08/12/2024
"Grabe no tagal nyo na"
"Hindi ba kayo nag aaway"
"Anong sikreto pano tumagal ng ganyan"
Yes 14 years na kami at malapet na uli mag anniversary. Madaming beses nadin kami sinubok sa tagal ng panahon na nagkasama kami. Naranasan na din namin yang may ibang tao sumubok pumasok at sumira sa pagsasama namin, pero pag si Lord ang kasama nyo sa pagsasama nyo malalampasan nyo yan lahat🙏
Hindi araw araw masaya kayo sa isat isa. Hindi araw araw maganda sya sa paningin mo. Dadating yung araw na di kayo magkaunawaan, may mga sitwasyon na di umaayon, may mga hindi kayo pagkakasunduan. Walang perfect relationship, kasi kayo mismo parehas hindi rin perfect.
Relationship don't last because of the goodtimes, they last because of the hard times were handled with love and respect.
Dahil ang Love ay hindi lang yan about kilig, kundi commitment mo sa isang tao, constant decision sya na kahit anong pagdaanan nyo pipiliin nyo pa rin ang isat isa.