21/11/2024
Marami mang hadlang at tila pakiramdam mo na babagsakan ka na ng sandamakmak na poste ng pagsubok , hinga ka ng malalim. Tanggapin mo ng buo ang lahat ng pangyayari sa kasalukuyan mo. Wala kang magagawa eh nandyan na yan. Kumbaga, ibuka mo yung mga kamay mo at pigilan mong daganan ka ng mga nagpapabigat sayo.
Taimtim ka magdasal. Pasalamatan mo yung problemang mayron ka. Pasalamatan mo na binigyan ka ng Diyos na hindi madaling pagsusulit. Pasalamatan mo na may bagay kang kailangang bigyan ng solusyon. Dahil lahat ng yan, isang pamamaraan ng karanasan at pagpaparamdam kung gaano tayo magiging matatag sa mga problemang hindi natin gustong maramdaman. Walang madali na pamumuhay sa mundong ipinagkaloob sa atin. Mayaman, mahirap, babae, lalake lahat tayo may ibat-ibang antas at klase ng pinagdaraanan. Pero pare-parehas lang yan na dapat tanggapin at ipagpalagay mong nabigyan mo ng formula yung mga problema na yan. Titibay ka at matututunan mong tanggapin na isang yugto lang yan sa araw ng buhay natin dahil ihinahanda tayo sa pagkakataong ipagkakaloob naman sayo ang grasya at pagpapala ng pagkakataon.
Alam ng Diyos ano ang kilos mo. Alam mo kung ano ang kilos mo. Bawat hirap at pagod sa mga bagay na nasa harapan mo kapag natuluan ng pawis at hindi mo tinakasan, magbubunga yan. Malalaman mo at masasabi mo na "Oo nga tinesting lang pala ako sa problema ko na yun" πππβοΈβ¨
Sa mga nakakaranas ng depresyon sa mga bagay na hindi ninyo kinakaya, ipanatag ninyo ang inyong mga puso na may Dakilang Manlilikha na hindi natin nakikita pero nakikita Nya tayo. Naririnig at nararamdaman kung ano ang nilalaman ng mga puso at isip natin ππβ¨βοΈ