25/05/2020
Matapos ilabas ng LTO ang IRR ng RA 11235 Crime Prevention Act DOBLE PLAKA ni GORDON nag hugas kamay at ipinasa sa Kongreso at sa pangulong Duterte.
Dati na natin Inaabangan ang pagpapalabas ng LTO ng IRR, ang masakit na hindi dapat natin ipagwalang bahala ay itinaon pa ito ng kasagsagan ng pananalasa ng EPEDIMYA at ang lahat ay naapektuhan ng husto sa maraming bagay.
Hayaan nyo akung balikan ang mga hakbang natin na nagawa sa pagharap sa prosiso ng pagsasa batas ng Doble Plaka gabay ang SENSIRO at SAKREPISYO sa pagdalo sa Kongreso sa halos isang taon mahigit na nagluwal ng pansamantalang pagkapanalo at nauwi ito sa pagbasura ng BY CAM na kagustuhan din ni Gordon ang nasunod.
Pinasok natin ang Senado at Malacanang, Pag apela at isinagawa natin ang mga protista at pagkilos sa Social medya, lansangan, medya at marami pang iba. Nagluwal ito ng mas malawak na suporta at pakikiisa ng buong riding community na nag resulta ng pansamantalang panalo na kahit ang pangulong Duterte ay nagsalita.
Nagawa rin natin na ikutin ang ibat ibang parte ng Pilipinas para sa Unification at Clarification na tinawag nating RIDERS FORUM for RA 11235 Doble Plaka na nilahukan ng Riding Community...
Unang isinagawa ang Riders Forum sa Davao na inihanda ng Riders of Mindanao, General Santos, Aklan, Bacolod, Cebu, Iloilo, San Estiban Ilocos Sur, Tacloban, Central Luzon, CALABARZON at sa iba pa...
Naihanda na rin ang dalawang private Law Firm na nilapitang hahawak sa ating Legal na hakbangin.
Hangad natin ang mga sumusunod:
Una, makakuha tayo ng Restraining Order
Pangalawa, Ma amindahan ng Senado at Kongreso sa minimum sa maximum maipawalang bisa.
Tayo sa Riders of The Philippines ay naniniwala na ang ating mga pinagdaanang hakbang o ginanawa sa nakaraan na nagluwal ng pagkakaisa ay muli nating maipanumbalik natitiyak natin na maaabot ang tunay na tagumpay. Manatili po ang bawat isa na solido at bukas sa mga posibling hakbangin at pagtotulungan
Sa ngayon dahil umiiral ang Quarantine inaapela namin sa lahat na kahit sa sempling pagpapalit ng Profile Picture gamit ang No To Doble Plaka! Rider Kami Hindi kami Kriminal ay pagtulongan nating mapalawak ito bilang simbulo ng Inyong pakikiisa at kung kakayanin ay makapag post kayo ng Inyong sariling openyon pakiusap nalang na sikapin natin na maging mahinàhon.
Mahabà na po at Salamat sa Inyong Pagbasa, Pang unawa at Pakikiisa.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2715068598605489&id=100003071263901
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=333952097261063&id=168742127115395