Baranggay Patrol News

Baranggay Patrol News Ang page na ito ay magbibigay sa inyo ng mga nagbabagang balita tungkol sa mga baranggay sa bayan ng Santa Cruz Marinduque

FLASH REPORT !!SANTA CRUZ, Marinduque — Pitong kalalakihan ang nasagip ng mga residente ng Brgy. Mongpong sa baybaying d...
17/10/2021

FLASH REPORT !!
SANTA CRUZ, Marinduque — Pitong kalalakihan ang nasagip ng mga residente ng Brgy. Mongpong sa baybaying dagat na sakop nito pasado 3:00 ng hapon, Oktubre 17.

Ayon sa mga nasagip, sila ay nanggaling sa Bayan sa Catanauan, Quezon at naglalakbay pabalik sa Sitio Pie, Morales, Santa Cruz nang salubungin sila ng malalaking alon na naging dahilan ng paglubog ng kanilang sinasakyang bangka. Sa kasalukuyan, sila ay nasa kustodiya ng Brgy. Mongpong.

Samantala, kinilala ang mga kalalakihan na sina John Rey Batan, Joleto Organo, Pablito Organo, Ferlito Organo, Rodel Dela Peña, Wilmar Ariola, at Jeric Batan. (via Jhim Pastrana, MN, JPPC/BPN)

Ang Alobo ay isang barangay sa bayan ng Santa Cruz, sa Probinsya ng marinduque. binubuo ito ng 921 papolasyun ayun sa ce...
17/10/2021

Ang Alobo ay isang barangay sa bayan ng Santa Cruz, sa Probinsya ng marinduque. binubuo ito ng 921 papolasyun ayun sa census noong 2020. ang kabahayan rito ay tinatayang 727 ayun sa parin sa census noong 2020. Ang barangay n ito ay binuo-buo ng pitong sitio, ang bagong silang, central 1, central 2, kasulukan, panday, PiE 1, PiE2-banakan. Ang karanamiwang kinabubuhay ng mga tao rito ay ang paghahayupan, pangingisda at paghahalaman.
Ang pangalan na alobo ay sinasabing nagmula sa isang alamat. Ang alamat n ito ay hango sa pahayagan ng mababang paaralan ng elementarya ng alobo. Ayon sa alamat noong panahon ng pananakop ng bansang Spanya sa ating bansa ay nakarating sila sa isang lugar sa lalawigan ng Marinduque. Hindi raw alam ng mananakop ang pangalan ng lugar kung kayat tinanong ng sundalo ang isang lalaking mamayan roon, hindi naman sya maintindihan ng lalaki sapagkat sa ibang lengwahe nagsasalita ang sundalo. At nag kataong may dumaan na isang malaking a*o sa harapan nila sa takot ay napasigaw ang lakaki na "Ahhhhh!! lobo!!" at nang lumaon ang sigaw ng lalaki na "ahh,, lobo" ay naging alobo na sa kasalukuyan ay ngalan ng barangay.(ADN/BPN)

Tingnan: Mga brgy. Patrolers ng SANTA CRUZ, nagdaos ng kanilang ika unang anibersaryo!Masayang naidaos ang unang anibers...
17/10/2021

Tingnan: Mga brgy. Patrolers ng SANTA CRUZ, nagdaos ng kanilang ika unang anibersaryo!

Masayang naidaos ang unang anibersaryo ng galing maglasakit brgy. Patroler ng Santa Cruz na silang nag babalita o naguulat sa mga pangayayari sa kani kanilang brgy. Ito ay sa pangunguna ni Vice Mayor Geraldine Morales na syang ring nagtatag ng samahan sa kanyang palatuntunang sa The vice Mayors hours ng 104.5 Radyo Natin Santa Cruz.

Nag simula ang pagdadaos alas 8 ng umaga Ika 10 ng Octobre sa Brgy. Tawiran sa sikatuna resort na dinaluhan ng mga patroler ng ibat ibang baranggay ng bayan ng Santa Cruz , kasama rin dito ang mga kaalyado ni Morales na syang naghain ng kandidatura sa pagka punong bayan ng Santa Cruz.

kasama rito ang team mate nya sa pagka pangalwang punong bayan na si Sonny delarosa at dumalo rin ang 7 kasamahan nya na naghain ng pagka konsehal sa bayan Santa Cruz, kasama rito ang dating konsehal Norma Ricohermoso, SK Ibert Regio, Engr. Isagani Revilla, Santos Validiviezo, Ric Palmiery, Mayulo Melicia, Alexader Bryan Dy kasama din sa partido ang kasalukuyang konsehal Joam Morales sila ay nasa ilalim ng partidong lakas CMD

Kasama sa aktibidad ang pangagalap ng mga plastik bottle ng kada distrito ng Santa Cruz sa mga patroler, inawardan ang mga may pinaka mararaming naipon sa kabuang 15, 000 ito ay upang mapangalagaan ang kapaligaran laban sa mga plastik na nagdudulot ng mga kalamidad. Samantala kasama rin dto ang tiktok Challenge sa mga patroler ito ay upang mapasaya pa lalo ang pag daos ng knilang annibersayo.

Nagtapos ang palatuntunan alas 2 ng hapon kasama rito ang pagsunod nila sa mga minimum health protocol. Sa kasalukuyan meron ng 85 na myembro ang Galing magmalsakit Brgy. Patroler.
(JPPC/BPN)

Address

Santa Cruz

Telephone

+639270453269

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Baranggay Patrol News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share


Other Media/News Companies in Santa Cruz

Show All