23/06/2024
AIRDROP BASIC KNOWLEDGE THAT YOU SHOULD KNOW AS A NEWBIE
Pansin ko majority na ng nagfafarm ng Telegram Airdrops is newbies and walang background sa Crypto mabilisang tip lang para sa inyo.
Yung mga gantong kaalaman dapat yung inuuna niyo hindi yung puro kayo referral.
Sa mga ginagrind niyo diyan hindi po guaranteed profit yan okay? Oras ang kalaban mo para malaman mo kung paldo ka or paldon't, at higit sa lahat hinding hindi mo marerekta sa Cash-G mo yan. Hindi mo mawiwithdraw yan hanggat sa hindi nagaganap ang Token Generation Event ng Crypto Project kaya yung nakikita niyong iba na nagpopost sa fb na naka cash out na sila hibang yang mga yan. Isa sa madaling way para ma withdraw niyo yung assets niyo kapag nag TGE na ang airdrop tapos paldo is ilipat niyo yung assets niyo to Centralized Exchange (like Bitget) tapos dun niyo siya isell into USDT. Then if naging USDT na siya is dun na kayo mag P2P para malipat sa CashG or bank accounts niyo yan.
Eto ang isa sa crucial na part. In order for you to withdraw your assets in case na naging paldo yung airdrop, kakailanganin mo ng pang GAS FEE para ma withdraw yan. Ang gas fee is parang yung transaction fee para malipat mo yang asssets mo sa ibang wallet or exchange. So ngayon palang is pagipunan mo na yan kung starting from scratch ka or mag tabi ka na ng funds sa pang gas fee kung nag gagrind ka ng Airdrops. Hindi po nililimos or hinihingi ang gas fee. Ginagastusan yan. Kung the day ng airdrop ka mag aasikaso ng gas fee mo, malaki chance na mapag iwanan ka kaya if pwedeng now palang is asikasuhin mo na yan.
Assuming na sa Telegram Airdrops ang pinag uusapan natin so most likely nasa TON Blockchain yan and ang kakailanganin mong asset as a gas fee is ang $TON. Isa sa choice mo para malagyan ng $TON yung wallet mo is to buy $TON from an exchange then ilipat mo sa Telegram Wallet mo.
Yung iba natuturn off sa Airdrops dahil sa gas fee. Kapag paldo ang airdrop 4-6 digits ang pwede mo kitain. Ang gas fee 3 digits lang kapag sa ton blockchain (considering the price of the $TON by the time of posting this). Di mo ba pag iipunan yung 3 digits na yun para ma withdraw yung 4-6 digits na pwede mong makuha? Your choice.
Hindi ko na palalawakin yung ibang details like yung how to withdraw and deposit, lahat yan meron na sa youtube okay? Wag mo rin ilimit yung knowledge mo sa post na to, magresearch ka din.
Yun lang, happy farming and goodluck!