Yantok FM 90.1

Yantok FM 90.1 Ang himpilang ramdam kayo. 90.1 Yantok FM! Ang bagong tunog ng FM mo!

JUST IN | Malaking dagdag presyo ng produktong petrolyo, asahan na sa Martes.
31/08/2024

JUST IN | Malaking dagdag presyo ng produktong petrolyo, asahan na sa Martes.

BALIK TANAW | Alam nyo bang si dating Occidental Mindoro Lone District Cong. Nene Ramirez Sato ang unang nagdala ng proy...
31/08/2024

BALIK TANAW | Alam nyo bang si dating Occidental Mindoro Lone District Cong. Nene Ramirez Sato ang unang nagdala ng proyektong solar powered irrigation project sa probinsya? Ito ay sinimulan sa Cabacao Abra de Ilog. Pero noong nawala sya sa tungkulin ay wala ng sumunod na ganitong proyekto ang nagawa sa lalawigan ng

MALAKAS NA ULAN, ASAHAN SA SAN JOSE OCCIDENTAL MINDORO NGAYONG UMAGANEWS | Naglabas ng Thunderstorm Advisory ang PAGASA ...
31/08/2024

MALAKAS NA ULAN, ASAHAN SA SAN JOSE OCCIDENTAL MINDORO NGAYONG UMAGA

NEWS | Naglabas ng Thunderstorm Advisory ang PAGASA Weather Bureau kung saan makakaranas ng malakas na ulan sa susunod na dalawang oras ang bayan ng San Jose Occidental Mindoro.

Sa abiso ng PAGASA Weather Bureau, katam-taman hanggang sa malalakas na ulan ang mararanasan sa mga susunod na oras.

Pinapayuhan ang mga malalapit sa mababang lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha o landslide dulot ng malakas na ulan.

DUMUDUNGAW NA SYA.
31/08/2024

DUMUDUNGAW NA SYA.

TRABAHO SA MUNISIPYO NG MAGSAYSAY OCCIDENTAL MINDORO, GAGAWING APAT NA ARAW NA LANGNEWS | Muling Naglabas ng Executive O...
31/08/2024

TRABAHO SA MUNISIPYO NG MAGSAYSAY OCCIDENTAL MINDORO, GAGAWING APAT NA ARAW NA LANG

NEWS | Muling Naglabas ng Executive Order si Mayor Cesar Tria Jr ng Bayan ng Magsaysay Occidental Mindoro na naglalayong hanggang apat na araw na lang ang trabaho ng mga empleyado ng munisipyo.

Sa kanyang pinirmahan na Executive Order, ipinag-utos ni Mayor Tria na Lunes hanggang Huwebes lamang ang pasok ng mga empleyado.

Ito ay upang makatipid daw ang munisipyo sa paggamit ng kuryente na halos hirap na rin sila sa paglalaan ng budget.

Itinakda ang oras ng trabaho ng alas 7 ng umaga at uuwi ng alas 6 ng gabi.

Ngunit ang mga nasa Emergency Quick Response ay mananatiling limang araw ang pasok upang makapag bigay ng agarang tulong sa mga mangangailangan.

31/08/2024

KAIBIGAN SA KALUSUGAN SIMULCAST IN YANTOKFM90.1 SAN JOSE OCCIDENTAL MINDORO | Presented by The GlobaLeader Inc.
Hosted by: Mr. JOSE RIZAL 'JOJO' GOMEZ with Ms. DAISY and Ms. FLOR
Topic: Cancer
Makinig at manood po tayong lahat sa ating FB Live program sa J101.5fm. Huwag kalimutang i-Share ang ating Live broadcast sa ating mga kakilala, Kaibigan, kamag-anak at mga mahal sa Buhay para ang ating mga sakit ay malulunasan at magagabayan ng inyong "Kaibigan Sa Kalusugan".
August 30, 2024- Saturday

MAGHAPONG BROWNOUT, IPATUTUPAD SA ISLA NG ILING, AMBULONG AT ILANG BAHAGI NG MAGSAYSAY OCCIDENTAL MINDORONEWS | Muling m...
30/08/2024

MAGHAPONG BROWNOUT, IPATUTUPAD SA ISLA NG ILING, AMBULONG AT ILANG BAHAGI NG MAGSAYSAY OCCIDENTAL MINDORO

NEWS | Muling makakaranas ng maghapong brownout ngayong Martes ang mga isla ng Iling at Ambulong kasama na ang malaking bahagi ng Magsaysay Occidental Mindoro.

Sa abiso ng Occidental Mindoro Electric Cooperative, alas 9 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi ay walang kuryente ang mga nabanggit na lugar.

Ito ay dahil sa gagawing clearing operation sa mga daluyan ng kable ng kuryente.

MUNISIPYO NG PALUAN OCCIDENTAL MINDORO KANINANG NASUNOG KAGABINEWS | Tinupok ng apoy ang munisipyo ng Bayan ng Paluan Oc...
30/08/2024

MUNISIPYO NG PALUAN OCCIDENTAL MINDORO KANINANG NASUNOG KAGABI

NEWS | Tinupok ng apoy ang munisipyo ng Bayan ng Paluan Occidental Mindoro kagabi.

Nagsimula ang sunog sa tanggapan ng Human Resource Office pasado alas 9 ng gabi kagabi.

Mabilis naman rumesponde ang mga Bumbero at naapula ang apoy.

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection upang alamin ang sanhi ng sunog.

MGA OPISYAL NG SAN JOSE TODA, PINANUMPA NI CONG. ODDIE TARRIELANEWS | Pinangunahan ni Occidental Mindoro Lone District C...
30/08/2024

MGA OPISYAL NG SAN JOSE TODA, PINANUMPA NI CONG. ODDIE TARRIELA

NEWS | Pinangunahan ni Occidental Mindoro Lone District Cong. Oddie Tarriela ang pagpapanumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng Tricycle Operators and Drivers Association ng San Jose Occidental Mindoro.

Itoy matapos ang kanilang naging halalan para sa mga mamumuno ng kanilang organisasyon.

Matapos ang panunumpa, isang konsultasyon ang ginawa ni Cong. Tarriela upang alamin kung ano ang maaaring panimulang tulong sa kanila.

Ang mga TODA sa San Jose Occidental Mindoro ay mayroong kabuuang bilang na mahigit 7,000 na mga myembro.

📸 OK si Cong. Oddie

YAN ANG AMING PANALANGIN, OH DIYOS
30/08/2024

YAN ANG AMING PANALANGIN, OH DIYOS

Abangan bukas sa Yantok FM 90.1 Occidental Mindoro
30/08/2024

Abangan bukas sa Yantok FM 90.1 Occidental Mindoro

YANTOK PRESIDENT MICHAEL ROGAS, NAKIRAMAY SA PAMILYA TULFONEWS | Personal na nagtungo kaninang hapon si Yantok President...
30/08/2024

YANTOK PRESIDENT MICHAEL ROGAS, NAKIRAMAY SA PAMILYA TULFO

NEWS | Personal na nagtungo kaninang hapon si Yantok President Michael Rogas sa Sanctuario Araneta Avenue Quezon City.

Ito ay para nakiramay sa pamilya Tulfo sa pagkamatay ni Mommy Caring Tulfo.

Si Mommy Caring ay ina nina Broadcaster Ramon Tulfo Jr, Tuchi Tulfo, dating Sec. Wanda Tulfo, Broadcaster Ben Tulfo, B**g Tulfo, Joseph Tulfo, Sen. Raffy Tulfo, Cong. Erwin Tulfo at Edel Tulfo.

Kasama ni Mr. Rogas ang Pangulo ng National Press Club na si Mr. Leonel Abasola.

Salamat po, YAWEH
30/08/2024

Salamat po, YAWEH

30/08/2024

Tunghayan ang maiinit na balita na nakalap ng teletabloid ngayong Biyernes!
Simulcast on YANTOK FM 90.1 Occidental Mindoro

• Alice Guo, Cassandra Ong swak sa kasong money laundering

• ‘Tobats’ babaha sa ber-months, 2025 elections – PDEG

• Tsuper na may ‘amatz’ sinilaban sarili habang live online

• Kyline Alcantara sa hiwalayan nila ni Mavy Legaspi: Move on na tayong lahat!

• prinsesa ng kweba: elle villanueva binalandra wet look habang nasa palawan

Mag-subscribe at i-follow na kami sa aming social media accounts:

YouTube: youtube.com/abantedigital
FB: https://www.facebook.com/abantenews
Twitter: https://twitter.com/AbanteNews
Bisitahin din ang aming website:
https://www.abante.com.ph/

BAYAN NG RIZAL OCCIDENTAL MINDORO, NIYANIG NG LINDOL NGAYONG HAPONNEWS | Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ngayong hapo...
30/08/2024

BAYAN NG RIZAL OCCIDENTAL MINDORO, NIYANIG NG LINDOL NGAYONG HAPON

NEWS | Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ngayong hapon ang bayan ng Rizal Occidental Mindoro.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 15 kilometers.

Walang inaasahang aftershocks o anumang pinsala sa nasabing lindol.

30/08/2024

.1 | August 30, 2024

Kasama si Alan Allanigue.

DEVELOPING STORY | UNTI-UNTI NG NAIBABALIK NG OMECO ANG SUPLAY NG KURYENTE NGAYONG UMAGA MATAPOS ANG MALAWAKANG BROWNOUT...
30/08/2024

DEVELOPING STORY | UNTI-UNTI NG NAIBABALIK NG OMECO ANG SUPLAY NG KURYENTE NGAYONG UMAGA MATAPOS ANG MALAWAKANG BROWNOUT NA NARARANASAN

30/08/2024

BREAKING NEWS | KASALUKUYANG NAKAKARANAS NG MALAWAKANG BROWNOUT ANG BUONG LALAWIGAN NG OCCIDENTAL MINDORO NGAYONG UMAGA MATAPOS MAGKAROON NG POWER TRIPPING SA BUONG FRANCHISE AREA NG OMECO

CONG. ODDIE TARRIELA, AKTIBONG NAKIISA PARA HIMAYIN ANG PANUKALANG BUDGET NG DOH AT DOTRNEWS | Tiniyak ni Occidental Min...
29/08/2024

CONG. ODDIE TARRIELA, AKTIBONG NAKIISA PARA HIMAYIN ANG PANUKALANG BUDGET NG DOH AT DOTR

NEWS | Tiniyak ni Occidental Mindoro Lone District Cong. Oddie Tarriela na magiging maayos ang panggastos ng panukalang budget ng Department of Health at Department of Transportation.

Ito ang naging focus niya sa kanyang naging pagdalo sa budget hearing ng dalawang ahensya na ginawa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sinamantala na rin ni Cong. Oddie Tarriela ang pagkakataon para hingiin sa DOH na maisailalim ang San Jose District Hospital sa pangangasiwa nito.

Sakaling nasa ilalim ng DOH, sila na ang direktang maglalaan ng pondo, magdadagdag ng mga doktor, nurses, mga kagamitan, gamot at maraming iba pa.

Ito ang nakikitang paraan ni Cong. Oddie upang maibsan ang malaking problema ng San Jose District Hospital.

📸 OK si Cong. Oddie

29/08/2024

.1 | August 30, 2024

Kasama si Hero Robregado.

MGA BHW, TUMANGGAP NA NG BUWANANG INSENTIBO MULA KAY GOV. EDUARDO GADIANONEWS | Masayang tinanggap ng mga Barangay Healt...
29/08/2024

MGA BHW, TUMANGGAP NA NG BUWANANG INSENTIBO MULA KAY GOV. EDUARDO GADIANO

NEWS | Masayang tinanggap ng mga Barangay Health Workers ang kanilang buwanang insentibo mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Mismong si Gov. Eduardo Gadiano ang nanguna para ipamahagi ang monthly incentives sa 504 BHW ng Bayan ng San Jose.

Nasa pitong libong piso ang natanggap ng mga BHW na kanilang insentibo.

Ang pamamahagi ng incentive ay paraan ng Provincial Government upang kahit papaano ay masuklian ang sakripisyo ng mga BHW na katuwang ng Barangay sa pagpapanatili ng kalusugan.

Naging katuwang ni Gov. Gadiano si San Jose Occidental Mindoro Mayor Atty. Rey Ladaga.

📸MIO San Jose Occidental

BAYAN NG SABLAYAN, NILINDOL KANINANG HATING GABINEWS | Nakaranas ng lindol kaninang hating gabi ang bayan ng Sablayan.Ay...
29/08/2024

BAYAN NG SABLAYAN, NILINDOL KANINANG HATING GABI

NEWS | Nakaranas ng lindol kaninang hating gabi ang bayan ng Sablayan.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs, natukoy ang sentro ng lindol sa lalim na 22 kilometers ng North East.

Tectonic ang origin ng lindol na may magnitude 2.5.

Wala namang naitala na nasaktan o napinsala sa nasabing lindol.

29/08/2024

Tunghayan ang maiinit na balita na nakalap ng teletabloid ngayong Huwebes!
Simulcast on YANTOK FM 90.1 Occidental Mindoro

• Tumakas sa ticket: Driver na kinaladkad enforcer sa Taguig swak sa homicide - MMDA

• Jojo Nones pinalaya na mula sa contempt matapos mag-’sorry’ sa mga senador

• Bagong health declaration form ipatutupad ng DOH kasunod ng dagdag-kaso sa Mpox

• Kumasa ka na ba? Bagong trend sa socmed, binida AI

• Mga boylet gustong makibabad sa pool with Pia Wurtzbach

Mag-subscribe at i-follow na kami sa aming social media accounts:

YouTube: youtube.com/abantedigital
FB: https://www.facebook.com/abantenews
Twitter: https://twitter.com/AbanteNews
Bisitahin din ang aming website:
https://www.abante.com.ph/

JUST IN | Pinagtibay ng Muntinlupa City Regional Trial Court ang nauna nitong desisyon na ipawalang Sala si dating Sen. ...
29/08/2024

JUST IN | Pinagtibay ng Muntinlupa City Regional Trial Court ang nauna nitong desisyon na ipawalang Sala si dating Sen. Leila de Lima sa kanyang kinakaharap na kasong illegal drugs. Itoy matapos ibasura ng korte ang apela ng prosekusyon na bawiin ang naunang desisyon ng Korte sa acquittal ng dating Senador.

29/08/2024

.1 | August 29, 2024

Kasama si Alan Allanigue.

LICENSE TO OPERATE NG YANTOK PRIVATE SECURITY SERVICES, RENEWED NA HANGGANG 2029NEWS | Muling nakapag-renew ng License T...
29/08/2024

LICENSE TO OPERATE NG YANTOK PRIVATE SECURITY SERVICES, RENEWED NA HANGGANG 2029

NEWS | Muling nakapag-renew ng License To Operate ang Yantok Private Security Services.

Sa pagkakataong ito, aabot na sa limang taon anv LTO ng kompanya na mag-expire sa August 2029.

Masayang tinanggap ni Yantok Private Security Services President Michael Rogas ang License To Operate mula kay Police Senior Staff Sargeant Migs Adiago ng Civil Security Unit sa Camp Crame Quezon City.

Nagpasalamat din siya sa mga kawani at security personnel ng kompanya dahil sa sigasig ng mga ito na makapag bigay ng maayos na serbisyo sa mga kliyente.

Address

Purok 7 San Roque
San Jose
5100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Yantok FM 90.1 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Yantok FM 90.1:

Videos

Share

Category