12/12/2025
Si Leo Echegaray (1960–1999) ay isang simpleng house painter na naging sentro ng isa sa pinakamainit at pinaka-kontrobersyal na kaso sa kasaysayan ng hustisya sa Pilipinas. Siya ang unang tao na binitay sa lethal injection matapos ibalik ang d3ath penalty noong 1993—isang pangyayaring naghatid ng malawakang debate sa buong bansa.
Noong 1994, inakusahan siyang paulit-ulit na nang-abuso sa 10-anyos na stepdaughter ng kanyang live-in partner sa Quezon City. Ang testimonya ng bata, kasama ang medico-legal report, ang naging pangunahing basehan ng korte upang ideklarang guilty si Echegaray. Noong September 7, 1994, hinatulan siya ng Regional Trial Court ng k@matayan, at noong June 25, 1996, pinagtibay ito ng Supreme Court.
Habang lumalapit ang araw ng hatol, sumabog ang serye ng malalaking rally—pro-life laban sa pro-death penalty. Maging ang ilang religious at international groups ay umapela para sa clemency. Ngunit nanindigan ang pamahalaan: itutuloy ang sentensya.
Noong February 5, 1999, sa New Bilibid Prison, naisagawa ang ex*****on gamit ang lethal injection. Bago tuluyang bawian ng buhay, sinabi niya ang linyang naging bahagi ng pambansang talakayan: “Sambayanang Pilipino, patawarin ako sa kasalanang ipinaratang ninyo sa akin. Pilipino, pin@tay ng kapwa Pilipino."
Ang kanyang k@matayan ang nagpasimula ng malalim na pagsusuri sa moralidad at integridad ng justice system. At dahil sa sunod-sunod na panawagang ibasura ang death penalty, tuluyan itong inalis noong 2006. CREDIT to :Throwback101