Marinduque Netizen

Marinduque Netizen Marinduque Netizen is an Online News Portal dedicated to bring fresh and recent news, information and events happening inside and outside the Province.

π“πˆππ†ππ€π: Kumakalat ngayon sa social media ang larawan ni Vice Governor Aspirant John Pelaez matapos itong ipost ng asawa...
08/05/2022

π“πˆππ†ππ€π: Kumakalat ngayon sa social media ang larawan ni Vice Governor Aspirant John Pelaez matapos itong ipost ng asawa ng kanyang kinakalantari.

Ayon sa post, Ito ba ang iboboto ninyong Bise Gobernador? Yan ang sumira sa pamilya namin! Dahil sa taong yan wala nang tatawaging ina ang 2 anak ko.

Ayon pa sa nag-upload, kuha ito sa isang hotel sa Boac kung saan tinakot umano ni Bokal John Pelaez ang kanyang asawa para makipagtalik sa kanya.

NIC SOLOMON, NILAGLAG NG TEAM CARRION - SEΓ‘ONilaglag sa line-up ng Team Carrion-SeΓ±o si Aspirant Councilor Nic Solomon m...
08/05/2022

NIC SOLOMON, NILAGLAG NG TEAM CARRION - SEΓ‘O

Nilaglag sa line-up ng Team Carrion-SeΓ±o si Aspirant Councilor Nic Solomon matapos nito i-share ang screenshot ng kanilang usapan sa anak ng kalaban ni Mayora Armi Carrion.

Naging usap-usapan tuloy sa social media ang naging pahayag ni incumbent Tino Manrique na pinag-uusapan sa kanilang group chat ang paghihiwalay ng anak ni 1st District Board Member Dindin Opis at anak ni Boac Mayoralty Candidate DE Dellosa.

Sa kanilang pagiimbestiga, nalaman nila na ang kanilang kasama sa slate na si Nic Solomon ang nagpadala ng screenshot kay Vallerie Dellosa kasama na din ang mga pagtatanggal ng tarpaulin ng kanyang ama na si Tino Manrique din ang may kagagawan.

Ayon sa aming source, inilalaglag umano ni Nic Solomon si Tino Manrique dahil mahigpit ang labanan ng dalawa para manalo bilang konsehal ng bayan.

Naglabas na din umano ng Sample Ballot ang kampo ni Mayor Armi Carrion at tinanggal na ang pangalan ni Nic Solomon.

Bali-balita na si Gatas MascareΓ±as ang ikinakampanya ngayon ng slate ni Mayor Armi Carrion kapalit ni Nic Solomon.

TINGNAN: Pera ng SMILE Party List, Ginagamit ni Doc Jun Bacorro para sa kanyang vote-buying. Isang sumbong ang nakaratin...
08/05/2022

TINGNAN: Pera ng SMILE Party List, Ginagamit ni Doc Jun Bacorro para sa kanyang vote-buying.

Isang sumbong ang nakarating sa amin mula sa representative ng Smile Party List ang nagsabing nagbigay sila ng mahigit dalawang milyong pisong pondo (P2,000,000) para ipamahagi ni Doc Jun Baccoro sa 2,000 residente ng Marinduque na tinamaan ng COVID-19.

January 2022 ibinigay ng mga representative ng Smile Partylist ang dalawang milyong pisong pondo na ipangtutulong umano ni Doc Jun Bacorro sa mga residente ng Marinduque ngunit bago pa man mag eleksyon ay hindi pa umano ibinibigay ni Bacorro ang tulong sa tao.

Ayon pa sa kanila, makailang ulit silang nakipag-ugnayan kay Doc Jun Bacorro pati na rin sa kanyang mga tauhan ngunit palaging sinasabi nila na ipamimigay na rin ang ayuda sa lalong madaling panahon.

Ikinagulat na lamang nila na gagamitin pala ni Doc Jun Bacorro ang perang kanilang ibinigay para sa pambili ng boto at hindi para gamiting ayuda sa mga kababayan niyang nagkaroon ng Covid.

Marami ring umanong nagpadala sa kanila ng mensahe ng mga ganitong larawan sa kanilang page na sinasama at ginagamit pa ni Doc Jun Bacorro ang kanilang samahan sa massive vote-buying sa Marinduque.

Nanawagan naman ang mga representative ng Smile Party list na wala silang anomang kinalaman kay Doc Jun Bacorro at sa ginagawa nitong pamumudmod ng pera kapalit ang boto.

π‘π„π˜ππ€π‹πƒπŽ π’π€π‹π•π€π‚πˆπŽπ, πŠπˆππ€π’π”π‡π€π π’πˆ πƒπŽπ‚ 𝐉𝐔𝐍 ππ€π‚πŽπ‘π‘πŽ 𝐒𝐀 π‚πŽπŒπ„π‹π„π‚Kinasuhan ni Governor Aspirant at dating Bokal Reynaldo Salva...
06/05/2022

π‘π„π˜ππ€π‹πƒπŽ π’π€π‹π•π€π‚πˆπŽπ, πŠπˆππ€π’π”π‡π€π π’πˆ πƒπŽπ‚ 𝐉𝐔𝐍 ππ€π‚πŽπ‘π‘πŽ 𝐒𝐀 π‚πŽπŒπ„π‹π„π‚

Kinasuhan ni Governor Aspirant at dating Bokal Reynaldo Salvacion ang kalaban nitong si incumbent Vice Governor Romulo Bacorro ng vote-buying na paglabag sa Omnibus Election Code Article XXII Section 261. A

Ito ay matapos kumalat sa social media ang palibreng sakay ng barko ni Vice Governor Romulo Bacorro para sa ating mga kababayan na uuwi para bumoto ngayong darating na eleksyon.

Ayon sa COMELEC, matatawag na vote-buying ang pagbibigay ng pera o anomang bagay na may halaga kapalit ng kanilang boto.

Kinuswestyon din ni Salvacion kung bakit may logo ng Pamahalaang Panlalawigan ang card na ipinamimigay na libreng sakay ni Bacorro samantalang hindi naman ito opisyal na programa at proyekto ng Lalawigan.

Dagdag pa ni Salvacion, "Wag na wag ninyong iboboto yang si Bacorro. Wala namang binanggit na plataporma yan sa mga caucus niya. Puro paninira lang. Tapos papayag kayo 360 lang o pamasahe lang sa barko ang ibabayad kapalit ng boto ninyo? Mga kababayan ko, mga marinduqueno. Wag po kayong CHEAP. Please lang!"

Kung mapapatunayan ng korte, maaaring ma disqualify si Romulo Bacorro sa pagtakbo bilang gobernador ng lalawigan o maari siyang matanggal sa pwesto kung sakaling siya ang manalo sa darating na eleksyon.

Pinapatanggalan na din ni dating Bokal Reynaldo Salvacion ng prangkisa sa Philippine Ports Authority (PPA) ang Starhorse sa pamumuno ni Merian Reyes dahil sa pagiging kasangkapan nito sa vote-buying na ginagawa ni Vice Governor Romulo Bacorro.

Hingi naman namin ang panig ni Vice Governor Romulo Bacorro tungkol sa issue ngunit hindi pa ito sumasagot sa aming mga tawag.

πŠπŽπŒππ€ππ˜π€ππ† 𝐄𝐃𝐆 𝐍𝐈 π•πˆπ‚π„ π†πŽπ•π„π‘ππŽπ‘ π‘πŽπŒπ”π‹πŽ ππ€π‚πŽπ‘π‘πŽ, ππˆππ€ππ€πŠπ€π’π”π‡π€π 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐑𝐄𝐀𝐔 πŽπ… πˆππ“π„π‘ππ€π‹ 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐔𝐄Pinapakasuhan ng BIR ang EDG ...
30/04/2022

πŠπŽπŒππ€ππ˜π€ππ† 𝐄𝐃𝐆 𝐍𝐈 π•πˆπ‚π„ π†πŽπ•π„π‘ππŽπ‘ π‘πŽπŒπ”π‹πŽ ππ€π‚πŽπ‘π‘πŽ, ππˆππ€ππ€πŠπ€π’π”π‡π€π 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐑𝐄𝐀𝐔 πŽπ… πˆππ“π„π‘ππ€π‹ 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐔𝐄

Pinapakasuhan ng BIR ang EDG na kompanya ni Vice Governor
Romulo Bacorro ng tax evasion matapos masilip nila na wala pa sa P20,000 pesos ang binabayad nitong TAX samantalang
mahigit sa 10 Milyong piso ang kinikita nito kada taon.

Ayon sa datos na inilabas ng BIR Region IV-B, halos anim (6) na taon nang dalawangpung libong piso (P20,000) lamang ang binabayad na tax ng EDG sa kanilang ahensya samantalang milyon milyon ang kinikita nito dahil sa mga construction supplies na binebenta nito sa lalawigan ng Marinduque. Nasilip din ng BIR ang iba't ibang pekeng resibo na ginagamit ng EDG upang hindi malathala ang taunang kita nito.

Nasilip ng BIR Regional Office ang mga iregularidad ng kompanya ni Vice Governor Romulo Bacorro matapos ireklamo at magsumite ng mga ebidensya si Liga ng mga Barangay National President James Marty Lim sa ahensya.

Pinagpapaliwanag naman ni BIR Regional Director Greg Buhain si Vice Governor Bacorro sa loob ng isang linggo tungkol sa issue.

Maaring pagmultahin at makulong si Vice Governo Bacorro ng mahigit 130 milyong piso kung sakaling mapatunayan na hindi talaga sila nagbabayad ng tax at namemeke sila ng mga resibo.

28/04/2022

PANOORIN: Mensahe ni Governor Aspirant Reynaldo Salvacion sa mga botante ng Marinduque.

Kumakalat ngayon sa Social Media ang maanghang na mensahe ni Governor Aspirant Reynaldo Salvacion sa mga mga botante ng Marinduque.

"Wag kayong pagagamit, wag kayong magtataka. Kayo ay bumoto ayon sa inyong konsensya at kaisipan ninyo. Adala niyan, si Bacorro at Pelaez. Kawawa-kawawa kayo. Kawawa kayo!"

Ayon sa uploader, Ikinakampanya ngayon ni Governor Aspirant Reynaldo Salvacion na wag iboto si Vice Governor Romulo Bacorro at Bokal John Pelaez dahil sa pagiging immoral nito. Marami umanong sinisirang pamilya si Bokal Pelaez dahil nakiki-apid ito sa may mga asawa. Samantalang si Vice Governor Bacorro naman umano ay sinisira ang kinabukasan ng mga batang lalaki sa Marinduque at pinagsasamantalahan umano ito kapalit ang pera o bagay tulad ng motor at iba pa.

π“πˆππ†ππ€π: Pinangunahan nina Gov. Presbitero Velasco Jr., Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., Mayor Armi Carrion, Provin...
11/04/2022

π“πˆππ†ππ€π: Pinangunahan nina Gov. Presbitero Velasco Jr., Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., Mayor Armi Carrion, Provincial Administrator Michael Vincent Velasco, Susan Nace, Chairperson ng Provincial Development Tourism Council, Ma. Josefina F. Tan, presidente ng Philippine Chamber of Commerce-Marinduque Chapter, at Bokal Lyn Angeles ang pormal na pagbubukas ng Marinduque Expo 2022 Agri-Trade and Tourism Fair na may temang 'Marinduque: Ekonomiyang muling magbubukas para sa mas masaganang bukas'.

Tampok sa nasabing expo mga lokal na produktong gawa ng mga MarinduqueΓ±o na bibida hanggang Abril 17.

π‰π€πŒπ„π’ πŒπ€π‘π“π˜ π‹πˆπŒ, πŠπˆππ€π’π”π‡π€π 𝐍𝐆 ππ€ππƒπ€π‘π€πŒππŽππ† Kinasuhan ng mga opisyal at kawani ng Barangay San Juan North, Cabiao, Nueva ...
11/04/2022

π‰π€πŒπ„π’ πŒπ€π‘π“π˜ π‹πˆπŒ, πŠπˆππ€π’π”π‡π€π 𝐍𝐆 ππ€ππƒπ€π‘π€πŒππŽππ†

Kinasuhan ng mga opisyal at kawani ng Barangay San Juan North, Cabiao, Nueva Ecija si Liga ng mga Barangay President James Marty Lim ng pandarambong at pagnanakaw sa pondo ng Local Government Service Equalization Fund (LGSEF).

Ayon sa mga nagrereklamo, mayroong P10,744 na pondo ang ibinigay ng Pamahalaang Nasyonal para sa lahat ng barangay sa buong bansa, ngunit 10,000 lamang ang binigay ni Liga President James Marty Lim sa kanila.

Umabot sa 31 Milyong pisong pondo ang ninakaw umano ni Lim sa 41,948 na barangay sa buong Pilipinas.

Maka-ilang beses na ring umano nagpadala ng notice at demands ang mga barangay kapitan kay Lim ngunit hindi ito sumasagot sa kanila.

Hindi matanggap nang ilang mga kapitan na saliit ng budget na ibinigay sa kanila ay naglakas ng loob pa si Lim na nakawin ito.

Naghain din ng reklamo ang mga Liga President sa iba't ibang lalawigan sa buong Pilipinas laban kay James Marty Lim para mapanagot ito.

BREAKING: Larawan mula sa pinangyarihan ng insidente kung saan ay isang pampasaherong jeep na sakay ang mga dumalo sa ka...
02/04/2022

BREAKING: Larawan mula sa pinangyarihan ng insidente kung saan ay isang pampasaherong jeep na sakay ang mga dumalo sa kasalan ang naaksidente sa Barangay Cagpo, Torrijos.

Insinailalim sa code white na ngayon ang ang Torrijos District Hospital dahil sa dami ng sugatan sa insidente. Mabilis namang nakaresponde ang mga awtoridad sa pinangyarihan.

Samantala wala pang inilalabas na opisyal na bilang ng mga nasawi ang mga awtoridad ngunit kumpirmadong kabilang sa nasawi ang mismong groom ng kinasal.

π‘π„π˜ππ€π‹πƒπŽ π’π€π‹π•π€π‚πˆπŽπ, ππŽπ‘πŒπ€π‹ 𝐍𝐀𝐍𝐆 π‡πˆππ€π“π”π‹π€π πƒπ€π‡πˆπ‹ 𝐒𝐀 πŠπ€π’πŽππ† π€π“π“π„πŒππ“π„πƒ π‡πŽπŒπˆπ‚πˆπƒπ„"GUILTY BEYONG RESONABLE DOUBT" ang hinatol ...
02/04/2022

π‘π„π˜ππ€π‹πƒπŽ π’π€π‹π•π€π‚πˆπŽπ, ππŽπ‘πŒπ€π‹ 𝐍𝐀𝐍𝐆 π‡πˆππ€π“π”π‹π€π πƒπ€π‡πˆπ‹ 𝐒𝐀 πŠπ€π’πŽππ† π€π“π“π„πŒππ“π„πƒ π‡πŽπŒπˆπ‚πˆπƒπ„

"GUILTY BEYONG RESONABLE DOUBT" ang hinatol ng Gasan Municipal Trial Court kay dating Sangguniang Panlalawigan Member, Reynaldo Salvacion dahil sa kasong Attempted Homicide.

Ito ay matapos tangkain ni Bokal Reynaldo Salvacion na patayin gamit ang isang "BOLO" si Mr. Hans Minuth. isang foreigner na taga Barangay Banuyo, Gasan.

Ayon sa inilabas na desisyon, pinapalayas na umano ni Hans Minuth si Reynaldo Salvacion sa kanyang inuupahang bahay dahil halos 2 taon na itong hindi nagbabayad ng upa.

Nagdilim umano ang paningin ni Salvacion kung kaya't kinuha nito ang bolo at hinabol ng taga si Minuth.

Nagtamo si Minuth ng sugat sa kanyang braso dahilan sa pagiwas nitong mataga siya sa kanyang ulo.

Hindi na umapila si dating Reynaldo Salvacion sa kataas-taasang hukuman at nagpyansa na langngunit kinakailangan pa rin niyang makulong at panagutan ang kanyang nagawang krimen

Inilabas naman ng PNP ang mugshot ni dating Bokal Reynaldo Salvacion sa kanilang website.

Nagkaroon ng aksidente ngayong araw sa Brgy. Bahi, Gasan, Marinduque.Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente....
17/03/2022

Nagkaroon ng aksidente ngayong araw sa Brgy. Bahi, Gasan, Marinduque.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente. This is a developing story.

π—©π—œπ—–π—˜ π—šπ—’π—©π—˜π—₯𝗑𝗒π—₯ π—₯π—’π— π—¨π—Ÿπ—’ 𝗕𝗔𝗖𝗒π—₯π—₯𝗒, π—œπ—‘π—œπ—₯π—˜π—žπ—Ÿπ—”π— π—’ 𝗦𝗔 π——π—œπ—Ÿπ—š π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—”π—§π—˜ 𝗑𝗔 π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—¦π—ͺπ—˜π—Ÿπ——π—’ π—‘π—š π— π—šπ—” 𝗝.𝗒.Inireklamo sa Department of I...
13/03/2022

π—©π—œπ—–π—˜ π—šπ—’π—©π—˜π—₯𝗑𝗒π—₯ π—₯π—’π— π—¨π—Ÿπ—’ 𝗕𝗔𝗖𝗒π—₯π—₯𝗒, π—œπ—‘π—œπ—₯π—˜π—žπ—Ÿπ—”π— π—’ 𝗦𝗔 π——π—œπ—Ÿπ—š π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—”π—§π—˜ 𝗑𝗔 π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—¦π—ͺπ—˜π—Ÿπ——π—’ π—‘π—š π— π—šπ—” 𝗝.𝗒.

Inireklamo sa Department of Inerior and Local Government (DILG) ng mga Job Orders mula sa Sangguniang Panlalawigan si Vice Governor Romulo Bacorro dahil mula pa noong Enero ay hindi pa sila nakaka sweldo.

Ayon sa isang Job Order na nagpadala ng reklamo sa amin. Simula pa noong Enero ay hindi pa sila nakakatanggap ng sweldo dahil mas inuuna pa ni Vice Governor Romulo Bacorro ang pangangampanya at bihira na itong pumasok sa Kapitolyo. Kung pupunta man ito ay kaagad na itong aalis.

Nakailang beses na din nag follow-up ang ilang mga Job Order sa kanyang opisina ngunit laging sinasabi na mag antay lamang at pipirmahan din naman ito.

Iniipit umano ni Vice Governor Romulo Bacorro ang ilang mga Job Order ng mga Bokal na hindi niya kakampi upang hindi na ito magsipasok at mapilay ang kanilang mga opisina.

Matapos umanong matanggap ni Vice Governor Romulo Bacorro ang reklamo mula sa DILG ay ipinatawag silang lahat at kinausap na wag na umanong magreklamo sa DILG at magfollow-up na lang o puntahan siya sa kanyang opisina.

Nanawagan naman ang mga Job Order mula sa Sangguniang Panlalawigan na ayusin at ibigay na sa kanila ang kanilang pinagtrabahuhan. Marami na rin sila umanong pinagkakautangan dahil sa sobrang delayed ng pagpipirma at papasweldo ni Vice Governor Bacorro.

TALAGA NAMANG MAY UNITY!π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Sweet na sweet ng makunan ng lawaran sina dating Marinduque Congresswoman Regina "Ate G...
03/03/2022

TALAGA NAMANG MAY UNITY!

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Sweet na sweet ng makunan ng lawaran sina dating Marinduque Congresswoman Regina "Ate Gina" Reyes - Mandanas at Speaker Lord Allan Jay Velasco sa ginanap na rally ng Uniteam sa Balayan, Batangas.

Matatandaan na naging magkalaban sa pagka-Representative sina Ate Gina at Speaker Lord Allan noong 2013 at 2016. Ngayong taon naman ay naglabas ng pahayag ang pamilya, kaibigan at mga taga suporta ng Pamilyang Reyes na sila ay nakasuporta sa kandidatura ni Governor Presbitero "Presby" Velasco at Congressman Lord Allan Jay Velasco.

(c) Larawan Kuha ni BaTutzkie Reynes

π— π—šπ—” π—‘π—”π—¦π—”π—Ÿπ—”π—‘π—§π—” π—‘π—š π—•π—”π—šπ—¬π—’ 𝗦𝗔 𝗧𝗒π—₯π—₯π—œπ—π—’π—¦, π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š π—žπ—”π— π—•π—œπ—‘π—š π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π—žπ—”π—£π—œπ—§π—’π—Ÿπ—¬π—’Sa inisyatibo ni Governor Presbitero β€œPresby...
02/03/2022

π— π—šπ—” π—‘π—”π—¦π—”π—Ÿπ—”π—‘π—§π—” π—‘π—š π—•π—”π—šπ—¬π—’ 𝗦𝗔 𝗧𝗒π—₯π—₯π—œπ—π—’π—¦, π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š π—žπ—”π— π—•π—œπ—‘π—š π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π—žπ—”π—£π—œπ—§π—’π—Ÿπ—¬π—’

Sa inisyatibo ni Governor Presbitero β€œPresby” Velasco ay
namigay ang Kapitolyo ng mga kambing sa mga resindente na nasalanta ng nakaraang kalamidad sa Barangay Dampulan at
Barangay Tigwi sa Bayan ng Torrijos.

Umabot sa pitumpu at anim (76) na kambing ang maipamahagi sa mga residente na pinangunahan ni dating Bokal Eleuterio "B**g" Raza na naging anak-anakan ng yumaong Gobernadora Carmencita Reyes na ngayon ay kumakatawan na kay Torrijos Mayor Lorna Q. Velasco.

Kasama din sa pamamahagi sina Bokal Buchi Rivamonte Rosales, Bokal John Fernandez SP Chairman Committee on Agriculture, Mr. John Daryll Landoy at OIC-MAO Jenny Ann Quinto.

Taos-pusong nagpasalamat naman ang mga residente at benepisyaryo sa programang hatid sa kanila ng Pamahalaang Lalawigan ng Marinduque dahil malaki ang tulong ng mga kambing na ito para sa kanilang hanap-buhay.

(c) Larawan mula kay PVET JM Victoria

π—˜-π—¦π—”π—•π—’π—‘π—š 𝗕𝗔π—ͺπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—£π—¨π—Ÿπ—œπ—¦!Kasunod ng kautusan ng Philippine National Police sa buong bansa na bawal na ang e-sabong...
02/03/2022

π—˜-π—¦π—”π—•π—’π—‘π—š 𝗕𝗔π—ͺπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—£π—¨π—Ÿπ—œπ—¦!

Kasunod ng kautusan ng Philippine National Police sa buong bansa na bawal na ang e-sabong sa kanilang mga kawani nagsagawa agad ang Marinduque PPO ng inspection sa mga cellphone ng kanilang mga tauhan.

Pinangunahan mismo ni PLTCOL Elmer L Manalo, C, PCADU/Duty OD kasama si PEMS Dennis E Almonte, PESPO ang surprise inspection kung meron bang naka- installed na application para sa e-sabong alas-otso ng umaga, ngayong araw March 2, 2022.

(c) Marinduque PPO facebook

π—œπ—Ÿπ—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ 𝗧π—₯π—”π——π—˜π—₯ π—‘π—š π— π—šπ—” 𝗕𝗔𝗕𝗒𝗬 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š 𝗦𝗔𝗑𝗧𝗔 𝗖π—₯𝗨𝗭 Illegal na byahero ng baboy nasabat ng Sta. Cruz PNP, Februa...
26/02/2022

π—œπ—Ÿπ—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ 𝗧π—₯π—”π——π—˜π—₯ π—‘π—š π— π—šπ—” 𝗕𝗔𝗕𝗒𝗬 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š 𝗦𝗔𝗑𝗧𝗔 𝗖π—₯𝗨𝗭

Illegal na byahero ng baboy nasabat ng Sta. Cruz PNP, February 25, dakong 9:50 ng gabi sa Animal Quarantine Checkpoint sa Brgy. Landy sa Bayan ng Sta. Cruz lalawigan ng Marinduque.

Tatlo sa mga nahuling illegal na namimili ng baboy ay mula sa bayan ng Heneral Luna sa Bondoc Paninsula lalawigan ng Quezon.

Ang tatlong dayong mamimili ng baboy ay kasalukuyang nakakulong sa custodial facility ng Sta. Cruz kasama ang driver ng inarkilang pampasaherong dyip mula sa Bayan ng Gasan.

Ang 50 nakumpiskang baboy ay kinabibilangan ng 34 na litsunin at 16 na biik na pansamantalang nakalagak sa isang ligtas na lugar habang ihinahanda ang kaso sa mga nahuling illigal na mamimili.

Ang mga baboy ay mula sa Brgy. Mahunig sa bayan ng Gasan at Brgy. Buliasnin sa bayan naman ng Boac.

Pag labag sa mga sumusunod:
~pamimili ng baboy na walang business permit
~paglabag sa kautusang bawal mag labas ng baboy mula sa bayan ng Gasan
~hindi BAI accredited ang sasakyan at siksikan ang mga sakay na baboy na tahasang paglabag sa section 4 ng RA 8485 as amended by RA 10631.

Story and Photos from Dr. JM Victoria/PVET

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Muling nagsampa ng kaso ang dalawang complainant ng paglabag sa Article 267 of the RPC o Serious Illegal Detent...
23/02/2022

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Muling nagsampa ng kaso ang dalawang complainant ng paglabag sa Article 267 of the RPC o Serious Illegal Detention laban kay Bokal John R. Pelaez dahil sa nangyaring panunutok ng baril noong Disyembre 2016.

Ayon sa mga complainant, muli nilang binuhay ang kaso dahil sa pagbabanta umano ni Bokal John R. Pelaez sa kanila matapos silang pagmumurahin nanaman nito noong nagkita sila sa bayan ng Boac kamakailan lamang.

Matatandaan na sinuspinde ng 90 days na walang sweldo si Bokal John R. Pelaez ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong Marso 2017 habang iniimbestigahan ang nasabing kaso laban sa kanya.

Nakakalap din ng mga ebidensya at mga karagdagang witness ang mga complainant kung kaya't nais nilang buhayin ang kaso upang makamit na nila ang katarungan sa pagmamalabis sa kamay ni Bokal John R. Pelaez.

Didinggin naman ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region Branch 94 ng Boac, Marinduque ang nasabing kaso.

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Magkasama sina Former Marinduque Representative Regina Reyes-Mandanas at Speaker Lord Allan Jay Velasco sa pagb...
22/02/2022

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Magkasama sina Former Marinduque Representative Regina Reyes-Mandanas at Speaker Lord Allan Jay Velasco sa pagbisita sa Batangas Provincial Capitol ang Unity Team nina Presidential Aspirant B**gbong Marcos at Vice President Aspirant Sara Duterte.

Sa pahayag ni Reyes sa harap ng mga BatangueΓ±o, isang napakalaking karangalan para sa kanya na maging pangunahing bisita si Speaker Lord Allan Velasco sa Batangas. Makailang beses ding pinuri ni Reyes si Velasco dahil sa mga magagandang proyekto at programa nito sa Marinduque.

Dagdag pa ni Reyes, "Masaya po akong magkasama po kami ni Speaker Lord Allan Jay Velasco ngayon sa entabladong ito. Napakaganda po ng ginawa nilang mag-ama lalong lalo na si Governor Presbitero Velasco sa minamahal kong lalawigan ng Marinduque. Kaya naman po, buong puso ko pong ipinagkakatiwala sa kanilang mag-ama ang kinabukasan ng Marinduque."

Matatandaan na ang pamilya Reyes ay malapit sa pamilya ng mga Marcos matapos ang kanyang ama na si Edmundo "Ka Tuting" Reyes ay nagsilbi nilang Bureau of Immigration Commissioner noong panahon nina Marcos at si Speaker Lord Allan Velasco ay kilalang malapit kay Vice President Aspirant Sara Duterte.

Kamakailan din ay pormal nang inendorso ng Pamilya Reyes sina Speaker Lord Allan Jay Velasco at Governor Presbitero Velasco sa kanilang mga dating lider at taga-suporta.

Larawan mula kay: BaTutzkie Reynes

21/02/2022

𝗣𝗔𝗑𝗒𝗒π—₯π—œπ—‘: Isang bahay ang kasalukuyang nasusunog sa Barangay Murallon, Boac. Ayon sa mga report, bahay ng pamilyang MondoΓ±edo ang tinupok ng apoy.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang naging sanhi ng sunog.

21/02/2022

𝗣𝗔𝗑𝗒𝗒π—₯π—œπ—‘: Pinangunahan ni Governor Presbitero Velasco Jr. kasama si Konsehal Justin Manrique ng Boac ang pagtatanggal ng pulang takip upang ilahad ang Marinduque Celadon Jar. Saksi din dito ang ating Provincial Administrator Michael Velasco.

π—£π—”π— π—œπ— π—œπ—šπ—”π—¬ π—‘π—š π—šπ—¨π—Ÿπ—”π—¬ 𝗦𝗔 π—œπ—•π—”'𝗧 π—œπ—•π—”π—‘π—š π—¦π—˜π—žπ—§π—’π—₯, π—£π—œπ—‘π—”π—‘π—šπ—¨π—‘π—”π—›π—”π—‘ π—‘π—œ 𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ 𝗔π—₯π— π—œ 𝗖𝗔π—₯π—₯π—˜π—’π—‘Tuwang-tuwa ang ilang mga residente ng Boac ...
09/02/2022

π—£π—”π— π—œπ— π—œπ—šπ—”π—¬ π—‘π—š π—šπ—¨π—Ÿπ—”π—¬ 𝗦𝗔 π—œπ—•π—”'𝗧 π—œπ—•π—”π—‘π—š π—¦π—˜π—žπ—§π—’π—₯, π—£π—œπ—‘π—”π—‘π—šπ—¨π—‘π—”π—›π—”π—‘ π—‘π—œ 𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ 𝗔π—₯π— π—œ 𝗖𝗔π—₯π—₯π—˜π—’π—‘

Tuwang-tuwa ang ilang mga residente ng Boac lalong lalo na ang mga indigents, senior citizens at mga breastfeeding moms matapos makatanggap ng mga gulay mula sa Pamahalaang Bayan ng Boac sa pangunguna ni Mayor Armi DC Carrion.

Ayon sa Facebook Post ni Mayor Carrion, dumating ang labing isang toneladang gulay na donasyon ng kanyang kaibigan na si Engr. Ronald Gacoscos na kanilang ipinamahagi bilang tulong sa kanilang programang Team Carry On, Community Pantry.

Sa kasalukuyan ay may 35 barangay na sa bayan ng Boac ang kanilang napuntahan para sa napakagandang programang ito.

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Naglabas ng opisyal na pahayag ang Pamahalaang Bayan ng Gasan sa pangunguna ni Mayor Victoria Lao-Lim tungkol s...
09/02/2022

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Naglabas ng opisyal na pahayag ang Pamahalaang Bayan ng Gasan sa pangunguna ni Mayor Victoria Lao-Lim tungkol sa isang insidenteng naganap noong Setyembre na pinangalanan nila ang isa sa kanilang residente na nagpositibo umano sa COVID-19.

Ito ay matapos magreklamo ang pamilya sa National Privacy Commission (NPC) at kaagad naman ginawan ng aksyon ng ahensya.

Pinaalalahanan naman ng NPC ang publiko na ang paglabas ng pangalan ng mga nagpositibo sa COVID 19 o paglalabas ng anumang impormasyon hinggil sa pagkakakilanlan ng mga taong under investigation o nahawaan ng COVID 19 ay hindi po nakakatulong, mas makakasama po ito sa sitwasyon. Dahil sa mga sumusunod:

- Kapag nalaman ng mga tao na isasapubliko ang kanilang pangalan, marami ang iiwas magpatest. Magtatago sila at mas dadami ang undetected cases.

- Ang mga magkakaroon ng sintomas ay matatakot pumunta sa Doctor. lalong mawawalan ng control ang DOH na matrack ang tunay na number ng mga infected na tao.

- Ang mga Doctor at nurses na humawak sa mga pasyente ay iiwasan ng mga tao. Maaring hindi na sila makapagtrabaho ng maayos at malalagay sa alanganin ang kanilang sitwasyon.

- ang mga kamag-anak, mga kaibigan at nakasalamuha ng taong nagpositive ay prone sa bullying, maaring masaktan. Hindi natin maiiwasan na may mga taong makikitid ang utak.

- magkakagulo, madaling sabihin pero hindi natin hawak ang pag-iisip ng iilan. Mainam nang itago kesa sa pagmulan ng pagkakasakitan. Mas mabuti ng ang mga taong marunong lang maghandle sa sitwasyon ang nakaalam.

Dagdag pa ng NPC, wag nating ipagpilitan na ilabas ang mga pangalan ng mga pasyente para sa pansariling kapakanan, ang mga taong infected ay mayroong mataas na chance na makarecover. Kapag nalaman ng iilan na nahawaan sya, kahit nakarecover na ay maaring magdulot ito ng psychological trauma at depression sa panlalait at pangmamata ng iilan.

05/02/2022

𝗣𝗔𝗑𝗒𝗒π—₯π—œπ—‘: Kasalukuyang ginaganap ang Caravan of Hope 2022 na inorganisa ng mga supporters ni Presidential Aspirant VP Leni Robredo at Vice Presidential Aspirant Senator Kiko Pangilinan sa lalawigan ng Marinduque.

Matatandaang nakuha ni Leni Robredo ang puso ng mga MarinduqueΓ±o noong 2016 matapos siyang makakuha ng pinakamaraming boto sa pagka-Bise Presidente.

Video mula kay Gng. Ninay Festin-Tan

π— π—šπ—” π—žπ—”-π—”π—‘π—”π—ž, π—žπ—”π—œπ—•π—œπ—šπ—”π—‘ 𝗔𝗧 π—Ÿπ—œπ——π—˜π—₯ π—‘π—œ π——π—”π—§π—œπ—‘π—š π—šπ—’π—©. π—₯π—˜π—¬π—˜π—¦, π—‘π—”π—šπ—£π—”π—›π—”π—¬π—”π—š π—‘π—š 𝗦𝗨𝗣𝗒π—₯𝗧𝗔 π—žπ—”π—¬ π—šπ—’π—©. π—©π—˜π—Ÿπ—”π—¦π—–π—’Nagpahayag ng suporta ang mga...
03/02/2022

π— π—šπ—” π—žπ—”-π—”π—‘π—”π—ž, π—žπ—”π—œπ—•π—œπ—šπ—”π—‘ 𝗔𝗧 π—Ÿπ—œπ——π—˜π—₯ π—‘π—œ π——π—”π—§π—œπ—‘π—š π—šπ—’π—©. π—₯π—˜π—¬π—˜π—¦, π—‘π—”π—šπ—£π—”π—›π—”π—¬π—”π—š π—‘π—š 𝗦𝗨𝗣𝗒π—₯𝗧𝗔 π—žπ—”π—¬ π—šπ—’π—©. π—©π—˜π—Ÿπ—”π—¦π—–π—’

Nagpahayag ng suporta ang mga ka-anak, kaibigan at lider
ni dating Governor Carmencita O. Reyes sa muling pagtakbo sa ikalawang termino ni Governor Presbitero Velasco.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, isang pagpupulong ginaganap sa bahay ng mga Reyes sa Makati noong nakaraang linggo na dinaluhan ng mga ka-anak, malalapit na kaibigan, mga dating kasama sa pulitika at mga lider sa iba't ibang bayan at barangay upang pag-usapan ang gagawin nilang pagsuporta sa kandidatura ni Governor Presbitero Velasco.

Ayon pa sa kanila, malaki ang naging pagbabago sa lalawigan ng Marinduque dahil sa magandang pagpaplano at maayos na paghawak ng pondo ng Kapitolyo.

Hanga din umano sila kay Governor Presbitero Velasco dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay naging Presidente ng Liga ng mga Gobernador sa Pilipinas ay mula sa Marinduque.

Kinumpirma din ng aming source na walang katotohanan ang kumakalat na balita na sila ay nakasuporta sa kandidatura ni Vice Governor Romulo Bacorro.

"Paano namin susuportahan si Bacorro? E sa huling taon ng pagseserbisyo ni Carmencita sa Marinduque. Hindi niya maipatupad ang kanyang mga programa at proyekto dahil hinaharang ni Bacorro ang kanyang mga plano. Hindi din namin makakalimutan ang ginawa nitong paglalapastangan kay Carmencita na hindi man lang inantay na malagak ang kanyang mga labi sa Marinduque bago siya manumpa at palayasin ang mga tauhan nito sa opisina ng gobernadora." dagdag ng kanilang tagapagsalita.

π—¦π—œπ—¦π—§π—˜π—₯𝗛𝗒𝗒𝗗 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—œπ—§π—”π—‘ π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š 𝗕𝗒𝗔𝗖 𝗔𝗧 π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π—— π—‘π—š π— π—”π—‘π——π—”π—Ÿπ—¨π—¬π—’π—‘π—š, π—žπ—”π—¦π—”π——π—’ 𝗑𝗔!Bumisita kahapon ang buong delegasyon ng Lun...
03/02/2022

π—¦π—œπ—¦π—§π—˜π—₯𝗛𝗒𝗒𝗗 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—œπ—§π—”π—‘ π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š 𝗕𝗒𝗔𝗖 𝗔𝗧 π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π—— π—‘π—š π— π—”π—‘π——π—”π—Ÿπ—¨π—¬π—’π—‘π—š, π—žπ—”π—¦π—”π——π—’ 𝗑𝗔!

Bumisita kahapon ang buong delegasyon ng Lungsod ng Mandaluyong sa pangunguna ni City Mayor Carmelita "Menchie" Abalos sa bahay ni Mayor Armi Carrion upang pormal na pagusapan ang sisterhood sa pagitan ng bayan ng Boac at lungsod ng Mandaluyong.

Masayang ibinalita ni Mayor Armi Carrion sa kanyang Opisyal na page kung saan sinalubong ang delegasyon ng mainit na pagbati at tradisyunal na putong.

Ayon sa aming mapagkakatiwalaang source, malaking bagay ang pagbubuo ng sisterhood agreement dahil malaki ang maitutulong ng lungsod ng Mandaluyong sa bayan ng Boac lalo na pagdating sa usapin ng kalusugan ngayong panahon ng pandemya.

Pinagusapan din umano ang mga best practices na ginagawa ng lungsod ng Mandaluyong na maaring "i-adopt" o gayahin ng Pamahalaang Bayan ng Boac upang mas maipaabot ang serbisyo nito sa kanilang mga mamamayan.

Larawang galing sa Opisyal na page ni Mayor Armi DC. Carrion

π—¦π—£π—˜π—”π—žπ—˜π—₯ π—©π—˜π—Ÿπ—”π—¦π—–π—’, π—œπ—žπ—œπ—‘π—”π—§π—¨π—ͺ𝗔 π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—£π—”π—¦π—” π—‘π—š π—£π—”π—‘π—¨π—žπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—Ÿπ—”π—žπ—”π—¦ 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—šπ—”π— π—œπ—§ π—‘π—š π—•π—”π—¬π—•π—”π—¬π—œπ—‘Ikinatuwa ni House Speaker Lord...
02/02/2022

π—¦π—£π—˜π—”π—žπ—˜π—₯ π—©π—˜π—Ÿπ—”π—¦π—–π—’, π—œπ—žπ—œπ—‘π—”π—§π—¨π—ͺ𝗔 π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—£π—”π—¦π—” π—‘π—š π—£π—”π—‘π—¨π—žπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—Ÿπ—”π—žπ—”π—¦ 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—šπ—”π— π—œπ—§ π—‘π—š π—•π—”π—¬π—•π—”π—¬π—œπ—‘

Ikinatuwa ni House Speaker Lord Allan Velasco ang ginawang pagpasa ng House of Representatives sa panukalang pagpapalakas sa paggamit ng Baybayin at iba pang mga tradisyonal na sistema ng pagsusulat.

Ayon kay Velasco ang pagpasa sa House Bill 10657 o Philippine Indigenous and Traditional Writing Systems Act bahagi ng pagpreserva sa cultural treasures ng bansa.

β€œIt is time for our country to revisit our past through one of its cultural remnants, our indigenous and traditional writing systems, including pre-colonial writing system called "Baybayin,” ani Velasco.

Ang Baybayin ay isang ancient syllabary script, isa ito sa 16 na writing systems na ginamit ng mga Pinoy noong panahon ng Spanish era.

β€œLost, but not forgotten, Baybayin, together with other indigenous and traditional writing scripts, should be preserved and promoted as part of the country’s resurgence,” giit ni Velasco.

β€œThere is a need to promote, protect, preserve and conserve Philippine indigenous and traditional systems as tools for cultural development, for instilling national pride, and for protecting Filipino cultural heritage and identity,” dagdag pa ni Velasco na syang
pangunahing may akda ng panukala.

Sa ilalim ng panukala ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) ang syang may mandato na isama ang indigenous at traditional writing systems sa mga subjects sa education curricula gayundin ang pagpromote sa ganitong writing system sa Buwan ng Wika.

Habang ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang syang magsisilbing policy making unit para ipromote pa ang indigenous at traditional writing systems.

π—¨π—‘π—”π—‘π—š π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œπ—‘π—š π—–π—˜π—‘π—§π—˜π—‘π—”π—₯π—œπ—”π—‘ 𝗦𝗔 𝗠𝗔π—₯π—œπ—‘π——π—¨π—€π—¨π—˜, π—§π—¨π— π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š π—£πŸ΄πŸ¬π—ž π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π—£π—”π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—”π—‘π—š π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—œπ—šπ—”π—‘. Ginawaran ng cash incentive n...
02/02/2022

π—¨π—‘π—”π—‘π—š π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œπ—‘π—š π—–π—˜π—‘π—§π—˜π—‘π—”π—₯π—œπ—”π—‘ 𝗦𝗔 𝗠𝗔π—₯π—œπ—‘π——π—¨π—€π—¨π—˜, π—§π—¨π— π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š π—£πŸ΄πŸ¬π—ž π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π—£π—”π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—”π—‘π—š π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—œπ—šπ—”π—‘.

Ginawaran ng cash incentive ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque sa pangunguna ni Governor Presbitero Velasco and 100-anyos na lolo mula sa Barangay Balogo, Boac, kamakailan.

Personal na inabot ni Gov. Velasco kay Lolo Esteban Mansia, Sr. ang pinansyal na insentibo na nagkakahalagang P80,000 kasama na ang plaque of appreciation at regalo mula mismo sa gobernador.

Ayon kay Gov. Velasco, si Mansia ang kauna-unahang naitalang lalaki na nakaabot ng isang daang taon sa ating lalawigan.

"Si Lolo Teban at ang kanyang pamilya ay nagbigay sa atin ng inspirasyon upang maipagpatuloy ang pagpapatupad ng makabuluhang serbisyo para sa ating mga kababayan" pahayag ni Gov. Velasco.

Si Mansia na ipinanganak noong Disyembre 26, 1921 ay nagsilbi bilang barangay kagawad, teniente del barrio at kapitan ng barangay sa loob ng humigit apat na dekada.

Inaasahan namang makakatanggap din si Lolo Teban ng iba pang insentibo katulad ng P100,000 cash incentive mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kapag nakumpleto na nito ang mga kaukulang dokumento sang - ayon sa itinadhana ng Republic Act No. 10868 o ang Centernarian Act of 2016.

π—žπ—”π—‘π——π—œπ——π—”π—§π—¨π—₯𝗔 π—‘π—œ 𝗝𝗒𝗝𝗒 π—”π—Ÿπ—©π—”π—₯π—˜π—­, π—žπ—”π—‘π—¦π—˜π—Ÿπ—”π——π—’ π—‘π—š π—–π—’π— π—˜π—Ÿπ—˜π—–Sa inilabas na resolusyon ng COMELEC, pormal nang tinatanggal at pinawa...
01/02/2022

π—žπ—”π—‘π——π—œπ——π—”π—§π—¨π—₯𝗔 π—‘π—œ 𝗝𝗒𝗝𝗒 π—”π—Ÿπ—©π—”π—₯π—˜π—­, π—žπ—”π—‘π—¦π—˜π—Ÿπ—”π——π—’ π—‘π—š π—–π—’π— π—˜π—Ÿπ—˜π—–

Sa inilabas na resolusyon ng COMELEC, pormal nang tinatanggal
at pinawawalang bisa ang kandidatura ni Jojo Alvarez bilang
kinatawan ng ating lalawigan sa Kongreso. Ito ay matapos
tagalin ni Alvarez ang bahagi ng Certificate of Candidacy (COC)
na inaalam kung may hinarap itong kasong criminal o administratibo.

Matatandaan na noong 2009 ay tinanggal si Jojo Alvarez bilang opisyal ng Human Resources Office ng Kapitolyo matapos mapansin ng Civil Service Commission (CSC) na kumubra ito ng Performance Bonus na nagkakahalagang Php 25,000 kahit hindi ito nagpasa ng kaukulang dokumento para dito.

May mga nakabinbin ding kasong administratibo si Jojo Alvarez na Grave Misconduct and Abuse matapos nitong hipuan ang isang kawani ng kapitolyo habang nasa opisina ito at nagtatrabaho.

Dahil dito, hindi na kasama at tinanggal na ng COMELEC ang pangalan ni Jojo Alvarez sa balota.

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng IATF na isailalim ang Lalawigan ng Marinduque sa Alert Lev...
01/02/2022

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng IATF na isailalim ang Lalawigan ng Marinduque sa Alert Level 3 na magiging epektibo mula Pebrero 1 hanggang Pebrero 15, 2022.

Ano ang Pwede at Hindi Pwede sa ilalim ng iba’t ibang alert levels?
BASAHIN:
https://tinyurl.com/AlertLevels


Address

Poblacion
Santa Cruz
4902

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marinduque Netizen posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Marinduque Netizen:

Videos

Share


Other Media/News Companies in Santa Cruz

Show All