Joyz to inspire people

Jeremiah 29:11 "For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plan...
24/05/2023

Jeremiah 29:11 "For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

My life verse: I created my own page to let you know, Yes you, the one who read this, that God has already laid His plan for your life. That despite of all our mistakes, despite of all our failures, despite of all our broken dreams, God is there, reminding you that He's working behind the scene.

Let me share with you, the goodness of God in my life that despite of all my mistakes and failures in life in the past and maybe in the future ahead, He's there. Na kahit sino ka pa, ano pa ang nagawa mo, lilingunin ka ng Diyos. Marami akong mga pagkakamali at mga maling desisyon sa buhay, pero nilingon at inabot pa rin ako ng Panginoon. Before my life is a mess, but now I can say that my life has a Message to share, before my life is full of testing even now, but God turned it and will turn it into Testimony someday. I don't have a perfect life, I don't have either a perfect heart but one thing is for sure that I have a perfect God. And that God is the same God from yesterday, today and forever.

His faithfulness remain and His love is forever. Walang pagkakamali na hindi kayang iayos ng Diyos sa buhay mo. Walang kasalanan na hindi kayang linisin ng Diyos. Laging paalala sa ating Mahal ka ng Diyos at ang Kanyang pag ibig at katapatan kailanman hindi magbabago. Marami na akong pinagdaanan, nangyari na sa akin yung pinakamasakit at pinakamabigat, pero nakatayo pa rin ako dahil Sayo.

Kaya anuman ang pinagdadaanan mo ngayon Kapatid, lagi mong alalahanin ang kabutihan ng Diyos sa buhay mo. Kung paano Siya kumilos at kung paano ka Niya inayos. Magpatuloy ka lang sa paglakad sa kalooban Niya sa buhay and in His time your own miracle will happen. Minsan kailangan nating gumapang para maranasan natin yung miracle ng Diyos sa buhay natin. At ok lang yon, masaya sa piling ng Panginoon.

My prayer for tonight is "Lord I surrender my life to you, wala na akong hahawakan na kahit ano kundi ang Salita at Pangako mo, na hindi mo ako iiwan at hindi mo ako pababayaan, mangyari ang kalooban mo at hindi na ang kagustuhan ko. Nakahanda ako Lord, anuman ang ipagawa mo, susunod ako dahil Mahal na mahal kita at anuman ang aking pagdaanan, magtitiwala ako na kasama kita. Maghihintay ako hanggang sa iyong muling pagbabalik.




Have a blessed night to everyone. God bless you, the one who read this🙏🙏

Sana huwag kang magbabago Bebe..Love na Love ka ni Mama❤️
23/05/2023

Sana huwag kang magbabago Bebe..Love na Love ka ni Mama❤️

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
21/05/2023

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

19/05/2023

Madalas naririnig ko na sinasabi na kapag humaharap tayo sa challenges ng buhay ay dahil may ginagawa tayong mali kaya kailangan natin magreflect sa ating sarili. Pero madalas din natin naririnig bilang Kristyano na "Lord bakit kung kailan gusto kong lumago, bakit kung kailan gusto ko ng mgserve Sayo or Lord bakit kung kailan ang lapit lapit ko Sayo saka naman ako mas maraming hinaharap na challenges sa buhay"?

Bakit? Madalas kaya mas marami ang challenges tayong hinaharap sa buhay dahil gumagawa tayo ng TAMA. Ayaw na Ayaw ni Satan na gumagawa ka ng tama at sumusunod sa kalooban ng Panginoon. Kapag tayo abala sa gawain ng Panginoon nagdo double time din ang kaaway para tayo ay madistract, para tayo ay hindi makapagpatuloy. Kapag feeling mo ayaw mong magbasa, mas lalo kang magbasa, kapag minsan feeling mo ayaw mong magpray, mas lalo kang magpray, kapag minsan ayaw mong dumalo sa mga gawain mas lalo mong ipush na dumalo. Bakit? Matindi man ang atake ng kaaway, makapangyarihan ang Diyos na magiingat at magpoprotekta sa atin.

Kaya ang lagi sa ating paalala, magpakatatag, magpakatatag, Bakit?kasi alam ng Diyos na marami tayong battle na haharapin pero nais Niya na magtiwala tayo sa Kanya. God is bigger than our circumstance, remember that, If we have a mountainsize problems, a mustard seed of Faith can move that mountain. IF WE HAVE FAITH, WE HAVE GOD.

Isang mapagpalang gabi sa ating lahat. God bless us all🙏🙏🙏

Address

San Jose City, Nueva Ecijq
San Jose
3121

Telephone

+639566401305

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Joyz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Joyz:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Digital creator in San Jose

Show All