Mommy Aya

Mommy Aya Mommy and baby content | Cooking and Baking | Daily Routine | Mommy Essentials | Shopee finds ✨

"The only way to achieve the impossible is to believe it is possible."      04-02-24 🐛😸🎩♠️♣️♥️♦️🐰🍃
14/04/2024

"The only way to achieve the impossible is to believe it is possible."


04-02-24 🐛😸🎩♠️♣️♥️♦️🐰🍃

Matutupad na ang pangarap kong sakupin ang mundo! Nakagawa na ko ng clone 😂Kayo ba may mga clone na rin ba kayo?
03/04/2024

Matutupad na ang pangarap kong sakupin ang mundo! Nakagawa na ko ng clone 😂

Kayo ba may mga clone na rin ba kayo?

"Sometimes we only see how people are different from us. But if you look hard enough, you can see how much we're all ali...
02/03/2024

"Sometimes we only see how people are different from us. But if you look hard enough, you can see how much we're all alike." -Princess Jasmine 🩵

27/02/2024

Nabudol na naman ang mima nyo 🥲

23/02/2024

Ang bilis ng panahon, kailan lang sobrang liit mo pa. Ikaw lang ang baby ng lahat, ngayon ikaw na ang ate. Dami mo ng baby na pinanggigigilan ❤ sobrang sweet mo, sana hindi mo mabago yung pagiging malambing mo na yan. Salamat anak dahil sa edad mong yan marunong ka makuntento sa kung ano lang meron tayo. 🥰

Nakakaiyak nung ginawa ko tong slideshow na to, di ako makapaniwala na ang laki mo na agad.🥺
Ikaw ang unang lesson ni mommy. Kung wala ka, di ko alam paano maging isang mabuting ina.

Maligayang kaarawan, anak ko. Lumaki ka sana ng may takot sa Diyos, mapagmahal, at may respeto sa kahit sino. Iloveyousomuch! 😭💟

Kung kind ka sa ibang tao, dapat mas kind ka sa partner mo. Kung generous ka sa ibang tao, dapat mas generous ka sa part...
21/02/2024

Kung kind ka sa ibang tao, dapat mas kind ka sa partner mo.

Kung generous ka sa ibang tao, dapat mas generous ka sa partner mo.

Kung nice ka sa ibang tao, dapat mas nice ka sa partner mo.

Kung mapag pasensya ka sa iba, dapat mas mapag pasensya ka sa partner mo.

Hindi pwedeng mabait ka sa ibang tao pero sa partner mo lagi kang galit, lagi ka nakataas ng boses, iritable ka.

Sa lahat ng tao, sa partner natin tayo dapat mas nagbabait kasi partner natin sila sa buhay.

Share ko lang. (Appreciation post for my lifetime partner and to all stay-at-home mommy out there) Normal na araw lang n...
14/02/2024

Share ko lang. (Appreciation post for my lifetime partner and to all stay-at-home mommy out there)

Normal na araw lang naman to para sakin, gising sa umaga then asikaso sa anak namin para pumasok sa school. After ko ayusan ang anak ko, hinatid na sya ng daddy nya sa school at ako naman naglinis linis na rin ako sa bahay at naghuhugas ng tambak na hugasin. And then, biglang dumating na si daddy at nagsisisigaw sa labas kesyo bakit daw ganito ano daw ba nangyari, na hindi ko naman maintindihan kung ano sinasabi nya hahaha edi lumabas ako para tignan, pagbukas ko ng pinto bumungad sakin tong mga bulaklak na ito sabay kiss. Di ko alam magiging reaksyon ko kasi di naman kami ganito eh haha di rin naman ako nag eexpect ng kahit ano ngayong valentines dahil nga wala naman na ko ibang gusto kundi kasama ko lang sila. Nakakatuwa na kahit anong itsura kong humarap sa kanya, gandang ganda pa din sya saken. Kahit bagong gising ako at may panis na laway pa, kinikiss ako nyan. Kahit lagi magulo ang buhok ko at ilang araw na ko di nakakaligo, niyayakap pa rin niya ko. Nung minsang hindi ako makakilos sa bahay dahil masama pakiramdam ko, si daddy ang gumawa ng mga gawaing bahay. Araw-araw nyang pinaparamdam saken na mahal na mahal nya ko, kami ng mga anak niya.

Totoo nga, na ang pagiging Housewife ang pinakamahirap na trabaho sa buong mundo, walang day-off, walang sahod, at di ka pwedeng mag resign.

Kaya sa lahat ng stay-at-home mama dyan, I see you. I see you trying your best, kahit di kana nakakalabas ng bahay. I see you pouring your love into your family, kahit pakiramdam mo nag-iisa ka. Kumikilos ka na parang hindi napapagod, kahit alam mong walang katapusan yung mga ginagawa mo. You're doing an amazing job!

Kaya salamat sa mga mister na hindi pinapabayaan ang mga misis nila. Salamat sa pagpaparamdam sa amin na hindi kami pumapangit sa kabila ng lahat ng pagod at sakripisyo.

Masasabi ko talaga na I'm the luckiest wife to have you as my life partner at daddy na rin ng mga anak ko. Thank you for being so kind and loving, mahal! ❤
HAPPY VALENTINES DAY sa lahat 🥰

Ano akala nyo, kayo lang? Kami din no 😏🐣 Hahahaha
13/02/2024

Ano akala nyo, kayo lang? Kami din no 😏🐣 Hahahaha

Beauty and the Beast theme 🌹4 months old baby milestone. 🥰
06/02/2024

Beauty and the Beast theme 🌹
4 months old baby milestone. 🥰

😏
31/01/2024

😏

Ang magandang mukha TUMATANDA, Ang magandang katawan NAGBABAGOPero ang MABUTING PUSO ay PANG-HABANGBUHAY. Piliin natin l...
29/01/2024

Ang magandang mukha TUMATANDA,
Ang magandang katawan NAGBABAGO
Pero ang MABUTING PUSO ay PANG-HABANGBUHAY.
Piliin natin lagi maging mabuti at maging masaya. 💖

28/01/2024

Ang bigat mo naman 2024

27/01/2024

Time proves everything. ⏳⌚

Imbis na tumingin at mainggit sa relasyon ng iba, sikapin nating tingnan kung anong meron tayo na wala sila. Dahil wala ...
27/01/2024

Imbis na tumingin at mainggit sa relasyon ng iba, sikapin nating tingnan kung anong meron tayo na wala sila. Dahil wala ng mas ja-jackpot pa sa mag asawang nagmamahalan, may respeto, at kuntento sa isa't-isa. 💖

Address

San Jose Del Monte

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mommy Aya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Mommy Aya:

Videos

Share