31/08/2024
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก || ๐๐ถ๐บ๐ถ๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป; ๐ง๐ถ๐ป๐ถ๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฑ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป
Dalawampu't walong letra sa alpabeto at mahigit 180 na lenggwahe mayroon ang mga Pilipino, ngunit โdi sapat upang ihayag ang katagang, โMahal kita.โ Hindi na bago sa atin ang ideya ng pag-ibig. Bagkus, nasanay na tayong ang pagkatorete at mumunting paruparo sa tiyan ang nagmimistulang dilaw na ilaw sa panahong mapanglaw.
Sa pagkahumaling natin sa pag-ibig, nabuo ang ibaโt ibang lenggwahe upang ipahayag ito. Mula sa pagtitimpla ng isang tasa ng kape hanggang sa mga pangakong binuo at โdi matumbasang regalo, naipahihiwatig din ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagpapalaya. Tulad ng Buwan ng Wika na may temang, โFilipino: Wikang Mapagpalaya,โ ang pagmamahal ay mapagpalaya; ito ay malaya. Ang kalayaang ito ang nagbigay daan sa mga makabagong OPM artists tulad ng Over October, Maki, Cup of Joe, at The Ridleys upang malayang ipahiwatig ang pag-ibig gamit ang kanilang mga tinig at musika.
โ๐๐ถ ๐ ๐ฎ๐ถ๐๐ถ๐ฝ
Kung ikaw ang tipong torpe at halos paikot-ikot dahil โdi maisip ang tamang pagkakataon upang aminin ang pagtingin at sabihing, โhabang buhay ang pipiliin koโy ikawโ, subukan mong pakinggan ang awitin ng Over October. Isang Filipino indie/alternative rock band na binubuo nila Joshua Buizon (lead vocals/acoustic guitar), Joshua Lua (lead guitar), Joric Canlas (bass), Janessa Geronimo (drums), at Anton Rodriguez (rhythm guitar).
Sila ay isang OPM band sa Maynila na nabuo noong Oktubre 2014, at nagsimula lamang bilang banda ng kolehiyo at kinatawan ng Ateneo Musicians Pool. Noong 2019, inilabas nila ang una nilang album na โPress Play,โ kung saan tampok ang kanilang lead single na โAlive.โ Sa kasalukuyan, sila ang nagbibigay-kanlungan sa mga taong nagdadalawang-isip sa pag-amin sa kabila ng matinding pagkaakit sa kanilang itinatangi sa pamamagitan ng bago nilang awitin: โIkotโ at โKaakit-akit.โ
๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ด๐ผ๐
Walang tiyak na kasagutan ang pag-ibig. Kahit ikumpara pa ito sa pitong kulay ng bahaghari, mapa Dilaw man o Namumula, โdi ito sapat upang sagutin kung Saan, Kailan, Bakit, at Paano ito darating sa iyo. Ito ang hiwaga ng pag-ibig kay Maki, maraming katanungan ngunit puno ng kulay.
Ralph William Datoon o mas kilala sa pangalang Maki ay nakilala sa kanyang mga matanong na pamagat na mga awitin gaya ng โSiguro?,โ โSigurado?,โ โKailan?,โ โBakit?,โ at ang pinakasikat niyang โSaan?โ na umabot ng mahigit 111M streams. Sa ngayon, inilabas ni Maki ang kanyang bagong kanta na โNamumulaโ kasunod ng โDilawโ na inilabas niya kamakailan lang.
Kaya kung naghahanap ka sa QC, sa U.P., o sa kalsada ng BGC ng iyong magiging Dilaw, si Maki ang para saโyo.
๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ฆ๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ ๐ผ
Pag-ibig na kasing init ng yakap sa kanyang piling sa kay lamig na simoy ng hangin naman ang hatid ng musika ng OPM pop/rock band na Cup of Joe mula sa Baguio. Kaginhawaang dala ng bawat Tingin at kasiguraduhang ikaw pa rin ang pipiliin. Binubuo ito nila Gian Bernardino (lead vocal), Raphael Ridao (lead vocal), Gabriel Fernandez (lead guitar), CJ Fernandez (rhythm guitar), at Xen Gareza (keyboards).
Ayon kay Gabriel Fernandez (lead guitar), walang ibig sabihin ang pangalan nilang โCup of Joe.โ Ngunit sa kanilang patuloy na paggawa ng musika, nagkaroon ito ng saysay. Kape ang naging simbolo ng โCup of Joeโ na tugma sa kalmado at banayad nilang mga awitin. Tumatak sa masa ang kanilang mga awitin tulad ng โTingin,โ โEstranghero,โ โPatutunguhan,โ at marami pang iba.
๐๐ธ๐ผโ๐ ๐ฆ๐ถ๐ด๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ผ
Kung kasiguraduhan sa payapang pag-ibig ang nais mo, tipong may kiss you good morning na sasalubong sa bawat umaga, at taong handang maging melting candle to your flame, The Ridleys ang kasagutan sa pag-ibig na hanap mo. Bukod sa malaya, ipinadama ng The Ridleys na ang pag-ibig nating payapa gamit ang kanilang mga salita.
Nakilala ang The Ridleys sa namumukod-tangi nilang paraan ng pagkukwento gamit ang kanilang musika. Ang alternative-folk band na ito ay binubuo nila Benny Manaligod (vocalist), Jan De Vera (lead guitarist), Jordan Canlas (bassist), Bryant Ayes (drummer). Nakilala sila sa kanta nilang โAphrodite.โ Kamakailan lamang ay inilabas nila ang kanilang album na โAll These and Moreโ kung saan bida ang kanilang mga bagong awitin tulad ng โBe With You,โ โKYGM,โ (Kiss You Good Morning) at โLove Is.โ
Ibaโt ibang mga paraan ang ating ipinapakitaโt ginagawa para sa pagmamahal, samantalang ibaโt ibang salita naman ang ginagamit ng mga OPM artists, ngunit iisa lamang ang nais nating ipahiwatig at madama โ ang mahalin at magmahal nang wagas at buo. Hindi ito magiging posible kung hindi dahil sa wika at pagiging malaya nito. Wikang nagpapalaya sa bawat damdamin. Wikang nagbubuklod sa mga pusong humihimig sa isang awitin.
Tulad ng wika, ang pag-ibig ay malaya. Kung nais iparating na, "โDi man maisip kung anong sagot, pero sa piling mo, akoโy sigurado," ikaw ay may kalayaan kayaโt magmahal ka nang walang limitasyon.
Hayaan mong ang wika ang siyang gumabay sa sayaw ng himig, sabay sa malikot na tinig ng damdamin.
Isinulat ni Christian Trinidad
Dibuho ni Irene Mae Deopante