Ang Daluyong

Ang Daluyong Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Pambansang Pamantasan ng Batangas - Ang Pambansang Pamantasan ng Inhenyeriya - Kampus ng San Juan

Isang maalab na pagbati mula sa ๐€๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง para sa mga naging bahagi ng ating pamilya na matagumpay na nak...
14/12/2024

Isang maalab na pagbati mula sa ๐€๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง para sa mga naging bahagi ng ating pamilya na matagumpay na nakapasa sa ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐‹๐ข๐œ๐ž๐ง๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ž ๐„๐ฑ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ๐ฌ!

Lubos ang aming pasasalamat sa inyong naging malaking bahagi bilang mga tagapagsatitik ng boses ng Red Spartans. Ang inyong kontribusyon ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kasalukuyang miyembro ng Ang Daluyong upang ipagpatuloy ang misyon ng pagiging tapat sa katotohanan at pagpapahayag ng boses sa loob at labas ng ating pamantasan.

Ngayon, bilang mga ganap na g**o, kayo ay patuloy na magiging tagapagdala ng liwanag at kaalaman sa mas malawak na entablado. Dalangin namin na ang inyong mga aral at prinsipyo na hinasa ng panahon sa loob ng pamantasan ay patuloy ninyong maisabuhay. Ang buong publikasyon, kasama ang pamantasan, ay kaisa ninyo sa pagdiriwang ng inyong kahanga-hangang tagumpay.

Muli, binabati namin kayo!

INDAK LAMBAYOK 2024mga kuhang larawan nina Marjun Bustamante, Lj Taรฑang, Mhirbhelle Rectin, Kristine Magsino, Kimberly A...
14/12/2024

INDAK LAMBAYOK 2024
mga kuhang larawan nina Marjun Bustamante, Lj Taรฑang, Mhirbhelle Rectin, Kristine Magsino, Kimberly Almarez, Eric Briรฑoza, Aira Jean Manimtim, at Rinz Apuyan





  | Tagumpay sa Likod ng Tabingsa panulat nina Jamae Ann E. Aranio, Catherine D. Bautista, Ken Clarence D. Cantos, at He...
13/12/2024

| Tagumpay sa Likod ng Tabing
sa panulat nina Jamae Ann E. Aranio, Catherine D. Bautista, Ken Clarence D. Cantos, at Heizel P. Hernandez
likhang pubmat ni Neil John A. Hernandez

Tuwing ika-12 ng Disyembre ipinagdiriwang ang kilalang pista ng San Juanโ€” ang Lambayok Festival. Isa sa pinakaaabangang kaganapan ay ang pagtatanghal ng mga magkakatunggaling paaralan sa Street Dancing at Grand Showdown. Puspusang paghahanda at pagsasanay ang iginugugol ng bawat kalahok upang maipamalas ang kanilang talento at pagkakakilanlan bilang San Juaneรฑo. Samo't saring kulay ang nagiging bihis ng kalsada at entablo sa tuwing magtatanghal ang bawat kalahok dahil sa makukulay nilang kasuotan at mga props. Ang kanilang mga ngiti at pag-indak sa saliw ng musika ang siyang nagbibigay buhay sa kanilang pagtatanghal.

Subalit bukod sa mga taong umiindak tunay na kahanga-hanga rin ang ang mga bagay na gumagalaw at pauli-uli sa kanilang likuran, na kung saan ay nagiging posible dahil sa mga taong karaniwan ay nakasuot ng itim. Sila ang tinatawag na propsmen - mga taong abala sa pagbibitbit at pagsasaayos ng mga props. Tulad ng mga dancers, malaki rin ang kanilang gampanin dahil sinisigurado nila na wasto ang bawat props na ginagamit sa bawat parte ng kanilang pagtatanghal.

Hindi man sila ang nagsisilbing mukha ng pagtatanghal, ang dedikasyon nila sa kanilang ginagawa upang mapaganda at mas mabigyang buhay ang presentasyon ng kanilang grupo ay talagang kamangha-mangha. Ang mga taong nasa likod ng mga gumagalaw na malalaking props ay maituturing na mahalagang piyesa na bumubuo sa bawat grupo para makamit ang tagumpay.



  | Mga Ngiti sa Kabila ng Screen sa panulat nina Jamae Ann E. Aranio, Catherine D. Bautista, at Ken Clarence D. Cantosl...
13/12/2024

| Mga Ngiti sa Kabila ng Screen
sa panulat nina Jamae Ann E. Aranio, Catherine D. Bautista, at Ken Clarence D. Cantos
likhang pubmat ni Neil John A. Hernandez

Mahirap ang umalis at magtrabaho sa ibang bansa hindi lamang dahil sa pangungulila sa pamilya, ngunit dahil na rin sa mga nakasanayan na tanging sa sariling bayan lamang nararanasan. Karamihan sa mga okasyon na ipinagkakait ng panahon ay kailangang indahin matupad lamang ang pangarap para sa pamilya. Bilang lamang sa daliri ang magdiwang ng pasko, bagong taon, at kaarawan kasama ang mahal sa buhay at halos walang pista ang naipagdiwang magmula nang tanggapin ang hamon ng pangingibang bansa.

Ngunit sa kabila nito, may mga tao pa ring nariyan upang maiparamdam sa kanila ang saya ng pagdiriwang nito wala man sa lugar na pinagdarausan. Gaya na lamang ng sitwasyon ng mag-asawang De Claro na nakikiisa sa paggunita ng Lambayok Festival sa kabila ng milya-milyang layo sa isaโ€™t isa.

Sa gitna nang maraming tao na bumubuo ng magagandang alaala, gumagawa rin sila ng paraan upang makalikha ng natatanging memorya kahit wala sa piling ng isaโ€™t isa. Dahil sa kagustuhan ng kaniyang asawa na nasa ibang bansa na masaksihan ang mga kaganapan sa araw ng pista, sinikap ni G. Bobby na ipadama sa kaniyang asawa ang kagandahan at kasiyahan, sa kabila ng pagiging malayo nito sa bayang sinilangan.

Ang mga ngiti sa labi nang maybahay na si Gng. Janet habang nanonood ay patunay na walang makahahadlang para maramdaman ang saya ng nasabing pista sa bayan ng San juan. Naging tulay ang kaniyang asawang si G. Bobby nang itapat ang kamera ng telepono sa mga kalahok na masiglang umiindak sa saliw ng tugtog.

Wala man ang pisikal na presensya niya, naroon naman ang kaniyang suporta sa mga taong nasa likod ng kasiyahan. Sila ang patunay na maaring ipadama ang mga bagay sa maraming paraan. Ang distansya ay magiging balakid lamang kung pipiliin natin na gawing balakid ito. Sa halip, gawin itong daan upang higit pang maipakita ang tunay na kahulugan ng pagsuporta at pagmamahal sa bayan.



13/12/2024

| Indak Lambayok Grand Showdown Competition 2024





kuha nina: Arianne Monette D. Maralit at Eric D. Briรฑoza

13/12/2024

| Indak Lambayok Streetdance Competition 2024





kuha ni Arianne Monette D. Maralit

  | Tatak San Juaneรฑos, tampok sa Indak Lambayok 2024Kultura at talento ang naging sentro sa ginanap na Indak Lambayok 2...
13/12/2024

| Tatak San Juaneรฑos, tampok sa Indak Lambayok 2024

Kultura at talento ang naging sentro sa ginanap na Indak Lambayok 2024 kung saan nagkaroon ng masiglang pagtatanghal ang anim na grupo ng mga kalahok mula sa magkakaibang paaralan at barangay sa naturang bayan. Tampok sa kanilang sayaw ang natatanging tradisyon pati na rin ang mga masasaganang produkto sa bayan ng San Juan tulad ng lambanog at palayok at ang malawak na yaman ng karagatan. Ang selebrasyon na ito ay ang huling bahagi ng ika-176 Founding Anniversary ng San Juan.

Bilang panimula, nagbigay ng pambungad na mensahe si Kgg. Rodello De Chavez. Sunod naman na nagbigay ng mensahe sina Bokal Member Kgg. Melvin Vidal, Municipal Administrator Gng. Analyn Moraleja Macaraig at Kgg. Rowena Magadia. Nagbigay rin ng mainit na pagbati sina Kgg. Marcus Mendoza, Kgg. Eric De Veyra at Kgg. Alvin John Samonte. Bukod dito, ipinakilala rin ang mga gumanap na hurado ng Indak Lambayok 2024. Kabilang dito sina G. Aubryan Fenol, G. Reylwood Corie at Bb. Reicel Forcadela para sa Street Dance Competition. Samantala, sina Gng. Marichu Tellano, Gng. Shirley Halili Cruz, G. Chester Lopez, G. Rodel Fronda at G. Gener Caringal, naman ang mga hurado para sa Grand Showdown Competition.

Sa unang bahagi ng selebrasyon, itinanghal ang Street Dance Competition sa Poblacion Area kung saan naging estasyon ang San Juan Nepomuceno Church, Jollibee at lumang Municipal Hall. May kani-kaniyang tema ang bawat paaralan at barangay na itinampok sa kanilang pagtatanghal. Tampok sa sayaw ng Tipas Integrated NHS at Joseph Marello Institute ang lambanog, samantalang binigyang pansin naman sa presentasyon ng San Juan Senior High at Palahanan Integrated NHS ang palayok, habang karagatan naman ang tampok sa pag-indak ng Tribu Aplaya at Barangay Calubcub II. Nagkamit ang Tipas Integrated NHS ng ikalawang pwesto, Joseph Marello Institute naman ang nag-uwi ng unang pwesto at Palahanan Integrated NHS ang maswerteng nakapag-uwi ng kampeonato sa pagtatapos ng nasabing kompetisyon. Binigyang parangal din ang natatanging kasuotan ng mga kalahok sa Best Costume Award kung saan Palahanan Integrated NHS ang itinanghal na wagi. Nakatanggap din ng parangal ang Joseph Marello Institute ng Best Music Award at Best Production Design.

Matapos ang naganap na Street Dance Competition, kasunod namang ginanap ang Indak Lambayok 2024 Grand Showdown sa New Municipal Building Grounds sa barangay Buhaynasapa. Mahusay na naipamalas ng bawat kalahok ang kanilang natatanging husay at galing sa larangan ng pagsayaw na sumasalamin sa kultura, produkto at tradisyon ng bayan ng San Juan na kaugnay sa tema ng selebrasyon.

Itinanghal na kampeon ang Joseph Marello Institute sa Showdown Competition, nakamit ng Palahanan Integrated NHS ang unang pwesto at nasungkit naman ng Tipas Integrated NHS ang ikalawang pwesto sa pagtatapos ng kompetisyon.

Nagbigay ng panapos na mensahe si Gng. Elsie Sadsad matapos ang pagbibigay ng sertipiko ng pagkilala sa mga naging hurado sa naganap na Indak Lambayok 2024. Bago ang presentasyon ng mga nagwagi, naghandog ng Unity Dance ang mga kalahok kasama ang SayawJuan Performing Arts Group at sinundan naman ng mensahe ng Municipal Mayor, Kgg. Ildebrando Salud.

Sa kabuuan, naging matagumpay at makulay ang naganap na kapistahan sa bayan ng San Juan sa pangunguna ng LGU San Juan Batangas at Tourism of San Juan, Batangas sa espesyal na partisipasyon din ng Federation of Artistic and Cultural Organization of South Korea - Hongcheon Branch.

Via Justine Sebuc
mga kuhang larawan ni Mhirbhelle Rectin
likhang pubmat ni Neil John Hernandez at Renzo Magtibay




  | Nasungkit ng Joseph Marello Institute, Inc. ang kampeonato sa Indak Lambayok Grand Showdown Competition 2024 na gina...
12/12/2024

| Nasungkit ng Joseph Marello Institute, Inc. ang kampeonato sa Indak Lambayok Grand Showdown Competition 2024 na ginanap sa New Municipal Building Grounds. Nag-uwi ang nasabing grupo ng 60,000.00 cash prize at Golden Lambayok Trophy. Samantala, nakamit naman ng Palahanan Integrated NHS ang 1st Runner-Up na nakatanggap ng 50,000.00 cash prize at trophy, habang Tipas Integrated NHS naman ang itinanghal bilang 2nd Runner-Up na nag-uwi ng 40,000.00 cash prize at isang trophy.

Via Justine Sebuc
mga kuhang larawan ni Mhirbhelle Rectin
likhang pubmat ni Neil John Hernandez at Renzo Magtibay





  | PINHS, wagi sa Indak Lambayok Street Dancing Competition  Pinangalanang kampeon ng Indak Lambayok Street Dancing Com...
12/12/2024

| PINHS, wagi sa Indak Lambayok Street Dancing Competition

Pinangalanang kampeon ng Indak Lambayok Street Dancing Competition ang mga mag-aaral mula sa Palahanan Integrated National High School (PINHS) sa taunang pagdiriwang ng Lambayok Festival kaugnay ng ika-176th Founding Anniversary ng Bayan ng San Juan, Batangas, Disyembre 12.

Sa matataas na talunan at naglalakasang hiyaw idinaan ng mga mag-aaral ng Palahanan Integrated National High School ang tuwa at galak ng kanilang grupo sa pagkakasungkit ng unang pwesto. Ginawaran sila ng P35, 000 cash prize at tropeyo ng pagkilala.

Samantala, itinanghal naman na 1st Runner Up ang Joseph Marello Institute. Tumanggap sila ng cash prize na nagkakahalagang 30,000 piso at tropeyo ng pagkilala. Ang mga mag-aaral naman ng Tipas Integrated National High School naman ang itinanghal bilang 2nd Runner Up at tumanggap sila ng P25, 000 cash prize kalakip ang tropeyo ng pagkilala.

via Angela Recelle Bontile
mga kuhang larawan ni Mhirbhelle Rectin
likhang pubmat ni Neil John Hernandez at Renzo Magtibay





  | The Grand ShowdownBilang paggunita sa ika-176 Founding Anniversary  ng bayan ng San Juan, kasalukuyang ginaganap nga...
12/12/2024

| The Grand Showdown

Bilang paggunita sa ika-176 Founding Anniversary ng bayan ng San Juan, kasalukuyang ginaganap ngayon ang Indak Lambayok Grand Showdown Competition 2024 sa New Municipal Building Grounds. Nagkaroon ng anim na kalahok ang kompetisyon at sila ay nagmula sa San Juan SHS, Aplaya NHS, Tipas INHS, Barangay Calubcub II, Palahanan INHS at JMI, Inc.

via Mary Joy Almarez
mga kuhang larawan ni Mhirbhelle Rectin
likhang pubmat ni Neil John Hernandez at Renzo Magtibay





  | StreetdanceKasalukuyang ginaganap ngayon ang Indak Lambayok 2024 Street Dance Competition sa Poblacion Area bilang b...
12/12/2024

| Streetdance

Kasalukuyang ginaganap ngayon ang Indak Lambayok 2024 Street Dance Competition sa Poblacion Area bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-176 Founding Anniversary ng bayan ng San Juan. Magsisimula ang parada sa San Juan Nepomuceno Church patungo sa Old Municipal Hall sa Barangay Poblacion. Nilahukan ito ng anim na grupo mula sa iba't ibang paaralan at barangay sa bayan ng San Juan.

via Mary Joy Almarez
mga kuhang larawan ni Mhirbhelle Rectin
likhang pubmat ni Neil John Hernandez





  | Alinsunod sa Proclamation No.742 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idineklara ng Malacaรฑang bilang spe...
11/12/2024

| Alinsunod sa Proclamation No.742 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idineklara ng Malacaรฑang bilang special non-working day ang Disyembre 12, Huwebes, bilang paggunita sa Lambayok Festival ng bayan ng San Juan. Bunsod nito, suspendido ang klase at operasyon ng mga opisina ngayong araw bilang selebrasyon sa ika-176 Founding Anniversary ng naturang bayan.

via Mary Joy Almarez
likhang pubmat ni Neil John Hernandez





06/12/2024

| WIKA-TAGUYOD: Wastong Inisyatibo Kaakibat ng Adhikain ng mga TagapagTAGUYOD ng Wika



06/12/2024

| IMPACT: Infusing Management, Project Development, and Accountability Training through Gender Mainstreaming Activities for Barangay Officials in San Juan, Batangas



  | โ€œWIKA-TAGUYOD: Wastong Inisyatibo Kaakibat ng Adhikain ng mga TagapagTAGUYOD ng Wikaโ€ ang titulo ng ginaganap na pal...
06/12/2024

| โ€œWIKA-TAGUYOD: Wastong Inisyatibo Kaakibat ng Adhikain ng mga TagapagTAGUYOD ng Wikaโ€ ang titulo ng ginaganap na palihan, ngayong araw, ika-6 ng Disyembre 2024, sa San Juan Municipal Gymnasium, Poblacion, San Juan, Batangas. Ang palihan ay isang inisyatiba ng mga mag-aaral ng ikalawang taon Batsilyer ng Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino ng Pambansang Pamantasan ng Batangas - Ang Pambansang Pamantasan ng Inhenyeriya - Kampus ng San Juan, na tinuwangan at sinuportahan ng Extension Services Office ng nasabing pamantasan.

Ang tagapanayam na si G. Jomar I. Caรฑega, Hepe ng Sangay ng Impormasyon at Publikasyon ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ay kasalukuyang nagbibigay ng malalim na pagtalakay hinggil sa mga wastong hakbang at inisyatibo na makatutulong sa mas epektibong pagtataguyod ng wika sa kasalukuyang panahon. Ang palihan ay patuloy ring nagbibigay rin sa mga kalahok ng mas malawak na pananaw at kaalaman tungkol sa papel ng wika sa pagbuo ng mas matatag na komunidad at sa pagpapalaganap ng kultura sa loob man o sa labas ng pamantasan.

mga kuhang larawan ni Denmark Sweden V. Hachuela



  | Sa layuning magbigay ng karagdagang pagsasanay sa mga opisyal ng mga barangay sa San Juan, Batangas, hinggil sa epek...
06/12/2024

| Sa layuning magbigay ng karagdagang pagsasanay sa mga opisyal ng mga barangay sa San Juan, Batangas, hinggil sa epektibo at mas matibay na pamamahala, pag-develop ng mga proyekto, at pagpapatibay ng pananagutan sa pamamagitan ng gender mainstreaming, ngayong umaga, ika-6 ng Disyembre 2024, nag-organisa ng isang palihan na pinamagatang, โ€œIMPACT: Infusing Management, Project Development, and Accountability Training through Gender Mainstreaming Activities for Barangay Officials in San Juan, Batangasโ€ ang Extension Services Office ng Pambansang Pamantasan ng Batangas - Ang Pambansang Pamantasan ng Inhenyeriya - Kampus ng San Juan na ginaganap ngayon sa sa San Juan Municipal Gymnasium, Poblacion, San Juan, Batangas.

mga kuhang larawan ni Denmark Sweden V. Hachuela



๐๐€๐’๐€๐sa panulat ni Melanie M. Sevilladibuho ni Erwin B. MasalungaNananakit na naman siya. Hindi ko tinutukoy ang tao, ku...
28/11/2024

๐๐€๐’๐€๐
sa panulat ni Melanie M. Sevilla
dibuho ni Erwin B. Masalunga

Nananakit na naman siya. Hindi ko tinutukoy ang tao, kundi ang aking likod. Matagal ko na itong dinaramdam, ngunit pinipilit kong balewalain araw-araw. Subalit ngayon, kakaiba ang pakiramdam. Parang may mabigat na nagpapako sa bawat buto, bawat ugat na waring may sariling buhay at kumikirot. Parang may humihigpit na pisi sa aking katawan, na unti-unting gumagapos.

Ilang araw ang lumipas, mas bumigat pa ito. Parang may nakadagan sa akin na hindi nakikita. Isang bagay na tila napakalaki at punong-puno ng p**t. Hindi ko akalain na ang dating ngalay ay magiging ganito kasakit at kabigat. Ngunit bakit? Hindi naman ako nagtrabaho nang mabigat o kaya naman ay nagtrabaho sa arawan.

Nabanggit ko ito minsan sa aking mga kaeskuwela sa paaralan at ang payo nila ay baka raw ako ang nais kalaro ni Sara. Si Sara, ang batang matagal nang namamalagi raw sa aming paaralan. Isang batang babaeng sinasabing may pasan-pasang bakal sa likuran at ngayoโ€™y palihim na naghahanap ng masamang-loob na mapagsasaluhan ng kaniyang dalahin. Dumadalaw raw siya mula alas sais ng gabi hanggang madaling araw, nag-iikot sa mga silid-aralanโ€”naghahanap ng kaluluwang maaari niyang isama.

Hindi naman ako matatakutin kayaโ€™t binalewala ko ang kanilang sinasabi. Ngunit pagdating ng gabi, nagsimulang bumigat lalo ang aking pakiramdam na parang may malamig na hanging dumadampi sa akin kahit nasa loob lamang ako. Hanggang sa hindi ko namalayang napapanaginipan ko na ang langitngit ng bakal na humahagod sa sahig ng aming hallway. Ang tunog ay pumapasok sa aking pandinig. Bawat hagod ng bakal sa semento ay tila isang paalala na hindi ako nag-iisa.

Nagising ako sa ingay ng mga kaluskos sa labas ng aking silid. Waring may mga paang palihim na kumikilos, mga paang mabigat at mahina ang bawat yapak. Pagbukas ko ng mata, naaninag ko ang hugis ng isang batang nakaabang sa pintuan. Nakatayo siya roon, tahimik ngunit nanlilisik ang mga mata. Nakatitig na parang hinihintay ang aking pag-imik. Ang balikat niyaโ€™y nakayuko at nakakita ako ng parang anino ng bakal na nakalawit sa kanyang likuran.

"Marami pa akong gagawin. Hindi ko kayang makipaglaro sa iyo, Sara. Pasensiya ka na.โ€ ang mahinang sabi ko habang nararamdaman kong papalapit siya, dahan-dahang umaakyat sa aking likod, nagpapakilala ng kaniyang bigat sa bawat paggapang ng lamig sa aking balat.

Nanlilisik ang kaniyang mga mata at walang bahid ng awa. Hindi ko na alam kung paano ko siya matatakasan ngunit kahit ano pang paliwanag ang ibigay ko, mananatili siyang nakasampa sa aking likod. Ramdam ko ang malamig niyang hininga sa aking batok habang humihingi ako ng awa.

"Pagod na ako.โ€ ang tanging naisagot ko at tuluyang sumuko. Hanggang sa naramdaman ko ang dahan-dahan niyang pagbitiw at ang bigat na unti-unting gumaan. Bumaba siya mula sa aking likuran at naglakad palayo. Sa huli niyang pagsulyap sa akin, may mga matang nanlilisik ngunit nagbitiw ng isang salitang tumagos: "Magpahinga ka na."

Naalimpungatan ako at napagtanto kong naabutan na pala ako ng gabi sa eskuwelahan. Ang guwardiya na nakatutok ang selpon sa aking mukha ang pumukaw sa akin.

"Ineng, aba, uwi ka na. Gabi na, baka wala ka nang masakyan niyan," sabi niya. Kaagad akong bumangon, tinipon ang sarili, at nagmadaling umuwi.
Habang pauwi ako, napagtanto ko ang isang katotohanan: walang totoong Sara. Walang batang may bakal sa likuran ang nagpapabigat sa akin, kundi ang sarili kong takot. Takot na magpahinga. Takot na ang bawat segundoโ€™y mawala nang wala akong nagagawa. Takot na baka sa huli, akoโ€™y maiwang nag-iisa.

Ngunit walang hinahabol at walang dapat katakutan sa pahinga. Minsan, kailangan lamang huminto saglit upang magpatuloy nang mas magaan. Kaya naman, matutong magpahinga baka sa isang araw, ikaw naman ang yakagin ni Sara.

likhang pubmat ni Neil John Hernandez



๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐‘๐Ž๐’๐€๐’sa panulat ni Catherine D. Bautista dibuho ni John Anthony A. HispanoAng tunay na pag-ibig ay may kapangyari...
27/11/2024

๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐‘๐Ž๐’๐€๐’
sa panulat ni Catherine D. Bautista
dibuho ni John Anthony A. Hispano

Ang tunay na pag-ibig ay may kapangyarihang magbigay ng labis na kaligayahan, ngunit minsan ay dala rin nito ang pinakamalalim na sakit sa oras ng pagkawala.

Para kay Lara, ang pag-ibig niya kay Jarren ang pinakamagandang yugto ng kaniyang buhay, may mga sandaling punong-puno ng tawanan, kasiyahan, at mga pangarap na tila walang hanggan. Si Jarren ang naging sandigan at inspirasyon niya sa lahat ng bagay at sa bawat araw ramdam niya ang lalim ng kanilang pagmamahalan.

Sa paggunita ng araw ng mga patay, isang trahedya ang nagdulot ng biglang pagbabago. Sa isang aksidente, biglang binawian ng buhay si Jarren, naiwan si Lara sa gitna ng labis na pagdadalamhati at pagkalito.

Matapos ang pagkawala ni Jarren, isang taon na ang nakakalipas hindi pa rin maalis sa kaniyang puso ang pangungulila sa kaniyang pinakamamahal. Gabi-gabi, hinahanap ni Lara ang presensya ni Jarren at naghahangad na kahit isang beses ay makita itong muli. Nang dumating muli ang Araw ng mga Patay, ang panahon ng paggunita at pagdalaw sa mga yumao, nagpasya si Lara na bisitahin ang puntod ni Jarren. Tahimik siyang naglakad papunta sa sementeryo. Sa bawat hakbang, ang isip niya bumabalik sa masasayang sandali nila, sa tawanan, sa pag-asang tila walang hanggan.

Pagdating sa puntod ni Jarren naramdaman ni Lara ang lalim ng kanyang kalungkutan na para bang kahapon lamang ito nawala. Sa kalagitnaan ng kaniyang pagdalamhati isang malamig na simoy ng hangin ang bumalot sa paligidโ€”tila ba may kasamang presensya. Nagdulot ito ng kakaibang kilabot kay Lara, ngunit nanatili siyang nakaupo pinili magtiwala sa kaniyang nararamdaman. Napansin niya may aninong lumalapit sa kaniya mula sa likuran. Nang maglakas loob siyang lingunin ito, laking gulat niya ng makita ang pamilyar na anyo ni Jarren nakatayo ito sa kaniyang likuran, nakangiti nang may lungkot sa mga mata. Ang kaniyang presensya ay tila may dalang kapayapaan, isang damdamin matagal nang hinahanap ni Lara.

Hinawakan ni Lara ang malamig na kamay ni Jarren, damang-dama ang pagmamahal na datiโ€™y nasa kanilang mga mata. Sa sandaling iyon, tila naibsan ang lahat ng lungkot at pangungulila. Bago tuluyang maglaho ang imahe ng kasintahan, iniwan ni Jarren kay Lara ang isang ngiting puno ng pangako ng kapayapaan.

Kinabukasan, nagising si Lara sa puntod ni Jarren iniisip kung panaginip lamang ba ang lahat. Ngunit sa tabi niya, natagpuan niyang may iniwan piraso ng puting rosas, dahil dito inakala ni Lara na totoo ang lahat ng nangyari, ngunit ito panaginip lamang lahat at ang puting rosas na nakita niya ay galing sa isa pang kasintahan ni Jarren. Lingid sa kaalaman ni Lara na, bago mamatay si Jarren ay nagkaroon ito ng ibang babae.

likhang pubmat ni Neil John Hernandez



Address

Talahiban 2. 0
San Juan
4226

Telephone

+639553418156

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Daluyong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ang Daluyong:

Videos

Share

Category