18/05/2023
ALWAYS APPRECIATE YOUR PARTNER.πβ€οΈ
Kapag mahal ka talaga ng babae kahit pa napagsalitaan mo siya ng masama sa tuwing nag aaway kayo, iiyak at masasaktan yan but trust me tatanggapin ka parin niya.
Sa tuwing nagkakamali ka wag kang magalit kung pagsasabihan ka and believe me kahit paulit - ulit ka pang magkakamali, she will still accept you kasi naniniwala siyang magbabago ka pa.
Put your words into action kasi lahat ng sasabihin mo sa kanya, hindi niya makakalimutan yan, tatak sa kanila yon.
Kahit selosa siya wag kang mapagod sa pag intindi sa kanya di dahil wala syang tiwala sa'yo ayaw kalang nya mawala.
Palagi syang nandyan kapag may problema ka, palagi ka rin nya sinusuportahan sa lahat ng gusto mo.
Kung naibigay niya lahat ng gusto mo please always respect her parin, wag magbabago lalo na't binigay niya lahat ng tiwala niya sayo.
Wag na wag kang magsisinungaling kasi bago yan magtanong alam na niya kung anong sagot, just be honest as always mapamali o mapatama ba yan, kahit masasaktan siya sabihin mo ang totoo kasi hinding-hindi ka iiwan niyan ng ganun lang kadali.
The best thing is, ikaw yung hahanapin niya sa tuwing pagod siya o may problema siya sa personal life niya, correct me if I'm wrong pero kahit mister/partner/boyfriend ka na niya, tinatrato ka parin niyang parang kaibigan kasi ikaw lang ang nakakaintindi at nagpapasaya sa kanya sa tuwing napakalungkot ng mga mata nya.
credits: Asawa KO (Facebook)