understanding sa bawat pangangailangan ninyo bilang isang babae at isang lalaki...kung ano ang ayaw at gusto..kung paano kayo magiging masaya in times of jerjeran.. ๐Ÿ˜‚

2. Try to be more seductive..be naughty sometimes..di yung iiyak ka agad..isip ka ng paraan pano mo masasabayan si mister sa mga trip nya.. ๐Ÿ˜

3. And eto pinaka mabigat.. ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚
Pag nahuli mo o nakita mo si mister na nanood..join!
Hayaan mong manood sya..habang ikaw eh ginagaya mo yung pinanonood nya..gawin mo sa kanya in short ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜œ..you will see baka lalabas kayong dalawa na nakangisi๐Ÿ˜‰๐Ÿคช

Oh ayan..dito ko na sinagot sa wall kesa sa inbox..para marami makabasa...wag kasi emotera..instead matuto ka sumabay.. ๐Ÿ˜‚

Oh yung bilin ko ha every night..yung prayers ๐Ÿ™
Wag kakalimutan..kahit hingal na hingal ka pa.. ๐Ÿ˜œ

Goodnight ๐Ÿฅฐ

06/07/2024

From inbox

Need ko po ulit ng advise and enlightenment. Pwede nio po ishare para sa collective advise or sa inyo nalang po ako hihingi ulit ng advise kasi di ko talaga na validate ung own feelings ko.

Nakatira kami sa isang compound na pag aari ng magulang ko. 3 years na kami dito, sa manila kami tumira ng matagal. Ang nakasama ng magulang ko ay mga anak ng ate ko, apat silang magkakapatid na mula pag kabata nila lolo at lola na ang nag palaki saknila. Broken family sila nung nabubuhay pa ang ate ko (nanay nila) at ung tatay nila ay nasa abroad kaya mama at papa namin ang tumatayong magulang saknila mula pagkabata. 78 na ang mama at papa ko at masasabi kong hands on talaga sila sa mga apo nila mula pag gising sa umaga, pagluluto, budget, school needs, programs..parang normal na magulang na din. Na witness naming magkakapatid kung gaano sila inaruga ng mama at papa namin lalo na nung nawala ang ate ko, mas lalo. Ung pension at padala ng mga kapatid ko sa mga pamangkin ko na din napupunta lahat dahil madalas delayed ung padala ng papa nila. In short para silang pamilya. Pinag lalaba sila ng mama ko not until binilhan namin ng auto washing machine dahil naaawa na kami na nag lalaba sia at nag sasampay ng damit ng mga apo nila. Bukod pa dun taga luto, taga hugas nila mama ko. Not biased pero lumaking walang alam sa gawaing bahay ang mga bata. Kumuha ng maid ang kapatid ko para saknila para hindi napapagod ang mama ko. Ngayon po nasa bakasyon ang mga pamangkin ko lahat wala pong naiwan, kasama ang papa nila na galing abroad. Palaging naka sara ang bahay ng mama ko, hindi makapasok ang mga anak ko kung may kukunin sila sa loob..mabigat kasi ang mga pinto ng malaking bahay. Nakakaramdam ako ng selos, palagi ko itong nararamdaman dahil pakiramdam ko hindi pantay2 ang tingin sa mga anak namin. Naawa ako sa mga anak ko baka un ang maramdaman din nila although mabait mama ko at welcome kami dito tumira...un labg maraming beses ko nasaksihan ang ugali ng mama ko na gini gate keep nia mga apo nia..over protective, over proud, over praised kahit walang naitutulong dito sa bahay. Pakiramdam ko hindi pantay ang buhay. Gusto kong lumipat ng bahay kaya lang iniisip ko kug may mangyarr saknila wala kami dito sa katabi nila. Di ko alam kung ano dapat kong maramdaman. ,๐Ÿฅน

25/06/2024

From inbox

Gusto ko lng i share yung naiisip ko
Kung ako ba my problema o ito Lip ko
Almost 2yirs na kmi ngsasama,dto po sya sa aking poder nakatira ,bali bahay ng magulang ko ito ,sagot na po bills nmin ..
Bali minimum po sahod nya , hiwalay n sya s ex nya which n kasal sya duon,my dlawa po sila anak..
Yung babae po una ngloko ngpabuntis sa iba habang ngsasama p sila ,...
Bali ito po ang concern ko..mula nuon gang ngayon sustentado po nya yun dlawa anak nya ,bali ako my anak din dlawa mas bata kesa s mga anak nya ,
Isa beses lng sa isa buwan sustento nya kase sabi ko yun isa sahod ay sa amin nman pr khit paano my maibili kmi ng iba needs nmin ...
Twing mgsahod sya ay ns akin nman atm nya ,ako ngbudjet minsan 8k or 7k lng sahod sa akinse ,iaawas ko pa motor budjet duon n 1k kasama ng load nya ,tas 500 personal nya pera pero sa akin nman baon nya ,pinababaonan ko sya ..tas padala p sustento ..di nman po kalakihan sustento dhil konti nlng ntitira sa amin ,yung 5k na masobra ay pngkain nmin araw araw gang mgsahod ulit sya 300 aday lng budjet ko duon n po agahan gang gabi nmin at baon nya..akala po ata nya malaki sobra
Dami nya daing , gusto bumili ng ganito tools nya,,sa motor dhil my ipapaayos ..pgmy sobra po sa sahod nya tulad ng holiday or ot alm n alm nya at bilang nya ,di ko nhahawakan sahod my plano n sya para duon so di nman ako mkakahirit dahil inuunahan n nya pg di pinagbigyn sasabihin ngtatrabaho daw sya wl nman daw sya nabibili

Nito lng usapan yung motor dhil ng yung shock nya nasisira na ,tas ngwiwiggle p likod ng gulong which n delikado dahil yung araw araw n transpo nya ,bigla nman iba plano nman nya ipamili anak dahil mgpasukan cge kako tutal ok p nman ata motor mu ,khit kpadala lng nmin ng pera ,so sila n nman ulit ,khit my 4ps ang babae n ntatanggap gusto nya lgi pabida sknila ,yung mga anak po pala nya depende po sa bigay n pera respeto nila ky Lip ko ,pgwla pera wla pansinan gnun sila kya po sya dpat pgmgpapakita ay lgi my pera kase di po sya papansinin pr sya ngsasalita sa hangin pgkausap sila ..kasama po ako lgi pg i mit nmin sila kya nakikita ko galawan nila ...
Gusto p mangyare ng Lip ko after nun ipasyal pasyal nman daw nya sabi ko ,kung ky pera tyo pwde gawin sakto nlng kako sahod mu
Pgngsasabi ako ng mgtira nman khit pmbili ko sabon dahil araw araw nalaba ko mga damit nya pngtrabaho ,sasabihin s akin puro k ganyan para hirap n hirap ka sa buhay mu aa

Pkiramdam ko tama lng my pagkain na pmbili ok n yun yung iba wla nko karapatan sa pera nya ,di ako mkahirit dhil naiisip ko unahin nlng gusto nya pra wla masabi

Mga anak ko khit kailan khit isa panyo di nya binibilhan...sinasagot nlng ng nanay ko pnggastos nila ,katwiran ni Lip
Bkit pglaki b nila aalagaan ba ako nyan
Masakit mgsalita ..sabi ko bkit kung mabuti kb sknila bkit hinde ikaw nman nkasama nila ..di raw nya anak ,kya sa anak lng sya ngfocus ..
Masakit dahil wl p kmi anak,,lagi nya sinasabi mka arte daw ako para my anak daw sya s akin ..
Pggnun po ba wla b ako karapatan? Kase ako n po bago nya asawa ,npka responsable ko po asawa sknya ,gigising nlng sya kakain ,ultimo pgligo nka ready n lhat pti baon at gamit sa trabaho nya ...

Ang sa akin lng po
Sustentado nman kung ano lng sn kaya ,kung hinde po kaya wag ipilit,,mga anak ko diko rin mpasyal dahil wla ko pera sarili ..dhil pera nya bilang n bilang nya ,alm n nya saan gastusin at dadalhin
Khit gusto ko humirit diko mgawa

Lgi po nya ako inaaway pgdating dun s dlawa anak nya n spoiled nya s pera
Sabi ko ibalanse nman nya iba daw sustento at bigay nya ..wla nga po natitira ,pgka gastos nya s iba ska mga dadaing ng need n daw mpaayos yung motor ,ano gagawin ko ..ibigay ko p b pti pmbili pgkain nmin after nya igastos s iba yung sobra

Paxenxa n po at npkahaba
Need ko lng ng mkausap

25/06/2024

Magkaiba ang pananaw ng asawang lalaki at sa asawang babae pagdating sa s*x..

Para sa mga asawang lalaki...
They need s*x to feel loved.. kung lagi na lang sila natatangihan..lagi ka may excuse..itinutulak mo lang sila palayo..kaya minsan natatanim sa kanilang isipan hindi na sila kaakit-akit..wala ka ng amor..wala ka ng lib*g na nararamdaman para sa kanya...kaya mas madalas sa minsan para patunayan sa sarili yung nararamdaman nila..hahanap sila ng iba...hanggang sa mahalin nila yung taong nagbibigay sa kanila ng mga pupuno sa kanilang pangangailangan bilang isang lalaki.

Para sa asawang babae..women need to feel loved to have s*x....kung hindi yan mararamdaman ng misis mo lalayo ang loob nyan sa iyo...kung pakiramdam nya nababalewala sya..kung pakiramdam nya sweet ka lang kapag need mo paraos..kailangan kasi maramdaman ng mga babae na emotionally safe sila sa mga mister nila para di sila maghesitate na ibigay yung pangangailangan mo..

Sa isang relasyon..importante na napaguusapan ito...hindi naman porke you bring this up eh masyado ka na manyak...lahat ng tao may kani-kaniyang estado ng lib*g sa katawan....huwag natin isipin na basta gusto lang..S*X is an important ingredient sa isang relationship...huwag natin balewalain...kz through this..jan nabubuo ang bonding...closeness ninyo mag-asawa...

Yung kabisado ni asawa kung ano lang kinakain mo sa itlog๐Ÿคฃ....kaway kaway sa mga kagaya ko..๐Ÿ™‹
23/06/2024

Yung kabisado ni asawa kung ano lang kinakain mo sa itlog๐Ÿคฃ....kaway kaway sa mga kagaya ko..๐Ÿ™‹

04/06/2024

May nabasa lang ako tungkol sa pagkakaiba ng value ng lalaki at value ng babae...unahin ko muna magkomento tungkol sa aming mga babae...hahaha di ako papayag at di ko mapigil sarili ko to answer the post...eh minaliit nya kaming mga babae na nasa 30-40 yrs in life..

Una sabi nya "ang babaeng nasa 18-23 yrs old na wala pang masyadong experience sila daw yung masayahin by default wala pa masyadong trauma mabait mahinhin masunurin (soft innocent feminine women) high value(desirable)

Luko toh ah...ahaha nagkukulong ba ito sa bahay? Walang internet o sadyang bulagbulagan...di ko nilalahat ng babae ha...18-23 yrs old na babae sa panahon ngayon konti na lang ang masasabi mong birhen mong maihaharap sa altar...naniniwala sa extra pre-marital s*x..karamihan nga di na naintay ang tamang edad bago sumabak sa fighting in bed...masunurin? Haha teka lang ha..hindi ko ulit nilalahat...dahil sa epekto nitong socila media mas nabibigyan na ng karapatan ang emosyon nila kesa ang sumunod sa magulang..kaya kadalasan makikita mo ke babata pa nabuntis na...may ka-live in na..pariwara..at karamihan dahil sa luho kumapit na sa easy money making...soft innocent ba kamo? Huuuuy mabibilang mo na lang ngayon yung mga batang babae na nagbibigay halaga sa kanyang dangal...sumayaw sa harap ng camera at ipakita sa lahat yung katawang lupa na halos di na takpan...yan ba yung sinasabi mong may high value? Meron siguro pero wag mo bigyan ng numero ang value ng isang babae.

Pangalawa.." ang mga babaeng edad 30-40 yrs.old lagi na lang nakabusangot laging galit aburido akala mo mangangagat lagi at konting kibot inis agad may extra baggage pa may 1.2 or 3 anak sa iba't ibang lalaki(strong masculine women) low value(undesirable)

Kasi nga parang kotse lang yan habang tumatagal nagkakaroon ng sira nagiiba may ari the more na may sira the more ang value mababa more experience sa babae nakakasama sa kanila"

Hype na tok di lang loko..Urur pa..huuuy kapag marunong ka mag-alaga ang kotse mo hindi masisira hindi mabubulok...kung hindi mo pababayaan hindi baba ang value nyan...minsan nga baka bigyan ka pa ng yaman nyang kotse mo kz habang tumatagal at alaga mo yan nagiging vintage vehicle yan..tumataas ang value sa market..bibigyan ka ng karangalan...gaya naming mga babae kapag alaga mo ng mabuti kaya ka nyan samahan hanggang huli..baka yan pa ang aakay sa iyo pagdating ng panahong di ka makalakad at iniwan ka na ng 18-23 mo...nagiging undesirable ang isang kotse kung hahayaan mong mabulok at sira...pero pag alaga mo yan ...pag-aagawan yan.

Eto pa kuuuuh..
" Kung sa babae kaakit-akit sa dating world at mas madami ang may gusto sa mga 18-23 yrs old fresh women kumbaga BRAND NEW"..

Hanep sa mindset angpotah..yung brand new na sinasabi mo gaya sa kotse...wala pang layo ang tinakbo nyan..di ka sigurado kung ititirik ka sa gitna ng daan...kumpara sa luma na milya milya na ang narating at nadala ka kung saan ka masaya...

Juice ko ..pwede ba huwag mo ikumpara ang edad sa pagkatao naming mga babae..kz hindi yan basehan ng ugali..asal paano ka pakikisamahan...yang mga lalaki na tumitingin sa kung fresh ba o luma sila yung tumitingin lang sa kamunduhan..lib*g lang puhunan ng mga lalaking naghahanap ng BRAND NEW..kuuuuh๐Ÿ™‚

Address

Santa Maria

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Buhay mag asawa, Usapang may asawa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Buhay mag asawa, Usapang may asawa:

Videos

Share