28/11/2024
Di ko piniling maipanganak sa Bansang Pilipinas, pero pipiliin kong mabuhay at ipaglaban ang bansang Pilipinas dahil ito ang bayang pinili nang Diyos para saakin. Hindi naman mahirap mahalin ang bayang Pilipinas, mahirap lamang itong unawain at intinidihin.
Dahil sa mga iba ibang ideyolohiya, impluwensya, at kultura na nakagisnan at nakasanayan mula sa iba ibang Nasyon na sumakop sa ating bayan na nag resulta nang kung anu tayo ngayon. Marami ang gusto maging hilaw na amerikano, koreano, hapon at iba. Ngunit anu nga ba ang ating nasyonalidad at saang bansa ka pinanganak?, hindi ba sa Pilipinas, dito ay ikaw ay isang first class citizen, at tayo ay mga Pilipino? At kung tayo ay mag babalik tanaw, hindi ba't mas marami ang Pilipinong lumaban at nag kaisa upang tayo'y makalaya sa tinatamasa nating kalayaan ngayon? Na nagresulta rin sa pagkakaroon ng demokrasya!
At ang pagpili nang sinusuportahang kandidato ay karapatang pang demokrasya ng bansa pero huwag sana nitong pagbuklodin ang pag mamahal natin sa bansang ating kinagisnan. Kahapon man ay may iba kang partidong ipinaglalaban, pero sana irespeto mo ang pinili ng taong bayan; At ngayon ay sama samang ipaglaban ang bansa sa katiwalian ng Gobyerno. Masa laban sa korap na gobyerno!
Huwag nang magsisihan ang milyon milyong bomoto sa nanalong kandidato, sapagkat ang taong bayan ay nilinlang lamang dahil madalas ay parepareho lamang ang nais nang isang kandidato, ang manalo at maibulsa ang kaban ng bayan. Mga bala't sibuyas!, sa oras nang pangangampanya'y sila ay mala anghel ngunit nang sila'y pinanalo nang taong bayan ang ngiti nila'y napalitan at mala demonyo. Bihira na lamang ang lider na may tunay na malasakit sa bayan.
Bakit kailangang ng taong bayan mag laban laban nang kanilang kandidato sa matagal na panahon? Hindi ba dapat ang laban ay dapat lamang nagaganap habang oras nang pag papalit ng pinuno? Ngunit ngayo'y nag kakaroon pa din nang pag bubuklod habang ang bansa natin ay nag dudusa?
Hindi baril at itak ang armas sa labang ito, katulad na lamang ng ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal, pluma at papel, ngayon sosyal medya, boses at talumpati ng marinig ng kinauukulan ang pinaglalaban ng mamamayan.
Ang tunay nakapangyarihan nang isang demokratikong bansa ay nasa kamay ng buong mamamayan. Hindi ba't ang nais nang bawat Pilipino ay ang mag karoon nang maganda at matiwasay na pamumuhay sa pamamagitan nang pag kakaroon nang mahusay na Lider ng bansa?
Hindi ba't sa tuwing nag kakaroon nang pag taas nang presyo nang bilihin hindi lang ang p**a o bughaw ang nagdurusa kundi ang boung kulay sa Watawat ng Pilipinas, tama po ba? Dumaan ang mga bagyo at nung bumaha, sino ang nagdusa? Hindi ba't ang taong bayan? Tumaas ang presyo ng bigas, gasulina at ng kuryente, hindi ba't lahat ay nag durusa upang mabayaran ang mga ito?
Kung kaya't huwag na tayong mag bulag bulagan at bingibingihan, at lalo na at huwag mong ipagdamot ang iyong pakialam, sapagkat bayan na natin ang nagdurusa. Hindi man labanan ng buhay at kamatayan ang sitwasyon natin ngayon, pero iisa lamang ang ating ipinaglalaban ito rin ay ang Bayang ipinaglaban nang ating mga ninuno na ngayo'y nakalaya mula sa gyera at opresyon mula sa dayuhan at nakamit ang demokrasya na napagkait sa kanilang panahon. Bayan natin ang sumisigaw at nahihirapan mula mismo sa kamay ng mga Pilipinong sakim at ganid sa kapangyarihan at kayamanan.
Ngayon, hindi ibang bayan ang kalaban nang ating bansa kundi ang kapwa rin Pilipino. Gobyerno laban sa Masang Pilipino!
Hindi berde, dilaw, o rosas ang nais kong ipaglaban, kundi ang kulay sa Watawat ng aking Bayan. Kung kaya't mayroon man kayong kanya kanyang kulay na sinusuportahan, huwag sana itong dahilan upang limutin ang obligasyon natin sa ating Bayang kinagisnan at minamahal.
Buwis na mula sa iyong dugo't pawis na iyong pinag hirapan mula nang ikaw ay matutong magtrabaho ay binubulsa na lamang para sa pansariling interes. Kapangyarihan na ibinigay ng mga Pilipino sa kamay ng gobyerno ay inaabuso, Abogado na may alam sa batas ay ikinukulong na lamang?, Pulis sa loob mismo ng kanilang kampo ay namatay? Asan ang Hustisya? Gising Pilipinas!
Hindi ba't may mali na sa ating Bayan? Huwag mag bulag bulagan at bingibingihan, ang iyong pag mamahal sa bayan ay dapat mag alab. Ituwid ang mali, at iwaksi ang kasamaan sapagkat buhay ng susunod na henerasyon ay nakasalalay sa ating kamay ngayon!
Panginoon kami po ay iyong gabayan!