Athena Kim

Athena Kim I FINALLY FOUND YOU ❤️
(4)

Yung iniimagine ko habang sinusulat ang I FINALLY FOUND YOU. Kaso sa isip ko Si Rabin as DanAndres as Jerome At syempre ...
10/02/2025

Yung iniimagine ko habang sinusulat ang I FINALLY FOUND YOU. Kaso sa isip ko
Si Rabin as Dan
Andres as Jerome
At syempre si Ashtine si Abby 😍

Sa isip ko lang naman kaya pag bigyan niyo na!

Wala lang! Na@dik kase ako sa AMNSE e 😍
Skl🥰

Updated Na po Mga links From CHAPTER 1-17.Busy po si Author pag Weekdays kaya 2 chapter A day lang po ang posting ko. Pe...
10/02/2025

Updated Na po Mga links From CHAPTER 1-17.

Busy po si Author pag Weekdays kaya 2 chapter A day lang po ang posting ko. Pero try ko bumawi ng Weekend.

Every Chapter na mababasa nyo ay may nakalagay na din pong link para sa next chapter para hindi po kayo mahirapan maghanap ng kasunod! Happy And Enjoy reading po🥰

Updated Link per Chapter!

Wag din po sana kalimutan magcomment, react at share

I Finally Found you
Chapter 1 :
https://www.facebook.com/share/p/161sp4o7tw/?mibextid=wwXIfr

Chapter 2 :
https://www.facebook.com/share/p/1YLtJqkg3x/?mibextid=wwXIfr

Chapter 3 :
https://www.facebook.com/share/p/165qEcqZzV/?mibextid=wwXIfr

Chapter 4 :
https://www.facebook.com/share/p/1DeGDWXeqo/?mibextid=wwXIfr

Chapter 5 :
https://www.facebook.com/share/p/163SPa2fxR/?mibextid=wwXIfr

Chapter 6 :
https://www.facebook.com/share/p/12GRQTMFXCB/?mibextid=wwXIfr

Chapter 7 :
https://www.facebook.com/share/p/1BYMFM46Np/?mibextid=wwXIfr

Chapter 8 :
https://www.facebook.com/share/p/18NSpRLiE3/?mibextid=wwXIfr

Chapter 9 :
https://www.facebook.com/share/p/1ZxhJGTMqs/?mibextid=wwXIfr

CHAPTER 10 :
https://www.facebook.com/share/p/1Gv7FMpFc9/?mibextid=wwXIfr

CHAPTER 11 :
https://www.facebook.com/share/p/1DuKrpjRCy/?mibextid=wwXIfr

CHAPTER 12 :
https://www.facebook.com/share/p/193KfqD7bH/?mibextid=wwXIfr

Chapter 13 :
https://www.facebook.com/share/p/1A2btRTUaV/?mibextid=wwXIfr

Chapter 14 : https://www.facebook.com/share/p/1ALc4vNMua/?mibextid=wwXIfr

CHAPTER 15 :
https://www.facebook.com/share/p/18dPuUQ5Z2/?mibextid=wwXIfr

CHAPTER 16 :
https://www.facebook.com/share/p/1D5mByCXDT/?mibextid=wwXIfr

CHAPTER 17 :
https://www.facebook.com/share/p/1BYzqChhNC/?mibextid=wwXIfr

Thanks sa laging pag support bunso Móòn Wrïter 🥰

TITLE: I FINALLY FOUND YOU!CHAPTER 17SA BALCONY.Nagkatitigan nga ang dalawa. Nagulat din kase ang dalaga sa mga tinuran ...
10/02/2025

TITLE: I FINALLY FOUND YOU!

CHAPTER 17

SA BALCONY.

Nagkatitigan nga ang dalawa. Nagulat din kase ang dalaga sa mga tinuran ng binata.

Para maiwasan ang pagka-ilang nito ay iniba nito ang usapan.

"Ano nga palang pag-uusapan natin?" Tanong ng dalaga at ibinaling muli ang tingin sa Kalangitan.

"Gusto ko lang magpasalamat." Tumingala na din ito at tinanaw ang mga tala.

"Wala yun! Saka sa tingin ko kasalanan ko kung bakit ka nilagnat. Lakas ng pagbags@k ko kahapon eh. Baka nga napilayan ka kaya ka nagkalagnat." Tugon nito at muling tumitig sa lalaki na kasalukuyang nakatingin sa kalangitan.

"Alam mo ba, ikaw palang ang gumawa nito sa akin?" Saad nito na nakangiti. Ibinaling ang tingin sa dalaga na ngayon ay nakatingin din sa kanya.

"Talaga ba? Bakit? Hindi ka ba naalagaan ng mga nagdaang Girl Friend mo?" Iginala muli nito ang tingin sa paligid dahil manghang-mangha ito sa ganda ng tanawin.

"Hindi pa ako nagkaka Girl Friend."

"What?!" Gulat at napabalil ng tingin ito sa binata.

"Oo, di pa ako nagkaka Girl Friend. Wala pa ako niligawan. Mula kase bata ako focus ako sa pag-aaral." Bumuntong hininga ito.

"At pagka graduate ko naman ay agad akong dinala ni Daddy sa States para ma train na maghandle ng Business." Dagdag nito.

"Oh ganun ba? Pero may nagustuhan ka namang babae o may hinangaan ?" Tanong nito at pinagmasdan muli nito ang kalangitan.

"Wala din e. Workaholic din kase ako. Kaya tignan mo minamadali ako ni Daddy mag-asawa kase takot siyang tumanda akong mag-isa."

Bumuntong hinginga ito at tumingin muli sa tanawin.
Ngayon batid na nito kung bakit apurado ang Daddy nito na mag-asawa ito. Wala pa itong karanas@n sa pag-ibig. At isa pa matatanda na din ang mga magulang nito.

"Wala pang nagpapatibok ng puso ko." Pagpapatuloy nito.

Napalingon muli ito sa binata.

"Until someone came into my life! I realized I finally found someone who makes my heart beat." Napangiti ito habang sinasabi ito.

"Naman! Yun naman pala eh." Sinagot din nito ng may ngiti at nag-iisip ito kung sino ito. Ang swerte kase nito na may isang Danilo na naghihintay na mahalin din niya.

"Last month ko lang siya nakita." At nagsimula itong isalaysay ang mga naganap noong nakaraang buwan.

"I went to one of our coffee shops where I met a woman who caught my attention. She ordered a coffee jelly." Pagpapatuloy nito.

"Gusto ko siya lapitan that time kaso parang may hinihintay ito." Nakatingin ito sa dalaga na nag-hihintay ng susunod niyang sasabihin.

Parang may kahalintulad na pangyayari ito kaya napaisip si Abby parang unti unting nagtutugma ang mga kwento ng binata sa mga nangyari sa kanya one month ago.

"Kakalungkot nga eh. Una ko siyang nakita sa sitwasyon na nakapagpadurog ng puso ko."
"Di ito sinipot ng hinihintay nito at mukhang nagkaroon sila ng pagtatalo sa telepono." Dagdag nito.

"Kita ko lungkot sa mga mata nito ngunit pinigilan nito ang pagtulo ng luha."

Natulala na lamang si Abby. Bakit pakiramdam niya ay siya ang tinutukoy nito.

"Akala ko nga di ko na siya makikita ulit. After 3 days. Nakita ko muli siya sa Restaurant."

Naguluhan bigla si Abby. Lakas ng kabog ng dibdib nito dahil sa mga narinig nito. Bigla ito nakaramdam ng pananbik na malaman kung sino ang tinutukoy ng binata.

"I didn't want to waste that opportunity na makilala ka."at tuluyan na nga nitong tinuran kung sino ang tinutukoy nito.

"A-ako?" Di maipaliwanag ni Abby ang nararamdaman nito sa mga narinig niya.

"Yung sa b@r di na nagkataon lang ang pagkikita natin. Sinundan ko na kayo para magkaroon ako ng chance na makilala ka at di nga ako nabigo." Saad muli nito.

"Kaya nasaktan ako ng sabihin saakin ng manager ng B@r na iniwan mo lang yung calling card sa table." Patuloy na saad ng binata.

"Nawalan na ako ng pag-asa na makikita pa kita."

"Then after one month, laking tuwa ng puso ko na makita ka sa Lobby ng building namin. Kaso nakita nanaman kitang umiiyak."

"So natatandaan mo din pala yung kwento ko sayo tungkol sa nang-iwan sa akin sa ere?"

Tumango ito. At nakatitig padin sa dalaga.

"Eh bakit ako ang nagustuhan mo? Andaming magaganda sa opisina niyo." Yumuko ito.

"Hindi ko din alam kung anong meron sa iyo at ikaw ang napusuan ko."
Kinuha nito ang k**ay ni Abby.
At tinanong ito kung papayag ba ito na ligawan niya.

"Pag-iisipan ko muna Dan."

At bumalik na nga ito sa kwarto.

Di makatulog si Abby. Gayun din si Dan.

Gusto i-text ni Dan si Abby ngunit baka natutulog na ito.

Ganun din si Abby. Ngunit naguguluhan pa ito.

Magkahalong tuwa at pangamba ang naradamdaman nito.

Tuwa kase di nito akalain na may gusto pala sa kanya si Dan.

Pangamba dahil mag da-dalawang buwan palang ng makaranas siya ng pagkabigo sa pag-ibig.

Natatakot ito na baka maulit na maiwan ulit ito sa ere.

Nangangamba din si Dan. Na ngayong alam na ni Abby ang totoo nitong nararamdaman para sa kanya ay baka umiwas nalang itong bigla.

"Danilo! Kahit di siya pumayag na ligawan mo ay ligawan mo padin siya! Di ako titigil hanggat di nagiging akin ang puso ni Abby." Wika nito sa sarili at nakatulog na ito.

------------

Good Morning! Pasensya na ulit ito lang nakayanan. Next UD po natin mamayang gabi na. Busy nanaman po kase si Author. Salamat po sa pag intindi mga mahal kong readers!

Móòn Wrïter Grasya San Antonio

TITLE : I FINALLY FOUND YOU!CHAPTER 16SA MANSYON.Nakarating na nga sina Abby at Albert sa Mansyon at agad itong sinalubo...
09/02/2025

TITLE : I FINALLY FOUND YOU!

CHAPTER 16

SA MANSYON.

Nakarating na nga sina Abby at Albert sa Mansyon at agad itong sinalubong ng Mag-asawang Acosta.

"Good Day tita and tito." Bati ni albert

"Good Day po M-mom and D-dad!". Nahihiyang bati nito at nagulat naman si Albert sa mga tawag nito sa mag asawa.

"Good Day sa inyong dalawa! Halikayo at pumasok na sa loob. Nagpahanda ako ng almusal." Wika ng Mommy ni Dan at naglakad na nga sila papuntang dining area.

Palapit na sila sa dining area ng palingon-lingon sa paligid na tila may hinahanap ang dalaga.

Di na ito nakatiis kaya nagsimula na itong magtanong.

"Mommy, kamusta na po si Dan?" Nag-aalalang tanong nito.

Nagtinginan ang mag-asawa bago sumagot ang Mommy nito.

"Nasa kwarto iha! Mataas padin ang lagnat. Kakatapos lang nya uminom ng g@mot kaya huwag kanang mag-alala." Paninigurado nito para di mag-alala ang dalaga.

"Puwede ko po ba siyang puntahan?" Muling tanong nito.

"Go ahead iha." Tugon ni Don Felix.

Pinuntahan na nga nito ang kwarto ng binata.

Kumatok ito ngunit walang sumasagot.
Kaya dahan-dahan nito pinihit ang door k**b at ng mabuksan ito ay tumambad sa kanya ang natutulog na si Dan.

Mamula-mula ang mukha nito.

Nakaramdam ito ng awa sa binata.

Dahan dahan inilapat nito ang palad sa noo ng binata at naramdaman ang taas ng lagnat nito.
Di na namalayan ng dalaga na biglang tumulo ang kaniyang luha.

Mabuti nalang at may dumating na maid sa kwarto at nagpakuha ito ng maliit na palanggana at Bimpo.

Bahagyang pinunasan ng dalaga si Dan mula ulo hanggang sa mga braso nito. Pati under arms para mabawasan ang init ng katawan nito. Sa ginagawa nito tila hindi nagigising ang binata.

Inalalayan naman ng maid si Abby sa mga ginagawa nito. Di na napansin ng dalaga na nasa pinto ng kwarto ang mag-asawa Acosta.

Hinayaan siya sa kanyang ginagawa sa binata.

Mag a-alas tres na ng hapon ng magising si Dan. Bahagya na itong pinagpawisan at nawala na ang panlalmig ng katawan at lagnat nito.

Bahagya na sana itong u-upo ngunit may nahawakan ito na tila buhok sa gilid ng k**a nito. At nakita nalamang nito si Abby.

Naka tulog ito. Batid ng binata na siguro maaga ito nagising kanina. Hinayaan lamang nito na matulog ang dalaga.

Di nito maiwasan na titigan ang mukha nito. Napakaganda talaga.

Dahan-dahan itong u-upo ng biglang nagising ang dalaga.

"Gising kana pala, kamusta na pakiramdam mo?" Alala padin ang tono ng pananalita nito.

"Sobrang taas ng lagnat mo kanina."

"Bu-buti andito ka?" Nagtataka nalang na tanong ng binata.

"Bakit, ayaw mo ba?" Patayo na sana ito ng biglang pinigilan ito ni Dan sa pamamagitan ng paghawak sa k**ay nito.

"No! I'm Glad, you're here." At nakatitig ito kay Abby.

Muling naupo ang dalaga.

"Gutom kanaba? Papahain nako ng makakain mo para makainom kana ng g@mot."

"Wag na, nandito kana e kaya okay nako." Mahinang pagkakasabi nito pero sapat na para maintindihan ni Abby.

"Ano?" Gulat na tanong nito na tila nakaramdam ng pagkainit ng mga pisngi.

"Wala! Sabi ko sige po. Sabayan mo na ako kumain ah." Natatawa itong humiga ulit.

"Hala to! May nararamdaman na masakit sa katawan e nakukuha pang gumanyan." Inis na wika nito.

Patalikod na ito ng humirit pa ng biro si Dan.

"Ikaw ba naman, mahulugan ng 100kilos sa katawan." Natatawang sambit nito.

"Huy anong 100kilos ka dyan!" Umismid ito at lumabas ng kwarto.

Inabot na ng gabi si Abby sa Mansyon. Kanina pa nakauwi si Albert at hindi na nito nahintay magising ang kaibigan.

Sa dining Area naman ay nagsasalo-salo ng hapunan ang pamilya Acosta kasama si Abby.

"Abby gabi na. Dito ka na matulog. Ipapayos ko ang guest room." Panghihikayat ng Mommy ni Dan at sinang-ayunan ito ng mag-ama.

"Nakupo nakakahiya po Mommy." Tugon nito.

"Di kana iba sa amin iha. At mas panatag kami na dumito ka kaysa sa magbyahe ka pauwi mag-isa." Dagdag pa nito.

"Kung ayaw niya Mom ihahatid ko nalang siya." Suhisyon ng binata na syang tinutulan ng dalaga.

"Hindi! Magpahinga ka lang Dan. Dito na ako matutulog." At nagpatuloy na sila sa pagkain.

Nakaligo na si Abby at handa na matulog ng makareceived ito ng text galing kay Dan.

"Are you still Awake?"

"Oo, bakit?" Reply nito.

"Can we talk?"

"Eto na nga eh katext mo na ako di paba tayo nag-uusap?"

"Yeah I know, what I mean is I want to talk to you in person." Muling reply nito.

"Okay!"

Paglabas nito ay nakaabang sa may pinto si Dan. Hinawakan nito ang k**ay ng dalaga di na ito tinutulan ng dalaga at naglakad na sila patungong balkonahe.

"Ang ganda!" Nawika ng dalaga habang nakatanaw sa kalangitan.

"I knew it! You will like this place." Nakangiting wika nito at nakatingin sa dalaga.

"But you know what's the most beautiful in this place?" Nakatitig padin sa babaeng nakatingala sa kalangitan.

"Eh ano?" Nakatingala padin ito.

"Yung nandito ka!" Nakangiti padin itong nakatitig sa dalaga. Pagkasabi nito ay may lumitaw na bulalakaw sa kalangitan.

Biglang napatingin si Abby kay Dan at nagtama ang kanilang mga mata.

----------
Sensya po super late. At ito lang din ang kinayang i-type.
Madami po kase tinatapos si Author!
Salamat po sa pag intindi

Grasya San Antonio Móòn Wrïter

CHAPTER 17: https://www.facebook.com/share/p/1BYzqChhNC/?mibextid=wwXIfr

Good Afternoon ulit! Nasimulan ko na mag type pero panandalian ko munang ititigil dahil kasalukuyan  kame nagbabyahe pau...
09/02/2025

Good Afternoon ulit! Nasimulan ko na mag type pero panandalian ko munang ititigil dahil kasalukuyan kame nagbabyahe pauwi ng bulacan. Expect nyo po na mapopost ito around 8pm. Para mahabaan ko pa ng kaunti yung chapter 16! Salamat po sa pag-unawa!

09/02/2025

Nakakainis no? Kase misyon ni Dan na mapa-ibig si Abby pero parang wala siyang ginagawa. Isipin nyo nalang mga bagay na ginawa nya para mapagtanggol lang si Abby.

Good afternoon! Pareho kaseng mahal both pero patingin ako kung alin ang marami at active sa inyo
09/02/2025

Good afternoon! Pareho kaseng mahal both pero patingin ako kung alin ang marami at active sa inyo

TITLE: I FINALLY FOUND YOU!CHAPTER 15ABBY'S POV"Pasalamat ito at totoong pogi to! Hayyy" bulong nito sa sariliAt tumungt...
09/02/2025

TITLE: I FINALLY FOUND YOU!

CHAPTER 15

ABBY'S POV

"Pasalamat ito at totoong pogi to! Hayyy" bulong nito sa sarili
At tumungtong na nga ito sa upuan.

Matagumpay ito na i-plug ang saks@kan ng extension at akma na itong bababa sa upuan ng biglang pakiramdam nito ay may nabali isa sa paa ng upuan.

Inaasahan nito ang kaniyang pagbags@k kaya naman wala na itong nagawa kundi ang ipikit ang mga mata. Na tila handa na ito sa kung ano mang mararamdaman na sakit pagkatapos ng pangyayari.

Ngunit nagtataka ito ng parang walang nangyare sa kaniya. Kaya naman ay idinilat na nito ang kanyang mga mata at tumambad nga dito ang nakatitig sa kanya na si Danilo.

Natauhan itong bigla ng naramdaman nito magkalapat na pala ang kanilang mga labi.

Nakaramdam ng pagkahiya ito kaya agad itong tumayo. Tinulungan nito tumayo ang binata at pat@y m@lisya ito na kunwari wala lang sa kanya ang mga naganap.

Nakahinga ito ng maluwag ng may kumatok sa pinto na tila sa wakas mayroon puputol sa tensyon na kanyang nararamdaman.

Ngunit lalo pala magpapalala ng pagkagulo ng isipan nito ng bumungad sakanya si Jerome. Kita sa mga mata nito ang pag-aalala ngunit hindi na apektado ang dalaga dito.

Ang labis na nakaapekto sa kanya ay ang mga salitang binitawan ni Danilo.

"Don't worry! She's Fine! Kase nasalo ko siya!"

"-Don't worry! I won't let her get hurt! Di tulad ng iba diyan!"

Ilang oras na nga ang nakalipas ay di padin nito kinikibuan si Danilo.

Hindi nito magawang sumulyap sa binata kahit panay naman ang pagtatanong nito sa kanya.

Tangin pagtango at pag iling lang ang kaya nitong itugon dito.
Sariw@ pa sa isip nito ang mga naganap kanina.

At kahit nang ihatid ito sa bahay nito ay di din ito kumikibo.

Hanggang sa magpaalam na ang binata at sabihan ito na kung di kayang pumasok ay mag sabi lang.

Nasa kwarto na ito at nahiga. Gulong gulo ang isip nito.

Ulit ulit naglalaro sa isipan nito ang mga binitawang salita ni Danilo kay Jerome.

"Bakit ba nya nasabi yun? Part ba ito ng kasunduan namin?" Naguguluhan ito at bigla nanaman naisip ang pagkakahulog nito kanina.

"Bakit ba kase andun siya? Bakit kase paano niya nagawang masalo ako? Hala baka nasaktan siya!" Pag-aalala nito at napahawak iyo sa kaniyang mga labi.

"Bakit ganon? Kakaiba eh! Di ko naman naramdaman ito noon kay Jerome. Ibang h@lik ang ginagawa ni Jerome! Mas matindi pa pero itong kay Dan na lapat lang?" Sinamp@l nito ang kanyang sarili.

"Abby! Please lang! Wag mong bigyan ng malisya iyon! Aksidente lang ang mga nangyare at siguradong hindi ito ginusto ni Dan! At sigurado akong wala lang sa kanya iyon! Alalahanin mo na nagpapanggap lang kayong magkasintahan." Paalala nito sa sarili.

Nabasa nito ang mga text ni Dan ngunit hindi na nito nagawang replyan.

Kinaumagahan. Maaga nagising si Abby. Hindi na nito nagawa pang itext si Dan para sunduin siya kaya naman nagcommute na lamang ito.

Di din naman nakuhang tumawag ng binata sa kanya at baka abala na ito sa opisina.

Pagdating nito sa Opisina. Gulat lamang ito ng napansin na madilim pa sa opisina nito. Tanda na tila wala pang pumapasok dito. Di na tinangka ni Abby na buksan ang opisina patalikod na ito sa pinto at idadial ang numero ng binata ng mabangg@ nito si Albert.

"Ay sorry!" Yumuko ito.

"Okay lang Abby!" Tugon nito.

"Umalis ba si Dan? Wala kase siya sa opisina eh. Di ko na siya natawagan kagabi kaya di ako nasundo." Tanong nito sa kaibigan ni Dan.

"Nagtataka din ako kanina eh. Pero tumawag na ako sa bahay nila. Di ko din kase macontact phone ni Dan. Ang sabi may sakit daw!"

"What? May sakit? Anong sakit naman?" Nag-aalalang tanong nito.

"Lagnat daw at sobrang sakit ng katawan." Muling tugon nito.

Nag-alala bigla si Abby dahil iniisip nito na siya ang dahilan ng pagkakasakit nito. Bukod sa sinalo siya ni Dan ay malamang nasaktan ito sa pagkakabasak nito sa sahig.

"Pupuntahan ko siya." Paalis na sana ito ng pigilan ito ni Albert.

"Hintayin mo ako! Sabay na tayo pumunta sa kanila."

Tumango nalamang si Abby at Tinungo na nga nila ang Mansyon nila Dan.

Móòn Wrïter

CHAPTER 16
https://www.facebook.com/share/p/15EcYvbMbX/?mibextid=wwXIfr

Typing na po ♥️
09/02/2025

Typing na po ♥️

Lesson learned! Wag magpapakulay ng buhok lalo na p**a 😂
09/02/2025

Lesson learned! Wag magpapakulay ng buhok lalo na p**a 😂

Noon pa lagi ako napapatanong sa isip ko na inspired ba itong AMNSE sa TBAYD? Pero okay naman parehong maganda pero mas bet ko TBAYD kasi more on actions and I like that. Pero nakakasad yung dalawang red hair di pinili😩😂

Anyone Who read my prologue? Is it coincidence? Kalokang 7years na yan!Pero maiba ako, Isa din kayang marilag si Janice ...
09/02/2025

Anyone Who read my prologue? Is it coincidence? Kalokang 7years na yan!

Pero maiba ako, Isa din kayang marilag si Janice kaya ito pinili ni Jerome over Abby na 7years nitong karelasyon? Char

TITLE : I FINALLY FOUND YOU!CHAPTER 14DANILO's POVKanina pa walang imik si Abby. Nababahala ang binata sa kung anong ini...
08/02/2025

TITLE : I FINALLY FOUND YOU!

CHAPTER 14

DANILO's POV

Kanina pa walang imik si Abby. Nababahala ang binata sa kung anong iniisip nito.

"Okay lang kaya siya? Nasaktan ba siya kanina sa pagbags@k niya?" Alalang tanong nito sa sarili.

Napahawak din ito sa balakang nito medyo makirot. Nabigla ata sa pagb@gsak ni Abby sa kaniya.

Di ito tumitingin sa binata. Natatakot itong baka lumayo ang loob nito dahil sa nangyari.

Sa kabilang banda, di makalimutan ni Dan kung paano naglapat ang kanilang mga labi. Oo lapat lang yun pero grabe ang pakiramdam nito.

Yung tipong di baleng masaktan ito sa pagkakasalo kay Abby importante sa kaniya ay nangyare yung gusto niya kahit lapat lang.

May pang hihinayang itong nadarama.
Yun ay sana'y pinigilan niya ito sa pag tayo. Gustong kumilos ng mga labi nito kanina subalit pinigilan niya ito.

Alam niya ang limitasyon niya.

Baka pag nangyari yun ay masamp@l siya ng dalaga.

At higit sa lahat ay wala naman talagang sila.

"Hindi kaya kaya din ito nanahimik dahil sa mga nasabi nito kay Jerome? Napasobra ata ako!" Sabi nito muli sa kanyang sarili.

Tumayo ito at nagtungo ng Mini kitchen.
At pag balik nito ay madala itong Coffee jelly at inilagay sa table ng dalaga.

"Coffee break ka muna!" Wika nito

Tumango lamang ang dalaga.

"Okay kalang ba? May masakit ba sayo?" Sunod sunod na tanong nito dahil hindi ito mapakali na parang di kumportable ang dalaga.

"O-okay lang ako Da- Sir Dan!"nauutal na sagot nito.

"Magsabi ka lang kung may masakit sayo para madala kita sa Clinic."

Umiling lamang ang dalaga.

Patuloy paring nababahala ang binata sa kinikilos ng dalaga.

Hanggang sa Ihatid nito ito sa Bahay nagpasalamat lamang to at tuluyan ng pumasok sa bahay.

Nakarating na ng Mansyon si Dan.
Tinetext nito ang dalaga ngunit hindi ito nagrereply.

"Kung di mo kaya pumasok bukas, magpahinga ka na muna. Magtext ka nalang pag okay kana! Goodnight." Text nito ngunit wala padin itong reply.

Gusto nito tanungin ang dalaga kung anong problema kaya naka ilang compose ito ng message ngunit di nito magawang isend.

"Sorry sa nangyari kanina." Binura din nito.
"Bakit ka biglang di naimik kanina? Dahil na ito kay Jerome?" Binura ulit nito.

"Kaya kaba nagkakaganyan dahil sa aksidenteng halik kanina?" Binura ulit ito ng binata.

Napabuntong hininga ito at nahiga sa k**a.
Pagkatapos ng pagpapahinga ay dumiretso na ito sa shower para maligo.

Nagtungo na sa Dinning Area si Dan dahil mula ng nakasama nito si Abby ay ngayon nalamang din ito nakasabay kumain sa Magulang.

"Kamusta iho?" Bati ng Mommy nito.

"Okay lang po Mommy!"
Dahan dahan nitong kinuha ang kanyang Kubyertos ng magsalita ang kaniyang ama.

"Kamusta si Abby? Nagkak**abutihan naba kayo? "


"No Dad. Feeling ko hindi mangyayari iyon." Sagot nito na sa mahinang tono.

"Sayang! Gusto pa naman namin siya." Panghihinayang nito.

"Tumawag sa akin kanina si Ninong Leo mo! Pauwi na ito ng pinas. Kasama niyang uuwi yung unika iha niya. Kung di mo mapapaibig si Abby ipapakilala na kita sa anak ng Ninong mo."

Di na kumibo si Danilo.

"Hon, hayaan na muna natin siya. Bigyan natin siya ng oras para mag isip."

"Ilang linggo nalang ay pupunta na tayong States. Kaya bago pa man tayo makaalis dapat mayron ng siguradong mapapakasalan ang anak natin." Seryoso si Don Felix sa mga tinuran nito.

"Saka matagal na namin usapan ng ninong mo ito na kapag pareho padin kayong single ng unika iha niya ipagkakasundo namin kayo." Dagdag muli nito saka nagpatuloy sa pagkain.

Malalim ang iniisip ni Danilo.
May ilang linggo pa naman pero ipipilit paba nito ang pagpapa-ibig sa dalaga?

-------------
Eto lang po muna ang kinaya para po may ud tayo ngayong morning! Post po ako ulit mga after lunch.

Móòn Wrïter

Chapter 15 : https://www.facebook.com/share/p/18dPuUQ5Z2/?mibextid=wwXIfr

08/02/2025

Kung naghahanap kayo ng s@ksak@n diyan hanapin nyo lang si Danilo! Kase sya ay s@ksak@n ng pogi 😂

08/02/2025

From Yakap, hawak k**ay, klss sa noo to Klss sa Lips! Huy lumevel up Fafa Dan Natin! Abangan ang POV Ni Abby at Dan bukas😍

TITLE: I FINALLY FOUND YOU!CHAPTER 13Nanatiling nakatitig ang dalaga sa binatang papalapit.Natauhan lamang ang dalaga ng...
08/02/2025

TITLE: I FINALLY FOUND YOU!

CHAPTER 13

Nanatiling nakatitig ang dalaga sa binatang papalapit.
Natauhan lamang ang dalaga ng

Kumaway ito ng malapitan sa mukha nito. At dito napagtanto ng dalaga ng nasa harapan na pala nito si Danilo.

Nahalata nito na nakatulala ito na nakatitig sa kanya.

"Ang lalim ng titig mo este ng iniisip mo ah!" Pabirong natatawang sabi nito sa dalaga at pagkatapos ay tinuon ang pansin sa katabi nito at abot ng k**ay kay Lemuel para makipag shake hands.

"Kamusta? Its nice to See you Again!" Bati nito.

"Ayos lang." sabay abot sa k**ay ng binata nagpigil ito ng kilig sapagkat naramdaman nito ang lambot ng mga palad nito.

"Maupo kana." Sabay turo ni Abby sa harapang upuan nito subalit mas pinili ng binata na umupo sa tabi nito.

Agad ng kinausap ni Danilo si Lemuel patungkol sa usapan nila ni Abby.

"Alam kong alam mo na kung bakit kailangan namin magkita at magkasama sa Opisina ni Abby." Biglang seryosong tono nito.

"Sana sa atin atin nalang ito at di na malalaman pa ng iba. " Dagdag nito.

"Yes no problem!" Tugon nalamang ni Lemeul.

Ang bilis ng ng Araw at Lunes nanaman. Balik sa dating gawi.

Maaga nanaman sinundo ni Danilo si Abby.

Habang nagmamaneho. Sinimulan ni Danilo ang pagtatanong tungkol sa kaibigan nitong si Lemuel.

"Bata palang ako kasama ko na siya. Halos sabay na kami lumaki. Lahat ng napagdaanan ko nasaksihan niya." Napabuntong hininga ito.

"Kaya mapagkakatiwalaan ko siya sa lahat ng bagay. Mula ng mawala magulang ko di niya ako iniwan. Pati noong naghiwalay kame ni Jerome siya lang din ang karamay ko." Dagdag nito.

"Maswerte ka at may kaibigan kang ganiyan. Bilib ako sa kaibigan mo! Sayang lang at babae ang kaniyang puso."

"Bakit mo naman nasabing sayang?" Nagtatakang tanong nito.

"Siguro kung hindi siya ganyan marahil niligawan kana niya." Biro nito.

"Oo nga no? Teka baka mapabago ko siya!" Sinakyan nito ang biro ng Binata na siyang kinainis nito.

"Oh bakit bigla kang sumimangot diyan?" Natatawa nalang si Abby sa kinikilos nito at siniko pa ito sa tagiliran.

"Hey! Stop It! Can't you see I'm Driving?!" Seryosong tono nito.

"Oopps sorry!" At nanahimik ito sa kinauupuan nito.

"Hayyy kung di lang kita gusto!" Sabi nalamang ng binata sa isipan nito.

Under renovation ang opisina ni Danilo kaya pansamantalang lumipat ang mga ito sa kabilang bakanteng opisina.

"Hala, iisa lang ang socket dito?" Napansin nito na iisa ngalang ang socket at ang taas pa kung saan ito naka pwesto.

"Wala na bang ibang saks@k@n?"

"Meron." Sagot nito tila na natatawa ang tono.

"Saan?" Palingon-lingon ito sa paligid at hinahanap kung saan.

"Eto oh!" Sabay pose ng pogi sign nito at natatawa.

"Raulo to!" Naiinis na si Abby.

"Ay oo nga pala. Isa lang ang Socket dito, Gamit na muna tayo ng extension. Check mo nalang Dyan sa drawer." At tinuro nga nito ang drawer.

"Hayy akala ko ba Fake Girl friend bakit ngayon naging utusan!" Sabi nito sa isip nito at kinuha na nga ang Extension.

Busy si Dan sa pagse-set up ng table kaya di na ito inistorbo pa ni Abby kaya siya nalang ang nag s@ks@k ng Extension.

Kumuha ito ng Upuan na galing din sa bakanteng opisina.

Agad naman nakaagaw ng atensyon ni Dan ang ginagawa ng dalaga kaya agad niya itong nilapitan para alalayan.

Naikabit na nga ang Extension sa socket at akmang bababa na si Abby ng biglang bumigay ang isang paa ng upuan.

Napapikit nalamang ito at napasigaw.

At ng tuluyang bumagsak sa sahig ay di naman ito nasaktan.

Ngunit pag dilat ng mga mata nito ay natagpuan nito ang sarili na nakatitig sa mga mata ni Dan.

Saka nalang din nito naramdaman na naglapat ang kanilang mga labi.

Sampong segundo ang itinagal ng pagkakalapat ng mga labi nito at ng matauhan ay agad itong tumayo.

"Hala sorry Dan! Na-nasaktan kaba?" Inalalayan nito sa pagtayo ang binata.

Umiling lang ito at natatawa.

Biglang may kumatok sa pinto ng opisina at agad namang binuksan ni Dan at bumungad sa kaniya si Jerome.

"Anong nangyari Si-Sir? Bakit po napasigaw si Abby? " nag-aalalang tanong nito.

"Wala naputol kase yung chair pinagtuntungan niya kanina!"

"Are you Ok Abby?" Sabay baling ng tingin kay Abby na akmang sasagot na sana ngunit inunahan siya ni Dan.

"Don't worry! She's Fine! Kase nasalo ko siya!" Seryosong tugon nito at nakatingin ng masama kay Jerome.

Isasarado na sana ni Dan ang pinto ngunit pinigilan niya ito at sinabi kay Jerome.

"-Don't worry! I won't let her get hurt! Di tulad ng iba diyan!" Sakrastikong tono ang pagkakasabi nito sabay sarado ng pinto.

Móòn Wrïter

Chapter 14: https://www.facebook.com/share/1F3nt3LuoZ/?mibextid=wwXIfr

08/02/2025

Mga Dahilan ni Author bakit pabitin bitin ang kada Chapter.

1. Tinamad hahah Joke lang po! Madami po kaseng gawain si Author pag lang free time saka ako nakakapag type.

2. Pag di ko ki-nut ang kwento tapos ito agad at wala na kayong aabangan. Sayang naman kung matatapos agad yung kwento. Baka mabitin din kayo sa ending.

3. May proseso before ko ipost yung natapos kong chapter. Double checking sa mga words baka may mali na maaaring dahilan ng pagkalito ng mga readers.

4. Pinag iisipan ko mabuti kung anong scene ang isusulat ko para mas kaabang abang

5. Itinutugma ko yung mga bawat chapter lalo na kung may missing na pangyayare sa naunang chapter na napost doon ko po ilalagay sa susunod na chapter.

Madali lang mag type pero mahirap yung gumawa ka ng kwento na aabangan ng Readers. Yung di sila mabobored.

Baguhan lang din po ako sa Paggawa ng kwento at alam ko madami pa ako dapat matutunan. Kaya salamat po dahil madami po agad nakasupport sa mga gawa ko❤️

Maraming Salamat po sa mga makakaunawa🥰

TITLE: I FINALLY FOUND YOUCHAPTER 129am na ng magising si Abby. Sabado kaya makakapagpahinga ito sa pag gising ng maaga....
08/02/2025

TITLE: I FINALLY FOUND YOU

CHAPTER 12

9am na ng magising si Abby. Sabado kaya makakapagpahinga ito sa pag gising ng maaga.

Pag tingin nito sa kanyang phone ay meron itong 4 unread messages.

Pag bukas nito ay tumambad sa kanya ang mga text ni Dan.

"Hi! Are you Still Awake?"

"I'm Home na! Thanks sa time mo kanina!"

"Please call me pag gising mo bukas."

"Aayain sana kitang mamasyal bukas."
- mga text ni Dan.

"Hays di paba to nagsasawa? Almost buong araw na kasama sa opisina at saka lagi pang late umuwi mula Monday to Friday tapos pati ba naman Saturday gusto pa isama sa kasunduan!" Naiinis na wika nito at nahigang muli sa k**a saka bahagyang ngumiti.

" ....... Good Morning! Okay sige anong oras?" Reply nito sa text ni Dan.

"Diyos ko Abby! Bakita ka pumayag?!" Nagkulubong ito ng kumot at napabalikwas ito sa pagkakahiga ng Narinig ang pagtunog ng kanyang Telepono. Hindi na nito nakuhang tignan kung sino ang tumatawag agad nalamang nito itinapat sa kaniyang tenga at nasabi nalang ng-

"Aba bakit pati Saturday ko dapat magkasama tayo? Kasama ba yun sa kasunduan natin?" Wika nito na may halong pagtataray ngunit nakangiti ito.

"Hoy akla ka! Anong pinagsasabi mo?" Si Lemuel pala ang tumawag.

Napatingin ito agad sa screen ng phone nito at agad ibinalik sa tainga nito.

Nagulat ito dahil si Lemuel pala ang tumawag.

"Hala akla ikaw pala yan! Sorry!" Natatarantang sagot nito.

"Teka akla, sino ba ang inaaasahan mong tatawag sayo ha? At saka anong Kasunduan ang pinagsasabi mo? Nawala lang ako ng one week e parang may kababaglaghang nangyayare sayo!" Pataray na sagot nito sa dalaga.

"Abay teka lang bago kita sagutin, nasaan kanaba? Kita tayo para sa personal natin pag-usapan."
Natataranta ito at di alam paano sasabihin sa kaibigan ang mga naganap noong huling linggong wala siya.

Nagkita sila nito sa isang Restaurant. Naikwento na nga ni Abby lahat ng mga naganap at ang tungkol sa kasunduan nila ni Dan.

Naikwento din nito ang tungkol sa pagkikita nila ni Jerome at ng babaeng ipinalit dito.

"Wow akla ka! Ang ganda ng trabaho mo ah!" Yung inis ng kaibigan kanina ay napalitan ng tuwa at kilig.

"Wala bang kaibigan ang Boss mo na nangangailangan ng Fake Girl friend? Uy irecommend mo naman ako!" Biro nito sabay tawa.

"Gag@ ka talaga akla!" Natutuwang tugon nito.

"I'm glad that you're doing fine akla." Pangiting wika nito sa kaibigan.

Tinugunan lamang nito ng ngiti ni Abby.

"Ang swerte mo kay Dan Akla! Para siyang Knight in Shining Armor mo everytime na mapupunta ka sa alanganing sitwasyon."

"Oo nga no akla! Di ko alam pero hulog siya ng langit sa akin." Nakangiti padin ito at inaalala nga ang bawat pagsagip sa kanya nito tuwing nasa alanganing sitwasyon.

"But how's your heart? " tumitig ito sa kaibigan.

"Alam mo sa sitwasyon nyo di maiiwasan na mahulog kayo or isa lang sa inyo." Biglang nakaramdam ng pag-aalala ito.

Umiling ito at napaisip.

"Di naman siguro akla! Iniiwasan ko din na mahulog dahil di pa ako handa para sa bagong pag-ibig. Parang wala na akong tiwala!" Bumuntong hininga ito.

Tinapik ni Lemuel ang balikat nito.

"Naitanong ko na din iyan sa kanya akla, di naman daw siguro ang sagot niya kaya naman dapat ako lalong mag ingat." Kinuha nito ang kape nito at bahagyang humigop.

"Alam ko din kase na pag nangyari yon ako ang talo akla." Nakatitig nalamang ito sa tasa na hawak hawak nito.

" kung sa tingin mong bibigay ka akla pwede ka naman siguro bumitaw sa kundisyon nyo."

Natigilan na sa pag uusap ang dalawang magkaibigan ng natanaw na sa labas ang kotse ni Danilo.

Habang papalapit ito sa kanilang table Tinitigan ito ni Abby.

"Imposible na magkagusto to sa akin! Kaya lagi kong ipapaalala sa sarili ko na dapat maging matigas ako." Wika nito sa isip nito.

---------------

Kaya niyo paba? Since Walang pasok ang bebe ko at nasa bahay ako ni Móòn Wrïter ay makakapagpost ako later ng Chapter 13!

Ano sa tingin nyo ang lagay ng puso ni Abby kay Dan?

Wag kakalimutan magre@ct at Comm3nt sa post na ito kung anong masasabi niyo sa Chapter ngayon at i-sh@re ang aking post para po madami po makabasa ng kwento nila Dan at Abby.

Chapter 13 : https://www.facebook.com/share/15zP6Qgjbq/?mibextid=wwXIfr

Address

San Simon

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Athena Kim posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Athena Kim:

Videos

Share