City Of San Pedro News Express

City Of San Pedro News Express Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City Of San Pedro News Express, Media/News Company, San Pedro.

Inaanyayahan ang publiko na makiisa sa gaganaping Year-End Special ng City Government of San Pedro ngayong ika-6:00 ng g...
27/12/2024

Inaanyayahan ang publiko na makiisa sa gaganaping Year-End Special ng City Government of San Pedro ngayong ika-6:00 ng gabi sa San Pedro Town Plaza, Barangay Poblacion.

Ang Year-End Special ay bahagi ng pagdiriwang ng nalalapit na ika-11 anibersaryo ng pagka-lungsod ng San Pedro.

Mapapakinggan rin mamaya ang Year-End Report ni Mayor Art Mercado tungkol sa mga naging achievements ng ating Pamahalaang Lungsod para sa taong 2024.

LOOK | The Public Order and Safety Office - City of San Pedro - Aktibong City Patrol recently conducted an Operation Ope...
26/12/2024

LOOK | The Public Order and Safety Office - City of San Pedro - Aktibong City Patrol recently conducted an Operation Open Muffler at Purok 2, Barangay Landayan, checking drivers' licenses and reminding them to wear helmets. Warnings were issued for non-compliance.


Sa pagsalubong ng Bagong Taon, pinapaalalahanan ang mga San Pedrense na ayon sa City Ordinance No. 2020-31, ipinagbabawa...
26/12/2024

Sa pagsalubong ng Bagong Taon, pinapaalalahanan ang mga San Pedrense na ayon sa City Ordinance No. 2020-31, ipinagbabawal ang paggamit ng open-muffler sa Lungsod ng San Pedro. Ang sinumang mahuhuli ay mapapatawan ng multa na nagkakahalagang Php1,000-Php 5,000 kasabay ng pag-impound sa nasabing motorsiklo.

Paalala din sa lahat na iwasan ang pag-gamit ng paputok para makaiwas sa disgrasya at makapagdiwang ng ligtas na Bagong Taon.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon.

Pasko na! Pasko na! Pasko na! Tayo ay magalak at awitin natin ang 'Ang Pasko ay Sumapit' at 'Sa Maybahay Ang Aming Bati'...
24/12/2024

Pasko na! Pasko na! Pasko na!

Tayo ay magalak at awitin natin ang 'Ang Pasko ay Sumapit' at 'Sa Maybahay Ang Aming Bati' upang magdala ng saya, pag-asa, at pagmamahal sa bawat tahanan. 🎶

Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon San Pedro! 💚



MERRY CHRISTMAS, PASKONG ANONG SAYA! Binabati ng ating Tanggapan ang lahat ng isang Maligayang Pasko! Hangad namin ang p...
24/12/2024

MERRY CHRISTMAS, PASKONG ANONG SAYA!

Binabati ng ating Tanggapan ang lahat ng isang Maligayang Pasko!

Hangad namin ang pagpapalang mula sa sumilang na si Hesus ay sumainyo!




Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Chopeng Guerrero, Nitz Usares Salubre, Jennifer Cabrales ...
24/12/2024

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Chopeng Guerrero, Nitz Usares Salubre, Jennifer Cabrales Domanog, Ren Ren, Avriljane Casaclang

  | Christmas CountdownIsang tulog na lang at narito na ang Mesias! LUCAS 1:67-79"Si Zacarias na ama ng bata ay napuspos...
24/12/2024

| Christmas Countdown

Isang tulog na lang at narito na ang Mesias!

LUCAS 1:67-79
"Si Zacarias na ama ng bata ay napuspos ng Espiritu Santo, at nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos: “Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Tinulungan niya at pinalaya ang kanyang bayan. Nagsugo siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas, mula sa angkan ni David na kanyang lingkod. Ito'y ayon sa ipinangako niya noong una sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta, na ililigtas niya tayo mula sa ating mga kaaway, mula sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin. Ipinangako niyang kahahabagan ang ating mga ninuno, at aalalahanin ang kanyang banal na tipan. Ipinangako niya sa ating ninunong si Abraham, na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway, upang tayo'y makapaglingkod sa kanya nang walang takot, at maging banal at matuwid sa kanyang paningin habang tayo'y nabubuhay. Ikaw, anak ko, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasang Diyos; sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang daraanan, at upang ipaalam sa kanyang bayan ang kanilang kaligtasan, ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. Mapagmahal at mahabagin ang ating Diyos. Magbubukang-liwayway na sa atin ang araw ng kaligtasan. Tatanglawan niya ang mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan, at papatnubayan tayo sa daan ng kapayapaan.”


"For unto us a child is born, unto us a son is given: and the government shall be upon his shoulder: and his name shall ...
24/12/2024

"For unto us a child is born, unto us a son is given: and the government shall be upon his shoulder: and his name shall be called Wonderful, Counsellor, The mighty God, The everlasting Father, The Prince of Peace." — Isaiah 9:6

On this blessed Christmas season, may the birth of our Savior bring light, hope, and joy to your hearts and homes. As we celebrate the gift of Christ, let us also share love, kindness, and generosity with one another.

From my family to yours, Merry Christmas and a Prosperous New Year! May God bless you abundantly in the year ahead. 🎄💚

  | Christmas CountdownDalawang araw na lang, Pasko na! Ang Pasko ay simbolo ng ating Kaligtasan at Pag-asa sa buhay. Ip...
23/12/2024

| Christmas Countdown

Dalawang araw na lang, Pasko na!

Ang Pasko ay simbolo ng ating Kaligtasan at Pag-asa sa buhay. Ipagdiwang natin ito ng may kabuluhan at pagmamahalan. 💚


  | Christmas CountdownTatlong araw na lang, Pasko na! Gawing sentro ng Kapaskuhan si Hesukristong tagapagligtas ng sanl...
22/12/2024

| Christmas Countdown

Tatlong araw na lang, Pasko na!

Gawing sentro ng Kapaskuhan si Hesukristong tagapagligtas ng sanlibutan. 💚


Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Enrico Suarez, Flora Linda Carreon, Rodel Gomez, Nelia La...
22/12/2024

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Enrico Suarez, Flora Linda Carreon, Rodel Gomez, Nelia Lamban Floranza, Cor Vergara, Herbie Lagon Conde, Nene Tiu Almeida, Nida Alberto, Rosheilla Encinares Gulfan, Halaman Ni Leah, Danilo Bose Marchan, Irene Dueñas, Esposo Ian, Nelmar Barroca Alvarado, Tumbi Yattaki, Kobe Depablo, Ardales Emz, Maria D Basto, Mhera Sornido Gutual Tumilap, Marian Segovia, Alyza Canuel, Lucrecia Pedrola Berroya, Mherlhyn Montemayores

PaskongSanPedrense2024 | Christmas CountdownLimang araw na lang, Pasko na! Sana ay mapuno ng kapayapaan at pagpapala ang...
20/12/2024

PaskongSanPedrense2024 | Christmas Countdown

Limang araw na lang, Pasko na!

Sana ay mapuno ng kapayapaan at pagpapala ang inyong pagdiriwang ng Kapaskuhan. 💚


With great pride, the City of San Pedro receives recognition from the Provincial Government for our exceptional performa...
19/12/2024

With great pride, the City of San Pedro receives recognition from the Provincial Government for our exceptional performance in implementing anti-illegal drug programs and projects, recently acknowledged by the Department of the Interior and Local Government (DILG).

In addition, we are honored to have received recognition for our high functionality rating under the 2024 Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children. These recognitions reflect our collective efforts to ensure the safety, dignity, and well-being of every woman, child, and family in our city.

Lubos ang pasasalamat ko sa lahat ng kawani ng pamahalaan at mga katuwang natin sa pagtutulungan upang makamit ang mga parangal na ito. Patuloy po tayong magtatrabaho nang mas masigasig at buong puso upang masiguro ang isang ligtas at malusog na kapaligiran para sa bawat babae, bata, at pamilya sa San Pedro.

Mabuhay ang Lungsod ng San Pedro, !

  | Christmas CountdownPitong araw na lang, Pasko na! Ihanda na ang mga regalo sa mga mahal sa buhay, lalo na sa mga ina...
18/12/2024

| Christmas Countdown

Pitong araw na lang, Pasko na!

Ihanda na ang mga regalo sa mga mahal sa buhay, lalo na sa mga inaanak.


  | Christmas CountdownWalong araw na lang, Pasko na!Kamusta ang inyong pangangaroling, nakakarami ba o puro patawad lan...
17/12/2024

| Christmas Countdown

Walong araw na lang, Pasko na!

Kamusta ang inyong pangangaroling, nakakarami ba o puro patawad lang? 😊


11/12/2024

TINGNAN | Personal na tinanggap ni Punong Lungsod Art Mercado ang Seal of Good Local Governance Award kaninang umaga.

Ito na ang pang-walong sunud-sunod na parangal na iginawad sa Pamahalaang Lungsod ng San Pedro na maituturing na isang makasaysayang tagumpay bilang kauna-unahang LGU sa Lalawigan ng Laguna na nakatanggap ng ganitong karangalan.

Ayon kay Mayor Mercado, ang parangal na ito ay hindi lamang simbolo ng pagsisikap, kundi isang patunay sa layunin na gawing ang San Pedro - hindi lamang sa parangal kundi maging sa progreso, kaunlaran at tapat na serbisyo.



🎉 Just completed level 3 and am so excited to continue growing as a creator on Facebook!
10/12/2024

🎉 Just completed level 3 and am so excited to continue growing as a creator on Facebook!

“Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters.” – Colossians 3:23Sa a...
10/12/2024

“Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters.” – Colossians 3:23

Sa araw na ito, buong puso kong ipinagmamalaki ang ating lungsod matapos nating tanggapin ang 8th Consecutive Seal of Good Local Governance Award—isang makasaysayang tagumpay dahil tayo ang kauna-unahang lungsod sa Laguna na nakatanggap ng ganitong karangalan.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng department heads at city employees ng ating City Government of San Pedro na walang sawang naglilingkod nang may dedikasyon at integridad. At sa ating mga kababayan, walang hanggang pasasalamat po sa inyong lahat, sa patuloy na tiwala at suporta sa ating administrasyon.

Ang parangal na ito ay hindi lamang simbolo ng ating pagsisikap, kundi isang patunay ng ating layunin na gawing unang lungsod sa Laguna ang San Pedro—hindi lamang sa parangal kundi sa progreso, kaunlaran, at tapat na serbisyo.

Mananatili kaming magtatrabaho nang buong sipag at malasakit para sa mas maunlad na kinabukasan ng ating lungsod. Sama-sama nating abutin ang mas mataas pang tagumpay para sa San Pedro, Una Sa Laguna! ☝



Address

San Pedro

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Of San Pedro News Express posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share