Diskurso TV

Diskurso TV Salitang may gawa. More stories at Diskurso.ph

DISKURSO EDITORIAL 🤝Sa kabila ng kontrobersiya na kadalasang bumabalot sa political dynasties, mahalagang suriin ang mga...
13/01/2025

DISKURSO EDITORIAL 🤝

Sa kabila ng kontrobersiya na kadalasang bumabalot sa political dynasties, mahalagang suriin ang mga benepisyong maaaring dala ng ganitong uri ng sistema, batay sa isanf pag-aaral. Ang kanilang pananaliksik na nakatuon sa Japan ay nagbigay-liwanag sa ilang positibong aspeto ng political dynasties na maaaring magtulak ng kaunlaran sa isang bansa.

Tinalakay sa editorial ang mga benepisyong dala ng political dynasties tulad ng political stability at policy continuity, batay sa pag-aaral nina Asako, T., et al. (2015). Gayunpaman, binigyang-diin din ang panganib ng katiwalian at abuso sa kapangyarihan kung walang sapat na transparency at account...

Ang digital lending market sa Pilipinas ay tinatayang lalampas sa $1 bilyon ngayong 2025, sanhi ng mataas na demand mula...
11/01/2025

Ang digital lending market sa Pilipinas ay tinatayang lalampas sa $1 bilyon ngayong 2025, sanhi ng mataas na demand mula sa mga konsyumer para sa mga online na teknolohiya. Ayon sa isang bagong pagsusuri ng Digido, ang digital lending market sa bansa, na binubuo ng mga rehistradong non-bank digital lenders at digital banks, ay inaasahang tatawid sa $1 bilyon sa ikalawang kalahati ng 2025. 💰

Inaasahang tatawid sa $1 bilyon ang digital lending market sa Pilipinas sa 2025, sanhi ng patuloy na paglago ng demand para sa online lending platforms. Ang paglago ng merkado ay itinuturing na resulta ng mataas na paggamit ng digital solutions, lalo na sa Generation Z.

Isang makasaysayang tagumpay ang nakamit ng pambansang koponan ng Pilipinas matapos nitong talunin ang Hong Kong, 14-2, ...
10/01/2025

Isang makasaysayang tagumpay ang nakamit ng pambansang koponan ng Pilipinas matapos nitong talunin ang Hong Kong, 14-2, sa 2025 Asia-Pacific Women’s Lacrosse Championship. Dahil dito, opisyal nang nakapagkamit ng pwesto ang Pilipinas sa 2026 World Lacrosse Women’s Championship. 💪🏻

Nakapasok ang pambansang koponan ng lacrosse ng Pilipinas sa 2026 World Lacrosse Women’s Championship matapos nilang talunin ang Hong Kong, 14-2, at China, 15-3, sa 2025 Asia-Pacific Women’s Lacrosse Championship sa Australia. Ang tagumpay na ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakalahok ang ...

Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang kumakalat na mga ulat sa social media hinggil sa umano’y “international h...
10/01/2025

Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang kumakalat na mga ulat sa social media hinggil sa umano’y “international health concern” na wala namang opisyal na kumpirmasyon mula sa World Health Organization (WHO) o sa mismong bansa na binanggit sa mga post.

Walang batayan ang mga kumakalat na ulat tungkol sa isang umano’y international health concern, ayon sa Department of Health (DOH). Wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa mga apektadong bansa o mula sa World Health Organization (WHO). Hinimok ng DOH ang publiko na huwag magpakalat ng maling imp...

Masayang ipininagdiwang ng politiko at negosyante na si Manong Luis Chavit Singson ang kapaskuhan kasama ang mga Manileñ...
09/01/2025

Masayang ipininagdiwang ng politiko at negosyante na si Manong Luis Chavit Singson ang kapaskuhan kasama ang mga Manileño kabilang sa mga nagpunta ang 700 Barangay Captains sa Christmas Party na ginanap sa Binondo.

Noong Disyembre 28, 2024, nagdiwang ang 700 Barangay Captains ng Maynila sa isang espesyal na Christmas Party sa Binondo, kasama sina Isko Moreno Domagoso at ang negosyante at politiko na si Manong Chavit Singson. Ibinahagi ni Manong Chavit ang mga plano para sa pagpapalago ng VBank, isang bangko pa...

Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magpapakalat ito ng mahigit 14,000 pulis para tiyakin ang s...
08/01/2025

Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magpapakalat ito ng mahigit 14,000 pulis para tiyakin ang seguridad sa Kapistahan ng Itim na sa Quiapo, Maynila sa Enero 9. Ayon kay Brig. Gen. Anthony Aberin, acting director ng NCRPO.

Magpapakalat ang NCRPO ng mahigit 14,000 pulis para tiyakin ang seguridad sa Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Enero 9, 2025. Kabilang dito ang mga pulis para sa area at route security, pati na rin ang augmentation force. Patuloy ang paggamit ng pinaigting na police visibility at anti-crime operatio...

Nagbigay ng babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa text hijacking, isang bagong paraan ng smishing kung s...
08/01/2025

Nagbigay ng babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa text hijacking, isang bagong paraan ng smishing kung saan ginagamit ng mga scammer ang pekeng SMS Sender IDs upang magpadala ng mapanlinlang na mensahe. Layunin ng modus na ito na makuha ang mga sensitibong impormasyon ng mga biktima.

Read more here para alerto tayo: https://www.diskurso.ph/technology/2024/12/19/bsp-nagbabala-sa-publiko-laban-sa-text-hijacking

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko ukol sa text hijacking, isang panibagong modus kung saan ginagamit ng mga scammer ang pekeng SMS Sender IDs upang magpadala ng mapanlinlang na mensahe. Layunin nitong makuha ang sensitibong impormasyon ng mga biktima sa pamamagitan ng mga ph...

Opisyal nang idineklara na ang Enero 9, 2025, Huwebes, ay isang special non-working day sa Lungsod ng Maynila bilang bah...
07/01/2025

Opisyal nang idineklara na ang Enero 9, 2025, Huwebes, ay isang special non-working day sa Lungsod ng Maynila bilang bahagi ng pagdiriwang ng taunang Pambansang Pista ng Itim na Nazareno.

Ang proklamasyong ito ay naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga deboto na makilahok sa mga aktibidad ng pista, kabilang na ang Traslacion, na inaasahang dadaluhan ng libu-libong mga deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Enero 9, 2025, bilang isang special non-working day sa Lungsod ng Maynila upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno. Ayon sa Simbahan ng Quiapo, inanunsyo na rin ang opisyal na ruta ng Traslacion, na magsisimula sa Quirino Gra...

Ayon kay Department of Social Welfare and Development ( ) Secretary REX Gatchalian, ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Pro...
07/01/2025

Ayon kay Department of Social Welfare and Development ( ) Secretary REX Gatchalian, ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program ( ) ay hindi isang pork barrel at hindi rin ang mga opisyal ng barangay ang may responsibilidad sa paggawa ng listahan ng mga benepisyaryo. Inilinaw ito ni Gatchalian kasunod ng pahayag ni Retiradong Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na ang cash assistance ng AKAP ay kahawig ng kontrobersyal na pork barrel at ang mga barangay officials ang nagsusumite ng listahan ng mga benepisyaryo.

Palagay ninyo, mga Ka-Diskurso?

Nilinaw ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ay hindi isang pork barrel, at walang kapangyarihan ang mga barangay official sa paggawa ng listahan ng mga benepisyaryo. Aniya, ang mga social worker ng DSWD ang may responsibilidad sa pagsusuri at pag-aprub...

Inilunsad kamakailan ang mga bagong polymer banknote denominations sa Pilipinas—500-, 100-, at 50-piso—bilang bahagi ng ...
06/01/2025

Inilunsad kamakailan ang mga bagong polymer banknote denominations sa Pilipinas—500-, 100-, at 50-piso—bilang bahagi ng inisyatiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang masiguro ang mas ligtas, mas malinis, at mas matibay na pera para sa mga Pilipino.

Inilunsad ngayong buwan ang bagong polymer banknote denominations na 500-, 100-, at 50-piso upang masiguro ang mas mataas na kalidad ng pera sa Pilipinas. Ang mga polymer banknotes ay may advanced security features, mas mahaba ang lifespan, at mas malinis dahil hindi madaling madumihan o masira. Bah...

Kasama ka sa pagbabalita, Ka-Diskurso! 📸🎥May balita ka bang gustong ibahagi? I-send na ang iyong mga larawan, dashcam vi...
06/01/2025

Kasama ka sa pagbabalita, Ka-Diskurso! 📸🎥

May balita ka bang gustong ibahagi? I-send na ang iyong mga larawan, dashcam videos, o tips sa aming page o i-email sa:
📧 [email protected]

Tulong-tulong tayo sa pagkalap ng impormasyon para sa mas makatotohanang pagbabalita. ✅

Bagamat hindi pinalad sa pangalawang leg, winakasan ng pambansang koponan ng Pilipinas ang 52 taong paghahari ng Thailan...
03/01/2025

Bagamat hindi pinalad sa pangalawang leg, winakasan ng pambansang koponan ng Pilipinas ang 52 taong paghahari ng Thailand sa kanila, tinapos ang pitong ulit na kampeon ng ASEAN at kasalukuyang world number 97 na Thailand sa huling possession, 2-1, sa Manila leg ng 2024 ASEAN Mitsubishi Electric Cup.

We're proud of you! 🏟️

Sa makasaysayang tagumpay, tinapos ng pambansang koponan ng Pilipinas ang 52 taon ng pagkatalo sa Thailand, 2-1, sa Manila leg ng 2024 ASEAN Mitsubishi Electric Cup. Pinangunahan ito ni K**e Linares na nag-iskor ng huling minuto na goal, patunay ng tibay at tiyaga ng koponan na bumangon mula sa mga....

Ayon sa Social Weather Stations (SWS), siyam sa bawat sampung  Pilipino o 90% ang positibo at may pag-asa sa taong 2025....
03/01/2025

Ayon sa Social Weather Stations (SWS), siyam sa bawat sampung Pilipino o 90% ang positibo at may pag-asa sa taong 2025. Gayunpaman, ito ay mas mababa kumpara sa 96% na nagpahayag ng pag-asa para sa Bagong Taon noong 2023.

Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula Disyembre 12 hanggang 18, 2024, 90% ng mga adultong Pilipino ang positibong naghihintay sa pagdating ng 2025. Gayunpaman, ito ay mas mababa kumpara sa 96% na nagpahayag ng pag-asa para sa Bagong Taon noong 2023. Ang kasal...

Nag-anunsyo ang Santa Rosa, Laguna ng paanyaya sa lahat ng mga magkasintahan para sa isang Kasalang Bayan kasabay ng Val...
02/01/2025

Nag-anunsyo ang Santa Rosa, Laguna ng paanyaya sa lahat ng mga magkasintahan para sa isang Kasalang Bayan kasabay ng Valentine's Day. It ay gaganapin sa darating na Pebrero 14, 2025, sa City Auditorium, Lungsod ng Santa Rosa, Laguna. Ang makasaysayang seremonyang ito ay pangungunahan ni Mayor Arlene Arcillas.

Inaanyayahan ang lahat ng magkasintahang nagnanais magpakasal sa ika-25 taong selebrasyon ng Kasalang Bayan sa Pebrero 14, 2025, sa City Auditorium, Santa Rosa, Laguna. Ang seremonya ay pangungunahan ni City Mayor Arlene Arcillas. Ito ay bukas sa lahat ng kwalipikado, siguraduhing maipasa ang mga ki...

Inanunsyo ni Department of Health Secretary Teodoro Herbosa na hindi na kinakailangan ang purchase booklet para sa mga s...
02/01/2025

Inanunsyo ni Department of Health Secretary Teodoro Herbosa na hindi na kinakailangan ang purchase booklet para sa mga senior citizens upang makuha ang kanilang 20% diskwento sa mga gamot. Pinirmahan ni Herbosa ang Administrative Order No. 2024-0017, na nagtatanggal ng requirement na ipakita ng mga senior citizens ang purchase booklet kasabay ng kanilang valid ID at reseta ng doktor upang makuha ang diskwento sa mga gamot.

Inanunsyo ni Health Secretary Teodoro J. Herbosa na hindi na kinakailangan ang purchase booklet para sa mga senior citizens upang makuha ang kanilang 20% diskwento sa gamot. Pinirmahan niya ang Administrative Order No. 2024-0017, na nagbibigay daan para mas mapadali ang proseso ng pag-avail ng diskw...

Bagong taon, bagong pwersa! 🚨Nagsanib-puwersa ang PNP Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) at ang sikat na social media platf...
01/01/2025

Bagong taon, bagong pwersa! 🚨

Nagsanib-puwersa ang PNP Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) at ang sikat na social media platform na TikTok upang talakayin ang mga isyung kaugnay ng cybercrime sa TikTok at alamin ang mga hakbang upang epektibong tugunan ang mga hamong ito.

Nagsanib-puwersa ang PNP Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) at TikTok upang talakayin ang mga isyung kaugnay ng cybercrime sa platform at maglatag ng mga hakbang laban dito. Nagpahayag ang TikTok ng suporta sa pamamagitan ng pagsasanay para sa mga imbestigador ng PNP ACG. Layunin ng kolaborasyong ito n...

Sa ginanap na flag-raising ceremony at Family Day ng Department of Finance (DOF) kamakailan, pinasalamatan ni Finance Se...
31/12/2024

Sa ginanap na flag-raising ceremony at Family Day ng Department of Finance (DOF) kamakailan, pinasalamatan ni Finance Secretary Recto ang mga empleyado ng kagawaran para sa kanilang walang pagod na paglilingkod sa bayan. Ayon kay Sec. Recto, ang kanilang dedikasyon ay nakatulong upang mapabuti ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino sa nakaraang taon.



Sa ginanap na Family Day ng Department of Finance (DOF) kamakailan, pinasalamatan ni Finance Secretary Ralph G. Recto ang mga empleyado para sa kanilang dedikasyon na nakatulong sa pagpapabuti ng buhay ng bawat pamilyang Pilipino. Kasunod ng panawagan ni Pangulong Marcos na gawing simple ang mga Chr...

Upang matiyak ang ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon, nagpaalala ang Kapulisan ng listahan ng mga ipinagbabawal na pap...
30/12/2024

Upang matiyak ang ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon, nagpaalala ang Kapulisan ng listahan ng mga ipinagbabawal na paputok at iba pang pyrotechnic devices. Ito ay alinsunod sa Executive Order (EO) No. 28 at Republic Act (RA) 7183, na naglalayong maiwasan ang aksidente at maprotektahan ang publiko mula sa mga delikadong paputok.

I-click ang listahan sa ibaba para sa ipinagbabawal na mga paputok.

Have a safe and joyful New Year celebration, mga Ka-Diskurso! 🎆

Muling nagpaalala ang PNP-Civil Security Group sa publiko hinggil sa mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnic devices alinsunod sa EO 28 at RA 7183. Kabilang dito ang mga delikadong paputok tulad ng Piccolo, Goodbye Philippines, Super Lolo, at Giant Whistle Bomb. Hinimok din ang lahat na bumili l...

Address

682 Lourdes Uy Soon Building, Magsaysay Road, Brgy. San Antonio
San Pedro
4023

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diskurso TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share