21/03/2023
Dapit-hapòn ng nilisan ang prògrama,
Dala-dala itòng mga panagawan na likha,
Tanaw yaòng mga naki-baka mula sa dakò-hilaga,
Pinitik ang kàmera at ngiti'y na hulma.
Kasabay ang mga manggagawa,
Nilisan ang pòok sakay ng karitòng de makina,
Ka'y init at sikip sa t'wina,
Musika'y ugòng at mailap ang hangin sa bintana.
Pa abòt 'ho ng barya,
Tenga'y namingi at mata'y isinara,
Pa abòt pò ale at kuya,
Binuka ang palad n'ong magsasaka,
Inabòt sa tsuper na tila inip at nangangamba,
Dahil ang kinita ay mauubòs sa ka'y mahal na gasòlina,
Ka'y tining ng busina.
Haruròt ang kòtse ng mga may kaya,
Tinawid ang kalsada,
Naka lahad kamay ng mga maralita,
Karga ang binhi na bunga ng akala,
Inasa sa hilaw na pag-asa ang nakasisilaw na hinala.
Panalò na!
Sigaw ng mama,
Suòt ay kamiseta na may imprenta ng tumatakbò sa pòlitika,
Nanalò na!
Iyak ng binatang naka himlay sa upuang de gulòng niya.
Kasama ang angaw na umaasa na sila'y maiaangat at maisasama,
Naniniwala na sila'y aalpas dahil sa kanila,
Silang mga umalsa naman ay kinukutya,
Pinatatahimik at pinadadapa,
Dahil uupò na siyang tinala,
Pinakawalan ang ginapòs na Bàkunawa.
Isinara ang pintò,
Sa elektrònikòng parisukat dadalò,
Ililimbag ang mga tula na ito,
May sumisilip sa dulò,
Elementò na kunwari'y santò,
Susundan ang silang mga kritikò,
Ihanda ang panyò,
Bubulwak ang pawis at dugó.
Tumahimik na,
Bulungan sa tindahan nila aling Nena,
Nanahimik na siya,
Sambit habang inaalis ang amòy ng pulbura,
Pinatahimik silang nangamba't nag salita,
Tahimik ang bayang naka tanikala,
Ngunit babangòn ang diwang maka-bansa,
Babawi sa kaluluwa't sigaw ng madla.
Bayad pò!
Alingawngaw at nakabibinging sigawan at nakakikilabòt na tinginan,
Ibinulsa ang sukli at nanahan,
Handa na,
Handa na ang bayang mapagpalaya.
"Banlìs"
Ni Astronawta //