14/12/2021
PAGAN PRACTICE ANG CHRISTMAS!
------------
βͺοΈKahit magtanong tayo ng kahit sino kung bakit sila nagdiriwang ng Pasko, wala tayong maririnig na nagse-celebrate sila for a pagan practice. Ang mga tao ngayong ay nagdiriwang ng Pasko dahil sa kapanganakan ni Kristo, proving na ito ay isang Christian tradition. Kung iisipin ang mga ayaw nalang magdiwang nito ang nagre-relate dito sa mga ancient pagan practices-- na malamang sa malamang kahit sila hindi naman din pamilyar!
-----------
SATURNALIA, SOL INVICTUS, AT PASKO
βͺοΈHistorically, may ginaganap na pagan festival sa ancient Rome na tinatawag na "Saturnalia" in honor of Saturn, the Roman god of agriculture and time tuwing December 17-23. Ang 25th day of December naman ay dedicated sa birthday ng pagan sun-god named Sol Invictus ("The Unconquerable Sun") who became the official deity of Rome. Pinagdiriwang nila ang season na 'to by gift-giving, decorating wreaths and other greenery, pagsusuot ng colorful clothes at pagpa-party. Saturnalia was considered the merriest Roman festival that time. Unti-unti, pinalitan ng mga early Christians ang pagan feast na 'to ng Christmas celebration. Some of the practices ay nanatili pa rin PERO binigyan na ng Christian meanings. In other words, ang mga pagan meanings ay wala na matagal na.
--------------
SO, PAGAN NGA BA?
βͺοΈThe fact na kailangan mo pang i-research ang kung ano-anong pagan practices that time proves na ibang-iba na ang meanings ng practices na 'yon ngayon. Hindi na mahalaga kung ano ang significance ng mga traditions sa mga tao centuries ago, dahil iba na rin naman ang mga kahulugan ng mga ito ngayon.
βͺοΈ(This is closely related sa instance na some believers, usually from Protestant faith, ay may negative connotation sa Pasko just because the word "Christmas" has its origin sa term na "Christ-mass" na associated sa Catholic practices. Lets take note na ang mga meanings ng mga words ay nagbabago over time. Ang origin ng isang word ay hindi laging present-day meaning ng term na 'yon.)
βͺοΈTODAY, Christmas is the celebration of the birth of the Son of God as human being, not the birth of the so-called sun-god. Ang gift-giving ay ginagawa natin tulad ng pagbibigay ng gifts ng Wise Men at pagbibigay ng Diyos ng ultimate gift na si Jesus, hindi para i-honor ang pagan deity na hindi naman natin kilala (unless ire-research pa natin sa Google). Nagsusuot tayo ng colorful, nagde-decorate at nagsasaya, hindi naman dahil masagana ang ani, kundi dahil we celebrate the truth that sometime in history, the Savior was born. Nagsisindi tayo ng kandila, because we believe that Jesus is the Light of the world (Jn 8:12) hindi dahil substitute ang "light" sa human sacrifice ("man" and "light" both had the same Greek term: phota). Also, makikita rin natin ang connection ng idea ng substitution to human sacrifice ng mga Romans sa Christian faith, dahil si Jesus ang naging human sacrifice para sating lahat by being our Substitute (1 Ptr 2:23-25; Mk 10:45).
----------
CHRISTMAS TREE---PAGAN?
βͺοΈDahil din sa wrong reasoning na 'to, maraming galit na galit tuloy sa mga inosenteng Christmas trees! Tapos laging kino-quote ang Jer 10:1-6 specially verses 3-4 "...they cut a tree out of the forest, and a craftsman shapes it with his chisel. They adorn it with silver and gold..." na tumutukoy "daw" sa mga Christmas trees.
Talaga ba?
βͺοΈBy checking the context, we can know na ang passage ay hindi tumutukoy sa Christmas trees but rather sa idols na gawa sa kahoy (v.5). Such practice ay ayaw na ayaw ng Diyos because it was considered an act of idolatry. That passage cannot be taken out of its context at i-relate nalang natin kung saan-saan na maisipan natin. Also, obvious naman na wala pang Christmas tree sa time na binanggit 'yan kasi nga kahit Unang Pasko wala pa.
βͺοΈAng Christmas tree, as we know today, ay nag-originate sa Germany during the 16th Century. Ina-associate lagi ito sa Reformer na si Martin Luther who first added lighted candles sa isang puno na nilagay niya sa main room ng bahay niya. Though may mga pagan groups na sumasamba sa puno during ancient times (like Vikings and Saxons) at pagan practices na associated sa mga puno (tulad ng sa Romans, Egyptians, and Chinese), obviously hindi natin mahahanapan ng connection ang mga beliefs nila sa mga Christmas trees ngayon.
βͺοΈWalang tao ngayon ang magde-decorate ng Christmas tree in honor of any pagan gods ng kung sino-sinong mga tao noong unang panahon. Mas lalong walang magde-decorate ng Christmas tree para dasalan at alayan ng offering! Kung iisipin, ang mga puno at lahat ng nasa mundo ay sa Panginoon naman talaga in the first place (Ps. 24:1). And as believers mas reasonable na i-relate natin ang Christmas tree sa cross na symbol of our redemption, kaysa sa kung anu-anong beliefs na wala naman tayong kinalaman (Gal 3:13; Acts 5:30).
βͺοΈWe are all after sa biblical meanings ng Pasko kasama ng traditions nito. The earliest Christians who celebrated Christmas in December, hindi rin naman ginawa ang mga practices for the sake of these pagan beliefs. Kaya nga nakakapagtaka kung ikaw ay believer tapos panay-hukay ka ng mga pagan meanings without considering first the biblical significance. (Hala, pagano ka ba?)
-----------
SYNCRETISM?
βͺοΈQuestion: Hindi ba parang hinahalo daw natin ang mga pagan practices sa Christian faith kapag nagse-celebrate tayo ng Christmas?
βͺοΈNot exactly. Remember these traditions (pagde-decorate ng wreaths, Christmas tree, gift-giving, etc) ay ginagawa na before hanggang ngayon with the Christian meanings. Magkakaroon lang ng "mix" o "syncretism" kapag pati ang mga meanings ng mga practices in relation sa pagan faith ay nanatili at pinaniniwalaan pa rin natin ngayon. Again, the pagan implications were already lost, kaya it's unreasonable na buhayin pa natin ngayon.
βͺοΈSimilar case sa Law sa Old Testament. Even before pa binigay ni Lord kay Moses ang Law para sa Israel, ang mga pagan nations ginagawa na ang iba sa mga ito. May mga practices na ng tithes, sacrifices, offering and worship even before Law! Yet these similarities did not stop God from incorporating ang mga practices na ito sa religious system ng Israel. Also, itong mga activities na 'to kahit may similarities sa pagan worship that time, ay kino-consider ng mga Israelites na unique because these were done for the Lord, the One True God of Israel, hindi para sa kung sinong false gods na nagkalat kung saan-saan.
βͺοΈAnother similar example ay pagsisimba natin tuwing Sunday. Kung hahanapan natin ng pagan connotation, malalaman natin na ang Linggo ay dedicated din para sa araw (just like Dec.25), kaya nga "Sun-day" eh. Pero wala naman dito na saatin ang nagsisimba para parangalan ang araw, nagsisimba tayong lahat para sa Panginoon! It's ironic na yung mga sekta na nire-relate sa Dec.25 sa pagan worship ng araw, ang aaga naman tuwing Sunday para magsimba/samba.
βͺοΈQuestion: Kung ang Christmas traditions ay hindi naman mako-consider na pagan practices, can we say atleast na ang Christmas ay pagan origin na nag-transform lang into a Christian holiday?
βͺοΈNo. We lack any evidence to support that. Kung gusto natin malaman talaga ang pinanggalingan ng Pasko, we should all go back to Bethlehem, when Christ was born as stated by the Gospel. As believers, si Lord na ang goal natin sa mga ginagawa natin (Col 3:23). The same reason why we celebrate Christmas.
βͺοΈKung may insights man tayo na makukuha sa relation ng ancient pagan practices sa Christmas traditions, ito ang reality na ang Christian faith ay victorious against false religions during ancient time. Ang mga practices nila na makikita pa rin sa'tin ngayon ay hindi dapat tingnan bilang pagan activities na nakapasok sa faith natin---NO! But rather as "remnants" and "trophies" of Christ's triumph, proving that Sol Invictus, the "Unconquerable Sun-god" of the ancient Rome, was conquered by the Son of God Himself ---who was born of a virgin, laid in a manger. Anlakas ni Jesus!
That's ANOTHER good reason to celebrate Christmas.
Stay Curious. Si Jesus lang ang malakas.